Chapter 1

1000 Words
~(REINA CELESTINE CALDERON POV) Muli kong dinalaw ang puntod ni mom and dad. Bumubuhos pa rin ang mga luha ko. I stayed with them telling all the things I wanted to say and all my frustrations at kung gaano ako natatakot na wala na sila sa tabi ko. Pagkatapos ng mahabang araw ay umuwi na rin ako sa mansion. "Thank you, thank you," I wholeheartedly said before those people left our house. I did not expect na may iilan pa rin ang dumalaw sa bahay to extend their condolences pagkatapos ng libing ni dad. He was known to be strict and unpleasant person. Sa iba, masamang tao siya, but to me... he was the best father kahit hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing nakakakita ako ng mga taong natutuwa sa pagkamatay niya. Hindi ko maiwasang magalit sa mga naririnig kong hindi magandang bagay tungkol sa kanya dahil alam kong walang katotohanan ang mga iyon. Kahit kailan hindi niya pinaramdam sa akin na ibang tao ako. He was always there by my side. Ilang araw akong lumuha sa pagkawala ni dad. Isang taon pa lang ang lumipas simula nang mawala si mom at ngayon ay siya naman ang nawala sa akin. Hindi ko iyon matanggap agad. Hindi pa rin nawawala ang kirot at bigat sa dibdib ko. They were both in god's arms now. Kung nasaan man sila, I hoped they were happy with each other's arms. "I hope you're happy there now, mom... dad." Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko habang nakatingin sa family portrait na nakasabit sa dingding. Hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Masyadong malaki ang bahay, hindi ako sanay na wala sila. Hindi ako sanay na walang sasalubong sa akin pag-uwi ko ng bahay. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako masanay na wala sila but one thing was certain... I needed to stand strong because they always reminded me to fight for name and rights. I needed to be strong for them. Ilang araw ang lumipas, bumista si Atty. Dechavez sa bahay to tell me that I was going to have everything they have left. Lahat ng bahay, lahat ng lupa at negosyo. "They also left you with a huge responsibility, Ms. Calderon." Napa-buntong hininga ako. I know... I never liked business kaya nga ako naging architect. Alam nila na walang sasalo sa business kapag nawala na silang dalawa pero they still let me pursue my dreams. They still supported me in everything I wanted. Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko sa tuwing maiisip ko kung gaano nila ako kamahal. They would always give me want I wanted... what would make me happy. I knew, one day I was going to take over and give up my field but I didn't expect those things to happen earlier without being prepared. Alam ko kung paano sila magtrabaho pero wala akong idea man lang sa trabahong ginagawa nila sa opisina. "I have still lots of business things to learn. I'll do my best," I told him. "That's right. I know you're bright, hija. You can easily learn it, mani-mani lang sa'yo." Napailing ako. They were always confident that I could easily learn everything. Hindi ko tuloy maiwasang ma-pressured. "I don't think so, Ninong. Hindi ko alam kung kaya ko bang pantayan ang galing ni mom and dad pag dating sa business... and you know me very well, I don't usually socialize." Tumawa ito. "Ms. Calderon, mukhang wala ka namang magiging problema dahil manang mana ka sa daddy mo. Kuhang kuha mo ang pagiging strikto niya. Sigurado ako you will be great like them." I already told him to just call me Reina but then he really loved to call me 'Ms. Calderon' dahil noon pa man, lagi ko nang dina-down ang sarili ko thinking that I didn't deserve to be a 'Calderon'. He was always there to tell me that I was part of the family kahit adopted lang ako. I remember bata pa ako noon when he told me na kailangan kong sanayin ang sarili kong tinatawag na Calderon dahil madalas ko raw iyong maririnig sa buong buhay ko and I should be proud to be one. I was really proud to be a Calderon. Gumawa ng malaking pangalan sina mom and dad sa industriya. Isa isla sa malalaking taong madalas yukuan at hanggan. "I'm not even strict, Ninong." "Hmm, kaya pala ilang manliligaw na ang na-basted mo, hija." "Well, that's a different thing, I guess?" We both chuckled. "Magkaibang-magkaiba talaga kayo ni Vern, hija." Ang tinutukoy ni Ninong ay ang anak niyang si Vern na best friend ko na simula pa noong mga bata kami. Kahit malayo, I could still call him at kahit busy na, hindi pa rin ito nakakalimot. Kapag may tanong ako about my law class, sa kanya ko lang iyon tinatanong. He was smart enough to answer all my queries. I wished maisingit ko pa rin ang law school kahit na magiging abala na ako sa business ng pamilya. Maya-maya ay may narinig akong nag-doorbell. Nagmamadali namang lumapit ang isang katulong sa pinto. Nagpatuloy lang kami ni Ninong sa kwentuhan nang marinig ko ang katulong. "Sir, bawal po kayong pumasok..." Kumunot ang noo ko seeing a man walking towards us. Kumabog ang dibdib ko because I never seen him before and bukod sa pumasok siya without permission he also looked... wasted. He was just wearing a boyfriend jeans na butas pa ang gawing tuhod. A shirt na medyo fitted sa maskulado niyang katawan, and he was wearing a... handsome face. I must admit. "We still have enough supply of Alkaline and Mineral water," I said thinking that he was some sort of... water boy. Nakita kong gumalaw ang panga nito. Hindi ko alam kung bakit napalunok ako sa talim ng mga mata nitong nakatingin sa akin. "Kukuhanin ko ang mana ko." Hindi ako nakapagsalita agad. Kusang kumunot ang noo ko. "W-Who are you? "I am Xylesier Calderon Jr." _______________________________________________ A/N: This story is for next year.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD