Tuesday. Wala pa din akong natatanggap na tawag o text man lang kay Mateo. Nagsisimula na akong kabahan at mapraning. Nagbago na kaya ang isip nya? Natauhan na kaya siya at narealized niyang hindi niya pala talaga ako mahal? Ugh! After class ay nagtungo ako sa dorm niya pero wala siya doon. Naglalakad ako sa hallway ng sakto naman na bumukas ang pinto ni Khalid. “Piper.” Tawag niya sa akin at agad akong tumunghay sa kanya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Tumingin ito sa pinto ng kwarto ni Mateo saka bumalik ng tingin sa akin. “Hindi pa din ba kayo nagkikita?” Tanong niya. Malungkot akong tumango, “That assh0le!” he said at lumabas ng kanyang kwarto. “Let’s find him.” Yaya nito. “Hindi wag na. Okay lang naman, baka kasi busy talaga sya.” Tanggi ko. Isa pa baka ma

