CHAPTER 1 BAKASYON
Haaayyy! Sa wakas ilang araw nalang ay mahal na araw na. Sasabihin ko kila mama na doon ako kila lola magbabakasyon. Tuwing wala kasi kaming pasok ang nakagawian ko na ay doon ako kila lola ko at kila tita na ilang oras lang ang layo mula saamin.
May pinsan ako doon na sobrang close ko. Si ate Maui at kuya Mori na ulila na sila sa nanay nila dahil maagang binawian ng buhay.
Kumakain kami ngayon ng hapunan bukas wala kaming pasok dahil araw ng sabado. Kaya ng makahain na si inay ng pang-hapunan ay kumain narin kami. Kaya agad din ako nagsabi kaya inay na doon ako kila lola magbabakasyon.
"Inay, malapit na ang mahal na araw doon muna ako kila lola kahit ilang araw lang. Bago umalis si papa andito na ako non." Huminto sa kinakain si inay at tumingin sa Akin.
"Jan ka sa ama mo mag-paalam, alam mo naman iyan hindi mapapalagay pag hindi ka nakikita."wika ni inay.
"Sige na papa ihatid mo ako sa linggo. Wala na kaming pasok sa lunes eh."pagmamakaawa ko kaya papa para payagan ako nito.
"Oh sige! Igayak mo bukas ang mga gamit mo at bukas ng hapon nalang kita ihahatid at sa linggo mag-iinom kami ni tiyo Gido mo."
"Mag-iinom ka nanaman papa! Wag lang maglalasing huh! Walang kasama itong si inay. Atchaka papa pahingi ako ng pera huh!" Nakangiti Kong wika rito at para bigyan ako ng baon ko. Dahil hindi puwede na hindi ako gagastos dahil sila lola may sariling tindahan.
"Hayan kagaling mo talagang bata ka bakit hindi ka magtipid hindi yong gastos ka ng gastos riyan". Haay umeksena nanaman ang inay.
"Hayaan mo na Marina ang anak mo. Nag-iisa na ngalang yan ey. Sige anak bibigyan nalang kita pagka-hatid ko saiyo." Wika naman ni itay. Haayyy nagwagi nanaman ako Kay inay. Nangingiti ako habang kumakain kasi bukas makikita ko na ulit ang mga pinsan ko.
----
NGAYON na ang araw ng paghatid sa Akin ng papa nakahanda narin ang mga damit ko ng ilang araw. Nagdesisyon din ang inay na sasama ito sa paghatid saakin kila lola.
"Nicole halika na at baka magabihan kami ng papa mo sa pag-uwi!"
"Opo inay nariyan na!"
Nagmamadali naman akong lumabas ng bahay dahil baka mamaya ay biglang magbago isip ng inay hindi na ako papuntahin kila Lola. Tinext ko narin ang bestfriend kong si Rose na pupunta ako ngayon kila lola dahil crush na crush nito ang pinsan Kong si kuya Mori. Agad naman itong nagreply sa text ko.
"Besstt!! Sabihin mo kinakamusta ko siya." Haayyy hindi ko nalamang rereplyan ang text neto mangungulit lang ito.
Nakaalis narin pala kami ng bahay at binabaybay na namin ang daan papunta kila lola. Kaya naisipan ko munang umidlip.
Pagkaraan ng isang oras at kalahati ay nakarating rin kami kila lola. Kaya ginising narin ako ni inay.
"Nicole gising na narito na tayo." Wika ni inay. Kaya ng maimulat ko ang aking mata ay laking tuwa ko dahil nakarating na nga kami sa wakas. Dito pala kami kila tita ko dumeretso pero magkalapit lang sila ng bahay ng lola.
Nang makababa na ako ay kinuha ko narin ang bag ko. Sila inay at si papa ay nauna na sa bahay nila tita ko. Habang naglalakad ako ay mayroong binatilyo na bumibili kila tita ko at nakatingin sa aking gawi. Nagpatuloy lang ako sa 'King paglalakad pero bago pa man ako makalayo ay narinig ko itong nagtanong sa aking tita.
"Sino po 'yong bagong dating?" Tanong ng lalaking bumibili sa aking tita.
"Pamangkin ko 'yan, anak ng nakakatandang kapatid namin. Pero hala sige Sam umalis kana at ng hindi 'Yang pamangkin ko ang aatupagin mo rito," wika ng aking tita. At nagpatuloy na ako sa aking paglakad papasok sa loob ng bahay ng aking Tita Marta.
Pagpasok ko ay nasa loob narin ng bahay sila inay at si papa. Nagkakape narin sila mama at papa. Kaya agad akong pumasok sa kuwarto at nilagay sa loob ang aking dalang bag. Pagkalagay ko ay lumabas narin ako ng kuwarto at nagpunta sa sala dahil naroon sila tita, naroon rin sila inay at itay. Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko silang nag-uusap.
"Ate ilang araw ba 'Yang si Nicole dito?" Tanong ni tita kay inay. Umupo narin ako sa tabi ni papa at nakikinig sa usapan nila.
"Isang linggo lang 'sya rito dahil sa susunod na linggo eh lilipad na si kuya papuntang Saudi." Wika ni inay. Bigla akong nalungkot sa usapan nilang 'yan dahil mamimiss ko ang papa.
"Nicole nakita mo ba 'young bumibili kanina? 'Wag na 'wag kang makikipaglapit doon at mabisyo ang taong 'yon."
"Opo tita." Sagot ko nalamang kaya tita. At bigla Kong naalala sila ate Maui at kuya Mori.
"....ahhh tita sila ate at kuya po nasaan?
"Si kuya mo bukas Pa 'yon pupunta rito, ang ate mo mamayang hapon din uuwi pumasok sa eskwela." Wika n tita. Excited akong makita ulit ang ate Maui namiss ko kasi 'sya. Close ko kasi si ate Maui kahit medyo masungit.
Maya-maya Pa ay nagpaalam na sina inay at papa kila tita.
"Marta ikaw muna ang bahala rito kay Nicole, dadaan muna kami kila inay. Nicole mga bilin ko sayo 'wag kang pasaway rito huh!" Wika ni inay. Hayan nanaman siya sa mga bilin niya.
"Opo inay." Sagot ko nalamang rito upang hindi humaba ang aming usapan.
Umalis narin sila inay at papa ako naman ay nandito sa tindahan nila tita at ako muna ang magbabantay. Si tita Marta ay matandang dalaga ito lamang ang hindi nag-asawa sakanilang magka-kapatid. Kahit noon Pa man close ko na talaga ang mga kamag-anak ko sa mother side. Strikto pero nasa lugar, kaya siguro kahit naulila ng maaga sa in a sila ate Maui at kuya Mori ay lumaki silang puno ng pangaral dahil sa gabay ni tita Marta.