Chapter 35 CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Nagising ako na may humahalik sa pisngi ko. Napangiti ako dahil familiar na amoy at pagdampi ng kanyang palad sa balat ko ang nararamdaman ko. Ang asawa ko ito malamang. Mas lalo akong napangisi ng haplusin niya ang tiyan ko. Pero agad ding nangunot ang noo ko na may naalala. Agad kong idinilat ang mga mata at doon pa lang siya tumigil sa kakahalik sa akin. Nakadagan pero hindi naman nilagay ang buong bigat sa katawan ko. "Carlos?" "Good morning…good morning my wife! Good morning, little miss. Good morning baby na nasa tummy ni mommy. Gutom na ba ang dalawang baby ko? Nakaready na ang pagkain natin, iaakyat ko na lang dito para dito na lang natin kakainin sa kwarto?" ngumiti ako at tumango. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinatakan siya ng hal

