A black pickup was parked across the building. Iba na naman ang sasakyan nya? Last time sedan ang dala nya sa school. Nauna akong sumakay sa loob kaysa kay Mateo na may kausap pa sa cellphone nya.
"Don't touch anything." Banta nya sa akin ng makapasok na sya sa loob.
"As if naman na gusto kong sumakay dito." maktol ko.
Hindi nya pinansin yung sinabi ko. Kumapit sya sa headrest ko habang ang isang kamay ay nasa manubela. Nilanghap ko ang mabango nyang amoy dahil ang lapit nya sa akin. A musky scent. Lumingon ito sa likod dahil umaatras ito palabas palabas ng parking spot.
"Mateo, hindi ba magagalit sina Sir Dizon kung aalis tayo during camp activities? I'm sure-"
"Can you stop talking?"
Agad akong tumahimik ng sawayin nya ako. Tumingin sya sa akin at ngumisi. "It's a question. Ang ingay mo kasi." Paliwanag pa nya.
"Kinakabahan kasi ako. Alam kong madaming magagalit sa akin dahil wala ako sa volleyball game na sinalihan ko... Tapos kasama pa kita. I'm not like you."
"I get it."
"Talaga?" Mangha kong sabi.
"Oo."
"So ibig sabihin ba nyan hindi na tayo aalis?" Ngumiti ako sa kanya.
"Nope."
Yumuko ako at sumimangot. "Please... Pwede bang mamaya nalang natin gawin ang pabor na gusto mo?" I begged.
Humagalpak ito ng tawa, as if merong nakakatawa sa sinabi ko?
"Anong nakakatawa? Tumigil ka nga! Seryoso ako. Hindi mo ba nakikita sa mga mukha ko kung gaaano ako kaseryoso?"
Tumingin sa akin si Mateo. Nataranta ako sa mga titig nya. Bigla din nyang itinigil sa gilid ng daan ang sasakyan. Dinampit nya ang kanyang cellphone sa console at may tinawagan habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
"Hey, what's up?"
Pinagdaop ko ang aking mga palad, begging at him to go back. Tinabig nya ang kamay ko.
"Jimmy, can you do me a favor?"
Kumunot ang noo ko. Mahilig talaga humingi ng favor kung kani-kanino. Si Jimmy yung palagi nyang kasama sa labas ng dorm.
"Cover for Piper. Wala dapat makaalam na umalis sya sa camp? Babalik din kami mamayang gabi." He said at tinapos ang tawag.
Muli nyang pinaandar ang sasakyan. Matalim ko syang tinitigan habang nasa daan naka focus si Mateo. So ganito pala ang isang Mateo Axel Montemayor, napakadali ng buhay para sa kanya. Bumilis yung takbo ng sasakyan ng nasa expressway na kami.
"Are you not gonna thank me for covering you up?" He smirked.
Kunot noo akong tumingin sa kanya, "Well, thank you for k********g me Mateo." Sarkastiko kong sabi.
"You are welcome, Piper."
SHUTA! Binanggit na naman nya ang pangalan ko. Bakit iba ang dating sa akin kapag binibigkas nya ang pangalan ko?
Hindi ko alam kung ano bang favor ang hinihingi ni Mateo pero kung ano man yon ay bahala na. Nandito na kami sa…
beach?
Almost 2 hours away sa mount Marcelino. What on earth is he thinking? Anong pabor ang kailangan kong gawin dito sa beach for him?
Bumaba na kami ng sasakyan. Bagay na bagay dito si Mateo dahil angkop ang beach body nya dito. Lahat ng babaeng madaanan namin ay napapatingin sa kanya. He had a head-turner effect on people. Hindi ko sila masisisi, napaka gwapo naman kasi.
Nilingon ako ni Mateo dahil ang bagal kong maglakad. "Faster." Utos nya.
Ibinuhos na yata ng Diyos lahat kay Mateo. Ang hot! Kasing Hot ng sikat ng araw. Pero sana naambunan din sya ng magandang asal no? Nilakihan ko ang hakbang ko para makasabay ko sya sa paglalakad. Hindi ko alam kung ikinaganda ko ba ang paglalakad sa tabi nya na parang sidekick... but for sure kinaiingitan ako ng mga babaeng nakakakita sa amin ngayon.
Ang hirap maglakad sa buhangin, bumabagal ako maglakad. Ayoko kasing pasukin ng buhangin ang sapatos ko. Kahit wala akong pang beauty queen face e maarte din naman ako pagdating sa sarili ko.
"Can you hurry up?"
"I'm trying."
"Para kang penguin maglakad." Pang aasar nito.
"Kung sinabi mo sana na sa beach tayo pupunta, edi sana nagpalit ako ng tsinelas kanina." Reklamo ko.
"Ang baduy mo talaga."
"Umayos ka! Pasalamat ka pumayag ako sa pabor na hinihingi mo!" Bulyaw ko sa kanya.
"Whoah! Salamat sa pagbasag ng ipad ko ha? I'm really grateful for that." Sarkastiko nyang sabi.
"Kasalanan mo naman yon!" Giit ko. Totoo naman.
I didn't realize that our faces just inches close to each other habang nagtatalo kami na parang bata. I can even smell his minty breath. Imbes na lumubog yung mga paa ko sa buhangin ay sa mga mata nya ako lumubog. His hazel brown eyes blended into the color of the sand. Shuta!
"Maxel!"
Naalarma si Mateo na para bang nahuling may ginagawang kalokohan. Agad itong tumalikod sa akin, napunta naman yung mga mata ko sa lalaking tumawag kay Mateo ng Maxel. Kakaahon lang nito mula sa dagat. Ang gwapo na ang hot pa. Yung abs nya nag huhumiyaw. He shake his head at nagtalsikan ang tubig mula sa ulo nya. May bitbit syang surfboard habang papalapit kay Mateo.
Sorry na agad. Hindi naman tumulo ang laway ko.
"Liam." Bati ni Mateo saka sila nag fistbum "Bro."
"Hindi kayo magkamukhang magkapatid." Kumento ko. More on kahawig nya si... Si Jewel.
Tumawa si Liam. Ganda ng ngiti nya, pang model ng toothpaste. "We're not really brothers. Ang cute mo." Tawa nito. "Saan kayo nagkakilala, Maxel?" Curious niyang tanong.
"Sa campus, and she's not my type bro." Sagot niya. They both chuckled. Sama talaga ugali ng gwapong to!
Liam extended his hand, "Liam Nolan Iglesias. Nice to meet you...?"
Wow! Gwapo na may manners pa, hindi gaya ng isang ito. Kakapanibago.
"Piper Cassandra Delgado." Pakilala ko at tinanggap ang kanyang makisig na kamay.
"Siya yung tinutukoy kong tutulong sa atin." Wika nya at inakbayan si Liam. He looked more relaxed than I usually see him at the campus.
"Sigurado ka?" Nagdududa nitong tanong.
"She's our only option. Trust me." Sagot ni Mateo.
Naglakad ang dalawa palayo sa akin habang masayang nag kukwentuhan. May kinukwento si Mateo at halos mamatay sa pagtawa si Liam. Hindi ko marinig yung kinukwento nya dahil medyo malayo na sila sa akin. Sinubukan kong habulin sila pero lumulubog kasi yung sapatos ko sa buhangin.
Kinakabahan ako sa dalawang ito. Ano kayang kalokohan itong papasukin ko? Ugh! Any ideas guys?
Huminga ako ng malalim ng maabutan ko sila. Pumasok kami sa beachside restaurant. Ang bango ng burger.
Si Mateo ang humihingi ng favor sa akin pero kung titingnan ako yung nagkaroon ng malaking pabor. I mean, look at me? Here at the beach enjoying my favorite burger and milkshake with the two hottest boys. Mamatay kayo sa inggit guys!
Dinampot ni Liam ang towel na nakapatog sa upuan at pinunasan ang basang katawan. Pagkatapos noon ay binalik na din nya ito sa dating pwesto at ang nakakatawa ay may babaeng kumuha nito. Inamoy amoy pa saka itinago sa kanyang bag. Shuta! Hindi ako aabot sa ganong level ng kabaliwan para kay Mateo.
Natawa ako sa sarili ko.
I can't imagine I will be with Mateo. Sa bintana ko lang kasi sya tinatanaw noon. May mga babaeng lumalapit sa dalawa at nakikipag kilala. Ang iba naman ay mukhang matagal na nilang kilala. Malimit siguro ang dalawa dito.
Umorder ng tig isang beer ang dalawa saka ito naupo sa katapat kong upuan.
"Takaw" Puna ni Mateo sa pagkagat ko ng burger.
"Chill. Remember, she's doing you a favor." Paalala naman ni Liam. Parang mas bet ko na ngayon si Liam kaysa sa jerk na ito.
"So... hindi nyo ba sasabihin sa akin kung anong favor ang gagawin ko?" Singit ko sa kanila. Ngumiti pa ako.
Yes. Nagpapacute ako kay Liam. Baka sakaling makakabihag ng gwapong nilalang. Naikwento kaya ni Mateo kung bakit nasira ang ipad nya kay Liam? I'm not a bad driver. Kasalanan naman nya yung nangyari and remember the cute little dog story. Huwag na huwag nyong kalilimutan yon.
"I saved a cute little dog's life once." Out of the blue kong sambit.
"Bakit kailangan mong ulitin ang tungkol dyan?" Mateo exclaimed.
"Dahil..." I tried to calm down. Medyo napapahiya na naman ako. Bakit ko ba kasi sinabi yon? "it's always relevant. Bakit ba naiinis ka kapag sinasabi ko yon?"
"Because it's nonsense."
"May problema ka ba sa mga aso?"
"Guys," Sinubukan ni Liam na awatin kami sa pagbabangayan. I guess he failed.
"Wala kang awa." I said.
"Wala kang kaluluwa." Sagot nya. Huwat? Anong connect?
"Guys!" Bulyaw ni Liam ng ihampas nya ang mga kamay nito sa mesa para matigil kami. "May importante tayong dapat gawin kaya tigilan nyo na yan. Okay? At ikaw Maxel, tell her more information about it. She’s involved so she really needs to know."
I sighed. Humigop ako sa aking milktea at nginuya ang pearl. Inulit ko ito ng ilang beses.
"Piper." frustrated na tawag sa akin ni mateo. "Can you stop it?" Saway nya sa paghigop ko ng malakas.
Tumingin ako sa kanya habang nasa bibig ko ang straw. "Opo miss minchin."
Inirapan ako ni Mateo. "Baliw."
"Miss Minchin ruined Sarah's daily life?" Ani Liam.
"Binggo!" I chuckled.
"Kung ako si miss minchin, ikaw naman si emengard." Asar niyang sabi. Mas lalo akong natawa imbes na mainsulto.
Nanonood si Mateo ng Sarah ang munting prinsesa?
"Nanonood ka? Seryoso?" Hagalpak kong tawa.
"Guy! Tama na nga yan! Para kayong aso't pusa na may sariling mundo. You both sound crazy." Muli nitong saway.
Tumigil ako sa pagtawa. Kunwari pa si Liam, nanonood din naman.
"Eh kasi..." Magpapaliwang pa sana ako nang magsalita si Mateo.
"Obviously nandito ka hindi dahil gusto ka naming makasama. I'm in trouble. Last season, nakipag pustahan ako sa sarili kong basketball tournament. Kailangan kong manalo dahil malaki ang perang involved." Wika nito.
"Teka... Bawal yun ah? Tsaka pandaraya ang ginagawa mo." Saad ko.
"Hindi ito pang kalyeng laro, Piper. It's university basketball league." Depensa ni Mateo.
Hindi ako makapaniwalang papasok si Mateo sa ganito kaduming trading. Malaking pera ang involved means malaking tao din ang kasali? Diba?
"I was against it from the beginning," Ani Liam
"Hindi kana nga nakakatulong panay pa ang sermon mo." Reklamo ni Mateo.
"Dahil pinsan kita. Concern lang bro." Depensa naman nya.
Pinanood ko silang dalawa. Nakakainggit. Yung relationship nila bilang mag pinsan ay parang mag bestfriend. Sana all. Yung relationship ko kasi sa mga pinsan ko ay ewan! Akala nila nakikipag compete ako sa kanila. Palagi silang may pinaglalaban.
"And as usual, Maxel's plans bite us more than they please us." Liam said.
I saw Mateo smirked. "Gaya ng mga babae mo?" Basag nito kay Liam.
BURN!
Ayon si Liam naman ngayon ang kabangayan ni Mateo. Hindi ko na sila pinansin. Humigop ulit ako ng milktea. Sarap. Mateo glared at me so I stopped slurping. Miss Minchin talaga!
Itinuloy na nya yung sinasabi nya kanina. "Nakipagpustahan ako kay Ryco before at malaki yung natalo sa kanya. Hindi nya alam na minsan sinasadya kong matalo kapag pumupusta ako sa kalaban. And now things got out of control kaya nandito tayo ngayon. I have to settle this. Madali lang naman ang gagawin mo. Pagkatapos nito titigil na ako sa pakikipagpustahan."
Baliw na ba sya? He looked nervous pero ang hot pa din nya tingnan.
"He needs your help, Piper." Liam said. "Apart from us, wala ng ibang nakakaalam ng tungkol dito. Maxel is really on the spotlight at maraming mga lalaki ang naiinggit sa kanya. Kapag kumalat ito, gagamitin nila ito laban kay Maxel. You are the perfect person to help. You're nowhere near our social scene."
"Okay. I get it."
"So Piper, you'll be driving our getaway car." Paliwanag ni Liam sa magiging plano. Mataman naman akong nakikinig. Para akong sasabak sa isang shooting the way he explained the plan. Medyo na eexcite ako na ewan.
"Are you still in? Pwede ka pang umatras. Hindi ka naman obligadong-"
"She is." Putol ni Mateo kay Liam.
"Maxel, hindi naman nya kailangang masangkot sa gulong pinasok mo kung ayaw nya." Tumingin sa akin si Liam. Shuta! Nakakapang Lambot ang mga titig nya. "Ano sa tingin mo, piper?"
Parehong nakatitig sa akin si Mateo at Liam waiting for my answer. A big responsibility.
"Kung ako ang magiging getaway car driver..." Ngumisi ako at pinipigilan kiligin. "Ibig sabihin ba tinatanggap mo na magaling akong driver?" Proud kong sabi kay Mateo.
He gave up. Umirap ito. Kailangan lumabas mismo sa bibig nya na magaling akong mag drive. Shuta ka Mateo. Ngumisi ako abot tenga. "What convinced you? Iyong cute little dog story ko ba?"
Inis itong napakamot sa kanyang batok. "Uminom ka na lang ng milktea."
"Gusto mo ulit marinig akong humigop ng milktea?" Pang aasar ko pa.
Nakita ko kung paano iuntog ni Liam ang ulo nya sa mesa. Nasesense na niya siguro ang panibago naming bangayan.
Ayon na nga. Okay na yung plano nila. Tumatak na sa kaibuturan ng utak ko. I can't imagine that I will be in a situation like this. Wala sa hinagap ng isip ko. Nakaupo ako ngayon dito sa pickup ni Mateo habang hinihintay ko sila. Katagpo nila sa restaurant kanina yung mga kapustahan nila.
Honestly, sobrang kinakabahan ako. Hindi madaling maging getaway driver. Nakakataranta yun. This favor is worth way more than 2000. Ang laking gulo ng pinasok ng lalaking yon! Gusto pa akong idamay.
Binuksan ko yung aircon ng sasakyan dahil pinagpapawisan na ako. Ang init init. Wait teka! Shuta! Naiwan ko yung milktea sa mesa. Bumaba ako ng sasakyan at nagmamadaling bumalik sa restaurant para balikan ito.
"Hey." Kaway ko sa bartender. Nakipagsiksikan ako sa dalawang nakabikining babae para lang makadaan agad. Nabasa pa tuloy! "Kuya." Tawag ko sa bartender.
"Ano yon miss?" Aniya ng makuha ko ang atensyon nya.
"Naiwan ko kasi yung milktea ko, nakita nyo? Nandoon lang yon sa table na yun." Turo ko sa table namin kanina.
"Nailigpit na siguro miss." Sagot nya at umalis na dahil may mga customer pang kailangan sya. Sayang naman.
Babalik na sana ako sa sasakyan ng may lalaking pumulupot sa aking baywang. "Kasama mo ba yung dalawang lalaki yon?" Tanong nya at tumingin kayna Mateo at Liam na nasa hindi kalayuan.
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. He's wearing a black jacket kahit ang init init ng panahon tapos hindi pa bagay sa kanya ang porma nya. Parang pinilit sa edad nya. Siguro ay nasa mid 30's na ito.
"Anong problema mo?" I said at sasabog na ang dibdib sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na ako tapos ang init pa.
"Kinakausap kita ng maayos!" Angil nya. Natatakot na ako dahil mukha syang goons. Mukha syang villans sa mga crime scene.
"Ano bang kailangan mo?" Naiiyak kong tanong. Tinitigan nya ako. Nakakatakot yung mga titig nya parang anytime hahandusay nalang ako bigla sa sahig. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya ng nakangiti.
"Sinusubukan mo ba akong bentahan ng illegal na Milktea dahil kaya ko namang umorder dyan sa counter. Hindi ako bumibili ng milktea kung saan saan. Isipin mo na ang gusto mong isipin sa miktea na tinutukoy ko pero I'm only gonna buy milktea the legal way." Lintanya ko.
"Ayos din ang sense of humor mo ah." Tawa nito. "Pero hindi namin gawain yon eh." Makahulugan nyang sagot.
Okay. Nagustuhan nya yung joke ko. Pero hindi yun joke. Kinakabahan lang talaga ako kaya kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. "Thanks for appreciating my sense of humor because most of the people don't. I mean, hindi naman ako palabiro pero malimit akong pagtawanan ng iba. It hurts."
"Mukhang may pinagdadaanan ka ah? Mukha namang masaya ka kausap." He said na parang naging interesado sa akin. "Alis dyan!" Utos nya sa lalaking nakaupo sa likod ko at hinila ang kanyang inuupuan para paupuin ako doon. "Alam mo bang mahilig akong pumunta sa mga comedy bar, pampatagal stress." Aniya.
"Talaga? Saan? Nakapunta na ako minsan sa laughline. Ang funny ng mga bakla doon." I said which is partly true. Naupo na ako sa highchair na inalok nya.
"May ballpen ka?" Tanong nito sa bartenter. "Ballpen." Ulit nya na agad inabutan ng bartenter. "Isusulat ko yung address ng bar. Pwede mo akong yayain minsan. Maganda dito-"
Nakarinig ako ng ingay. Paglingon ko nagkakagulo na. Inihagis ni Mateo ang upuan at tinaob ang table.
"Get to the car Liam!" Sigaw ni Mateo. Loud and clear.
Pinanood ko silang tumalon sa railings ng restaurant at tumakbo patungo sa sasakyan. Galit na galit yung itsura ni Mateo parang papatay ng tao. Inabutan kasi sya ng isang lalaki at tinulak sya kaya napasalampak sya sa buhangin. Gusto ko sanang tulungan sya pero malakas naman nya itong nasipa saka tumakbong muli.
"Start the car Piper!" Sigaw pa nya.
SHUTA!
Ako nga pala ang getaway driver nila pero nandito ako at nakikipag chismisan.
"Dyan kana!" Taranta kong sabi at nag tatakbo palabas.
"Nasaan sya?" Rinig kong sigaw ni Mateo.
"Lock ang pinto." Frustrated na sabi ni Liam.
"Tangin@! Mapapatay ko ang-"
"Mateo! SA LIKOD MO!" Sigaw ko.
May tatlong lalaki ang humila kay Mateo. Mabilis na sumugod si Liam. Mukhang sanay na sanay sila sa pakikipag basagan ng mukha ah. I watched them defending each other, standing back to back.
Para akong nanonood ng action movie, or naglalaro ng tekken. Kung ako ang gamer sino kaya ang pipiliin ko sa dalawa?
STOP IT PIPER!
Nakaka guilty. Patay ako nito sa dalawa. Mas kinakabahan ako sa kanila kaysa sa mga bad guys. Tumakbo ako palapit sa kanila waving my hands just to stop them.
"Please. Guys stop it. Aray! Huy ang sakit nun! Aray!" Sigaw ko dahil tinamaan ako sa suntukan nila. Aware ba silang nandito ako?
"MATEO!" Sigaw ko. "MATEO!"
Doon lang narealized ni Mateo na kasama na nila ako. Napagtanto ko kung gaano kalakas si Mateo dahil napataob nya yung tatlong bakulaw na lalaki habang nakikisawsaw ako at sinasabunutan ko sila. Suddenly I felt his strong arms around my waist. Walang imik nya akong hinila, sheltering me between the car and his body.
Ayaw kong kiligin. ehhh!
May lalaki na naman ang humila sa likod nya kaya hinarap nya ito at pinatumba. Ang galing nya. I felt safe anyway. Ganito pala ang feeling ng pinoprotektahan?
"TAMA NA YAN!" Sigaw nang lalaking kausap ko kanina. Tumigil naman sila. Maging kami nina Mateo at Liam naguluhan sa pagsulpot ng lalaking ito.
"Nasaan yung babaeng kausap ko kanina?" Tanong nya papalapit sa amin at isa isa tinulak ang mga bad guys para tumabi.
Mula sa likod ni Mateo ay sumilip ako, "Here."
Yung isang bakulaw na lalaki na may malaking blackeye ay lumapit sa amin. "Hinahanap ka ni Boss. Lumapit ka doon." Utos nya.
Sinubukan nya akong hilahin pero hinarangan agad ito ni Mateo. "Touch her and I'll beat the hell out of you."
Umatras na yung lalaking bakulaw at yung lalaking kausap ko naman ang kaharap ngayon ni Mateo.
"Siya yung gusto kong kasama sa comedy bar soon. Ito ang address ng comedy bar na sinasabi ko." Aniya at sinilip ako sa likod ni Mateo. "Okay ka lang?"
Ramdam ko yung matatalim na tingin sa akin ni Liam at Mateo.
"Okay lang ako. Salamat." Nahihiya kong sagot.
"Good. Here you go." Aniya at inabot ang kapirasong papel na may nakasulat na address ng comed bar na tinutukoy nya. Tinaggap ko naman agad ito.
"Thanks. Hindi naman ako busy na tao, I'll check it sometime." Saad ko at hilaw na ngumiti.
Ang awkward. Nakatingin sila sa akin lahat ngayon.
Hinarap na nung lalaking nakajacket ang mga kasuntukan nina Liam at Mateo ngayon. They are all bruised.
"Tama na yan. Okay na. Consider our debts with these boys settled. Magaling din naman talaga si mateo. Sige na. Bumalik na kayo sa restaurant." Utos niya na agad nilang sinunod.
Naiwan kaming tatlo sa gilid ng sasakyan na pagod. Buti nalang mabait si kuyang naka jacket.
"Are you hurt?" Tanong ni Mateo, he scanned me looking for any scratch.
"No." Tipid kong sagot.
Tumalim yung mga titig nya sa akin. "Then what the hell were you thinking?!" Ang bilis magbago ng tono ng boses nya. Galit na ulit?
Bago pa kami muling magbangayan ni Mateo ay pumagitna na sa amin si Liam. "Tama na yan." Awat nya. "Pero tama ba yung rinig ko kanina? Ikaw daw yung gusto nyang makasama sa comedy bar?" Kumpirma ni Liam. Feeling ko pinipigilan lang nyang tumawa. Ugh!