PROLOGUE
Ako si Nicole Ronquillo 14 years old, nag-aaral palang sa high-school sa public school ng Pangasinan. Laki ako sa buhay na nagagawa ang gusto dahil sa pagmamahal ng aking papa. Aminin ko man sa hindi pero ang papa ko ang lagi Kong kakampi sa lahat ng bagay. Neh minsan hindi ko danas na masabihan ako ng aking inay na mahal niya ako.
"Nicole! Bumangon ka riyan at papasok kapa! Kailangan pa saiyo ay gigisingin ka Pa! Antanda-tanda mo na! Hala! Bumangon ka riyan at tanghali na!"
Hayan nanaman ang inay nagbubunganga sa umaga. Hindi kaya naririndi ang papa sa bunganga ng inay?
Kaya sa pagbulabog saakin ng bunganga ni inay ay bumangon ako sa aking pagkakahiga. Exam pala ngayon sa school kailangan Kong humingi ng pambayad. Pagkatayo ko ay agad akong nagtungo sa kusina upang kumain ng agahan. Habang kumakain ay nagsabi ako Kay inay na may babayaran sa school para sa aming exams.
"Inay kailangan Kong magbayad sa school mag-eexam po kasi kami. Hindi dw po ako makakapag-exam pag walang bayad ng test paper." Wika ko kay inay.
"Magkano ba iyan at yong baon mo Pa."
"Singkwenta raw po inay."
Maya-maya Pa ay inabot na ni inay ang pambayad ko sa eskwelahan. Nang matapos Kong kumain ay agad naman akong naligo. Pagkatapos Kong maligo ay agad naman akong nagbihis para makapasok na sa eskwelahan.
"Inay nasaan si papa aalis na ako ihahatid Pa ako!"
"Dionisooooo! Ihahatid mo na raw ang anak mo!"sigaw ni inay "ang papa mo aga-aga nasa kapitbahay dala-dala ang kape." Reklamo ni inay kaya papa.
Lumabas na nga Lang ako ng bahay dahil panigurado magbubunganga nanaman ang nanay ko. Kaya dinampot ko na ang bag ko at sinuot ang sapatos ko para makaalis na ng bahay. Dinala ko narin ang Susi ng aming motor at magpapahatid na ako sa papa ko.
Dali-dali naman akong nagpunta sa kapitbahay at hindi nga nagkamali ang inay nasa kapitbahay ang papa. Ganito lagi Gawain ni papa dahil ilang araw nalang lilipad na siya papuntang Saudi. Naibenta narin ni papa ang lupa namin na siyang ikinabubuhay namin para Lang makipagsapalaran si papa. Mahal ko ang papa. Mas close kami kesa neh mama.
"Papa andito ka na naman kila tiyo Gido tara na at malalate na ako sa school!" Sigaw ko kaya papa dahil mukhang malalim nanaman ang kwentuhan nila.
"Sige pre, ihahatid ko muna itong si Nicole." Paalam ni papa kaya tiyo Gido saka umalis.
Pagka-alis ni papa kila tiyo Gido ay agad ko namang binigay ang Susi rito at agad din nitong kinuha ang ating motor. At sa wakas papunta narin kami sa school kailangan maaga akong makarating dahil magrereview pa ako sa gagawin naming exam. Pagkarating namin sa school ay agad akong bumaba ng motor at hinalikan si papa sa pisngi.
Opo, dalaga na ako pero nagagawa ko pang halikan si papa sa pisngi. Sabi nga nila ang swerte ko raw dahil lahat ng gusto ko nasusunod ko isang sabi nlang kay papa naibibigay niya.
Simple lang po ang buhay namin. Sila papa nagtatanim ng gulay sa bukid at nilalako sa palengke tuwing madaling araw yan po ang naging daily routine na po nila iiwan po nila akong tulog at darating po silang papasok nalang ako sa school. Pero dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan ni papa mangibang-bansa at tuluyan ng ibenta ang aming lupa.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng school. Marami naring estudtanye ang dumarating. Kinailangan ko pang maglakad ng malayo dahil nasa dulo ang room namin. 4th year high-school narin ako. Maaga kasi akong nag-aral ng bata Pa ako at tinanggap ako agad sa grade 1 dahil mas advance daw ako sa mga kaklase ko sa Kinder.
Pagkadating ko sa room namin ay nadatnan ko na ang bestfriend ko na si Rose, nagkukulikot nanaman sa cellphone nito. At ibang kaklase namin ay may kaniya-kaniyang ginagawa.
"Best! Cellphone nanaman inatupag mo! Nagreview ka naba?" Tanong ko rito dahil mukhang walang balak magreview.
"Pakopyahin mo nalang ako best ehehe"
"Nako! Kung hindi lang kita bestfriend baka tinakwil na kita sa buhay ko." Reklamo ko rito. Kaya agad ko namang nilabas ang ginawa Kong reviewer sa tinupi Kong long sheet paper.
Ilang minuto rin akong nagrereview ay dumating na ang aming adviser. Nagsimula na itong mangolekta ng bayad ng test paper. Ewan ko ba kung bakit pati test paper ey pinagbabayad Pa kami. Public school lang kasi ako nag-aaral.
Makalipas ang isang mga oras ay natapos narin ang exams ganon narin sa ibang subject teacher namin sa pang-umaga. Alas dose na pala ng tanghali kailangan ko ng itext si papa dahil uwian na namin. Pagkatapos ko naman itong itext ay lalabas nalamang ako ng school para mag-abang kaya nagpaalam na ako sa bestfriend ko. Dahil nagbabaon ito ng pananghalian kasi medyo malayo ang school namin sa bahay nila.
"Best, uwi na ako. Babye see you mamaya." Paalam ko rito.