Tila bubuyog na umugong ang bulungan sa court. “Bakit kasama sya ni Mateo sa stage?” “OMG! Sila ba? Akala ko si Khalid ang nagyaya ng date sa pangit na yan? Ginayuma niya ba ang magkapatid?” “I cannot! Nasusuka ako! My eyes!” “Iba na ba ang taste ni Mateo? It means may pag-asa na kami?” “Pinagpustahan siguro.” Ilan sa mga nakakainsultong narinig ko mula sa mga babaeng nakatayo sa ibaba ng stage. Mga miyembro sila ng cheerleading squad ng campus at dating leader nila si Beatrice but she quits. Whatever her reasons ay hindi ko na alam. “Are you serious, Mateo? You choose her over Beatrice?” Iritang tanong ng bagong lider ng cheering squad. “You have to learn the sacred art of shutting the hell up, Vickie.” Sagot nito. Wow! He remembered her name. Kapag ga

