"Hey! Kanina ka pa namin hinahanap." Tawag sa akin ni Macy. Hindi ko siya pinansin at nagmamadaling naglakad kung saan ko huling nakita si Mateo at Mommy. Vivian and Wendy blocked my way saka kumapit sa magkabila kong braso while Macy is now in front of us. "Picture tayo." Ani Vivian. "Nakita mo si Mommy at Mateo?" Tanong ko kay Macy? Nagkibit balikat lang ito. "I saw them this way." Turo ko sa entrance ng cove. "Duh! Don't be so nervous. Samahan mo ako sa stage para idonate itong kwintas." She said and grabbed my hand. "Wait! Picture muna, pwede?" Angal ni Wendy. Umirap si Macy at tumabi sa amin. "Fine," Kinulbit nito ang babaeng lumampas sa amin, "Can you please take picture of us?" Pakiusap nito sa babae na agad namang pumayag. Limang ibat-ibang pose ang gi

