Maaga akong nagising. Hindi nga umuwi si Mateo. Wala sya dito eh. Inayos ko na ang gamit ko dahil mamayang tanghali ay babalik na kami sa campus. Sa mess hall ako kumain ng umagahan, mag-isa at sanay na.
"Announcement. Listen guys!" Sigaw ni Mia dahilan ng pagtigil ko sa pagnguya. "We will be extending our stay here for 2 days. Pumayag naman ang Northville president at lahay ng kasama dito ay excuse sa lahat ng kanilang klase." Patuloy ni Mia. Naghiyawan ang mga estudyante maliban sa akin. Anong nakakatawa doon?
So hindi ko na magiging roommate si Mateo? Malamang naihanap na nila ito ng bagong kwarto. Natatandaan ko pa ang ultimatum na binigay niya noon kay Sir Dizon.
Exciting din naman yung naging experience ko with him. Yung mga akala ko na hindi ko mararanasan ay nangyari. It's always full of surprises, mula kay Tricia na kinain yung cereal ko, sa bugbugan scene doon sa beach with the gamblers, Yung basta nalang nya pag pasok sa banyo habang naliligo ako. Shuta! Alam na alam nya yata kung paano laruin ang mood ko.
Pero infairness naman without him, my life had none of those things.
It's our third day here. Ang busy ng lahat dahil sinusulit ang extension ng bakasyon na ito. May mga sariling activities silang ginagawa that are related to sports, arts and mental health. Naglakad ako patungo sa kung saan naka set up ang volleyball net at nandoon si Chloe, Mia at dalawa pang lalaki.
"Hi" Bati ko sa kanila ng makalapit ako.
Tumingin sila sa akin at napawi ang mga ngiti nila. "Do I know you?" Tanong ni Chloe at mukha pa itong nairita sa presensya ko.
"I'm Piper" Pakilala ko ulit sa kanya. "Dito kasi ako naka-assign kahapon."
"Oh... Pinaltan kana kasi namin so... Hindi kana namin kailangan."
Napakagat ako sa labi ko. Ang harsh naman. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanila.
"May... May pwede ba akong maitulong dito?" Ako na yung nahiyang magtanong.
"Bahala ka." Wala nyang ganang sagot at muling nakipag kwentuhan.
Hindi muna ako umalis sa tabi nya dahil baka nag jojoke lang sya? Pero nang tumanim na sa kokote ko na seryoso nga sya ay saka ako dahan dahan na lumayo sa kanila. Nagtungo ako kung nasaan sina Sir Dizon, baka sakali doon ay may maitulong ako.
"Peppa." Tawag sa akin ni Sir Dizon. Okay na sana dahil siya ang unang bumati sa akin pero peppa talaga? Ano ako si Peppa pig? Nakangiti akong lumapit sa kanya. He's eating chocolate bar.
"Piper po." Pagtatama ko.
"Nandito ka ba para tanungin kung saan ang bago mong magiging kwarto?"
"Po?" Kunot noo kong reaksyon.
"Mas gusto ni Mateo ang room 5, kaya naman napagdesisyunan namin na doon ka nalang namin isasama sa room 18. Bale tatlo kayo doon at may extra bed naman." Saad ni Sir Dizon habang ngumunguya ng chocolate. "Pagpasensyahan mo nalang dahil balita ko amoy bumbay daw ang isa sa roommate mo." pabulong nyang sabi. "Ibigay mo nalang sa akin yung susi ng kwarto sa room 5 para maibigay ko na sa bagong roommate ni Mateo." Pagtatapos nya sa kanyang sasabihin.
Huminga ako ng malalim. Nawala na nga sa isip ko na maliligwak na ako sa room 5 tapos pinaalala pa ni Sir.
"Sino po ang bagong roommate ni Mateo?" Curious kong tanong.
Wala naman talaga akong pakialam kung sino man ang malas na magiging roommate ni Mateo. Gusto ko lang talaga malaman kung ang bago niyang roommate at kateam ay exactly opposite of me.
"That should not concern you. Basta ang masasabi ko lang ay pasado ito sa standard ni Mateo. Sige na bumalik kana sa kung ano man ang activity mo."
"I don't have one." Malungkot kong sabi.
Huminga ito ng malalim na para bang isa akong malaking abala sa kanya. "Ganun ba? Pumunta ka nalang doon sa baseball court. Mamulot ka ng bola." Suggestion nya.
Tumango nalang ako at sinunod sya. Kaka insulto naman yung mamulot ng bola.
Paulit ulit tumatakbo sa isip ko yung bago kong magiging roommate. Hindi ko na nga namalayan na nandito na pala ako sa field. Lumapit ako sa baseball coach at ang dami nyang sinabi na para bang naiintindihan ko ang mga term na ginagamit nya. Pinahawak nya sa akin yung baseball bat dahil delikado daw kung ako pa yung mamumulot ng mga bola.
"Gusto mong matuto mag baseball? Pwede ka naming turuan dito." Tanong sa akin ni Coach Gelo.
Ang lawak ng ngiti ko dahil sya yung unang nag approach sa akin to have activity to do. Tumango agad ako bilang sagot.
"Sige. Dyan ka lang sa pwesto mo. Tatawagin ko lang yung pwedeng maghagis ng bola. Basta tandaan mo yung mga tinuro ko sayo kanina ha?" Habilin nya bago ito umalis.
Nakatayo ako dito sa field habang tirik na tirik ang araw. Inet! Nagvibrate yung cellphone ko na nasa bulsa ko kaya agad ko itong tiningnan. Marahil nagreply na yung mga tinext ko kagabi.
Mom: Bakit sumama ka pa dyan? Nag review ka nalang sana sa mga medical books na binili ko sayo, anak. I am not paying your tuition for that.
May narinig akong boses mula sa likod ko. Hindi basta kaninong boses... Boses ito ng lalaking nagpapatibok ng mabilis sa aking puso. Ang boses na hindi ko inaasahang maririnig ko pa ulit.
"Stay focused, Viper."
Nanigas yung mga tuhod ko. Bakit sya nandito? AT BAKIT NAGWAWALA ANG BUONG SISTEMA KO?
"Mateo." I said ng lingunin ko sya. Magsasalita pa sana ako ng may sumigaw.
"NERD, YUNG BOLA!"
Pareho kaming napatingin ni Mateo sa rumaragasang bola papunta sa direksyon ko. I freaked out dahilan ng pagkalaglag ng cellphone mula sa kamay ko. Kumapit si Mateo sa balikat ko.
"Relax." Aniya saka nya sinalo ang bola bago pa ito tumama sa mukha ko.
Dinig ko yung malakas na impact ng bola sa kamay nya. For sure masakit yun dahil wala naman syang suot na gloves. Tumingin ako sa kanya at pati na din sa kamay nya na nasa balikat ko. Shuta! Daig ko pa ang nakuryente. Pakiramdam ko ilang boltahe ang dumadaloy sa buong katawan ko.
"Learn how to catch." Saad nito.
"B-Bakit?" I asked. Bakit ako nauutal?
"You're going to let something good slip between your fingers."
I stared at him. He flashed a teasing smile because I gave him a disgusting look. I lost for words to say and he saw it so he gave me time. Inalis nya yung kamay nya sa balikat ko at binato pabalik yung bola sa lalaking naghagis nito. Namangha naman yung lalaki sa pagkakahagis ni Mateo sa bola.
"Why?" Sa wakas nakapagsalita din ako.
"You'll let something good slip between your fingers." Ulit nya.
Ano ang ibig niyang sabihin? Ang dami ng dumaan sa mga kamay ko. Baliw ba sya?
"Bakit ka ba nandito?" Kunwari ay naiirita ako sa kanya.
"Nasaan yung susi mo?"
"Naibigay ko na kay Sir Dizon. Siya na daw ang magbibigay sa bago mong roommate." Wika ko at nag iwas ng tingi sa gwapo nyang mukha.
"No. I need your new key. Give it to me." Ulit nya sa susi at inabot sa akin yung susi na ibinigay ko kanina kay Sir Dizon.
Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Hindi ko gets." Tangi kong nasabi. Bakit nasa kanya yung susi na yon? At bakit nya binabalik iyon sa akin? Galing ba sya kay Sir Dizon?
So ibig sabihin...
"Hindi ka lilipat ng kwarto, Viper. I got comfortable around you."
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Hindi nawala yung titig ko kay Mateo.
Hindi itinuloy ni Mateo yung pakikipagpalitan ng roommate. Nakausap na siguro ni Mateo si Sir Dizon about this. Humangin ng malakas at sumaboy sa mukha ko ang ilan sa aking buhok. I let it down today para maiba naman. Natural na kulot ang ibabang bahagi ng buhok ko kaya minsan ayokong nakabagsak lang ito dahil mukha akong sabukot. Tamad kasi akong magsuklay. Hinawi ni Mateo ang buhok sa mukha ko at saka ito nakakalokong ngumisi.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano, Viper. Don't forget about my ipad." Mas lumawak yung ngiti nito. Mapaglarong ngiti.
So It's about the ipad. Wag malisyosa Piper. Ika nga ni Mateo, Keep on dreaming.
---
Nakahiga ako ngayon sa kama. I can't believe Mateo asked me to stay here. Sya palang yung unang tao na nag request sa akin ng ganoon. Stay.
Buti nalang din at hindi na ako lilipat dahil buong araw tumakbo sa utak ko yung mabahong new roommate ko sana. Nakatulugan ko ang pag-iisip ng kung ano pero nagising ako sa maingay na boses ng babae.
"Sige na Mateo. I want to sleep here tonight. Let's do it again." She said in a begging voice. Mas nagulat ako ng makitang naka panty at bra lang si Tricia. What the!
"Not now." Aniya sa malamig na boses. Nakabalot ang puting tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ni Mateo. Tinumbok agad ng mga makasalanan kong mata ang v-cut abs nya.
How come they did it again here without me hearing it… again? Tulog mantika ba ako? O sadyang magaling lang sila? Pwede bang naka mute mode kapag nag sesex? Don't ask me... I'm innocent pagdating sa ganyang bagay. Kaya nga ako niloko ng ex ko eh.
Nakita nilang gising na ako at kanina ko pa sila pinapanood. Tricia stop pleading. Syempre, ako na yung nahiya kaya naman bumalikwas ako sa kama at tumakbo sa kitchen. May partition ang kusina at kwarto kaya hindi ko na sila makikita. Mag milagro na ulit sila. I don't care. Really! Nagsalin ako ng tubig sa baso.
"Hey," Bati sa akin ni Mateo. He leaned his strong arms on the countertop.
Hindi ako ready. Hindi ko malunok yung iniinom kong tubig. Kailangan talaga lumapit sa akin ng ganyan ang suot? I covered my eyes at nag 'Hi'
Humalakhak ito. "Bakit mo tinakpan?" Umiling lang ako at tinapos ang pag-inom pagkatapos noon at naglakad na para bumalik sa kama. "Hindi ka talaga titingin?" Habol nyang biro.
No way! Hindi ko na titingnan yang mala greek god-like body mo Mateo! Ayokong mabaliw katulad ng isang ito...
Oh? Nasaan si Tricia? Sumuko na agad? O napahiya sa akin dahil hindi sya pinayagan ni Mateo na dito matulog. Nasa likod ko na ngayon si Mateo.
"Hindi talaga?" Bulong nya sa tenga ko. Nanindig yung balahibo ko sa init ng hininga nya. Agad akong lumayo sa kanya. Nag iinit ang peste kong mukha. Maputi ang kulay ng balat ko kaya mapapansin agad ni Mateo kung gaano ito kapula ngayon.
"Huwag ka ngang lumapit sa akin. Hindi ako katulad mo na makasalanan." Inis kong sabi saka tumakbo palabas ng kwarto.