Mateo Axel!!!
Bakit hindi ka mawala sa utak ko?
These last few weeks ay walang araw o oras na hindi ka tumakbo sa utak ko. Hindi ka ba napapagod?
Hindi pa din ako maka get over sa mala roller coaster na mga pangyayari kasama si Mateo.
Masaya akong nakapasok ako sa mundo ni Mateo. It made me feel alive. Sana ay ganoon din siya sa akin.
Pero hindi ko pa din mapigilan ang makaramdam ng takot. Hindi dapat kay Mateo umiikot ang mundo ko, este ang utak ko. Seriously, ayokong ma attached sa kanya. Pinapatay ko na dapat ang maliit na pag-asa sa puso at utak ko na magugustuhan ako ni Mateo. Magkaibigan lang kami at alam kong iyon lang din ang tingin niya sa akin.
We almost kissed but It's just Mateo's style. He used to it at ako itong hindi.
Ugh! Nababaliw na ako! Saan ba ako pupunta?
Sa library.
Pero... Sana hindi isipin ni Mateo na isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Isa sa mga babaeng kayang kaya niyang paikutin sa kanyang mga kamay...
"NERD! TABI!" Someone yelled behind me.
Mabilis akong tumabi ng makita ko ang bike na mabilis ang takbo. Para itong hangin na lumampas sa akin. Feeling ko minsan ay hindi ako nobody eh. Look? Malayo palang ako kilala na ako ng lalaking iyon.
"Bangag ba sya? Lutang na luta." Rinig kong sabi ng babae na lumampas sa akin. Nagtatawanan pa sila ng kasama niya.
Simula ng umalis si Mateo parang nag-back to normal ang lahat. Ayan na naman ang mga bullies na walang ibang ginawa kundi pagtawanan ako. Mabuti nalang nilubayan na ako ni Tricia. Hindi ko na din nakikita si Jackie. They backed off.
Sa library talaga ang tungo ko pero ang ending ay nandito ako sa cafeteria. Oh diba? Sinong lutang ngayon? Natatawa akong umupo sa bakanteng upuan.
"Piper." Tawag sa akin ni Jewel mula sa kabilang table. Kasama niya ang iba nitong kaibigan.
Gumagawa na din ng sariling pangalan si Jewel dito sa campus. Ang ganda niya kasi kaya madaming lalaki ang nahuhumaling sa kanya. Sana all. Ngumiti ako sa kanya at nag wave sa mga kasama niya.
"Join us." Aniya. Mas lumaki yung ngiti ko.
"Huwag na. Okay lang ako dito." Tanggi ko dahil nakakahiya sa iba niyang kasama.
"It's okay. Right guys?"
"Sure."
Hindi na ako nagpakipot at lumipat na sa kanilang table. Ngumiti sa akin ang tatlong babae niyang kasama. Well, binabae ang isa. Hindi ko naman nararamdaman ang pagiging out of place kasama sila. It's like okay lang na kasama nila ako at okay lang din na hindi. Hahaha
"Look." Pinakita sa akin ni Jewel ang bagong upload na picture ni Mateo sa kanyang IG.
Ang gwapo talaga kahit pawis na pawis. Hubadera talaga ang lalaking ito. Hawak niya ang bola at mapang akit na nakatingin sa akin... este sa camera. I wonder who took that picture.
"Alam mo ba kung saan ang training nila?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi ko naitanong." Awkward kong sagot dahil nakatitig sa akin ang mga kasama ni Jewel.
"Are you and Mateo have a thing? Like you know?" Curious na tanong ni Jet. Ngumiti pa ito at kunwari ay may mahabang buhok na hinawi.
"Wala no!" Depensa ko naman agad. "Nagpapatawa ka ba?" Ako lang ang tumawa. Sila mga seryoso.
"Hindi ako nagpapatawa teh. Tumatawa ba ako?" Sagot sa akin ni Jet. Unti unting naglaho ang tawa ko at sumeryoso "Charot!" Sya naman ang tumawa ngayon. Tumawa na lang din ako.
"Sa University of the South daw sila nag te-training with the other players from different universities." Saad ni Ella. “Hindi mo ba dadalawin ang kuya mo Jewel?”
Umirap si Jewel at tumingin sa akin.
“We are not close. Kaya nga ako lumipat dito para mapalayo sa kuya ko na sakit sa ulo. Puro kalokohan ang alam. Napaka babaero. Most of the girls in South are just being friendly to me dahil kay kuya at kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, which is si kuya ay hindi na nila ako pinapansin.” Rant niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon
Nakita kong hilaw na ngumiti ang mga kaibigan ni Jewel. Si Ella naman ay humigop sa kanyang juice.
“And don’t ask me about my cousin, Maxel. Hangga't maaari ayokong madikit sa pangalan niya dahil magpinsan kami.” Depensa na agad niya.
Tumango ulit ako. It makes sense. Ngumiwi si Jet at tila ba hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ni Jewel pero agad din itong nagjoke para siguro maiba ang atmosphere.
Nauna akong magpaalam sa kanila dahil may may klase pa ako. I’ve been focusing to my grades now dahil hindi ito pwedeng bumaba. I took up a medicine degree here at Northville University and they allow qualified students to earn a Doctor of Medicine degree in just 6 years. The first four years are spent studying here while the fifth year onwards is the “medicine proper” to be taken to their accredited hospital at isa doon ang hospital na pag-aari ng aking pamilya.
I chose the short-track dahil ito ang gusto ni Mommy. Gusto niyang mapadali ang pag mamanage ko ng kanyang hospital. She wants to give me all the responsibility without even asking kung okay lang ba sa akin iyon. My opinions didn't matter to anyone. Even to my own family.
I’m on my way to my dorm para kumuha ng ilang gamit. And look who’s here.
Si Tricia. Ka bonding ang ilang girls sa dorm lounge.
"You're going to see him? Hindi ba?"
Tricia blocked my way. Ang ganda niya sa suot niyang crop top at high-waist jeans.
"Huh?" nalilito kong tanong sa kanya.
"You're going to see Mateo, kaya ka maagang umuwi?"
Saglit akong napatitig sa kanya. Ano na naman kayang trip nito. Akala ko tinigilan na niya ako.
"Hindi. Bakit mo naman naitanong?"
Hinawi niya ang mahaba niyang buhok sa kanyang leeg at ngumiti sa akin. I like the shade of her lip tint.
"You should visit him. I think you've crashed into his world now."
"Hindi kita ma-gets. Why are you saying this now? What do you want?" Sunod-sunod kong tanong dahil naguguluhan ako.
She took a deep breath and pursed her lips then smiled at me. "Listen, Hindi dapat kita tinawag noon na w***e at malandi," She's trying to apologize, isn't she? "Hindi naman talaga ako ganoon kasama. Hindi ko lang napigilan ang emotions ko ng hiwalayan ako ni Mateo. I never expected to fall for someone so quickly. I know he's a playboy..."
Hindi ko inaasahan na mag-sosorry siya sa akin. Iyong mga kasama niya kanina ay nagbubulungan na. Marahil nagtataka din sila kagaya ko.
"Hindi naman sa hindi kayo magtatagal ni Mateo incase na maging kayo... I think he cares about you. Ang dami pang pwedeng mangyari. Hindi natin hawak ang tadhana so just a piece of unsolicited advice. Every girl in town will be falling over Mateo and I'm not foolish to think he's going to sit like a virgin all year. Kung gusto nilang makuha si Mateo, why can't you?"
Shuta! Seryoso ba sya?
Alam niyang hindi ko kaya. Kaya ko ba?
"Ganito nalang..." Dagdag pa niya. "Wala pang lalaking nakipag-break sa akin. Si Mateo pa lang ang una and it's because of you. You must be special. So... go get that boy." She said happily.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot kay Tricia. Okay lang kaya sya? Joke ba ito?
---
Of all people, si Tricia pa talaga ang nagpush sa akin para kay Mateo.
Ang inaasahan ko kanina noong harangin niya ako ay muli na namang maging katatawanan. Now I realized that I don't hate her at all. Nadala lang talaga siguro siya ng kanyang emosyon at hindi niya marahil matanggap na ako ang dahil.
Tumawag sa akin si Mommy para ipaalam na may dinner mamaya kasama ang mga family friends doctor at ilan sa kanila ay may ari ng malalaking hospital sa bansa. She is building some bridges. 3pm ay umuwi na ako sa bahay, walang tao doon kundi ang mga katulong at ang isang malaking paper bag na nakapatong sa aking kama.
May note pa doon saying: This will be your outfit tonight. NO BUTS, Piper. Huwag mo akong ipahiya!
Sweet.
Binuksan ko ito at napangiwi. Ito ang malimit kong makitang suot ng mga beauty queen. Bakit kailangan ko pang mag gown? The last thing I know ay kakain lang naman kami ng dinner?
Ugh! For pete’s sake Mom! Kakain lang tayo ng dinner at hindi aattend ng prom.
Lumingon ako ng may kumatok sa pinto ko. Binitawan ko ang gown at pinagbuksan ito.
“Maam nandito na po ang makeup artist ninyo.” Ani yaya Myrna.
And now she even hired a makeup artist. I rolled my eyes at sinabing papasukin na ito sa aking kwarto.
“Si Macy po pala?” Tanong ko bago ito umalis.
“Baka po pauwi na din.” Aniya. Ngumiti ako sa kanya at nagprepare na.
I took a shower at nakaupo na ngayon sa aking vanity chair para ayusan ng dalawang baklang makeup artist. Simula bata pa kami sila na ang aming nakagisnan na makeup artist ni Mommy everytime na mayroon itong event na dadaluhan.
I requested a light makeup pero sila pa rin ang nasunod dahil hindi daw ito babagay sa kumikinang kong gown. They curled my hair at ito lang ang nasunod sa lahat ng request ko. A light wavy hair. Lumabas ako ng walk-in closet suot na aking gown. I am not really comfortable with this dahil may pa dibdib siya at mahabang slit.
“Darling, wala ka bang pushup bra?” Tanong Glenda habang sinisipat ang kabuuan ng gown na suot ko.
“I have.” Sagot ko. “Kailangan pa bang naka push-up bra? May nakadungaw na namang cleavage kahit papaano.” Naiilang kong sagot.
“Wear it.” Utos niya. “Kailangan ay mas prominent ang part na iyan. Sayang naman ang makinis at maputi mong balat. Tsaka huwag mong itago ang legs mo. Kaya nga may slit iyan.” Saway niya sa akin.
Nakasimangot akong pumasok sa aking walk-in closet. Suot ang push up bra ay lumabas muli ako. They both smiled at lumapit sa akin para ayusin ang damit ko. Mabuti pa sila masaya sa suot ko dahil ako ay nahihiya. Naghuhumiyaw ang dibdib ko. Shuta!
“Ganda mo girl. Malayo sa nerdy look mo kanina.” Compliment ba iyon?
Sakay ng aming family car ay wala akong imik buong byahe. Almost the same ang gown namin, wala lang itong pa dibdib, pero bumawi sa likod. At iyong slit ng kanya ay halos umabot na sa kanyang singit. Wala akong idea kung saan kami at anong klaseng dinner ba itong pupuntahan namin but I’m it’s not just an ordinary dinner.
Bumaba kami sa isang kilalang hotel. Sinalubong kami ng staff sa hotel and assisted us on the venue. Birthday pala ni Mr. Alberto Ponce. Ang business tycoon na nagmamay ari ng pinaka malaking pharmaceutical company sa bansa.
Tumigil sa pakikipagkwentuhan si Mommy ng makita niya ang pagdating namin. Lumapit siya sa amin at pinakilala kami sa mga kaibigan niya.
“This is my first born, Piper Cassandra. She’s taking up a medicine degree in Northville. Ilang taon nalang ay magkakaroon na ako ng doktora.” She proudly said. “And this is my youngest, Macy Reene. Soon to be a fashion designer.”
“Napaka ganda ng mga anak mo Doktora.”
“Kanino pa ba mag-mamana.” She said and was still proud.
“Mas kamukha mo ang iyong bunso. I think she has a resemblance to her father.” Tukoy nito sa akin. Gusto ko syang tingnan ng masama at tarakan ng mata ngunit hindi pwede.
Si Macy na ngayon ang binibida ni Mommy. I think I’m not needed here now, so I exit and walk around. Nagtungo ako sa buffet at kumuha ng makakain. Kanina pa akong nagugutom dahil kaunti lamang ang nakain ko kanina.
“Hi” Bati sa akin ng matipunong lalaki. Matangkad ito at singkit ang mga mata. He’s like an oppa in kdrama. Ngumiti ito sa akin. “Do you mind if I join you?” Magalang niyang tanong.
“Sure. I don’t mind.” I answered and smiled back at him.
Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang kanyang wine glass.
“By the way, I’m Jiro Chen and you are?”
“Piper Cassandra Delgado.”
Marahan siyang tumango at ngumiti. “You must be the daughter of Doktora Delgado of Delgado Medical Center?” Tanong niya. Ako naman itong marahan na tumango ngayon. “Nice to finally meet you, Piper.”
We shake hands.
“I’m taking up my residency there. How about you? I heard you are taking fashion design?”
Napawi yung ngiti ko. So, para pala kay Macy ang ‘finally meet’ you niyang sinabi kanina.
“No. It’s my sister who took up that course.” Malamig kong sagot. Maging siya ay napawi na din ang ngiti. He looks embarrassed now. You must be.
“I’m sorry. Ang akala ko ay isa lang ang anak ni Doktora.”
“No. It’s okay. Sanay na ako.” Mapakla kong sagot na ikinatahimik ni Jiro. “Excuse me. I have to go to the washroom.” Paalam ko sa kanya at tumayo na.
Hindi naman talaga ako nagtungo sa washroom. Sa halip ay lumabas ako ng ballroom. I don’t belong there. Kung hindi pa ako mag dodoktor ay hindi siguro ako maipagmamalaki ni Mommy. Hindi talaga nawawala ng favoritism sa pamilya at ako ang malas na hindi napili bilang paboritong anak. Siguro nga ay dahil kamukha ko si Daddy at si Mommy naman ang kamukha ni Macy. Sana naging fair man lang at ako ang naging paborito ni Daddy.
I heaved out of frustration.
Naagaw ng atensyon ko ang suot na varsity jacket ng isang babae. Nakatayo ito sa harap ng elevator. Northville ang nasa logo ng jacket at kahawig ito ng kay Mateo. Maging ang number sa likod ay pareho.
Northville, 19 - Montemayor
Iyon ba ang jacket na suot ni Mateo bago siya umalis?
Pinanood ko ang babae na pumasok sa elevator. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Tumakbo ako para humabol sa elevator. I want to confirm something.
It’s too late.
Hinintay ko nalang ang elevator na bumaba habang pinagmamasdan ang bawat floor na dinaanan. Luckily it just went up to the 5th floor.
Bumukas ang elevator at agad akong pumasok. Sana ay wala akong Mateo na makita. No.
Pasarado na ang elevator ng may kamay ang pumigil dito. And to my surprise ay nakita ko si Mateo ng muling bumukas ang pinto. He’s with Liam and Jimmy. Hindi nila ako tinapunan ng tingin dahil busy sila sa pagtatawanan. Umatras ako at pumwesto naman ang tatlo sa unahan ko.
My Phone rang when the door closed..
Doon na lang sila naging aware na may kasama sila sa loob. Pero hindi sila sa akin unang tumingin kundi sa ringtone ng cellphone ko na pangbata. You’re my honeybunch iyon. Tinago sa likod ko ang kamay ko hawak ang cellphone ko at nanatiling nakayuko.
“Viper?” Sambit ni Mateo.
Dahan dahan akong tumunghay sa kanila at napilitan na ngumiti. Nakakahiya.
Kinusot ni Liam ang dalawa niyang mata at tumitig sa akin “Woah!”
“Was that a good woah?” Sarkastiko kong tanong.
“Sino siya?” Curious naman na tanong ni Jimmy. Seryoso? Hindi niya ako nakilala? Hindi naman makapal ang makeup ko.
“Why are you here, Viper?” Tanong ni Mateo at hindi nagbabago ang mga titig niya sa akin.
“I am with my family.” Maikli kong sagot.
“Hindi ba nasa 2nd floor lang ang mga event room? Bakit ka papunta sa 5th floor.” Tanong naman ni Liam.
“We checked in.” I lied.
Napatingin ako kay Jimmy na ngayon ay sa dibdib ko nakatingin. Bago pa ako magreact ay naitulak na ni Mateo si Jimmy sanhi ng pagkasandal ng likod niya sa baka na pader.
“Watch your eyes!” Banta nito kay Jimmy.
Bumukas ang pinto at magkakasunod kaming lumabas. Nagmamadali akong naglakad dahil ayokong mapahiya. I said I checked in. So anong room ang pupuntahan ko? Shuta!
“Mauna na kayo. Susunod na ako.” Rinig kong sabi ni Mateo.
Hindi pa ako nakakalayo ay may pumigil na sa paglalakad ko hawak ang aking braso.
“Hey.” He said. His hazel brown eyes search mine.
“Yes? May nakalimutan ka?”
“What room are you in?” Tanong niya sa akin.
I fake my smile. Nagiisip ng sasabihin. I looked at the carved numbers at the doors. Room 189.
“Room 205” I answered. “Pero kailangan kong bumalik sa event room dahil naiwan ko ang card key. So… I have to go. Nice seeing you here, Mateo.” I said at nag matsa na palayo.
Dinig ko na humabol it sa akin at ngayon ay sinasabayan na niya ang paglalakad ko.
“May naiwan din ako sa sasakyan.” Aniya at saka pinindot ang elevator button.
Pumasok ko kami sa loob. Ramdam ko ang mayat mayang nakaw na tingin sa akin ni Mateo at hindi ko gusto ang dulot nitong epekto sa akin. Naiilang ako.
“Naka-checked in din ba kayo?” Ako naman ang nagtanong. Basag ko na din sa katahimikan.
“Uh… Yes. Aaron held a party there.”
Tumango ako. Akala mo naman seryoso talaga sa training nya? Iyon pala pumaparty lang. Whatever! Wala dapat akong pakialam sa personal niyang buhay. Magkaibigan lang kami.
Sabay kaming lumabas ng elevator. Ngumiti ako kay Mateo para magpaalam dahil alam kong nasa parking lot ang sasakyan niya at nasa opposite direction ito ng event room na pupuntahan ko.
“Piper.” Kapwa kami lumingon ni Mateo sa pinagmulan ng boses.
Si Jiro Chen. Iyong lalaking kausap ko kanina. Lumapit ito sa akin habang nakatingin kay Mateo.
“Where have you been? Your mom was looking for you.” Ani Jiro sa baritonong boses.
That’s new, hinahanap din pala ako ng aking ina?
“Who is he?” Tanong ni Mateo. Tumunghay ako kay Mateo at matalim itong nakatingin ngayon kay Jiro.
“I’m Jiro Chen.” Pakilala nito extending his hand pero hindi ito tinggap ni Mateo at sa halip ay tiningnan lamang. Jiro pursed his lips at binawi ang ngalay na kamay.
Bago pa man magkaroon ng tensyon ay nagpaalam na ako kay Mateo. Sumama ako kay Jiro pabalik sa event room. Totoong hinahanap ako ni Mommy hindi dahil worried sya na bigla akong nawala or namiss niya ako, iyon ay dahil gusto niya akong ipakilala sa mga kaibigan niyang doktor at sa mga anak ng mga ito.
10pm na nang umuwi kami pero hindi namin kasama si Macy dahil may dadaanan pa daw ito. My mom let her kahit malalim na ang gabi. If that was me, for sure she won’t let me unless it’s related to my studies.
My room was just as I left it. Queen sized bed with 4 pillows and 2 bolster on it. Yes, I'm a big pillow person. Gusto kong may niyayakap ako sa kama.
Maaga akong nagising dahil malayo pa mula dito ang university. Pinupunasan ko ang basa kong buhok ng aking pink na towel bago ko ito iblower. I went to my vanity pero wala ang blower ko doon, wala din sa banyo at sa aking walk-in closet. As far as I can remember isang blower lang ang dinala ko sa dorm.
"Macy!" Tawag ko sa kanya habang kumakatok.
Alam kong tulog pa siya kaya binuksan ko nalang ang pinto. Luckily it's not locked.
Shuta!
Macy is sleeping with a guy naked? What the hell! I screamed, slamming the door shut with my hand covering my virgin eyes.
Too late. I'm blind.
"F#ck you, Piper!" she yelled out.
I hysterically ran to my rooms bago pa niya ako masabunutan dahil nagambala ko ang tulog nila ng lalaking katabi niya. It's not even her boyfriend. Like... She don't have one. Iyon ang alam ko.