The girl screamed for help. Taranta akong tumakbo sa gilid ng pool. Marunong akong lumangoy pero ang lakas ng wave baka hindi ko din kayanin. Lumingon ako kay Tricia at nakatitig lang ito sa akin pero bakas sa mukha niya ang takot.
"Saan pwedeng patayin ang makina ng pool na ito?" Taranta kong tanong.
"I don't know!" Garalgal niyang sagot.
Hindi ko na makita ang babaeng nalulunod. Nasa ilalim na siguro siya. OMG! What to do?
Muli akong tumingin kay Trici. "Asked for help." Pakiusap ko sa kanya
"OMG. Don't tell me... Are you cra-... Fine!" Suko niya saka ito tumakbo palabas ng pool area.
Bahala na po kayo sa akin. I said at tumalon sa pool. Malakas ang current ng tubig at hindi ko pa din makita iyong babae sa ilalim. Nakailang ahon at sisid ako at sa pangatlong pagkakataon ay nakita ko siya na wala ng malay. I swimmed and grabbed her hand saka ako lumangoy paakyan. Malapit na ako makaahon nang humampas sa akin ang malakas na alon. SHuta!
Kinakapos na ako sa hangin and I can't let this girl go dahil kailangan naming makaakyat ora mismo. It's life and death situation. I tried to swim again. Ang hirap dahil lumalaban ang alon, konting hangin lang ang nareregain ko at pagkatapos noon ay lumulubog na ulit kami.
"VIPER?!" Dinig kong may tumawag sa akin at isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganon.
I heard water splashed. Mateo is going to save again? Sana bilisan niya dahil napapagod na ako at nauubusan na ng hangin. Madami na din akong nainom na tubig. Muli akong tumama sa alon sanhi ng tuluyan kong mabitawan ang babaeng sinusubukan kong iligtas. I tried to reach her again pero ramdam ko ang malakas na kamay ang humila sa aking baywang. Hinila ako ni Mateo pataas at ng lumabas na ang ulo namin sa tubig ay kumapit agad ako sa bato niya at hinabol ang aking hininga.
"Yung... Nasa-" Hirap akong magsalita pero gusto kong sabihin na iyong babae nasa ilalim pa. Lumangoy si Mateo palayo sa kung saan bumubuga ang malakas na alon. Nanatili akong naka-kapit sa kanyang batok at sya naman ay sa baywang ko.
"Mateo yung babae-"
"She will be okay? Calm down." Pigil niya sa pag hi-hysterical ko.
The next thing I saw was Jimmy with the girl I tried to save. They are doing CPR to her with the school medics. I took a deep breath saka pumikit. Thanks God. I said ng marinig ko siyang umubo ang babae. Sumubsob ako sa dibdib ni Mateo dahil sa panghihina. He wrapped his strong arms around me. Mahigpit iyon at napakalma ako nito dahil sa init ng katawan niya.
"Thank you." Iyak ko. I was grateful he had been here. Kung wala sya ay baka lumulutang na ang bangkay namin ngayon ng babaeng iyon dito. Tumunghay ako para tingnan siya.
He still held my waist. The waves reached his chest, and I saw the upper body strength he had.
Malamig itong tubig sa pool pero ang init ng katawan niya. Slowly, he pulled me towards him. My breath hitched in my throat as I realized what was happening. His hand brushed my back. He was relaxed, and his touch was gentle.
"with you, I'm living life on the edge," Kalmado niyang sabi. "I'm glad we met."
Bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay kakapusin na naman ako ng hangin. Ang hirap huminga!
Bumaba yung tingin ko sa mapula at malambot niyang labi. He was so close to me no. Our legs were almost entwined underwater. I could feel his heartbeat. A steady, strong beat. Mas humigpit pa ang kapit niya sa aking baywang. Our lips began to close.
"Piper!" Dinig ko ang malakas na sigaw ni Jewel.
Agad kong itinulak si Mateo. Saglit akong natulala at pagkatapos ay nilingon si Jewel na tumatakbo palapit sa pool. Kasunod noon ang pagtigil ng malakas na alon at pagkalma ng tubig. Lumangoy ako upang umahon na pero hindi ako hinayaan ni Mateo na umahon mag-isa. Alam niyang naubos ang lakas ko kanina kaya inalalayan niya akong umahon.
Nakita ko din si Tricia kasunod ni Jewel at may bitbit itong towel. Kasama din ni Tricial si Jackie. Ngayon ko lang na realize na wala na dito iyong babaeng nalunod at sina Jimmy.
"Are you okay? Anong nangyari?" Alalang tanong ni Jewel.
"I'm okay. Thank you." Mahina kong saad.
Lumapit sa akin si Tricia at binalot sa akin ang tuwalya na hawak niya. Inabutan naman ni Jackie si Mateo ng towel at kinamusta ito kung okay lang pero hindi siya binigyang pansin ni Mateo. He walked beside me at hinawakan ang palapulsuhan ko. Nagulat ako pero mas nagulat sila... I mean sina Tricia, Jackie at Jewel ay nakatingin sa kamay namin ni Mateo.
"Let's go?" Aniya. Nakatunganga ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat gawing reaksyon. It's too much to absorb.
"Sa clinic?" Kumpirmang tanong ni Jackie.
"Of Course. Sasama ako." Ani Jewel at inalalayan din ako sa paglalakad.
---
Nakatulala ako habang nakaupo sa clinic bed. Kakatapos lang ng nurse na tingnan ang BP ko. Nurse advised me to take some rest before I head back home. Tulala akong mag-isa ngayon sa cubicle room ng clinic. Wala na dito si Mateo dahil nagpaalam siyang magbibihis lang at babalik din agad. Pinabalik ko naman si Jewel sa klase niya dahil okay naman na ako.
We almost kissed?
"Piper." Tumunghay ako nakita si Tricia sa labas ng cubicle na may dalang mainit na kape. Lumapit ito sa akin at inilapag niya sa gilid ng kama.
Nagpasalamat ako sa kanya at the same time ay naguguluhan sa pagbabagong asal na ipinakita ni Tricia sa akin. Ilang segundo lang ay dumating naman si Jackie at may dala din itong kape.
"Si Mateo?" Agad niyang tanong. Marahil para Mateo iyong dala niyang kape.
"Jackie?"
Napatingin kami kay Jimmy na kadarating lang kasama si Mateo. Alam kong nagtataka si Jimmy kung bakit nandito si Jackie dahil hindi naman kami close. Given na si Tricia dahil kasama ko siya kanina at malamang siya ang tumawag ng tulog para sa amin. I'm still thankful, nakakapagtaka lang ang pagiging mabait niya sa akin ngayon. Is she proving something to Mateo?
Inabot ni Jackie iyong kape na hawak niya pero hindi ito tinanggap ni Mateo. Dahil ang awkward ngayon dito ay dinampot itong kape na binigay sa akin ni Tricia at hinipan ito bago inumin. Ang pait.
"Uhmm... I have extra clothes, Piper." Aniya at inabot sa akin ang paper bag na hawak niya.
"It's okay. Uuwi din naman ako maya-maya." I said at hindi na tinanggap ang offer niya. Hindi ko rin naman siguro masusuot ang extrang damit ni Tricia dahil napaka-revealing ng mga fashion statement nito.
Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong dinampot sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko sa pinasang screenshot ni Jewel. Ito marahil iyong picture na tinutukoy nina Jackie at Tricia?
Kuha ito noon sa hiking trip namin. Pinasok nila ako sa tent ko para kuhanan ako ang almost naked kong katawan at sila din pala ang naglagay ng 100 pesos na isiningit sa bra ko like I'm a stripper. A comatose stripper. I feel so embarrassed and harassed. Gusto kong umiyak.
Nanginginig ang kamay kong tumingin kay Jackie. Gusto ko siyang murahin sa ginawa niyang pag-upload nito pero mas nangibabaw ang pagpatak ng luha ko.
Hazel's brown eyes were on me. I felt them sink into me and as I looked at him, I locked gaze with Mateo from across the room.
Kinulbit ni Jimmy si Mateo at may pinakita sa kanyang cellphone. His jaw clenched. Nakita na din ba niya?
"Everyone out!" He growled.
Nagulat si Tricia sa malakas na sighal ni Mateo habang si Jackie naman ay namumutlang tumakbo palabas ng clinic. Hindi na nagsalita si Tricia kahit ramdam ko na para bang may gusto itong sabihin. Lumabas na lang ito at sumunod na din si Jimmy.
Kami na lang ang tao ngayon dito sa clinic. Umiwas ako ng tingin dahil sa patuloy na pagpatak ng luha ko. I was so embarrassed.
"I'm sorry." Aniya sa mahinang boses.
"Bakit? Wala ka namang kasalanan." Saad ko and my voice were shaking as well as my hands. Humikbi ako at pinunasan ang mga luhang tumatakas sa aking mga mata. Mas lumapit pa si Mateo sa akin.
"Ako dapat ang mag-sorry sayo. Hinusgahan agad kita and I judged you wrong."
Naalala ko yung mga pinagsasabi ko noon sa kanya. I told him he used girls... pero yung totoo ay pinoprotektahan niya pala ako.
Dumulas ang tuwalya na nakabalot sa akin at maagap niya itong dinampot para muling ibalot sa akin.
"You didn't" Aniya. "Totoo naman yung mga sinabi mo. I avoid relationships and I hurt girls by doing that."
"At hindi ko na gagawin iyon." he smirked.
I narrowed my eyes. Bakit hindi? Joke ba ito? Umuurong iyong luha ko dahil gusto kong matawa sa sinabi niya.
"Feeling smug after saying that?" Pilit kong biro. Lalo itong ngumisi.
"It's not every day you apologize."
"Don't get used to it."
"Too late."
Hindi ko mapigilan na ngumiti. Ito na naman siya. Napakagaling magpabago ng mood sa kahit na sinong babae ang makausap. Ikaw na Mateo.
--
Nagising ako sa sarili kong pagbahing. Sinubsob ko ang mukha ko sa aking unan. Sinisipon ako dahil kahapon. Buti nalang sabado ngayon.
Bumangon ako sa kama at nagtungo sa mini kitchen namin para uminom ng tubig. Lumampas ako sa mesa pero umatras din pabalik ng napansin ko ang mga bag of groceries sa mesa. Tinitigan ko itong mabuti. May Cereals at snickers.
Liam?
Tumakbo ako sa bintana para silipin kung sino ang naririnig kong nagkakatuwaan sa labas ng Dorm. Mga grupo ng kalalakihan at may ilang babae doon. Umagaw ng atensyon ko si Vivia at Oliver na hawak ang tiyan habang tumatawa. Ang nakakapagtaka ay nandoon din si Liam.
Naglalaro ba sila ng pinoy henyo? Pero hindi eh, dahil may umaakto sa unahan nila kung ano ang nabunot nila sa papel.
Sinuot ko ang jacket ko at bumaba patungo sa kanila. Si Oliver na ngayon ang nadatnan kong parang sinasaniban sa unahan nila.
"Boxing?" Hula ni Vivian
"Exercise?" Hula naman ng isa sa lalaki.
Ang dami nilang words na sinabi pero mukhang wala pang nakakakuha ng tamang sagot. Oliver kept repeating the same motion with his hands.
Liam yelled out, "Blow J0b!"
Umalingawngaw ang tawanan at maging ako ay natatawa at napapailing sa kalokohan nila. Katabi ko na ngayon si Vivian.
"Huy may bata." Awat ko kay Liam.
"Sino?" Tanong agad ni Liam kaya tinuro ko si Oliver. "Hindi na bata yan!" Tawa nito.
"Times up!" Sigaw ng isang lalaki na naka red.
"What was it?" Tanong niya kay Oliver.
"Nagbobomba ng gulong."
Umiling ako at ngumisi. So hindi iyon blow j0b.
Napatingin ako sa lalaking lumabas ng dorm bitbit ang dalawang trolly at isang itim na malaking bag at sa likod nito ay may itim din na backpack. I frowned, confused. Saan pupunta si Mateo? Bakit nag alsa-balutan ito ngayon? Kinabahan tuloy ako bigla.
"Mateo." Tawag ko sa kanya at ngumiti. "Aalis ka?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti ito sa akin saka inilapag ang itim na bag sa ibabaw ng kanyang trolley. "Yap. May basketball training kami at para na din mapaghandaan ko ang National Basketball Team."
Oh. Aalis nga siya. Matagal kaya?
"Exposure ko na din ang pagsama sa training para mapansin ng mga National Basketball coaches dahil isa sila sa mag te-train sa amin." Paliwanag niya saka sinuout ang kanyang varsity jacket. Nasa akin pa ang isa niyang varsity jacket.
Gusto kong itanong kung gaano katagal ang kanyang training pero ayaw lumabas sa bibig ko ng mga salitang iyon.
"So aalis kana nga." Tangi kong nasabi.
He nodded and looked at me, somewhat sadly.
"Maxel, Mauna na ako sa sasakyan?" Tawag ni Liam sa kanyang pinsan. "See you around Piper." Paalam ni Liam saka ito tumakbo patungo sa itim na sasakyan. Hindi man lamang ako nakapag-pasalamat sa grocery na pinamili niya para sa akin.
"I have to go, Viper." Paalam niya.
Bakit ganito? Bakit nasasaktan akong aalis siya? Babalik pa naman si Mateo, Piper. Ano kaba!
Pinilit kong ngumiti sa kanya at tumango.
"Mag-iingat ka." Ngumiti pa ulit ako. "I can't believe I am going to say this..." Humugot ako ng malalim na hininga at lakas ng loob. "Mamimiss kita, Mateo."
Bumahing ako pagkatapos kong sabihin iyon. Lame!
"Hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko ang isang heart throb na si Mateo Axel Montemayor. You changed my life for better. So... Thank you. Thank you din sa pagtitiis sa isang katulad ko." Wika ko.
Hindi ko alam kung awkward ba itong mga pinagsasabi ko. Gusto ko lang talaga magpasalamat kay Mateo kasi ang dami kong napatunayan at nagawa na hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko. Okay. Drama. Sensitive, emotional moments.
He smiled. At alam kong totoo iyong ngiti niyang iyon. Ngiting may kaunting lungkot pero ang gwapo pa din ni Mateo. "You taught me how to be a team player, Viper." Aniya.
“How?”
“By being patient.” Sagot niya saka ito ngumisi tapos ay naging seryoso din.
Ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin. That's was Mateo's style, short but sweet.
Lumapit ako sa kanya at lakas loob na yumakap. Ang sarap sa pakiramdam ng mga kamay niya sa likod ko. He traced along my spine pababa sa aking lower back. Aminado akong nakaka-panghina ng tuhod ang bawat dampi niya sa akin pero gusto ko ang pakiramdam na ito.
"I'll miss you." Bulong niya at parang kuryenteng dumaloy sa akin ang mainit niyang hininga sa aking tenga.
"Piper." Sambit niya sa pangalan ko at ang sarap pakinggan. Gustong gusto ko talaga kung paano niya bigkasin ng ganito ang pangalan ko. "Bye." Aniya.
I sneezed again into his shoulder. Panira ng moment.
But seriously, I hate goodbyes.