Chapter 9 - Leftout

2857 Words
Dahan dahan akong umisod sa gilid ni Mateo. Pero mas mabilis siyang kumilos sa akin at nasa likod ko na sya ulit. I can see his terrified face, not because of the wild boar but to the earthworm? I guess? Bigla kong naalala yung mix roasted peanut na nasa bag ko. May peanut butter din. I love nuts. Forgive me. As far as I can remember paborito ng mga wild boar ang peanuts. Mas bet nila ito kaysa sa earthworm Tumunghay yung isang baboy ramo na para bang may hinahanap na amoy. Ang malas naman, parehong paborito nilang pagkain ay nasa amin. Ugh! Gusto ko ng lumipad pauwi. "I think I'm the moving target." Bulong ko. I slowly slide my bag off my body. "What do you mean?" "They also love nuts and I have lots of peanuts inside my bag including peanut butter." Saad ko. "Bakit ka may dalang peanut butter?!" Naguguluhan nyang tanong. Kung walang baboy ramo dito ay malamang nasigawan na nya ako. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Sorry na! Kasalanan ko bang paborito ko ang Mani? Kumapit ulit ako sa matipunong bisig ni Mateo. For sure walang magagawa ang muscles nito kapang sinuwag kami ng dalawang halimaw na yan. Bagong hasa pa yata ang tusk. Ilang araw palang mula ng magkakilala kami ni Mateo at mag-usap... Well, oo matagal ko na syang kilala... Pero biruin nyo hahantong kami sa ganitong sitwasyon? This is the worst scenario I have with him. Hopefully ito lang talaga kung aabutin pa kami ng bukas. Dito na yata kami mamamatay. Handang mamatay sa bisig ng gwapong si Mateo. CHAROT! Aware kaya si Mateo na nakayakap na sya sa akin? Alam kong hindi nya pinangarap ito. Pero ako? Oo. Minsan. Ang romantic sana tingnan no? Yung maangas nyang awra nawala ngayon. At least he is protecting me. He isn't such a bad guy after all. "May malaking bato sa likod ng punong iyon," bulong nya sa tenga ko. Ang inet! Nakakapaso mga siz, "Magtago tayo sa likod nun. Move slowly." Utos nya. Sinunod ko yung sinabi nya. I really tried hard not to make any sounds. Hindi ito ang panahon para sa kalampahan, piper. Nakarating kami sa batong tinutukoy ni Mateo. His eyes are still on those wild boars. I looked at him and he is sweating. Sinubukan kong magsalita. "Nabasa ko sa libro na kapag lumukha tayo ng malakas na tunog ay tatakbo sila-" "Subukan mong gawin yun dahil ako mismo ang susuwag sayo." Banta nya. "Nag sa-suggest lang naman ako." "We haven't talked about that goddamn peanut butter you decided to bring." "Pwede namang huwag na natin pag-usapan yon." Paawa kong sabi. Oo na. Ako na may kasalanan! Nasa bag ko na yung dalawang baboy ramo. Inaamoy at sinusubukan buksan ang bag ko. Kawawang bag dahil mamaya gula-gulanit na yan. Nanginginig na yung kamay ko sa nerbyos. "Hindi nalang sana talaga ako sumama sa hiking na ito." Reklamo ko. "Matalas ang pandinig ng mga baboy ramo kaya hinaan mo yang boses mo!" Tumahimik na ako at tumitig sa nanginginig kong kamay. "Mateo, Bumalik ka ba dahil sa akin?" Mahina kong sambit. Sya lang siguro ang nakapansin na wala na ako sa pila kanina. Ironically, ang lalaking punong puno ng atensyon ng lahat ang nagkaroon pa ng atensyon sa mga katulad ko na nangangailangan ng tulong. "Thank you." Naiiyak kong dugtong. Nasanay akong walang nandyan para sa akin kapag kailangan ko ng tulong. Narinig nya kaya ako? o nagpapanggap lang syang walang narinig? -- Nakahabol na kami ni Mateo sa mga kasamahan namin pero inabot na kami ng takipsilim. Pabalik na sana kami sa campus ng mga ganitong oras but I think I postponed it dahil ngayon lang kami nakabalik. Nakasimangot na nga ang lahat. Agad na nilapitan ni Sir Dizon si Mateo. Alalang alala sya kay Mateo ng malaman kung anong nangyari sa amin. Lumubog na ang araw kaya it's too late na para bumaba ng bundok. Dito na daw kami magpalipas ng gabi. Lahat sila may mga dalang tent at sleeping bag. Buti nalang mga damit ko nalang yung laman ng bag ko na ngayon ay nasa piling na ng mga baboy ramo. Thanks to Mateo dahil nasa kanyang bag yung ibang gamit ko. Including my small tent. Gumawa sila ng bonfire. May kanya kanya na silang ginagawa. Itinayo ko na din ang tent ko. Sina Sir Dizon ay kasama si Mateo. Nakapaikot sila dito habang nagbibigay si Mateo ng mga pointers with moves and techniques sa mga aspiring junior basketball player na kasama namin ngayon. Laman ng school magazine si Mateo with his awards and trophies kaya siguradong mataas ang tingin nila sa lalaking yan. Well, magaling naman talaga sya. Pinaiikutan din sya ng mga kababaihan na humahanga sa kanya, including Tricia. Bida bida sya. Pumunta ako sa kung nasaan ang bag ni Mateo at kinuha ang flashlight at kumot ko doon. "Piper." Tawag sa akin ni Tricia. "Why don't you just give up this fake innocent act?" She's accusing me now? "Binayaran ba ng parents mo si Tito para maging roommate mo si Mateo? You are supposed to stay there for one freakin day and now what happened? Akala mo ba hindi namin napapansin yon?" Patuloy nya. Ngayon ay may dalawa ng babae sa likod ni Tricia. They are literally like the characters in 'Mean Girls.' Bored ba sila at ako ang pinag-diskitahan? "True!" Agree nung isa. "I can't believe you were so stupid to think that Mateo would pay any attention to you. You're such an annoying walrus!" Nagtawanan ang tatlong bruha. "Walrus? Well, kamukha naman nya iyon. OMG Jackie, what a good comparison!" Tawang sabi ni Tricia. "Thanks. Yeah, Bigla ko lang naisip by looking at her face." Inirapan ko silang tatlo. "Hindi ko kasalanan kung naging roommate kami by accident." Depensa ko sa sarili ko. "They thought we were related." "Related?" Humagalpak ng tawa ang tatlo. "You are the worst liar, Piper! Never magiging related ang isang Mateo Axel Montemayor sa isang loser na kagaya mo. Wake up! Patawa ka." Patuloy na insulto ni Tricia. "What's that? A strawberry blanket?" Puna ng isa pa sa kasama ni Tricia. "Tingnan natin kung anong masasabi ng mga followers ko sa strawberry blanket ni Walrus girl." Bago pa ako makasibat ay pinicturan nya ako para ipakita sa mga followers nya sa social media. Gaano ba karami ang followers nya? Mabilis kong tiningnan ang i********: ko ng makaalis sila. Ang pangit ko sa picture. I pressed her name to check how many followers she has pero nawalan ng signal. "Bakit ngayon pa nawalan ng signal?" Inis kong sabi. Dinampot ko ang chitchirya ko sa gilid at nilantakan ito. Gigil na gigil kong nginuya ang potato chips. Dito ko nalang ibubuhos ang inis ko. What on earth they thought my parents would bribe Sir Dizon for being Mateo's roommate? Sira na ba ang ulo nila? Malabo pa sa sabaw ng pusit yon dahil hindi pag aaksayahan ng pera iyon ni Mommy unless it's related to my studies. Walang pakialam si Mommy sa mga gusto ko dahil yung gusto lang naman nya ang dapat masunod. Si Daddy naman ay wala ng pakialam sa amin ng kapatid ko. Hindi nga kami magawang kamustahin kung humihinga pa ba kami, masaya na sya sa bago niyang pamilya. Sila masaya habang kami miserable dahil simula ng maghiwalay sila ay nakalimutan na yata ni Mommy na may dalawa pa syang anak. She became an alcoholic. Lumabas ako ng tent ko at lumapit sa mga kasamahan ko na nagpapalitan ng katatakutang kwento. Yung iba naghaharutan na parang mga bata sa kabilang side ng bonfire. "Pwedeng sumali?" Tanong ko. Hindi ko napansin na si Tricia pala yung nakaupo na napag tanungan ko. Shuta ka! "Can you please do my eyes a favor? Huwag ka nga dito!" Pagtataboy nya sa akin. Malakas yung pagkakasabi ni Tricia kaya ng sumulyap ako sa ibang nandoon ay nakatingin sila sa akin. Wala man lang nagtanggol. Hindi na ako nagpumilit at naglakad palayon sa medyo hindi nila ako makikita. Dala ko naman yung flashlight ko at hindi rin naman ako lalayo dahil baka may makita na naman akong baboy ramo. Sa likuran ko dinig ko na tinatawag nila si Mateo. Kung ako pinipilit ko yung sarili ko sa kanila, sila naman pinipilit nila si Mateo na sumali sa kanila. "Yung roommate mo parang aso na sunod ng sunod sayo." Rinig kong sabi ni Tricia. "Mabuti sana kung cute na aso." Tawang sabi ng hindi ko kilala. Baka isa sa kasama niya kanina. "Kung wala kang magandang sasabihin, don't waste my time." Sagot ni Mateo. Wow! Thank Mateo for that. Napahiya siguro ang bruha. Tinitigan ko yung creek sa harap ko. Hindi ko inaasahan na babarahin nya si Tricia ng ganun. Kahit napaka arrogante nya ay nararamdaman ko pa din ang good side nya. Kailangan kong maging malakas dahil wala namang ibang magtatangol sa akin kundi sarili ko lang. I sighed and put my earphones on. Kdrama songs para feel na feel ko ang pagiging mag-isa dito. "Ganito ka ba ka-antisocial, viper?" Mas nangibabaw ang magandang boses ni Mateo sa kantang pinapakinggan ko na hindi ko naman maintindihan. Pinaltan ko yung music ng rap at dinagdagan ang volume nito. "Leave me alone." Taboy ko sa kanya ng tumabi sya sa akin. "Please?" Pakiusap ko. "Ayoko." Hindi ko sya tinitingnan. Hindi ko alam kung bakit nya iniwan ang mga kasama nya para samahan ako dito. Mas weird pa sya ngayon sa akin. "Don't waste your time here. Wala ka bang ibang gagawin? Doon ka nalang." Patuloy ko sa pagtataboy sa kanya. "Meron." Sagot nya at at ginaya ang style ng pagkakaupo ko. Indian sit. "Pero mas gusto ko dito." Paulit ulit nag replay yung huli niyang sinabi sa utak ko. Adik ba sya? Bangag lang? "Hindi ko alam kung bakit, but yeah..." He admitted. "I do." Sumuko na ako sa pagtataboy sa kanya, okay lang din naman talaga na nadito sya para may makasama ako. Ganito pala ang pakiramdam na may gustong tumabi sayo at damayan ka while everybody is rejecting you like you have a virus. Sumaboy sa amin ang napakalamig na simoy ng hangin. Narinig ko ang kilabot ng mga nakapalibot sa bonfire dahil nagkukwentuhan sila ng katatakutan. Habang kami tahimik lang ditong nakaupo... Until he broke the silence. "Can I have the other one?" He pointed to my earphone. It's wireless kaya okay lang ishare ko sa kanya isa. Awkward kasi kung hindi wireless dahil kailangan magkadikit kami. Hindi na nya hinintay na ibigay ko ito sa kanya dahil kinuha na nya ito sa tenga ko at nilagay sa kanyang tenga. Kumunot ang noo nya. "Rap?" Natatawa nyang tanong. "Hindi ba yung kanta ni Engelbert Humperdinck ang kinakanta mo noong isang araw?" Pinaalala pa yung kahihiyang ginawa ko no? "Hindi ba pwedeng mag divert ng taste in music?" Tanong ko. "From Engelbert Humperdinck into Cardi B." Ngumisi ito. "Hindi. Nakakagulat lang, ikaw lang kasi yung babaeng demure na kilala ko. Natataranta ka kapag wala akong tshirt. Hindi ka din nag-" "Ok. Oo na. Gets ko na." Awat ko sa kanya. Baka kung ano pang sabihin. Wow! I didn't expect he knew more about me in less than a week. At ayokong pag usapan yang pagiging hubadera nya dahil pakiramdam ko namumula ako. Shuta naman kasi. Bumungisngis ito at mas lumapit sa akin. Ibinalik na nya yung earphone sa tenga ko at ramdam ko yung marahang dampi ng daliri nya sa earlobe ko. SHUTA! Kinikilabutan ako. After a literally few seconds ay kinuha na nya ulit yung earphone sa tenga ng makita nyang nagpalit ako ng playlist. Can this be love I'm feeling right now I know for certain I'm feeling right now I don't recall ever feeling this way Tell me what does one say To one who makes me feel this way Kumakalabog yung dibdib ko ngayon na parang may nag uunahan na mga kabayo sa loob nito. Halos magkadikit na ang aming mga tuhod. This is the first time I'm gonna say "I love you" It's the first time I ever felt so helpless deep inside If I had to say a thousand times I'd tell you once again Bakit ako nakakarelate sa kantang ito? Natawa ako sa sarili ko at napansin ito ni Mateo. "I haven't known you for long," Aniya with a sincere voice that has a soothing effect on me,"But your eyes don't light up when you smile. You are not happy, are you?" Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kayang sagutin ang tanong nya. Ang hirap tuloy huminga. Paano niya iyon napansin? "Ibang iba ka noong nasa beach tayo. You turned into someone different. Carefree and your smile was as bright as the sun in the mid-afternoon." Ugh! Naguguluhan ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Sasabihin ko ba kay Mateo ang pinagdadaanan ko? Will he care if I tell him? Inagaw niya ang cellphone sa kamay ko at pinause ang music. Inalis ko yung earphone sa tenga ko at sakto naman na humangin ulit kaya sumabog ang ibang buhok ko sa mukha ko. Feeling ko kanina pa sya nakatitig sa akin. Fine I will tell him some of my dilemmas. Unahin na natin ang pagiging broken hearted ko. "Nagmahal ako ng lalaking hindi naman talaga ako minahal at niloko lang ako." Mabilis kong sabi. "Yeah. Same old story." "You had a boyfriend?" Gulat nyang tanong. Kung maka react parang timang! Sa dami kong sinabi about how he cheated on me doon lang sya nag focused sa pagkakaroon ko ng boyfriend? Bastusin. "OO." Mahirap bang paniwalaan na nagka boyfriend ako? Sinubukan kong huwag mag flashback sa utak ko lahat ng memory namin ng ex ko ayoko ng umiyak! "He broke up with you?" "Niloko nya ako at mas pinili ang bestfriend ko. She choose him as well. Wala naman din talaga ako kaibigan to begin with. Pansin mo din naman iyon, walang may gustong makipagkaibigan sa akin dito." Pinilit kong tumawa. "Meron palang isa. I guess?" "Hindi mo naman kailangan ng maraming kaibigan kung hindi naman sila totoo sayo." Tama si Mateo. "Anyway, dalawang buwan ng nakaraan iyon. Medyo naka move on na ako." Tumango sya at sinabing, "Nakatulong ba ako sa pag momove on mo?" Is he trying to comfort me? Ang in-expect kong gagawin nya ay ang asarin ako ni Mateo. Nag joke nga sya pero hindi iyon joke para sa akin dahil totoong nakatulong sya. He was really a good distraction. "A good distraction," I said. "You must be here for something." Duda kong tanong. Bakit nga ba sya biglang sumama sa weekend camping? This kind of event is not of his league for sure. "Ikaw ang unang nagtanong nyan sa akin." Uncomfortable nyang sagot. "Talaga?" "They don't ask me real questions," Aniya saka huminga ng malalim. Mukhang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba nya sa akin o hindi ang dahilan. Iniisip ng nakararami na sobrang perfect ng buhay ni Mateo and I was guilty of thinking the same way. "Nandito ako dahil kailangan," he is finally sharing the reason. "Malapit na akong grumaduate and I want to be recruited to the National basketball team. Ahm... Kulang kasi kami sa aming team... Apparently, our coach wants me to be here so that I can learn how to support others." Paliwanag nya. Mateo has been the star of the basketball team since high school. Kinabibiliban sya sa mga moves and incredible layups nya. Hindi ko narealize na weakness nya pala ang kanyang ego. His coach wanted him to learn how to set others up for success. It makes sense. A team is stronger than an individual. He glanced at me with his hazel brown eyes that pierced through mine. Sa lalim ng mga titig nya ay hindi ko na sya mabasa... but I could see how his eyes searched mine. Ngumiti ako sa kanya. "I think you just admitted that you are a selfish jerk." Tumawa ito sa sinabi ko. A blend of amusement and relief in his laugh. He liked when I was myself. "I mean, ganun naman talaga ang pagkakakilala ko sayo nung umpisa pala... pero yung magmula talaga sa sarili mong bibig... Perfecto!" Dagdag ko pa. Lalo itong tumawa at siniko ako. I ignored the butterflies in my stomach. Sarap sa tenga ng tawa nya. Binalik na nya yung phone ko at tumayo. "Nice chat, Viper." "It's Piper." Irap ko. "Yeah, sure." "Hindi ako nagbibiro. Iyon talaga ang pangalan ko. Try mo din minsan." Ginulo nya ang buhok ko. Sinubukan kong hampasin ang kamay nya para tumigil ito hanggang sa mapatingin ako sa ibang kasamahan namin na nakatingin sa aming dalawa. Kanina pa kaya sila nanonood sa amin? Naalala ko kung paano nila ako ireject kanina, mabuti nalang sinamahan ako dito ni Mateo. Medyo hindi na masakit. "Salamat sa pakikipag-usap sa boring na katulad ko." Saad ko at tumunghay sa kanya. "It's really nice talking to you." Yumuko sya at tiningnan ako saka sya ngumiti sa akin. Nakita niya siguro kung gaano ako kalungkot. I hated being so vulnerable, so exposed. "Smile more. You look good at that." Ani Mateo. "Your smile is crazy contagious." Talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD