Chapter 2

1007 Words
~(REINA CELESTINE CALDERON POV) "I am Xylesier Calderon Jr." I still could not sink it on my head. He looked so serious. Wala man lang akong na-bakas na kahit anong biro man lang sa mga mata at mukha nito. Anong sinasabi nito? "Kukuhanin ko ang mana ko and this house." Kusang umawang nang bahagya ang bibig ko habang nakatingin rito. I was in disbelief. "Teka lang, hijo." Tumayo si ninong. "Xylesier Calderon Jr. ba kamo? Are you claiming na anak ka ni Mr. Xylesier Calderon?" I actually don't know how to react. Totoo man iyon o hindi, I was in shock lalo pa at bigla-bigla na lang itong pumasok sa loob ng bahay. "Oo, anak niya ako." Tumawa si ninong sa sinabi nito. "You cannot just claim it, hijo. Anong pruweba mo? Ni minsan ay hindi niya nabanggit sa akin na may anak pa siya bukod kay Reina." Tumingin ito sa akin. It was just weird na sandaling tumigil ang puso ko sa pagtibok. I was sort of overwhelmed with the attention he gave me. Masyadong matapang ang awra nito. "Hindi siya tunay na anak. Ako ang tunay na anak." I admit na everytime na maririnig ko iyon ay parang kinukurot ang dibdib ko. Lalo ngayon at wala na sila. Nobody would defend me. But then I knew I should stand on my own. I should know how to defend myself alone. Tumayo ako at humakbang patungo sa harap nito. He was tall, dark and... handsome like dad. Hindi ako naniniwala sa sinasbai niya but there was part of my head trying to analyse him. "Do you have proof? Because if you don't have anything to show me, kakasuhan kita ng trespassing." Nag-abot ito ng brown envelop sa akin. Napalunok ako. Mukhang determinado siya and he came here well prepared. Napatingin ako doon. Wala sa loob na kinuha ko iyon mula sa kanya. "No matter what your proof here, hindi iyon magiging sapat para maniwala kaming isa kang Calderon. Kailangan mong dumaan sa imbestigasyon," saad ni ninong. "Alam mong isa akong Calderon," Masama ang tinging sabi nito kay Ninong sabay kuha ng kuhelyo nito. "Hindi ba!?" Nakita ko ang sunod-aunod na pagpunok ni Ninong. Mukhang nag-aapoy naman sa galit ang lalaki na tila ba noon pa man ay mayroon ng malaking galit sa dibdib. "Stop it!" Tinulak ko siya palayo kay ninong. ~(XYLESIER CALDERON JR. POV) Anong karapatan niyang itulak ako? Mabuti na lang at mahaba ang pasensya ko ngayong araw at nakapag timpi ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nagsisilab na ang ulo ko. Gustong gusto ko nang gumati. Gustong gusto kong pumatay para kay Nanang! "You better go bago kita ipahila palabas sa mga guards," bigkas ng babaeng iyon. Oo, kilala ko siya. Kinilala ko lahat ng taong paghihigantihan ko. Kasama siya roon. Dahil patay na ang magaling na lalaking 'yon, siya ang sasapo lahat ng kasalanan niya. "Sa akin ang bahay na 'to, ikaw ang aalis sa bahay na 'to dahil wala kang karapatan sa kahit anong bagay rito!" Mukhang nag-aapoy na siya sa inis. Tama, gan'yan nga. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha lahat ng meron ka! Isa ka lang ampon at hindi ka kadugo, Reina. May humawak na mga guards sa braso ko pero nagpumiglas ako. Sinalubong ko ang matatalim nitong tingin. "Sa susunod, ikaw na ang ipapahila ko palabas ng bahay na 'to. Tandaan mo 'yan." Binigyan ko ito ng isang matalim na tingin bago ako tumalikod rito. Humakbang ako palabas ng bahay. ~REINA CELESTINE CALDERON POV Nakatayo ako sa malaking glass wall sa silid ko. Tinitingnan ko ang mga lights sa labas na ikinabit ni dad because he knew that I really loved lights. Siya mismo ang magkabit no'n even he was too busy. Muli akong sumimsim ng wine. Ayon sa documents at picture sa envelop na inabot niya earlier, magkakilala nga ang mother niya and my dad. Dati itong katulong nina mom and dad noon. Convincing ang pictures and some documents. If he was really Dad's son then I should be happy... But I could not be happy, I was bothered. Sa attitude niya, sa kilos niya, sa pananalita niya. He was like... he was up to something. Parang may galit ang puso niya. I don't wanna judge him but he really looked harmful. I was not scared na mukuha niya lahat. Hindi ako takot maghirap and to be honest hindi ko naman talaga kailangan ng marangyang buhay, I could actually provide for myself. Work for myself. Sobra-sobra ang iniwang kayamanan nina mom and dad para sa akin. Hindi ko iyon kayang ubusin sa isang kisap-mata and I really felt that it was too much for me. But... dad taught me to always fight for my rights as a Calderon. Simula bata ako, him and mom built my confidence. They would always tell me na I shouldn't think na adopted ako because I was their child. Noong nabubuhay pa sila sa tuwing maririnig nila na ampon ako sa ibang tao, they would took revenge for me. Kahit kasosyo sa negosyo ay hindi sila nagdadalawang isip na ilaglag ang mga ito. Hindi ko maiwasang mag-isip. Why didn't they mention him to me? As in never. Never kong narinig na may anak si dad sa ibang babae. Pumikit ako nang mariin. But dad was a womanizer. It was still possible na may anak siya sa ibang babae. Yes, he was loyal to mom, but he was not faithful. Marami nang lumalapit kay dad na mga babae noon pa man at hindi ako magtataka kung mayroon talaga itong anak sa ibang babae. It was just that... mom didn't tell me about it especially dad. Hindi ko matandaan na mayroon silang pinagtalunan tungkol doon. But then they always hid their problems to me. Hindi nila ako hinahayaang makinig sa mga away nila. Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone ko. I dialed Ninong's number dahil pakiramdam ko ay hindi ako mapapakali sa buong magdamag. "Ninong, I wanna know if he's telling the truth."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD