ARRANGE MARRIAGE
CHAPTER ONE
"Papa you're impossible! ipapakasal nyu ako kay Jansen?" Hindi pa rin makapaniwala si sa idea ng kanyang papa!
"Yes iha! Kasandra you need to understand ang pagpapakasal mo nalang kay Jansen ang pag-asa natin. Anak maiilit na ng bangko ang lupa at bahay natin pati ang Rancho and your tito Aldie ang daddy mismo ni Jansen ang nakaisip ng idea na ito."
"Pa ayoko! hindi ko type yang si Jansen alam nyu namang bata palang ako eh inis na ako sa lalakeng yun!"
"Pero Kasandra anak, bata pa kayo nun! Malaki na ang ipinagbago ni Jansen, anak alam mo ba na pinag-aagawan siya ng mga kababaehan sa atin."
"Pa wala akong pakialam! basta ayaw ko period. Papa naman eh! kung pera lang ang habol nyu dyan kay Jansen marami akong pwedeng pakasalan na mas higit na mayaman at may pera kaysa sa kanya."
"Anak look, kapakanan mo lang naman ang iniisip ko! matanda na ako at gusto ko kung mawawala na ako sa mundong ito ay masiguro ko na nasa mabuti kang kalagayan at nasa mabuti kang pangangalaga. Look iha mula pagkabata kilala mo na si Jansen at ang pamilya nila mabubuti silang tao at sa kanila ko ikaw gustong maiwan."
"Papa naman eh! bakit ka ba nagsasalita ng ganyan kung yung bahay at lupa ang pinoproblema nyu wag kayong mag-alala may ipon naman ako. tutubusin natin siya sa bangko."
"Anak alam kung hindi pa ganun kalaki ang ipon mo sa bangko at hindi yun sasapat para matubos mo sa pagkakasanla ang lupa at bahay natin isama pa ang rancho."
"I'm sorry pa pero hindi ko kayang magpakasal sa isang lalakeng hindi ko gusto at hindi ko mahal."
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo iha? "
"Hindi na papa and that is my final answer."
"Kung ganun iha hindi na ako magtatagal uuwi na rin ako sa atin."
"Pero Pa gabi na bakit hindi nalang kayo bukas magbyahe ni mang Carlos dito nalang kayo magpalipas ng gabi sa Condo ko."
"Anak alam mo namang alergy ako dito sa Maynila. Hindi ako hiyang sa polusyon dito"
"Pa ang OA mo para isang gabi lang naman kayong mag-i-stay dito ah."
"Iha marami din akong dapat asikasuhin sa Hacienda at alam mo naman na sa sitwasyon ng kabuhayan nati ay hindi ako dapat magpabaya."
" I'm sorry pa, perowag po kayong mag-alala gagawa po ako ng paraan para makaahon tayo "
Hindi din napigilan ni Kasandra ang kanyang papa sa pag-alis.
Hindi siya dalawin ng antok. Nag-aalala siya sa kanyang papa alam niyang masyado itong apektado sa pagkakasanla ng bahay at lupa nila sa bangko pati na ang Rancho.
Muling sumagi sa isip niya ang suggestion ng kanyang papa na pagpapakasal kay Jansen. Hindi niya
maimagine that she's going to marry the man na kinaiinisan niya before at muli ay nagbalik tanaw siya sa kanilang kabataan ni Jansen.
" Hello Kassandra bati sa kanya ng friend nila ni Jansen na si Mikaela. Kayo na pala ni Jansen? tila nagtatanong ang tono nito! "
"What! nabigla naman niyang bulalas at sino namang nagsabi sayo niyan? " mataray niyang tanong sa kaibigan.
" Si Jansen, sabi niya kayo na daw pumayag ka na daw na maging kayo" Pagkukwento sa kanya ni Mikaela. "Ipinapangwento nya na nga kina Erick eh."
"Ano! s**t! that's not true bakit naman ako papatol sa ugok na yun! di hamak naman na mas gwapo at magaling magbasketball sa kanya si Erick ano. Humanda sa akin yang Jansen na yan!"
Nadatnan ni Kasandra si Jansen na nakikipaglaro ng basketball kina Erick sa Court.
"Hoy Jansen! sigaw niya dito!"
" Yes Kasandra my loves!"
"Anong Kasandra my love! tigiltigilan mo nga ako ha dahil kinikilabutan ako dyan sa pinagsasabi mo! at sinong nagsabi sayo na ipagkalat na tayo na."
"Bakit diba sabi mo tayo na!"
"Ano! ugok! at naniwala ka naman! hindi ba pwedeng nagjojoke lang ako at pinasasakay lang kita ng sabihin ko yun. Hoy Jansen tigilan mo na yang kakailusyon mo na magugustuhan kita ano. excuse me pero hindi kita type at never kita magugustuhan over my dead body!"
Pagtataray ng batang si Kasandra. 11 Years old palang sila nun at Grade five pa lang pero dalagang dalaga na siya tingnan dahil matangkad na bata siya at maganda at likas na pala-ayos kaya dalagang dalaga na siya tingnan.
"Pero Kasandra kagabi lang ay sinabi mo sa akin na tayo na! na girlfriend na kita!"
" Jansen para sabihin ko sayo pinasasakay lang kita at isa yun sa task ko sa laro naming truth and consequence nila Kyla feeling mo naman ha."
"Wooohhhhh,,,,,,wala ka pala Jansen eh! yabang lang pala yun eh!"
pang-aasar dito ng mga kalarong sila Erick!
"F.Y.I. lang Jansen ha! alam mo kahit kelan hindi ako magkakagusto sa uhugin at patpating tulad mo! " patuloy na pagtataray dito ni Kasandra.
Si Jansen naman ay halos mamula na ang buong mukha dahil sa labis na kahihiyan sa mga kalaro.
"Napakasama mo pala Kasandra! pinaglaruan mo lang pala ako!"
tila naiiyak ng sumbat sa kanya ng payatot na si Jansen.
"At bakit sino bang nagsabi sayo na totohanin ang lahat! problema mo na yun kung naniwala ka! so siguro naman malinaw na sayo ang lahat ngayon ha Jansen."
Naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Ang makulit niyang manliligaw ang tumatawag.
"Hello! " inis niyang bungad dito.
"Hello hon!" malambing naman nitong bungad sa kanya.
"Hon ka dyan! boyfriend ba kita! " mataray niyang tanong dito?
"Bakit? hindi pa ba? we're dating na nga diba and remember muntik ng may mangyari sa atin the last time we've met."
"And so? eh ano naman ngayon pwede ba inaantok na ako! good night!"
Pagkapindot niya end button ay muli nanaman niyang naalala si ang kababatang si Jansen. Kumusta na nga kaya ang taong yun. Sa dami naman ng mapipili ng papa niya na ipakasal sa kanya si Jansen pa eh marami din naman siyang mga manliligaw na gwapo at mapepera yun nga lang puro walang dating sa kanya. Datung lang ang meron pero sa dating lahat waley hay naku kaylan niya kaya matatagpuan ang destiny niya, sa dami na kasi ng naging boyfriend niya eh wala ni isa man sa mga ito ang tumagal sa kanya. eh para na nga lang siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng boyfriend, pero wala pa rin eh! hindi pa rin niya mahanap yung spark na sinasabi nila. Hindi pa rin bumibilis ang t***k ng puso niya tapos ngayon ang papa niya ipapakasal siya sa uhuging si Jansen. oh no! for God sake! sayang ang beauty niya kung kay Jansen lang din siya babagsak.