Chapter 28 Clovett Salmigan POV: "Good evening, little miss. Sobrang na miss kita, sorry kung ngayon lang ako nakabalik" malambing na sabi ng asawa ko. Nasa ibabaw ko siya at nakayakap sa akin. Hindi naman niya inilagay ang buong bigat niya kaya nakakahinga pa naman ako. Ngumiti ako at sinuklay ang buhok niya. Hindi ito panaginip at talagang narito ang mahal ko. Nasa tabi ko na at nahahawakan. "Kamusta ang araw mo habang nandoon sa malayo?" tanong ko sa kanya habang ginagawaran ko siya ng mga halik sa kanyang mga labi. Naghihintay sa isasagot niya. "Maayos naman, little miss pero yun nga lang, hindi ko maiwasan na now and then ay maiisip kita. Nanghihina ako kahit lagi naman tayong nagtetext at may oras sa pagtawag." "At ngayon? Ganun parin ba?" sumilay ang ngiti niya at umiling.

