Chapte 6 - Brokenhearted

1904 Words
"Pero tama ba yung rinig ko kanina? Ikaw daw yung gusto nyang makasama sa comedy bar?" Kumpirma ni Liam. Feeling ko pinipigilan lang nyang tumawa. Ugh! Napalunok ako.  Masama na ngayon ang tingin ng dalawa sa akin. These to boys make every girl knees weak pero yung sa akin nanginginig pa. Namumula yung tenga ni Mateo sa galit. Itinaas naman ni Liam ang kamay nya dahil ayaw na nyang makisali pa. "Bahala na kayo dyan. gawin nyo ang gusto nyong gawin." Suko nyang sabi taking his shirt off para bumalik sa pag susurfing. No! Huwag mo akong iwan Liam! Wala na akong referee! Kami nalang ni Mateo ang nandito. Sa klase ng tingin sa akin ni Mateo baka iniisip nyang punching bag ako na masarap suntukin sa mukha? Tumutulo na yung pawis ko sa kaba. Ang bibigat ng bawat hugot nya ng hininga. Hindi ko na keri ito. Gusto ko ng umuwi. "At least mga buhay pa tayo?" I said, trying to be optimistic. "Ah talaga?!"  "Oo. Buhay at humihinga." Mahina kong tugon dahil sinigawan nya ako. "Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sayo kanina?! Are you crazy?!" Nanlaki ang mata ko. Wait! Hindi ito ang iniexpect kong dahilan ng ikinagagalit nya. I cleared my throat, "Teka nga lang... Uhmm... Nagagalit ka dahil nasaktan ako?" Lakas loob kong tanong. Hinintay ko ang reaksyon ay sagot nya. "Hindi ka galit na sinisigawan kita?"  "You always yell at me. Wala ng bago doon kaya bakit ako magagalit?" Sagot ko. Hindi ko pa din makuha yung sagot sa tanong ko kanina. "Hindi kita sisigawan kung hindi mo ginulo yung plano."  "I still did you a favor." Paalala ko sa kanya. Natigilan ito. "Anong pumasok dyan sa kokote mo at kinalimutan mo yung plano natin habang nakikipag date ka doon sa lalaking mas matanda sayo?"  Ang judgemental. Date agad? "At least he saved the situation, Mateo. Thanks to my new friend dahil wala ka ng utang. Hindi mo na din kailangan mag-tago . Pwede na nating ma enjoy ang magandang view ng beach na ito."  Hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Mateo. "Ewan ko sayo! Wala na akong lakas pa para makipagtalo sayo." He said, at doon ko lang narealized ang mga natamo nyang injuries mula sa pakikipag suntukan kanina. May pasa sya sa bandang jawline nya at black eye sa kanang mata. Malamang marami pa syang pasa sa loob ng tshirt na yan. Paano nya nagawang labanan ang mahigit limang lalaki kanina at ang lalaking tao pa nila ng hindi man lang nabalian ng buto? Nakaka guilty tuloy.  "You're inju-" Hahawakan ko sana sya pero biglang kumirot yung tagiliran ko. Ito ang napapala ng feeling strong kanina at nakisawsaw sa gitna ng bakbakan. Ang sakit ng tagiliran ng balakang ko. Nasipa yata nung bakulaw kanina. "Ang sakit." Angal ko. Mateo smirked. "Sana hindi mapigilan ng nararamdaman mong sakit ang mag enjoy dito sa beach." Asar nya sa akin at handa na sana akong sapakin sya pero hindi ko na tinuloy dahil may gumawa na nun kanina. Haha.  --  As the sun dipped below the horizon, the fleeting colors of dusk began to fade away. Malamig na ang hampas ng hangin sa amin. Nakaupo kami ni Mateo dito sa tabing dagat at kasama na namin ngayon si Liam. He handed mo another flavored beer. Hindi ako mahilig uminom ng alak except to this flavored beer na lasang champaign lang naman.  Sinubukan kong buksan ang beer in can ng kumirot ang tagiliran ko. "Ouch!" "Kanina ka pa dumadaing. Tigilan mo na yan. Oo na ikaw na nasaktan." Pambabara sa akin ni Mateo. Alam ko naman na mas malala ang sakit na nararamdaman nila ni Liam sa akin. Alam kong kanina pa ako dumadaing. Masakit naman talaga, at alam ko rin na nagiguilty sila sa sinapit ko. Dinampot ko ang pangatlong at huling beer in can sa tabi ni Liam ng maubos yung iniinom ko pero inagaw ito ni Mateo at sya na ang uminom. "Hoy!" Angil ko kasi ako yung nauna. Pangit ka bonding! Hindi nya ako pinapansin. Sinipat nya ang likuran nya saka ito nahiga at tinakpan ang mata gamit ang kanyang braso. Kasabay din noon ang pag shoot nya sa lata ng beer doon sa basurahan na mga tatlong dipa ang layo mula sa likuran nya. Napalingon ako sa dalawang babae na pumalakpak. "Ang galing. Basketball player ka ba?" Mangha nila. "Hindi." Pagalit nitong sagot. "Pwede ba kaming magpapicture sayo?" Malanding tanong ng babaeng naka bikini na may malaking hinaharap. "No."  "What about your cellpho-" Pareho kami ni Liam na muling lumingon sa babae. "NO!"  Nagkatinginan kami ni Liam. Sya kasi yung sumagot para kay Mateo. Naiirita na din siguro. Pero nakakapanibago na tinanggihan ngayon ni Mateo ang dalawang chicks na ito kahit naghuhumiyaw ang malusog nilang hinaharap. "Hi. You're cute too, What's your-" hirit nung isang babae. "Ok, let's go." Yakag ni Liam. "Uwi na tayo." Tumayo ito ignoring the poor ladies. "Sinong mag dadrive?" Tanong ko. "Not you. You're not driving my car." Si Mateo ang sumagot. Iniisip parin ba niya na hindi ako marunong mag drive? Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko. "Napaka galing mo talagang mang insulto pag dating sa akin no?" Wala kong ganang sabi. "No." Sagot nya pa. "Masakit na yata ang ulo-"  Sinipa ko sya kaya natigilan sya sa pagsasalita. "What the hell?! Bakit mo ako sinipa?"  Hindi ko sya pinansin at naglakad pauna. Para yan sa pag inom mo sa beer ko. Tse! -- "Ako na ang mag dadrive hanggang doon sa kabilang side ng beach." offer ni Liam saka inilagay ang surfingboard sa likod ng pickup. "Doon kasi naka park ang kotse ko." Dugtong pa nya. "Sa unahan ka nalang umupo." Utos sa akin ni Mateo at pinag buksan pa ako ng pintuan. Wow! Nakakagulat naman ang pagiging gentleman ng jerk na ito, not until I saw him stretch out across the back seats. Kaya naman pala. Sana all masarap ang higa. Ipinikit nya ang mata nya para matulog and for the first time, he looked so innocent. "Like the view?" Nahuli ako ni Liam na nakatitig kay Mateo mula sa rearview mirror.  'Hindi no!" Tanggi ko at uminit ang mukha ko. Am I blushing? Itinuon ko agad ang mga mata ko sa unahan. Pinaandar na ni Liam ang sasakyan. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat hanggang makatulugan ko ang ganoong posisyon. Nagising lang ako ng huminto ang sasakyan at nasa labas na si Mateo. Bitbit nito ang  surfing board ni Liam at inilipat nya ito sa sasakyan ni Liam. "Hindi ba sya na injured?" Curious kong tanong. "Para kasing hindi sya nagtamo ng mga galos at pasa."  "Ganyan talaga si Maxel. naturally born athlete kaya mabilis din makarecover ang kanyang katawan." Sagot ni Liam at saka hinubad ang kanyang tshirt para tingnan ang mga pasa nya sa katawan. Shuta! Sinubukan kong huwag tumitig sa kanyang washboard abs. bakit kasi dito pa naghubad. Nakatayo na si Mateo sa labas at hinihintay si Liam na lumabas. Nakipag fistbum ito ng makababa, nag wave naman ako ka Liam habang nanatiling nakaupo sa loob ng sasakyan. Naupo na si Mateo sa driver seat. Kinuha nya yung sunglasses nya sa dashboard at sinuot it. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti. Gwapo!  "Missed me?" Inirapan ko sya bilang sagot. Duuh! Gabi na ng makabaling kami sa camping site. Naipit kami sa traffic kaya inabot kami ng 11pm. Nakakapagod. "Back to normal" Pabulong kong sabi at huminga ng malalim.  Ang hot nya parin tingnan kahit bugbog sarado na ang lalaking ito.  "Gusto mo ng round two?" tanong nya. Hindi ko alam kung anong tinutukoy nya.  "Round 2 ng suntukan ba yan o ng inuman?" Kumpirma ko.  Tumawa ito sa sinabi ko. "I never expected you to be such a wild card." Aniya Naningkit ang bilugan nyang mata sa pagtawa. Grabe! Sarap pakinggan ng tawa nya at dahil iyon sa akin. Tumatambol ngayon ang puso ko at balak ko nalang sana ang umalis. Ang lagkit nya tumingin... "Nabugbog ako ngayong araw pero the best pa din yung milktea kanina," Basag ko sa katahimikan. "Pati na din yung sunset sa beach at ang-" "Just a thank you is enough Piper. Hindi mo na kailangan isa isahin pa ang mga yon." Basag naman nya sa akin. "Yeah." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagiging madaldal kasi ako pag kinakabahan. Parang nagkakaroon ng sariling buhay ang bunganga ko at kung ano ano ang lumalabas mula dito. Siguro lahat ng mga babaeng nakakasama nya ay malumanay lang magsalita. Susyal ganon.  "I'll see you in the morning." Aniya "Hindi ka pa uuwi?" Taka kong tanong. "May pupuntahan pa akong party. Mauna kana." Tumango nalang ako sa kanya at bumaba na ng sasakyan. Rinig ko ang pag alis ng sasakyan nya. Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang papalayong nyang pickup. I can't believe this day. I actually hang out with Mateo and Liam. Hindi ko inakala na mangyayari yung ganito sa akin. Naglakad na ako pabalik ng kwarto. Bago ko pa buksan ang pinto ay may babaeng lumapit sa akin at idinikit sa noo ko ang sticky note saka ito umirap at umalis.  Punyemas ka! Ganda ka? Inis kong inalis yung papel sa noo ko at tiningnan ito. Mateo's name with a heart next to her name, I think? Cheesy! Pumasok na ako sa loob at ipinatong sa mesa yung papel. Umupo ako sa aking kama at chineck ang aking cellphone. Wala man lang kahit isang text. Kahit NDMRRC oh kahit si shopee? Saklap. Nagtext ako kay mommy: Hi Mommy, nandito po pala ako sa weekend camp ng Northville community. Okay naman dito. Kamusta? Sunod kong tinext si Vivan: Kamusta Vivian? Ang dami kong kwento sayo. Pagkatapos nun ay natulala na ako. Wala man lang nagreply. Baka tulog na sila?  Ang hirap subukang maging friendly tapos wala namang may gustong maging kaibigan ka. Bakit ganon? Hindi naman masama ugali ko. Hindi lang talaga ako approachable minsan dahil tinatamad akong makipag interact sa tao. Mas gusto kong manood ng kdrama. Pero sinubukan ko naman na dagdagan ang mga kaibigan ko but i feel rejected all the time.  Binasa ko yung huling text sa akin ng ex boyfriend ko. Honestly, sya yung unang tao na nagparamdam sa akin ng worth ko. Na kamahal mahal ako, na pwede din pala akong maging priority. Until he broke my heart. Tama naman ang naging desisyon ko, Piper. Kayang ibigay ni Sandra lahat ng mga bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin. You can't blame me if I cheated on you. Sakit sa matang basahin. Parang kasalanan ko pa talaga eh no? Yan yung hulin nyang text sa akin 2 months ago na hindi ko na nagawang replyan. He cheated on me at ang masaklap ay ako nalang pala yung hindi nakakaalam sa dating kong pinapasukan na niloloko nya ako. Tinawag pa nya akong tanga dahil hindi ko agad ito nahalata. Hindi naman sa tanga talaga ako. I trusted him, for pete's sake! Minahal ko sya ng buong buo at naniwala akong hindi niya ako kayang lokohin. Ayoko ngang paghinalaan sya... Well, I learned my lesson. Sino pa ba ang magmamahal sa akin? Wala na siguro. Tatanggapin ko nalang na tatanda na akong dalaga. Tatandang virgin. Naligo ako at nagbihis ng aking pajama. Nahiga na ako sa kama at tumitig sa kisame, wishing na sana mawala na itong sakit sa puso ko. Please mend my broken heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD