Chapter 8 - Wild Boar

2190 Words
"Ikaw ba yung kasama ni Mateo sa kwarto?" Harang sa akin ng babaeng naka sexy sleepwear. Tumingin ako sa kanya at sa dalawa pa nyang kasama. "OMG! It must be torture for him." Nandidiring reaksyon ng isa. "Nerd! Poor Mateo." Saad naman nung isa. Kung hindi lang nila ako iniinsulto ngayon ay tatawanan ko ang mga pinagsasabi nila. Sa lahat ng tunay na nakakakilala kay Mateo ay hindi sya kakaawaan. Baka sa akin pa sila maawa. Hay naku! Kaya lumalaki ang ulo ng lalaking iyon dahil sa mga katulad ng mga talangkang ito. Hindi ko sila pinatulan. Nilampasan ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko nga alam saan ako pupunta ng ganitong oras. Sa paglalakad ko ay may napatid akong bola ng baseball. Dinampot ko ito at tinitigan. You're going to let something good slip through your fingers. Paulit ulit iyong rumihistro sa utak ko. Maybe that's something I should learn from him. How to push for what I want. "Piper?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Naks! He remember me and my name. Madilim sa paligid pero naaninag ko pa din ang mukha nya dahil sa liwanag ng buwan. "Liam? Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong at lumapit sa kanya. "You broke Maxel's Ipad kaya pinapunta nya ako para dalhan ng bagong unit." Paliwanag nya at pinakita ang bitbit na paperbag. "Seriously? At this hour?" Gulat kong reaksyon. Pumikit sya at tumango ng dahan dahan. Dakilang utusan pala ito ni Mateo. Kawawang Liam. "Kanina pa dapat ako dadaan. Sinundo ko pa kasi ang kapatid ko sa campus." Paliwanag nya. "Jewel ba ang pangalan ng kapatid mo?" Curious kong tanong. "How did you know?" Gulat nyang reaksyon. "Kaibigan ko sya." Tipid kong sagot. "Samahan na kita papunta sa kwarto namin?" Alok ko. Pigil itong tumawa at nagets ko naman kung bakit. Nakasandal si Mateo sa hamba ng pinto ng kwarto at inaasahan nya talaga ang pagdating ni Liam. Napangisi lang ito ng makita nya kaming magkasama. Iiling iling itong nagbigay daan sa amin para makapasok kami sa loob. Sa kitchen dumaretso si Liam at Mateo, unboxing his latest new ipad. Buti naman nagdamit na ang mahalay na si Mateo. Fit na fit sa kanya ang black tshirt nya at yan ang kinababaliwan ng mga babae sa kanya. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya, ngumisi ito at tumingin kay Liam. "Piper and I are still settling her debt." "We're working on it." Dugtong ko. Naglakad ako patungo sa kama ko at inayos ang iba kong damit dahil bukas ay babalik na kami sa campus. Sana naman ay wala ng extension. Ayoko na dito. Napaka unfriendly ng mga tao. Yung purpose ng camping na ito ay para lang sa kanila at hindi sa gaya kong NERD kung tawagin. "Where are you going, Piper? Kadarating ko lang aalis kana? Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong ni Liam. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya in a surprise way. Gusto nya akong kasama? I mean... he want me to his company? Nag eenjoy ba syang kasama ako o dahil pinagkakatuwaan lang nya ako? Actually silang dalawa ng pinsan nya. Tsss... "Nag-iimpake kana para bukas?" Tanong ni Mateo. "Bakit hindi mo nalang yan gawin bukas?" He added. Hindi ko sya pinansin. Silang dalawa actually. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Maganda na din yung ganito para hindi ako yung napapag tripan ng dalawa. Hindi na din nila ako pinag tuonan ng pansin. Nagkwentuhan ang dalawa at ako naman ay pinagsasalpak sa bag ko ang mga dala kong libro. Tumakbo ako sa banyo para kunin ang toiletries ko. I was too clumsy dahil laging may nalalaglag sa gamit ko. Every time na may maririnig sila na kalampag mula sa akin ay tumitigil sila sa pag uusap at tumitingin sa akin to check if I am still alive. They continued talking after knowing that I am still breathing fine. "At sabi pa nya na I was emotionally detached." Umiling si Liam pagkasabi nyang yon. "Kaya sinabi ko sa kanya na baka nga tama sya, but I can be physically available." Dugtong nito. "unselfish." Sagot ni Mateo. "Diba? She said I was the best she ever had, and I said why to use the past tense when I can be very present?" Patuloy ni Liam. Ugh! Ayoko ng marinig ang mahahalay nilang usapan. Tama na please. Binitbit ko yung bag ko na may ilang basura para itapon sa basurahan na nasa kusina. "Ang malala bro, gusto nya palagi kaming naka couple shirt. Couple shoes. As in gusto nya palagi kami pareho, hindi naman kami kambal. Bakit ganun ang mga babae? Pwede-" "Teka lang." Mateo stops him from talking. Lumapit sa akin si Mateo at inagaw ang bag kong hawak. "Ganito ka mag-impake? Huwag mong ilagay ang mga toiletries sa ilalim." "Bakit hindi?" "Pwede itong mapisa or mag leak, tsaka dapat nakalagay sila sa plastic incase na magleak hindi mababasa ang ibang laman sa loob." Paliwanag nya. Naglakad ito patungo sa mga gamit kong nakakalat sa sahig. He emptied my bags and started to do it for me. "Ilagay mo sa ilalim ang lahat ng mga damit mo to create shock absorption. Tapos isunod mo itong mga... teka bakit may dala kang mga libro?" Natawa sya pero nagpatuloy sa pag iimpake ng gamit ko. "Yung mga gamit na sa tingin mo ay kakailanganin mo agad ay dapat sa ibabaw." Patuloy nya. Tuminghay sya at nakita nya mukha ko na sobrang amazed. I'm not going to lie. I was really surprised. Ang isang Mateo Axel Montemayor na kinababaliwan ng mga kababaihan ay ipinag iimpake ako ng gamit. Sumulyap ako kay Liam na nagtatakang nakatingin kay Mateo. Lalapit sana si Liam para siguro tumulong na din pero tiningnan sya ni Mateo. Yung tingin na 'huwag kang lalapit' Kaya hindi na tumuloy si Liam. "But bro I'm still eyeing Miss San Jose." Patuloy ni Liam. "Our English teacher?" Gulat kong reaksyon. "Diba engaged na sya?" Dagdag ko pa. Tumayo na si Mateo at bumalik kay Liam. Huli na ng marealized ko na isa akong dakilang epal sa kanilang pinag uusapan. Napakagat pa ako sa labi ko. Sorry na, nagulat lang ako na gusto nya si Ma'am San Jose. Sabagay, beauty queen level din si ma'am. Ang tangkad at ang sexy. Beauty with class unlike Tricia, beauty lang walang class. ewww... Nakatingin sa akin ngayon ang dalawa. "We are in the same class?" Oo. Mateo! Magkaklase tayo sa english subject. Kailan mo ba naman ako napansin? “Oo.” I said and frowned. Pigil na tumawa si Liam. “Kaibigan din sya ni Jewel. Hindi mo din alam?” Saad ni Liam. “How come? I mean si Jewel? You must be kidding me.” Hindi sya maniwala at ewan ko kung bakit. Maganda ang fashion statement ni Jewel. Yung mga porma nya ang palagi kong nakikitang suot ng mga bida sa kdrama na pinapanood ko. Mahilig din sya mag ayos unlike me? NERD nga diba. Wala akong malaki at mabigat na salamin pero yung porma ko siguro ang pang nerd. Yung buhok ko laging nakapuyod. Pulbo lang sapat na. May braces din ako na 2 months nalang ay tatangalinan na. 2am na ng umalis si Liam. and guess what? 2am na din akong nakatulog. Si Mateo kasama ni Liam na umalis. Buti nalang walang surprises ang pag-gising ko ngayong umaga. Walang malanding Tricia. Bago kami bumalik ng dorm ay napagkasunduan ng lahat... I mean nila na mag hiking sa mount Marcelino. So ako nag-ready na. Full pack. Insect repellent, check. Sunscreen, check. Water jag, check. Flashlight, check. I put lip balm para pretty ng kaunti. Lumabas ako ng building dahil nandoon na ang lahat. "Hey! Yow!" Bati ko kay Mateo. He is wearing a hoodie jacket and gray jogger. Hindi naka zipper yung jacket nya kaya bakat yung abs nya sa fitted nyang white shirt. I tried not to stare but he stared at me. Nakakunot ang noo nito sa akin. "No way!" Sambit nya. Ako naman yung kumunot ang noo at tiningnan ang suot ko camouflage suit partnered with safari hat at black boots. Yes prepared ako. Noong nalaman ko na sa paanan kami ng bundok mag cacamping ay nagdala na din ako ng pang hiking. Hindi ko sya pinansin dahil baka mawala pa ako sa mood. Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa loob ng gubat. Ang bigat ng bag ko kaya naman ako na yata ang nasa hulihan. Ugh! Hinihingal akong tumigil dahil paakyat na ang daang tinatahak namin. Tumigil ako at ibinaba ang bag ko. Bakit ang bigat ng peste kong bag? Huminga ako ng malalim at uminom sa jag ko. Muli ko na itong nilagay sa aking likod pero parang mas lalong bumigat. Siguro dahil pagod na ako. Sa sobrang bigat ay hindi ko na ito mailagay ng ayos sa likod ko until I saw Mateo passed by. "Mateo." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin. "Mateo!" tawag ko ulit at nilakasan ko na iyon. Lumingon lang sya sa akin. "Ang bigat ng bag ko. Pwede mo ba akong tulungan ilagay sa likod ko?" Hinihingal kong sabi at the same time ay nahihiya. Lumapit sya sa akin na para bang napipilitan at wala ng magawa. Binuhat nya yung bag ko para tingnan kung mabigat nga at pagkatapos noon ay binuksan nya at ayon na nga nanlaglag ang libro ko. "Bakit may dala kang libro?" Tanong nya at sunod nyang nakita sa loob ang butane stove at kawali. "Tangin@! Are you kidding me?" Bulalas nya. "In case lang kasi na-" "Shut up!" Awat nya sa paliwanag ko. Halatang mainit na ang ulo nito. Kinuha nya sa bag ko ang lahat na mabibigat na bagay at inilipat nya sa bag nya. Sobrang gaan na ng bag ko ngayon. May laman pa ba ito? "Thank yo-" "Don't." Putol nya ulit saka naunang maglakad. -- Nakahabol na kami sa mga kasamahan namin. Nangunguna sa linya si Tricia wearing black legging and crop top. Good luck sa mga lamok girl! She kept us in high spirits and I was envious of her ability to do that. Ako pa rin yung nasa dulo ng pila. Ang hirap din iwasan ng mga talahib at sanga na tumatama sa mukha ko. May pagkakataon pa na nadadapa ako dahil sa malalaking ugat ng puno. Sumabit pa yung safari hat ko sa sanga ng puno kaya naman medyo napaangat ako at nasasakal. Ugh! I tried to unhook the string pero bumuhol pa lalo ito. "Tulong," Sinubukan kong sumigaw pero malayo na sila kaya hindi na nila ako marinig. "Help." Hirap kong bigkas kasi nasasakal na ako. Sinubukan ko pa din na tanggalin yung tali ng safari hat ko pero ang hirap dahil nag pabigat ng bahagya ang bag ko. "This forest is not that kind to you huh?" Guess who? Hindi ko sya magawang lingunin dahil baka ikamatay ko iyon. Rinig ko ang yabag ng mga paa nya palapit sa akin. Rinig ko din na inilapag nya yung bag nya sa damuhan. Bumalik ba sya dahil sa akin? His strong hands wrapped around me as he moved me aside so that he could reach the branch. Sobrang lapit nya sa akin that I can almost breathe in his scent. Nakasandal na ngayon ang likod ko sa kanyang matipunong dibdib. Ramdam ko yung paggalaw ng muscle nya sa likod ko. "I-relax mo lang ang kamay mo." Malumanay nyang utos as I watched him untied the string. Mga ilang segundo din bago nya ito makalas. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nararamdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Mateo sa baywang ko. I stared at him and opened my mouth to say something, pero pinigilan nya ako gamit ang hintuturo nya pressing against my lips. Medyo nakiliti ako sa paglapat ng daliri nya sa labi ko. Tumitig ako sa hazel brown eyes nya at nakatitig ito sa likuran ko. Slowly, I turned around my head. A wild boar. May baboy ramo malapit sa amin. A freaking 2 huge wild boars. Sa takot ko ay mas pinagsiksikan ko yung sarili ko kay Mateo. Humigpit ulit yung pagkakayakap nya sa akin at unti unti nya akong hinihila. one step at a time. Sobrang ingat para hindi makagawa ng kahit anong ingay na aagaw ng pansin sa dalawang baboy ramo. "Bakit may ganyan-" "Shhh," Saway nya sa akin. Sa baboy ramo lang naka focused ang mga mata ni Mateo. "Huwag kang maingay, Viper." Bulong pa nya. "Piper." Correction ko. "This is not the time for that." Sagot naman nya. "Kinakabahan ako." "Don't." He whispered. "We're fuck3d up if you freak out." Papalapit na sa amin ang dalawang wild boar. Hindi pa naman nila kami napapansin pero papalapit sila sa direksyon namin. SHUTA! Never in my life pa ako nakakita ng ganyan kalaking baboy ramo. Sa mga discovery channel lang. Bumulong ulit ako kay Mateo, "Pumba likes earthworm you know." Muli ako kinabig paatras ni Mateo. "Hindi ito Disney movie." "Seryoso," Ulit ko pa, "Gusto ng mga wild boar and mga earthworm." "That's a fun fact," Sagot nya. "Sa tingin mo maamoy nya iyang uod sa paanan mo?" "The what?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD