Nakabalik na kami ng campus. Maaga ang pasok ni Vivian kaya hindi ko na siya naabutan. Hindi pa kami nakakapag usap simula ng bumalik kami. Kagabi pang masama ang pakiramdam ko. Ang bigat bigat ng ulo ko. Pinilit kong bumangon para uminom ng tubig pero walang lamang tubig ang ref. Malas!
Nagtungo ako sa cabinet ko at nagsuot ng hoodie jacket para bumaba at bumili ng gamot. Bibili na din ako ng makakain. Nanlalambot akong lumabas ng dorm. Bakit pakiramdam ko ang lamig kahit ang taas na ng araw? Parang binibiyak din ang ulo ko sa sakit.
"Look who just got out of bed."
Si Mateo. Nakaharang ngayon si daanan ko. Tumunghay ako sa kanya at basang basa sya ng pawis. Bumaba yung mga mata ko sa bakat nyang abs na mas lalong naging visible dahil sa basa ito. Mukhang kakatapos lang nyang mag jogging. He licked his lip and smile. Ugh! Para akong lalagnatin!
"Wala kang pasok?" Tanong niya ulit. Nakatitig lang ako sa kanya. Lutang.
Nilampasan ko sya dahil parang mas bumibigat yung ulo ko then everything went black. Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan ako. Ang natatandaan ko lumabas ako ng dorm ng 5pm pero bakit 8am na sa wall clock? I scanned the place... Parang kwarto ito ni...
Mateo?
Nakatayo si Mateo sa harap ng bintana at nag wowork out. Mukhang kanina pa niya iyong ginagawa at halatang pagod na sya. Nasabi ko bang wala na naman siyang suot na tshirt? Hubadera talaga. He grabbed his jag and drink the water. What a perfect jawline. The veins on his arms contoured his muscle, which flexed when he moved.
He caught me staring at him kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Buti gising kana." Anya at lumapit sa akin to check my temperature. "Sobrang taas ng lagnat mo kagabi. Are you okay now? May gusto ka bang kainin?" Ramdam ko yung pag aalala sa boses nya. I blushed. Umiling lang ako.
"Let me know if you need something. Dito lang ako." He said at bumalik sa pag eexercise.
Gusto kong matulog ulit pero hindi ko magawa dahil sa sobrang hot ng nakikita ko. Ano ba yan! Huwag kasing maghuhubad ng tshirt. Nagiging makasalanan ang mga mata ko eh! Naupo ako sa kama at dinampot ang libro na nasa gilid ng kama. Math book? Binabasa ko yung mga problems sa libro pero yung mata ko hindi maiwasan na hindi tumingin kay Mateo. He licked his pink lips absentmindedly, pero iba ang pumapasok sa isip ko. SHUTA! Sana nababasa ko ang nasa isip nya. What turned him on--
"STOP!"
Kunot noo syang tumingin sa akin.
Sumigaw ba ako?
"May masakit ba sayo?" He asked. Confused.
Ni hindi ko magawang makatingin ng matagal sa mukha nya. Dinig ko ang bawat malalim na paghinga dahil sa barbel. The muscles on his chest rippled like a wave. Para siyang greek sculpture. Hindi na nya ako hinintay sumagot pumasok siya sa banyo at doon na lang ako nakahinga.
Maya maya pa ay lumabas na si Mateo at kasunod noon ang hindi kalakasan na music. Wala pa din syang t shirt. Hoooo! Kumuha siya ng beer sa kanyang mini ref at ininom ito. Yung Adam's apple guys! Pashnea! Nahuli nya akong nakatitig sa kanya.
Kumindat si Mateo.
Gusto kong mag mura ng malakas with a microphone! SHUTA! Namumula na yata ako. Lalagnatin na naman ba ako? Inet!
"Gusto mo ba?" Tanong nya.
Bakit ang halay nya pakinggan, o ako lang itong mahalay?
Humigpit yung hawak ko sa math book na para bang bible ang hawak ko. Kailangan ko ng holy water guys.
"Hmmm?" Sagot ko. Bahagya na bumuka ang bibig ko.
"Yung music," He gave me a strange look. "Ano ba sa tingin mo ang tinutukoy ko?"
Ahh... Music naman pala. Tama na Piper. Uwi kana.
Umupo siya sa kama. Sa gilid ko. Pagod na pagod ito at tumingala pa habang nakapikit. Still holding his can of beer.
Nagbasa ulit ako ng mga problem solving dito, baka sakaling may masolve ako. Pero wala. napa patingin ako sa katabi ko. Si christian grey ang pumapasok sa mahalay kong utak ngayon. Hindi ko na kaya. Itinabi ko na yung libro at ibinalik ito sa mesa.
Simba ka minsan Piper ha?
"I like the music." Bigla kong sabi.
Nakakatawa. Alam ko. Iyon lang ang naisip kong sabihin eh. Nanatili syang nakapikit. I wished he would dahil gusto kong makita ang hazel blue eyes nya.
"Good. I like it too." sagot nya.
So he is sharing his music with me now. Pinakinggan ko nalang yung kanta at pumikit na din. Iwas tukso din yon.
Why do I feel relaxed and safe around him?
Except kapag nagiging hubadera sya. Nagwawala buong sistema ko mga mars.
Bumalik na ako sa dorm ko. I prepared my things para makahabol sa susunod na subject and after 3 subjects were done ay sa cafeteria ako tumambay habang hinihintay si Vivian or si Jewel. Tinext ko sila eh.
"w***e!"
Rinig kong may sumigaw.
"Malandi ka! Kunwaring Nerd pero saksakan pala ng landi!"
It was too late when I realized that those insults are for me. Tumunghay ako at tumingin sa nagngangalit na si Tricia.
"Ikaw ang dahilan kung bakit sya nakipag break sa akin!" Sigaw pa nya.
Huh? Ako? Nagbreak?
Gusto kong tumawa pero syempre respeto na sa nag uusok na ilong ni Tricia, I choose to keep silence. Ano kaya ang pumasok sa bunbunan ni Tricia 'the campus queen' para pagbintangan ako na inagaw ko ang kanyang boyfriend? Like hello? Okay ka lang?
Unang una hindi ako ganoong babae.
Pangalawa, hello girl? Ako lang naman ito... Piper Cassandra Delgado the most unpopular girl on this campus.
"Break na kayo?" Tangi ko nalang naitanong sa pag iiskandalo nya.
Tumingin ako sa kanya at napansin ang magulo nyang buhok, nakalimutan nya atang mag suklay? Her eyes were puffy, iniyakan siguro buong gabi si Mateo? Pero kahit ganun ay mas maganda pa din sya sa akin. On the other side, hindi ko ikinatutuwa ang ginawa sa kanya ni Mateo although we all know what kind of guy he is.
Heartbreaker.
Para syang nagpapalit lang ng damit pagdating sa pakikipag relasyon.
Lastly (and most important) I don't like being accused of stealing anyone. It makes people sound like property.
"Malandi kang -" I cut her immediately dahil dinuduro na nya ako at agaw atensyon na sya.
"Wait lang. Wala akong kinalaman sa hiwalayan nyo. Mag hunos-dili ka." I said saka ko dinampot ang bag at libro ko sa mesa.
Aalis na sana ako ng makita ko si Liam na naglalakad palapit sa akin. May hawak itong popcorn at soda na parang manonood ng sine. Ano naman ang ginagawa nya dito?
Tumigil ako.
"What's the commotion all about?" Natatawa nitong tanong. "You've run out peanut butter, by the way, Piper. Gusto mo na bang magrestock?"
I blinked twice at him. "Anong ginagawa mo dito?"
Naikwento na agad ni Mateo ang tungkol sa peanut butter?
"I got bored so I went here to get entertain, at hindi ako nagkamali." Tumawa pa ito.
Nasaan si Mateo? Bakit hindi nya kasama?
"Who are you?" Tanong ni Tricia at huminahon ang tono ng boses nito ngayon palibhasa may gwapong kaharap.
"What a question," Bumungisngis si Liam saka kumain ng popcorn. "You must be Trina."
"Tricia" Correction ni Tricia.
"Oo nga."
Mga lalaki talaga, hilig maliin ang pangalan.
"Hey! Kuya Liam. Why are you here?" Singit ni Jewel na kadarating lang. Tumingin ito sa akin at kay Liam saka kumunot ang noo tapos ng marealized nya na magkakilala na kami ay tumawa ito. "I'm glad you've already known each other." she happily said.
Ngumiti ako kay Jewel.
"And I'm glad that you came in just right in time, Jewel. Tara na?" Yakag ko para makatakas na.
"Hoy saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." Sigaw sa akin ni Tricia.
Tumingin sa akin si Jewel at sunod naman ay kay Tricia. "Excuse me?" Mataray nitong sabi kay Tricia.
Tinapik ko si Jewel at sumenyas na huwag ng patulan.
"Weren't you dating Mateo?" Tanong ni Liam at hindi ko nagustuhan ang tono nito.
"Yah. Iyon din ang alam ko." Pagsang ayon ni Jewel.
"I am dating Mateo, but she is trying to get in between us." Maiyak iyak nitong sagot.
"b***h please?" Asar na sabi ni Jewel at gusto ng sumugod, pinigilan ko lang.
"There is no us, Tricia."
Lahat kami ay napatingin sa pinagmulan ng boses. Naglalakad si Mateo palapit with his friend Jimmy. He's in a university basketball uniform. Jimmy was bouncing the ball while walking.
"Hi, Nerd." Bati ni Jimmy sa akin. Umirap naman ako.
"Hi, Jerk!" Sagot ni Jewel para sa akin.
"Nandito kana pala." Bati ni Mateo kay Liam.
Tricia cleared her throat. Nakasimangot ito dahil hindi nya lubos akalain na hindi sya napapansin. I know how it feels. Tumingin si Mateo kay Tricia.
"Did you forget something?" Sarkastikong tanong ni Mateo.
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap. I want to talk to Piper." Malamig nyang sagot.
"Bakit? Hindi talaga kita maintindihan." Singit ko sa kanila. "Bakit ako ang kakausapin mo? Bakit hindi si Mateo? Ako ba ang nakipag break sayo?" Naguguluhan kong saad. Pigil na tumawa ang magkapatid na nasa gilid ko.
"You've waffled your way into his life kaya huwag ka ng magpanggap na parang isang inosenteng Maria Clara. Alam kong sinisiraan mo ako sa kanya. You've poisoned his mind against me!" Wika ni Tricia.
Napanganga ako. Saan ba nya hinuhugot ang mga pinagsasabi nya?
"Judging her as if you knew her with all of your life? Stop it b***h. Hindi ka kagandahan!" Si Jewel na naman ang sumagot.
I love her. OMG! Sana may ganyan akong fighting spirit. Literal na fighting.
"It's true I'd like to poison Mateo, but those reasons have nothing to do with you." Segunda ko.
Nakita kong ngumisi si Mateo at Liam sa sinabi ko.
"So inaamin mo na-"
"Please shut up!" Bulyaw ni Jewel.
"NO! YOU SHUT UP! HINDI KA KASALI DITO!" Sigaw ni Tricia pabalik.
"ARE YOU SHOUTING AT ME?!" Gigil na si Jewel.
"YES, I AM! AND YOU!" Tinuro ako ni Tricia "WALRUS b***h! I WANT YOU TO APOLOGIZE FOR RUINING OUR RELATIONSHIP! BAWIIN MO ANG MGA SINABI MO KAY MATEO!" She shouted at me.
"YOU ARE CRAZY b***h!" Susugod na si Jewel ng hagipin ni Liam ang baywang ng kapatid. Pumagitna naman si Mateo sa amin ni Tricia.
"Don't swear at her." Ani Mateo sa maayos na tono. "Kung ano man ang rason ko para hiwalayan ka ay labas na si Piper doon. It's my decision and you can yell at me, but leave her out of it." Seryoso nitong sabi.
Kita ko ang pamumuo ng mga luha ni Tricia. I feel sorry for her. Alam ko kung gaano kasakit ang makipaghiwalay sa taong mahal mo. I'd experience it myself.
"You heard that b***h?!" Sigaw ni Jewel na hanggang ngayon ay pinipigilan pa ni Liam.
"Tama na Jewel." Saway ni Liam "You guys talk it out. Ako na ang bahala sa dalawang ito." Offered ni Liam
Tumango si Mateo. Hindi ko na hinintay na sulyapan ako ni Mateo para sabihin na sumama kay Liam. Naglakad na ako palabas ng cafeteria. Alam kong sumunod sa akin ang magkapatid. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil pinagtitinginan kami. Nakakahiya!
"Piper. Okay, ka lang?" Salubong sa akin ni Vivia. "What happens?"
"She’s got into a fight with the campus bitch." Sagot ni Jewel. Lumingon ako sa kanya at kita ko na nag facepalm si Liam.
"Seryoso? Bakit?" Vivian confusedly looked at me.
Umuwi kami sa dorm at doon ko ikinuwento ang nangyari. as in lahat. Nandito din ang magkapatid. Nakaupo kami sa sofa, pinang-gitnaan ako ni Jewel at Vivan. While Liam in the dining... Kinakain ang cerals ko. Nadidistract ako sa pag kukwento sa tuwing magsasalin sya sa kanyang bowl ng panibagong cereal. May kainin pa kaya ako bukas?
"Liam." Tawag ko sa kanya. "Next time magdala ka ng cereals kung dadalaw ka dito sa campus ha?" I said while staring at the empty box. Tumawa ito.
"You both like cereal." Komento ni Jewel. "Lahat na yata ng cereals natikman na ni Kuya." She added.
Tumango si Liam bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kapatid. "Do you want to try something new?" Tanong ni Liam sa akin.
"Like what?"
"Like Mateo."
Whaaat?
Sabay sabay na tumawa ang tatlo. Anong nakakatawa? Sana umiinom ako ng tubig nang sabihin nya iyon dahil ibubuga ko talaga iyon sa mukha nya. Nag-init yung mukha ko at sigurado akong namumula na ito.
"Honestly, ikaw palang yung babaeng kaya siyang ihandle. You call him out on his bull$hit. Napaka-protective nya pagdating sayo. .. He is himself around you too." Seryoso nitong sabi. Ayos na sana kaso ngumisi bigla.
"I agree with you bro."
"I second the motion." itinaas pa ni Vivian ang kamay nya. Umirap ako at umiling.
"You know what else is bull$hit guys?" Tanong ko sa kanila at sinagot din agad ang sariling tanong. "This whole conversation."
"Sa tingin mo hindi maiinlove ang kagaya ni Maxel sa isang katulad mo?" Naguguluhan na tanong ni Jewel.
Wow! What a question Jewel?
"Hindi." Sagot ko. Alam kong HINDI.
"Okay. Let's see."