bc

THE ACE OF SPADES: Miss. Attorney—Human Rights

book_age18+
69
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
mafia
drama
surrender
assistant
substitute
like
intro-logo
Blurb

Si Elizabeth Dianna Williams ay nangarap na maging isang Human Rights Attorney. Tagapagtanggol ng mga kababaihang sinasampal ng kalupitan at hinuhubaran ng hustisya. At natupad nga ang kanyang pangarap dahil sa bakal niyang didikasyon sa buhay.

Isang araw, dumating ang kasong magbabago sa lahat. Isang kliyente na ginahasa ng mismong Alkalde ng Bayan ng San Agustin. At doon mismo sa loob ng korte, unang magbAbanggaan ang mundo nila ng lalaking magpapabago sa mga prinsipyo niyang matagal niyang iningatan.

Police Executive Master Sergeant Victorino Mondragon Jr.

Arogante. Mainitin ang ulo. Walang modo at higit sa lahat ay bastos kausap.

Siya ang humawak ng kaso dahil "malaking isda" ang kalaban. Isang alkalde na hari sa sariling balwarte.

Sa bawat hearing,daig pa nila ang aso’t pusa. Walang tagpo na hindi nagbabangayan at sigawan. Walang nagpapatalo. Pilit nilang binabali ang katwiran ng isa’t isa. Si Dianna, batas kanyang ang sandata. Si Victorino, kamao at bala ang sagot sa lahat ng kaaway.

Hanggang sa dumating ang araw na kinidnap ang biktima. Sa gitna ng rescue operation, sa gitna ng putukan at madugong labanan ay may nabuo. Hindi lang plano ang nagkaisa kundi pati puso nilang dalawa.

Ang aso’t pusa noon, dinaig pa si Jack at Rose sa pilikulqng 'Titanic. Ngunit sa kabila ng saya, may bagyong nakaabang sa kanila. Dahil si PEMS Mondragon Jr. ay may nobya at malapit na silang ikasal.

Nailigtas nga nila ang biktima mula sa kamay ng Alkalde. Pero si Victorino ay napaharap sa mas malaking problema. Nag-aagaw buhay ang Lolo niya. Ang huling habilin ay dapat sundin ni Victorino. Kailangan nitong magpakasal dahil kung hindi ang lahat ng kayamanan, titulo, at kapangyarihan ng Mondragon ay mapupunta sa pinsan niyang matagal nang kaagaw sa trono. Ngunit paano niya matutupad ang huling kahilingan ng kanyang Lolo kung sumama na sa ibang lalaki ang kanyang fiance. Naalala ni Victorino si Dianna kaya agad itong kinausap na maging subtitute bride. Pumayag si Dianna, pero may Isang kondisyon. Ang kalahati ng kayamanan na maiiwan ng Lolo ni Victorino ay mapupunta sa pangalan ni Dianna pagkatapos ng pinirmahan nilang kontrata.

Lingid sa kaalaman ng lahat. Si PEMS Mondragon ay hindi lang basta alagad ng batas. Dahil siya ang "Ace of Spades" ang Mafia Leader ng pinaka-Notorious Organization sa buong Pilipinas.

Naging pulis lang siya para may pantakip sa mga elligal niyang negosyo.

Pagkatapos ng anim na buwan biglang nagbalik si Karen upang angkinin ang trono ni Dianna bilang isang Mrs. Mondragon.

Ano kayang delubyong dala ni Karen sa mag-asawa?... abangan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1. Miss. Attorney —Human Rights
"Ibaba mo akong siraulo ka! Idedemanda kita! Bwisit ka! Galit na galit niyang sigaw sa lalaking ngayon lang niya nakilala. "Hoy! Miss Sungit, Miss Attorney—Human Rights. Kapag hindi kapa tumigil kakatalak mo, hahalikan na kita! Pagbabanta pa sa sa kanya nitong kumag na ito. "Subukan mo, at talagang kakasuhan kita ng s****l Harassment, Republic act 7877! "Ows talaga ba? Masubukan ka nga. Pang-aasar pa sa kanya ng walang modong lalaki na ito at pinalo pa ang kanyang pwetan. "Bastos!" Galit niyang sabi sabay hampas sa likuran ng pulis. Binaba nga siya nito sa hallway at sinandig sa pader. "Sir, hinahamon ka. Ipakita mo nga sa kanya kung sino si Police Executive Master Sergeant Victorino Mondragon Jr. Pag-udyok pa ng isang Pulis kay Mondragon. Tumawa naman ang walang modong lalaki na ito. Sa tanan buhay niya ngayon lamang ito naka-engkwentro ng bastos na pulis na kausap. Kanina pa siya nito ginagalit sa harap ng kanyang kliyente. "Ano nga ulit ang ikakaso mo sa akin?" Tanong pa nito sa kanya na halos idikit na ang labi nito sa labi niya. Naamoy na niya ang mabangong hininga ng bastos na lalaki kahit umiiwas na s'ya. Bago pa s'ya matangay sa kamanyakan ng laki, malakas niya itong itinulak na sanhi ng pagkakaupo sa sahig. Ang mga tauhan naman nitong kasa-kasama ay hindi malaman kung ano ang kanilang gagawin. Tutulongan ba nilang itayo ang nakakataas sa kanila o mas uunahin pa nila ang pagtawanan ito? "Sir, hindi d'yan ang upuan." Tumatawang sabi ni Alix na kasamahan nito. Napaismid na lang siya at mataray niyang hinarap muli ang lalaki. "Alam mo?" Nanggigil niyang sabi. Habang ang kaniyang kamao ay nanggigil na nakaturo sa lalaki, at ang kaniyang bibig ay nanggigil. "Alam mo, napaka baho ng hininga mo! Ang lakas ng loob mo na makipag-usap sa akin tapos hindi ka naman pala marunong mag toothbrush! Ang kapal-kapal pa ng pagmumukha mong Mister Badbreath ka!" Nanggigil niyang sabi sa pagmumukha ng lalaki. Ihit naman sa kakatawa ang mga kasamahan nitong mga Pulis dahil sa kaniyang mga sinabi. Bumuga ito ng hangin sa kanyang palad at inamoy nito ng hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. "Hindi naman ah, baka yang hininga mo ang mabaho. Malapit kasi 'yang ilong mo sa bibig mo kaya yong akala mo ay hininga ko, iyon pala ay hininga mo na ang naaamoy mo na amoy bagoong!" Hindi nagpapatalo na sagot pa nito sa kanya. Akmang tatawa ang mga kabaro nito ng tingnan niya ang mga ito ng masama. "Subukan ninyong tumawa, idadamay ko kayo sa kanya. Kakasuhan ko din kayo!" Pagbabanta niya sa mga ito. Naiwan naman sa ere ang nakabuka nilang mga bibig, at napalunok pa ng laway. Paglingon niya kay Mondragon. Ito naman ngayon ang tumatawa na para bang wala ng bukas. May paghawak pa ito sa tiyan nito. Sa inis niya ay nahampas niya ito ng shoulder bag sa mukha. "Sumusobra kana!" Napipikon nitong singhal sa kanya at sasampigahin na sana s'ya nito. "Subukan mo, dahil idadagdag ko yan sa ikakaso ko sayo. Mister Badbreath! Ang naiwan na kamay nito sa ere ay ibinulsa nito at nagkibit balikat na lang. Akala siguro ng mga bwisit na ito na porket mga lalaki sila at mga pulis ay hindi niya ito papatulan. Isa siyang Human Rights Attorney kaya dapat lang na sarili mona n'ya ang ipagtanggol bago ang iba. Nagmartsa na siya palabas ng korte at tumigil sandali. Pinakiramdaman niya ang sarili, pakiramdam niya ngayon ay sasabog siya sa galit. "Kumukulo ang dugo ko sa Police Officer na iyon na walang modo. Gusto kong manapak, gusto kong manakal ng tao ngayon din!" Sigaw niya na gigil na gigil. At nasa ere pa ang kaniyang mga kamay at gigil na ginugusumot ang pagmumukha ng pulis patola na yon sa kaniyang isipan na parang isang piraso na papel. Hindi s'ya pwedeng umuwi ng hindi s'ya nakakaganti sa unggoy na yon. Hindi s'ya matatahimik. Kailangan masapak niya ng sampung beses ang unggoy na pulis na yon. Muli niyang binuksan ang pinto, hinanap ng kaniyang mga mata ang walang modo na pulis. Halatang nagulat sila sa kaniyang pagbabalik. "Namiss mo na agad ako? Wala pang isang minuto na hindi mo ako nakita. Ano, may nararamdaman ka na ba sa akin? Ang kapal talaga ng mukha na tanungin pa s'ya nito. Tumingin pa ito sa mga kabaro nito ng hindi nito mabanggit ang gusto pa nitong iparating sa kanya. "Ano nga mga dude ang tawag don sa, sa, uhm... sa... yong para bang mahal mona agad ako, kahit ngayon pa lang nagkita?" Nahihirapan sa pag-iisip na sabi nito. Masama parin niya itong tiningnan. "Love at First sight sir." Sagot ni Alix na nakangiti. "Iyon nga." Mayabang pang sabi nito, at nakangisi na tumingin sa kanya "Na love at first sight ka sa akin ano? Dahil ba sa kagwapuhan ko? Sa bagay kahit na sinong babae, kapag sa unang kita pa lang sa akin, naiinlove na agad. Hindi ko kayo masisi, ganyang talaga ang buhay. Dapat sa mga katulad ninyo na nagkakagusto sa akin ay mas habaan ko pa ang aking pasensya. Mahirap na baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabigo ninyo, mag suicide pa pa kayo, konsensya ko pa. Ang hirap talaga kapag pinanganak kang gwapo, iyong bang lahat ng maggandang katangian sa isang lalaki na hinahanap ng mga kababaihan na katulad mo ay nasa akin na. Ang laking problema sa pagkatao ko. Nahihirapan tuloy ako kung paano ko kayo pakikibagayan." Mayabang pang sabi nito, at may paghawak pa sa baba nito at tinataas baba pa ang kanyang makakapal na kilay. Ang kapal talaga ng kanyang pagmumukha, sobrang kapal. Hindi niya alam kung saan balon ito kumukuha ng hangin na nilalagay sa utak ito. Hindi s'ya nagsalita manlang. Inilang hakbang niya lang ito. Hinubad niya ang suot niyang sandals na may taas na 2inches at may matulis na takong. Dahil lalo siyang nainis sa kahanginan ng lalaki. Binato niya ito ang suot na sandals sa pagmumukha ng lalaki. At yon, sapol sa noo. At hindi pa s'ya nakuntento. Binigyan pa niya ito ng isang suntok sa mata ng mawala naman ang kayabangan nito at pagkabelieve sa sarili. Nagulat ito at hindi nakahuma sa kanya. Pagkatapos niyang maisagawa ang ganti sa pulis saka lang s'ya nakaramdam ng kaginhawaan. Ngumiti s'ya na abot hanggang tainga niya, sabay pagpag ng kaniyang kamay. Ang mga kaibigan nito ay natulala, hindi nakagalaw, na para bang ngayon lang nakakita ng isang mataas na officer na sinapak ng isang katulad niya na isang Attorney. Kaya mas lalo s'yang napapangiti. "Ano papalag kayo? Gusto ninyong makatulad sa hambog ninyong officer?" Wala silang imik, tanging pag-iling lang ng ulo ang ginawa nila. "Good! Wala pala kayong binatnat puro lang pala kayo porma na wala naman." Pagkasabi niya, tumalikod na s'ya na may ngiti sa kaniyang labi. Hahakbang pa lang s'ya palabas ng pinto. Tinawag siya ni Victorino. "Hoy, Miss Attorney—Human Rights! Hanggang d'yan ka lang. Subukan mong ihakbang pa ang isa mong paa, bubuntisin kita! Mabilis ang kanyang paglingon dahil sa pagbabanta nito sa kanya. Ngunit nagkamali yata s'ya ng kanyang ginawa dahil paglingon niya ang labi ng pulis ang sumalubong sa kanya. Natulala s'ya saglit at nagpupumiglas. Pilit niyang tinutulak palayo sa kanya ngunit mas malakas sa kanya ang pulis. Mas lalo pa nito pinagdidiinan ang labi nito sa labi niya ng hapitin siya nito sa baywang. Hindi nagtagal, binitawan din ang labi niya. At pareho silang ang habol hininga. "Bastos, manyak!" Gigil na gigil niyang sigaw sa lalaki at malakas niya itong sinampal sa mukha. "Hoy, Miss Attorney—Human Rights! Kulang pa itong ginawa ko saiyo, halik pa lang to. Abangan mo ang malupit kong ganti sa ginawa mong pagsuntok sa mata ko. Pasalamat ka nandito pa tayo sa korte. Kung wala baka binuntis na kita dito. Ikaw lang ang babaeng gumawa nito sa akin. Kaya, mag-ingat ka dahil hindi pa tayo tapos. Ako ang magiging anino mo sa araw araw ng buhay mo. Hindi ako aalis sa likod mo hangga't hindi ako nagaganti sa pagsuntok mo sa mata ko!" Pagbabanta pa nito sa kanya. Hindi s'ya nagpasindak sa pulis. "Akala mo, natatakot ako sa mga pagbabanta mo sa akin? Halik lang yan. Sige, gawin mo ang gusto mong paghihiganti! Akala mo masisindak mo ako. Hoy, Mister Badbreath! Hindi pa naisisilang ang lalaking magpapatiklop ng tuhod ko! Tandaan mo yan dahil ako na mismo ang magsasabi sayo na HINDI PA TAYO TAPOS. Kaya 'yang aninong sinasabi mo wala akong pakialam d'yan baka nga magpasalamat pa ako saiyo, dahil may bodyguard na ako tapos libre pa." Matapang niyang sagot. "Men, lets go! Hindi ako mananalo sa Attorney na ito. Pero may araw din yan sa akin. "Sir, isang Attorney lang pala ang makakatapat mo. Grabe, kahit kami ay hindi kayang makipagtalo sa kanya." Narinig niyang bulong ni Alix. "Tssk... Hindi kona pinatulan para hindi na humaba pa. Kung wala lang tayong pupuntahan na drug raid. Baka umiyak yan sa akin. Nauna na silang lumabas kaysa sa kanya. Siya na lang ngayon ang naiwan dito sa loob ng korte. Sila na lang pala ang nandito kanina, pagkatapos ng unang paghaharap ng kaniyang kliyente at ng Alkalde ng San Agustin. "Bwisit na lalaking 'yon! Sobrang hambog. May bagyo na nga, dumagdag pa sa malakas na hampas ng hangin. Sa dinami daming pulis na hahawak ng kaso ng aking kliyente bakit ang isang unggoy na katulad pa n'ya ang napiling tumulong na bigyan ng hustisya si Chona Villamar? Inayos niya ang sarili at huminga ng malalim upang bumalik sa normal ang lahat. Ayaw na ayaw pa naman niya na nagagalit dahil natitrigger ang pagkamainitin ng kaniyang ulo. Pagkarating niya ng kanyang condo, hinubad niya ang lahat ng kanyang kasuotan at naglakad patungong banyo. Gusto niyang maginhawaan ang kanyang katawan. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili. Ang kanyang labi. Namula ang kanyang pisngi ng maalala ang tagpong iyon. "Bwisit talaga ang lalaking 'yon, ang first kiss ko kinuha n'ya. Bukas, humanda s'ya sa akin, ang kabilang mata naman n'ya ang lalagyan ko ng black eye. Gago s'ya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook