Chapter 34 CLOVETT SALMIGAN POV: "Mama!" "Naiintindihan mo na ba ako ngayon, ha? Naiintindihan mo na ba kung bakit gusto kong ipawalang bisa niyo ang kasal niyong dalawa? Dahil yun ang totoo! Siya ang ama mo. Siya Clovett!" saad ni mama na mas lalong nagpagulat sa akin. Halos hindi ako makahinga at na estatwa na lang dahil sa narinig ko. Naging bingi ako ng ilang minuto at hindi agad na proseso sa utak ko ang mga sinasabi ni mama, pero isa lang ang naiintindihan ko. Anak ako ni daddy Dante? Hindi… hindi totoo.. "Bawiin niyo po ang sinabi mo mama, hindi po totoo ang s..sinasabi mo na.na..!" umiiling ako sa kanya. Nagbabasakali na magsalita siya para sabihin na mali siya, Mali ang sinabi niya. Mali ang lahat ng akusasyon ni mama, na panaginip lang itong lahat at nasa masamang panagin

