This is a love story that will measure the love, friendship and hatred...a love story na magdadala sa inyo sa magulong mundo ng politics at showbiz...Sa dalawang mundong parehong puno ng pagkukunwari. Ano nga ba ang mas mahalaga pagkakaibigan o pag-ibig, ambisyon, pangarap o pagmamahal na hindi mo kayang pakawalan kapalit ng kasikatan?
Siya si Crystal Montenegro, maganda, mayaman, sikat at mula sa mga kinikilalang pamilya sa lipunan. Para sa iba maswerte siya kasi lahat nasa kanya na! Kagandahang kinaiinggitan ng lahat, magandang buhay na inaasam at pinapangarap ng marami, kasikatan na pinipilit abutin at pantayan ng karamihang nag-aambisyon ding sumikat pero sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay natatago ang matinding kalungkutan.
She was hurt by her best friend at ang mas masakit pa, hindi lang niya ito bestfriend, pinsan pa niya ito , kadugo, kasangga, kakampi pero ngawa siyang saktan. Inahas nito ang lalakeng mahal niya.
Pinilit niyang kalimutan ang mga taong nanakit sa kanya at magfocus sa kanyang career. Nagtagumpay siya! Nakamit niya ang kasikatang pinapangarap ng lahat pero hindi siya masaya and now she's back for love and revenge.
Siya si Monica Montenegro ang nag-iisang anak na babae ng mga Montenegro. Lumaki siyang spoiled brat, dahil anumang gustuhin niya ay nakukuha nya. She always gets what she wants but not the man she used to love since she was a child. Bata palang siya ay patay na patay na siya sa best friend ng Kuya Brando nya na si Vincent Buencamino, a certified gigolo pero little sister lang ang tingin nito sa kanya. But because she loves him that much ginawa nya ang lahat para makuha ito at maagaw sa girl friend nito. Isang desisyon na babago sa takbo ng kanyang buhay. Akala nya magiging masaya na siya dahil sa wakas nakuha na niya ang gusto nya. Pinakasalan siya ng taong mahal niya, hindi pala, dahil sa laki ng galit sa kanya ni Vince Kinamuhian siya nito at nangakong gagawing impyerno ang buhay niya sa piling nito. Magawa pa kaya siya nitong mahalin. Magagawa kayang tunawin at lusawin ng pagmamahal nya ang nag-uumapaw na galit nito sa kanya dahil itinali nya ito sa kasal na hindi nito ginusto dahil may iba itong mahal at sanay pakakasalan kung hindi lang siya pumasok at naggulo sa eksena.
Dahil sa gipit sa pera at kapit sa patalim napilitan si Cara na sumali sa mail to order bride. Isa iyong online platform na kung saan pwede ka ng makapamili ng babaeng gusto mong mapangasawa. It is a dating site. An international agencies that provides men their ideal wife. Pwede ka ditong mag-order ng mapapangasawa. Nag-sign si Cara ng contract para sa membership kapalit ng fifty thousand pesos na kabayaran para sa pagpirma ng kontrata. Until one day kinontak siya ng isang nagngangalang Mr. Randy Moore from England. Kasalukuyan daw siyang nasa Pilipinas at naghahanap ng mapapangasawa para sa kanyang boss. Nakipagkita siya sa lalake at ganun nalang ang gulat niya ng alukin siya nito ng limang milyon kapalit ng pagpayag niyang maging asawa ni Mr. Calderon. Dahil sa kailangan niya ng pera para sa pang paopera ng nanay niyang may sakit sa puso ay pumayag siya sa offer nito. Isang marriage certificate ang pinapirmahan nito sa kanya. Ng mapirmahan niya ang kontrata ay sinabi nito sa kanya na married na siya at hindi na pwedeng makipagrelasyon sa iba. Kokontakin nalang daw siya nito kapag kailangan na siya ng kanyang asawa.
Weird man ang naging offer sa kanya ni Mr. Moore ay nakatulong naman ang perang ibinayad nito para mapagamot niya ang kanyang ina at maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Makalipas ang isang taon ay nakatanggap siya ng tawag kay Mr. Moore, nasa Pilipinas daw ang kanyang asawa at gusto siyang makita. Kinabahan si Cara dahil nung isang linggo lang ay hindi sinasadyang naisuko niya ang kanyang sarili sa isang estranghero. Nagtaksil siya sa kanyang di pa nakikilalang asawa. Ang virginity na inilaan niya para dito ay nakuha na ng iba. Paano niya ipapaliwanag dito ang nagawang kataksilan. Magustuhan pa kaya siya nito?
Hoy Jansen Benitez mahiya ka naman sa balat mo! who told you na ipagkalat sa buong Campus na tayo na. Itong tandaan mo Jansen kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang patpatin at uhuging tulad mo! Yan ang isinisigaw ni Kasandra Del Rio sa kababatang si Jansen 16 years ago pero bakit tila yata nagbago ang ihip ng hangin sa muling pagkikita nila ni Jansen. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng muli itong makita after 16 years, bakit sa isang iglap ay nawala ang katarayan niyang taglay at napasailalim ng karisma ni Jansen. But to her disappointment ibang-iba na ito sa Jansen na dati niyang kababata dahil ang Jansen na kilala niya ngayon seems to be as cold as ice, pano niya ba palalambutin ang puso nitong sintigas ng bato at sinlamig ng yelo? That's the challenge she needs to face para hindi sila pulutin ng papa niya sa kangkungan dahil ang pagpapakasal lang kay Jansen ang makapagaahon at makapagliligtas sa kanilang kabuhayan.