Kumpleto na ba ang lahat? Simulan na natin ang pagdidinig. Papasukin n'yo na si Chona Villamar dito." Saan ng judge. Agad naman inalalayan ni Victorino si Chona Villamar upang dalhin sa loob ng korte, mabait na sumunod si Chona at naupo. Ngunit ng makita niya alkalde Raymart Collins ay nagwala ito at dinuduro ang alkalde. "Hayop ka, sinira mo ang buhay ko! Binaboy ninyo ang katawan ko! Mga hayop kayo! Mga Hayop kayo! Sila ang bumaboy sa akin!" Umiiyak nitong sigaw. Tumayo siya upang pakalmahin si Chona Villamar. "Kumalma ka Chona, nandito ako. Hayaan mong ako ang maglagay sa kanya sa dapat niyang paglagyan... Alix, pasuyo ako ng mineral bottle at pakibigay sa kanya. Victorino pwede bang dito ka lang sa tabi n'ya? Kumilos naman si Alix. "ORDER! ORDER IN THE COURT!" sigaw ng judge, na

