Ang akala ko ay tapos nang kumain si Liam pero mukhang hindi yata ito kumain ng isang linggo. He opened my mini pantry at nilantakan ang nag-iisa kong snicker. Tumayo ako at ikinuha siya ng tubig na maiinom.
"I'll write you a grocery list of all the things you can bring next time you visit." I said as I offered him a glass of water. Cereal and chocolates would be at the top of my list.
He narrowed his eyes on me and accepted the glass.
Nag-uusap pa kaya si Mateo at Tricia? Okay na kaya sila? Wala talaga akong idea na break na sila. Bakit ang bilis? Well, ano pa ba ang aasahan natin kay Mateo. Basta heart throb, heartbreaker din yun automatic.
"Bakit ang dami mong insects bite? Hindi ka ba nagbaon ng repellent?" Tanong ni Jewel.
Pinasadahan nito ang mga kagat ko sa braso at binti. Ngumiwi ako. Naalala ko tuloy noong magising ako noong umaga ng hiking namin sa bundok...
--Flashback...
Pinaliguan ko ang sarili ko ng insect repellent. Hinubad ko ang camouflage suits ko sa loob ng tent para magpalit ng pantulog ng...
Shuta! Nasa bag ko nga pala iyong mga damit ko.
Narinig ko ang kwentuhan nina Sir Dizon sa mga gising pang estudyante. Hindi ko na ito binigyan ng pansin dahil mas malaki ang problema ko. Mainit sa katawan itong jumpsuit. Tulala ko itong tinitigan...
Matutulog nalang akong naka panty at bra, may kumot naman ako at hindi naman nila ako makikita unless pilitin nilang buksan itong tent ko.
Maaga kaming ginising ni Sir Dizon at ng ibang organizer. May mga pagkain na hinanda ang organizer para sa aming umagahan. Kumuha ako at sa tent na kumain habang nililigpit ang iba ko pang gamit para ilagay ulit sa bag ni Mateo.
Ready na kaming bumaba ng bundok. May ilan lang na hinihintay matapos sa pag iimpake.
"Makita ka palang ng mga wildboar ay matatakot na sila sa mukha mo." Mataray na bungad sa akin ni Jackie saka nya ako sinadyang danggilin ng kanyang bag.
Simula ng mapalapit ako kay Mateo lalo na noon samahan niya ako kagabi ay palala na ng palala ang pakikitungo nila sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung ganito ang nangyayari. Hinimas ko ang braso ko na binangga ni Jackie dahil masakit ito, buti at hindi ako natumba dahil siguradong pagtatawanan nila akong lahat.
We lined up, ready to move down. Hindi ko inaasahan ang pagtabi sa akin ni Jimmy.
"Mateo saved you yesterday, right?" He asked and smirked. Tumango lang ako bilang sagot. "Did you two kiss?" He chuckled.
OMG! What on earth?? Namumula na yata ako.
"Of course not!" Bulyaw ko sa kanya at pinagmasdan ang mga nasa unahan namin dahil baka narinig nila ito.
---
Gabi na ng umuwi ang magkapatid. Nauna akong mag shower kay Vivian dahil may ginagawa pa itong assignment. Nasa harap ako ng salamin ng hubarin ko ang mga damit ko. May binili ako kaninang ointment para dito sa mga insect bites. Hindi na nga ako kagandahan magkakaroon pa ako ng madaming peklat. Ano nalang ang maipagmamalaki ko bilang babae? Hindi din naman kalakihan itong dibdib ko. Speaking of dibdib, hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin noong magising ako sa hiking namin kung bakit may nakasingit na 100 sa bra ko?
"Piper, pahiram ng marker mo ha?" Paalam sa akin ni Vivian.
"Sure. Kunin mo nalang sa table ko." Sagot ko.
Naligo na ako at ginawa ang iba ko pang seremonyas sa paliligo including my skincare routine. I usually wear pajama and big shirts except today dahil hindi pa ako nakakapagpa-laundry ng damit. No choice ako kung hindi suotin itong terno kulay peach silk sleeveless short na regalo sa akin ni Tita last christmas. Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok at lumabas ng banyo.
"Holly molly!" Gulat na reaksyon ni Liam. Nakaupo ito sa dining chair habang nakatayo naman si Mateo sa gilid nito at pilyong nakangiti. Sanay sila sa mga outfit kong pang dalagang marikit. Iyong kulang nalang ay mag turtle neck long sleeve at pants para lang walang ma expose na balat sa katawan ko. Yeah. Kung hindi lang mainit sa Pilipinas ay gagawin ko iyon.
Sa sobrang pagkabigla ko ay niyakap ko ang sarili ko. Gusto kong bumalik sa loob ng banyo pero napako na yata ang mga paa ko sa sahig. Tumingin ako kay Vivian na nasa kanyang study table pa din at tumatawa.
"A-Anong ginagawa ninyong dalawa dito?!"
"Hindi ko inaasahan na may taglay ka din palang-"
"Shut up Liam. Umuwi kana." Saway sa kanya ni Mateo.
Inalis ko ang tuwalya ko sa buhok at ibinalot sa sarili ko. Hindi ko pa din magawang umalis sa kinatatayuan ko.
"Bakit nga ba nandito kayo?" Muli kong tanong.
"Naiwan ko itong cellphone ko sa ibabaw ng ref." Agad na sagot ni Liam at ipinakita pa sa akin ang kanyang cellphone. "Nagutom ulit ako nang makita ko kung gaano pala kasexy itong si Piper. Nag dinner na ba kayo?" Patuloy nya.
What?! Ako sexy? Shuta! Namumula na naman itong peste kong mukha.
"Hindi pa." Singit ni Vivian. "Beke nemen" Pabiro niyang dugtong saka bumungisngis.
Naging busy si Liam sa kanyang cellphone. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa cabinet ko para magpalit ng damit ng muling magsalita si Liam.
"Kamusta iyong pag-uusap ninyo ni Tricia?"
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko kunwari ay hindi sila pinapakinggan.
"Ang hirap makipaghiwalay sa kanya, hindi naman talaga naging kami." Sagot niya.
"You're a bigass jerk! That's unfair!" I said in defense, "You were sleeping together."
Nakatingin na sila sa akin. Pati si Vivian na halatang nagulat sa pag-epal ko sa kanilang usapan. Please, huwag ninyong itanong kung bakit pinapanigan ko si Tricia sa kabila ng pang-iinsulto niya sa akin at sa pagtawag sa akin ng malandi at w***e. Syempre babae din ako at hindi tama iyong sinabi ni Mateo.
"We both agreed that we were only doing it for the s3x, no feelings involved." Depensa ni Mateo.
"And then she changed her mind, right?" Liam guessed.
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Player will always defend another player.
"Yeah." Sagot ni Mateo.
Hindi na ito muling nagsalita. He didn't look happy. Halata sa mukha ni Mateo na hindi nito ikinatuwa ang pagkampi ko kay Tricia.
"Sa tingin ko ay totoo na yung nararamdaman ni Tricia sayo but you just used her. Ang hilig mong paglaruan ang damdamin ng mga babae. That's your thing." I told him. Ngumisi si Liam at umiling iling na parang mali yung mga sinabi ko.
"How did you say that's my thing?" Irita nitong sagot sa mga sinabi ko, "You barely know me."
Hindi na ako umimik. I can't lie. Masakit iyong sinabi niya at totoo na hindi ko pa naman siya gaano kakilala.
"It's been almost a week," I muttered, "But I know your type."
"i don't need your stereotyping bull$hit" Malamig niyang tugon.
Namutawi ang katahimikan sa kwarto. Liam pursed his lips.
"And I was trying to defend you from them by the way." Basag ni Mateo sa katahimikan.
"Why?" Tangi kong nasabi.
Kita ko ang pag iiba ng reaksyon ng mukha ni Liam, bigla itong naging interesado.
"Forget what I've said." Aniya at lumabas na ito ng kwarto.
What? Paano ko makakalimutan ang sinabi nya?
“I ordered pizza but I think I have to go.” Ani Liam. Kumindat pa ito sa akin bago siya sumunod sa kanyang pinsan.
Nanlalambot akong umupo sa aking kama hawak ang tshirt na sana ay isusuot ko kanina. Tumabi naman sa akin si Vivian while tapping my back.
“It’s okay. You have your points kaya wag ka nang maguilty dyan.” She said comforting me, “Ang mahalaga ay ang inorder na pizza ni Liam, ano kayang flavor noon? Sana hawaiian.” She added at ngumisi. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. I pouted my lips and buried my face into my pillow.
“Anong gagawin ko?” Naiiyak kong sabi.
“Wala kang gagawin kundi i text si Liam kung bayad na ba iyong pizza? Wala akong cash dito. Ikaw ba?”
Ugh! Shuta ka Vivian! Magsama kayo ni Liam at ng pizza!
---
Things were tense between us. Madalas kaming magbangayan ni Mateo pero iba itong ngayon. It was a real one. Tumayo ako at sinubukan na habulin siya... Bigo ako dahil si Liam lang iyong nakita ko sa labas na kausap iyong pizza delivery boy.
"Piper." Bati niya ng makita ako. "Did you just literally chased him?" Natatawa nitong tanong habang nakatingin sa damit ko.
Oh $hit! Ngumiwi ako at hilaw na ngumiti.
"It's okay, you're hot." Lumapit ito sa akin at inabot ang ang dalawang kahon ng pizza. "Hayaan mo nalang muna si Maxel. I told you not to underestimate him but you still managed to mess things up."
"Anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang ibig kong sabihin, huwag ka munang magbibigay ng opinyon sa isang bagay kung hindi mo pa alam ang totoong pangyayari. With the way Mateo acts, para mo kasing sinabi na walang feelings iyong tao. Nasaktan siya doon for sure." Paliwanag niya at binuksan ang isang kahon ng pizza saka ito kumukha ng dalawang slice at pinag-patong ito na parang burger.
"How? He doesn't even like me." Naguguluhan pa din ako sa sinabi ni Liam.
"Forget it. Pumasok kana sa loob dahil baka hamugin kapa." Aniya at pinagtulakan ako papasok sa building. "Don't worry, He had your back."
Hindi alam ni Liam ang tungkol sa nangyari sa amin ni Mateo during the hiking. Iyong late night convos namin, pero dahil mas kilala niya si Mateo kaysa sa akin kaya niya siguro nasasabi ang mga iyon. Ang dami kong tanong sa utak ko at bakas na bakas ito sa mukha ko kaya tinawanan ako ni Liam ng mapansin niya ito.
"You'll figure it out, Piper." He said and patted my head.
Muli niya akong pinapasok sa loob, sinunod ko lang siya ng may nag 'Hi Miss' sa akin mula sa katapat naming building. Grateful ako sa concern at tiwala na binibigay sa akin ni Liam. Maling-mali talaga iyong inasal ko kay Mateo kanina. Dapat nakinig muna ako sa buong istorya. At sa totoo lang naguguluhan talaga ako, ayokong umasa o bigyan ng kahulugan ang mga sinasabi ng mag-pinsan na iyon. Mateo dumped Tricia. That's the only fact I had. Base kasi sa nakita ko, Tricia really like Mateo... Sino ba ang hindi? Magwawala ba ng ganoon si Tricia kanina sa cafeteria kung hindi niya mahal si Mateo. Ibinaba niya ang level niya sa isang katulad kong nobody.
Ilang beses ko nang nakita si Mateo na ibat iba ang kasamang babae kapag sinisilip ko siya noon sa bintana. Ilang beses ko din nasaksihan ang mga babaeng kahalikan niya sa labas ng dorm. So I am not convinced of Liam's version of the truth.
Magaling sila sa mabulaklak na salita, Let's see and watch how they play.
---
It was night time. Wala ako sa sarili ko habang nanonood ako ng kdrama. Paano ba naman ay hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. Sumulyap ako kay Vivian na patuloy pa din na tinatapos ang kanyang assignment at hanggang ngayon ay kumakain pa din ng pizza. I turned off my laptop and decided to just sleep it off.
"What was that smell?" Kunot noong tanong ni Vivian. Hindi ako aware dito until I smelled like burnt plastic of something? Isang nakakabinging ingay ang umalingawngaw sa buong building. Tunog ito ng fire alarm. Nagkatingin kami ni Vivian saka ito tumayo.
"Was that a fire alarm?" Tanong nya.
"I think?" Kinakabahan akong sumagot.
Napamura si Vivian saka kami tarantang lumabas ng kwarto. Nagkakagulo na ang mga ilan sa floor namin at makapal na ang usok. Hinila ako ni Vivian sa fire exit dahil nahihirapan na akong huminga at pati ang daan ay hindi ko na maaninag.
"Are you okay?" puno ng pag-aalala ang boses nito. Inalalayan niya ako palayo ng building.
Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin. Nasa floor namin nagmula ang sunog at apat na kwarto lang ang pagitan sa kwarto namin. Halos lahat kami ay nandito sa kalsada at pinapanood ang mga bombera na patayin ang apoy sa third floor.
"What's going on?" Dinig ko ang malakas na boses ni Mateo. Pinanood ko siya na lumapit sa bombera at maya maya pa ay nakipagtalo na siya dito dahil ayaw siyang payagan na pumasok sa loob ng dorm namin. I can see how worried his face it but for who? May bago ba siyang girlfriend sa building namin.
Nilingon ko si Vivian na may pinapakalma na batang lalaki. Sa tingin ko ay first year college ito at nasa apat na taon ang pagitan ng aming edad but he looks younger than his age dahil siguro sa hindi ito matangkad gaya ng iba.
"It's okay. Calm down." Aniya at hinahagod ang likod nito.
"What's wrong?" I asked.
"Nasa loob pa kasi si Camille. Her ultimate crush." Sagot ni Vivian. "Pinsan ko nga pala. She's Piper, my roommate. And he is Oliver." Pakilala nito. Tiningnan lamang ako ni Oliver at bumalik na ang tingin sa nasusunog na building.
"Nakalabas na kaya siya? Hindi naman siya mamamatay no? I haven't ask her out." Alala nitong sabi.
"Oo naman, ang alam ko nasa kabilang side na iyong iba." Ako na yung sumagot. Tumingin muli sa akin si Oliver at tipid na ngumiti.
"Kaya ligawan mo na habang hindi pa huli ang lahat." Kantyaw ni Vivian sa kanyang pinsan.
"Kinakabahan akong kausapin siya eh. At saka baka hindi niya ako magustuhan." He answered, looking between Vivian and me.
"Paano mo malalaman kung hindi susubukan? Talk to her."
Yumuko si Oliver at nag-iisip ng isasagot. "But... I don't have the words."
"You don't need words." Mateo answered and walked beside me.
Nakatingin kaming tatlo sa biglang pagsulpot ni Mateo. May lahi talaga itong kabute. Mariin niya akong tinitigan pababa sa aking katawan and that's when I realized what I am wearing. Shuta! Unti unti kong niyakap ang sarili ko dahil bago ako humiga ng kama ay tinanggal ko iyong bra ko. Umiwas ako ng tingin kay Mateo dahil malamang ay kulay kamatis na ako sa pula.
Lumapit siya sa akin at ibinalot ang kanyang varsity jacket sa harapan ko.
"T-Thanks." I said without looking at him. Nilingon ko si Vivian pero wala na sila ng pinsan niya sa tabi ko.
Naglakad lakad ako para hanapin sila and there they are. Kausap siguro iyong camille na crush ni Oliver. Pinapanood ko sila at natatawa dahil sobrang torpe ni Oliver, kung hindi pa siya i build-up ni Vivian ay walang mangyayari sa kanilang pag-uusap. I looked back at Mateo and I was surprised that this whole time he was looking at me. His hazel brown eyes feels like a lightning bolt. I didn't like where my emotions were taking me. Si Oliver at Camille dapat ang pinapanood kong nagkakamabutihan... Ugh!
"My room is open if you don't have any place to stay for tonight." He offered. Marahan lamang akong tumango. I don't even know what to say. Gusto kong mag sorry pero walang kahit anong salita ang lumabas sa aking bibig.
At the end ay hindi ko tinanggap yung offer ni Mateo. Hindi naman sa nag-iinarte o nagpapakipot ako. Sumama nalang kasi ako sa kung saan matutulog si Vivian at iyon ay kay Oliver na kwarto. Iwas chismis na din itong ginawa ko.
Kinabukasan ay maaga kaming bumalik ni Vivian sa aming kwarto. Mabuti na lang at naagapan agad yung sunog kagabi at hindi na umabot pa sa aming unit. Safe na safe pa naman ang lahat ng gamit namin except sa nag-amoy usok ang lahat ng gamit namin lalo na itong bedsheet ng aming kama.
Sabay kaming nagtungo ni Vivian sa Campus at naghiwalay din sa aming kanya kanyang klase. Iba kasi ang kurso niya sa akin. Si Jewel naman ay mamaya pang hapon ang unang klase dahil irregular student ito. Bago ako tuluyang magtungo sa aming room ay dumaan muna ako sa CR para umihi. Walang tao sa loob kundi ako lang pero ng nasa loob na ako ng cubicle ay may narinig akong dalawang babae na pumasok.
"Jackie, hindi mo pwedeng ipost yan. I warn you."
"Why not? Nag break sila dahil dito. Ang daming nadamay at nasaktan dahil sa picture na ito except for the person it was meant to."
"Pero nangako ka kay Mateo na buburahin mo na yan."
"I lied. Hindi naman niya malalaman. Kung gusto mo ikaw nalang ang mag post para sa akin?"
"Are you crazy? Huwag mo akong idamay dyan. All I want is for Mateo Axel to get after me." Angil ng kausap ni Jackie. Hindi ko mailabas ang ihi ko dahil sa pag-uusap ng dalawa.
"Sus! You want him to chase you."
"Of course. I want him to sleep with me. Kaya huwag mo akong idamay dyan sa binabalak mo. Nakita mo naman kung anong ginawa niya kay Tricia noong makita niya yang picture na iyan sa phone ni Tricia."
"Shut up! May paparating. Mamaya na natin ituloy itong pinag-uusapan natin. Basta ang goal ko ay ang maging girlfriend ni Mateo bago matapos ang first semester."
"Our goal. Now that Tricia is out of the picture." They both laughed.
Tumigil lang sila sa pagsasalita ng nakapasok na ang isang grupo ng mga babae sa loob ng CR. I heard the next cubicle door bang open and then a knock on my door.
"May tao ba dito?"
"Oo. Lalabas na." Agad kong sagot. Tinapos ko na ang pag-ihi ko saka ko pinlashed ito at lumabas. Akala ko wala na sina Jackie... Pero mali ako. Nakatayo sila sa labas at hinihintay ang paglabas ko. Lagot.
Hinarangan ni Jackie ang tuluyan kong paglabas sa cubicle.
"Anong mga narinig mo?" Tanong nito na may pagbabanta sa kanyang boses.
"Uhmm... Wala akong masyadong narinig. May binabasa kasi ako-"
"Anong mga narinig mo, walrus girl?" Putol ni Jackie sa akin.
"Relax." I said at nagtungo sa lababo para maghugas ng kamay. Pagkatapos noon ay itinapat ko ang mga kamay ko sa dryer para lumikha ito ng ingay so it could prevent any of us from hearing each other.
"Narinig mo ba ang mga pinag-usapan namin?" Tanong ng kasama ni Jackie.
"Oo." Pag-amin ko. "Narinig ko lahat."
"Well, wala ka din namang magagawa. Nasa amin ang picture at nasa amin ang desisyon kung anong gagawin namin doon." Jackie held out her phone as if that was proof enough.
Para siyang isang evil character sa isang movie at nagsasabi ng kanyang masterplan. Ano bang picture ang tinutukoy nila? Scandal ba ito? Imposibleng ako dahil unang una sa lahat. Paano mangyayari iyon?
"Patingin." Tanong ko na parang feeling close.
"No way!" Masama itong tumingin sa akin saka siya naglakad palabas ng CR. Sumunod naman agad iyong kasama niya. Hindi muna ako lumabas agad dahil baka nandiyan pa sila sa labas.
---
Pagkatapos ng dalawang subject ay vacant class ko na at na-pagdedesisyon na sa library nalang ubusin ang aking oras habang wala pa si Jewel. Si Vivian naman ay may isa pang subject.
"Ms. Delgado." Tawag sa akin ng prof ko. "Can you bring this to the pool area? Kailangan lang ni Sir Dizon."
"Sure Maam." Nakangiti kong sagot at tinanggap ang inabot na folder.
Bitbit ang aking bag at libro ay nagtungo ako sa pool area ng campus. Malawak ang pool area ng campus dahil mayroon itong 3 kinds of pools for swimmers. Isa na dito ang pang surfer na may artificial waves. Dahil sa kung saan saan ako nakatingin ay hindi ko napansin ang glass door at sumalpok ang noo ko dito. Feeling ko may star na akong nakikita sa ibabaw ng ulo ko. Hinipo ko kaagad ang ulo ko para icheck kung may bukol and yes... Meron nga! Kamalasan!
Walang tao dito sa loob except kay Tricia na mabigat ang bawat paghinga. Mukhang galing sya sa pagtakbo ng malayo. Nagulat pa ito at natigilan ng makita ako.
"Tricia." I asked. Hinintay ko syang sumagot at nakakainip ang maghintay. He looks terrified and her mascara was running down her cheeks. "Anong nangyari?" Tanong ng inner chismosang side ko.
"Ikaw!" Sigaw niya sa akin. "I really liked him. Sinubukan kong umakto na wala akong pakealam sa breakup namin pero hindi ko kaya! Nang dahil sayo nawala sa akin si Mateo!"
Shuta! Ito pa din ang issue nya? Akala ko kung ano ng nangyari.
"Bakit ba ako pa din ang sinisisi mo? Hindi ko nga alam kung bakit kayo nag break."
"He defended you," Garalgal niyang sagot. She's about to cry pero pinipigilan lang niya. "Ang sabi niya ay masyado daw masama ang ugali dahil sa ginawa ko sayo!"
"Bukod sa pagiging bully mo sa akin araw-araw, may iba ka pa bang ginawa na hindi ko alam?" I asked, trying to sound casual about her daily bullying.
"Kasalanan mo din yon! You were so pathetic on the hiking trip, nagka-katuwaan lang naman kami noon."
"Yung picture ba?" Hula ko. Siguro ito din iyong pinag-uusapan kanina nina Jackie sa CR.
"Masaya ka na ba? Are you enjoying it? Paalala ko lang sayo na kahit wala ako ay hinding hindi magkakagusto sa pangit na tulad mo ang isang Mateo Axel Montemayor."
Tumango ako bilang pag-sangayon sa huli niyang sinabi. Oo na. Ako na ang pangit! Ayaw ko na sana siyang pakinggan dahil mas priority ko itong folder na hawak ko.
"Relax, Okay?" Sabi ko saka muling ininda ang noo kong kumikirot sa sakit, "Baka kasi nakita ni Mateo ang ugali na meron ka at hindi niya ito nagustuhan."
Harsh. Alam ko. Pero diba? The truth hurts.
And so does my forehead.
"Hindi! Alam kong siniraan mo ako sa kanya. Gumawa ka ng kwento para kainisan niya ako. Pa inosente ka at mapagpanggap. Mateo fell for your trap. Kunwari ay mahina so he thinks he needs to protect you."
Nagsisimula na akong ma-bwiset dito sa babaeng ito. Daig pa ang may sira sa ulo. Liam was right. Dapat pinakinggan ko muna ang buong storya bago ko sabihan ng kung ano-ano noon si Mateo. Ngayon hindi ko na alam kung nagustuhan din ba talaga siya ni Mateo o hindi.
Oh my good Lord... Nakipagbreak si Mateo kay Tricia ng dahil sa akin? Yes, sa akin.
"TULONG!"
Tumagos iyong tingin ko kay Tricia sa likod niya. Nakita ko ang isang babae na nakasampay ang katawan sa surfing board at dahil malakas ang wave sa pool na iyon. Muli siyang tinangay at hinigop ng alon. Nakita ko pang pilit siyang umaahon at pilit tinataas ang kanyang kamay. Ang pagkakaalam ko ay may 15 feet ang lalim ng pool na iyon.
Nabitawan ko ang hawak kong folder at libro. Maging ang body bag ko ay nilapag ko sa malamig na sahig.
"OH NO!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo.