UNTIL 12 MIDNIGHT
"Ahhh! malnourish?? "
"Hahahaha"tawanan naman sila sa hula ko sa linalaro naming charades.Paano naman kasi ampayat ni Jones. Hindi ko mahulaan 'yung pinapahula niya.
sumenyas naman siya ng lima na ibis sabihin ay may five syllables.
Kasalukuyang nasa birthday party kami ni Ven at sa totoo lang wala dapat talaga ako dito hahaha.May sarili sana kaming plano kaso hindi natuloy dahil hindi maipasa 'yung movie na dapat papanoorin namin ni April at Lyssa kaya napagdesisyunan nalang namin na pumunta sa birthday kasi may attendance daw hahahaha.
Tawanan lang sila ng tawana at ako naman hirap na hirap hulaan 'yung actions ni Jones. Bwisit kasi 'tong payat na 'to e'en buhusan mo lang siya ng mainit na tubig bulalo na siya.
Sasagot na sana ako pero napatigil ako dahil may dumating. Nakaramdam ako ng hiya dahil nandito na siya, naramdaman ko na naman na parang nakulong na naman ako at limited na naman ang mga galaw ko pag nandyan siya. Tumingin siya sa amin at napatingin lang din ako sa kanya at hindi ko na hinintay na balingan niya ako ng tingin kaya tumingin nalang uli ako kay Jones.
Umupo sila Zuiji sa bandang unahan,napansin kong humaba na ulit ang buhok niya kasi last year dapat naka Aguinaldo cut kami dahil mahigpit 'yung isa naming teacher. Mas tumangkad na siya at medyo nagkalaman na din. Nahiya na si Jones na maglaro at sinabi nalang ang sagot sa pinahuhulaan niya hahahaha kaya nakapoints kami. Si Lyn naman ang nag pahula at animals daw 'yun sa bagay mukha talagang animal siya hahhaha.
"Elephant? "hula ko.
Tumango naman siya tapos sumenyas na sige pa.
"Elepante?"hahaha akala ko kasi tagalog.
Umiling-iling siya at tinuro niya si Maine. Hindi ko mahulaan pero senyas niya tama daw 'yung elephant.
Natapos na ang oras namin sa panghuhula.
"Ta*ena niyo sabi ko elephant maliit lang! "reklamo ni Lyn.
"Kailan mo sinabing maliit ha? "tanong naman ni Lyssa.
"Dba nga? tinuro ko si Maine! maliit nga!maliit!"sigaw naman niya.
Napatingin nalang kami kay Maine na parang nagtataka.Nagtatawanan nalang kami hahaha.
"Eh'ano ba sagot? "tanong ni April.
"Hipoppotamus! "seryosong sgaot ni Lyn.
Lalong lumakas tawanan namin at ngayon ko lang narealize na pag maliit pala ang elephant tawag dun ag hipo. hahahaha.
Napatingin naman ako sa kinauupuan ni Zuiji at nagulat ako kasi nakatingin pala siya sa akin.It's wierd but while staring back to his eyes makes me uncomfy. Yes! it was my super power hahaha pag titingin ako sa isang direksyon ng walang dahilan lagi akong nakakakita ng isang taong nakatingin sa akin.Alam kong hindi ko ito dapat nararamdaman kaya nauna na akong bumaling ng tingin sa iba. Dumating din yung iba naming classmates and may namiss talaga akong isa sa kanila si Jhel.Lumapit siya sa akin at nag hug kami.
"Mama.. "pabiro kong sabi habang nakayakap ako sa kanya. Nagtawanan lang sila.
"G*gu"tugon naman ni Jhel.
Malambot na medyo crispy talaga siya mag mura rinig ko 'yun.And when I open my eyes I saw again Zuiju staring at me again but this time nakangiti siya. My barrier was melting....
Pinaupo namin 'yung mga bagong dating since tapos na kami kumain. Nasa isang helera nalang kami ng mga upuan nakaupo. Nagyaya sila uminom pero tumatanggi ako kasi hindi ko kaya e. Nanghingi nalang ako kay Ven ng Ice tea at nagtimpla ako sa pitchel buti nalang may stick ng hotdog na malinis kaya 'yon ang pinanghalo ko.
Napatingin na naman ako sa direksyon ni Zuiji and for the third time he's staring me again. Tumingin nalang ako sa iba at ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Nang tignan ko ulit siya sa iba na siya nakatingin kay Vie. I knew that they have something and I try to be happy for them.
When the time is come, I need to leave hahahah. Aalis pa kasi ako kasi birthday kinabukasan ni Vaed boyfriend ko. Buti nalang sasamahan ako ni Lyssa para bumili ng birthday presence ko.I really love doing efforts lalo na ngayon na nagthree-three years na kami ni Vaed. Sabi nila turning three years in relationship is the make it or break it point ng relasyon.
At oum, ramdam ko 'yun. Short convo, no-time, no efforts, no special day like dates and gala na hindi siya interesado pero umuoo siya pag nagyaya ako, awayan na sinisumulan ko pero wala nang panunuyo. Natatakot ako e kaya ginagawa ko lahat para pasilabin pa 'yung flames saming dalawa.
Nahihirapan ako pumuli halos nasa dulo na kami ng bilihan ng mga damit pero wala pa ako napipili. And luckily I saw a maroon shirt, I remember maroon is his favourite color and he's so handsome when he wears maroon shirt. Binili ko 'yun at shorts bumili din ako.
Hinatid ko na si Lyssa sa bahay nila at nag thank you ako kasi sinamahan niya ako. Pauwi na ako at dala ko 'yung paper bag na may laman ng gift ko kay Vaed. Sana matuwa siya hahahaha pero alan kong magagalit 'yun kais kabilin-bilinan niya na wag ko siyang pag kagastusan well hindi niya ako masisisi kasi may malalim akong dahilan.
Nagsimula na akong maglakad pauwi at medyo naantok na din ako at sumasakit na ang paa ko. Napatingin ako sa iskinitang dinadaanan ko pauwi.
"Sarado pa rin? "bulong ki sa sarili ko
Dumaan nalang aki sa gilid ng high way nakakatakot kasi madilin tapos baka mahagip ako hahahah. Mas natakot ako nang makita ko na may lalaking nakatayo sa pintuan ng building. Yumuko nalang ako at tumingin ng diretso sa dinadaanan ko. Nakalagpas na ako sa lalaki nang...
"Niejel?"
Napahinto ako kasi tinawag niya ang pangalan ko. Kilala ko ba siya? yinakap ko nang mahigpit yung paper bag na dala ko.
"Niejel ikaw ba 'yan? "tanong niya na parang wala a tono.
Hindi ako umimik parang pinako ako sa kinatatayuan ko. Narinig ko na papalapit siya sa akin kaya mas hindi ako nakagalaw. Pinilit kong gumalaw at nang maihakbang ko ang kaliwang paa ko ay aakmang tatakbo na sana ako pero hinawakan niya ang balikat ko.
"Niejel please, pwede ba tayong mag usap? "sabi niya sa mahinang boses.
'Yung pakiramdam na 'to, itong kaba at hindi mapakali.Sa kanya ko lang 'to nararamdaman, hindi kaya siya 'to?
Humarap ako at napanganga ako sa nakita ko. Buti nalang nakamask ako at hindi niya nakita ang malaking bibig ko hahahha.
"Zuiji? "wala sa katinuang tugon ko.
Ngumuti lang siya sa akin,he's too handsome tho he's wearing mask too. 'Yung ngiti niya may halong lungkot. Ngayon lang kami nagkalapit ng ganito, he's my crush when we're grade 7 nagkakilala kami sa pangit na pagkakataon.At minahal ko din siya kalaunan kahit parang wala lang sa kanya yung nararamdaman ko.
Nagulat ako dahil sinubsob niya yung mukha niya sa balikat ko. Hindi ko maipaliwanag yung mararamdaman ko,tila nawala lahat ng sense ko.Hindi ko marinig yung mga busina ng mga sasakyan, pero naririnig ko yung t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa mo Zuiji pero naluluha mga mata ko.
Gusto kong damhin ang pagkakataon na ito pero hindi pwede. I push him at nagulat siya sa ginawa ko, mas nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi naman malakas ang tulak ko sa kanya pero unti-unti siyang nawawalan ng balanse. Wala na akong ibang maisip kundi saluhin siya. Hinawakan ko ang mga braso niya,inalalayan ko siya sa likod habang nakaakbay ang braso niiya sa balikat ko. Nakita kong parang napangiti siya.
"Uminom ka ba ng alak?"tanong ko na may konting inis.
Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko at
"Sikwet"bulong niya na natatawa pa.
Sa totoo lang alam ko na yung sagot kasi naamoy ko yung hinga niya amoy alak na amoy suka. Fake kasi yung mask ko e hahahaha.
Inalalayan ko nalang siyang umakyat hindi ko kabisado yung apartment nila kaya hinahayaan ko nalang siya na maglakad. Nagulat ako kasi dinala niya ako sa rooftop,ang lamig ng hangin.
"Andito ba room niyo Zuiji? "takang tanong ko. Pero imbis na sagutin niya ako dumiretso siya sa balcony ng rooftop. Seryoso lang siya habang nakatingin sa malayo.
Ang tahimik at ang akward ng sitwasyon kaya naman.
"Ahmm Zuiji, ok ka na ba dito? "
"Bakit iiwan mo na ba ako? "
May kumurot sa dibdib ko nang marinig ko yung sinabi niya. Napalunok nalang ako at nagisip ako nang mabuti.
"Ayokong iwan ka ng ganyan! "sigaw ko, hindi ko alam kung bakit ako sumigaw pero sumigaw pa rin ako.Hindi ko alam kung bakit ganito siya.
"Bakit? " tanong ko sa isip ko.
"Bakit? " tugon niya na mas pinagtaka ko.
Humarap siya sa akin at tinignan niya yung daladala kong paper bag. Ibinaling niya yung paningin niya sa kung saan at nakita kong nagluluha ang mga mata niya.Tinanggal niya yung mask niya, huminga siya ng malalim at
"Niejel mahal mo pa ba ako? "
Natulala ako sa tanong niya bakit ganito siya? Hindi ako sanay sobra kong nasaktan sa tinanong niya, sobra kong nasasaktan sa nakikita ko.
Tumalikod siya para mag punas ng mga luha.
"Put**** ***!!"
Nanginig ako sa sigaw niya,paulit ulit siyang nagmumura ng pasigaw. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Nadudurog ako sa nakikita ko,litong-lito ako.....
Lumapit ako para yakapin siya patalikod. Kumalma naman siya..
"P-please Zuiji, tama na"naiiyak kong tugon. Humihikbi pa rin siya nanghihina ako sa ginagawa niya.
"Mahal Kita Niejel"naiiyak niyang tugon.
Gulong-gulo ako dahil sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala sa lumabas sa kanyang bibig na kataga. Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako.
"P-per-"hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan niya na ako.
"Simula nang nag cross yung landas natin nung first year highschool tayo, humanga ako sayo ng sobra Neijel..... Ang tapang mo, marunong kang magpakatotoo sa dami ng rason para mahalin ka hindi ko masabi lahat.... "Seryso niyang pagsingit habang patuloy na lumuluha.
I never forget the day when our worlds was cross.Wala akong masabi kundi puro hikbi nalang, hindi ko din alam ang sasabihin ko.
"It almost five years from now, hindi pa rin kita maalis dito! "tinuro niya yung puso niya.
"You're always in my dreams but never in my arms... "
Sinaksak ako sa sinabi niya, ganito niya ba talaga ako kamahal? Totoo ang mga binitawan niyang mga salita siguro dapat na din akong magpakatotoo sa nararamdaman ko.
"Y-You're always in my heart, but never be in my life Zuiji..."
Alam kong sobrang sakit ng mga salitang bumubuo sa katagang binitawan ko pero 'yun ang totoo.
"Zuiji, hindi na tayo pwede kahit Mahal na Mahal pa rin kita, "I try to smile, he look at me and I saw he's smiling while crying.
Lumapit ako sa kanya wala na akong pakealam kung husgahan man ako ng mundo, gusto ko lang na mayakap siya.
Napangiti ako nang maramdaman ko ang mga bisig niya na pumulupot sa akin.
"Sorry Niejel, sorry kung hindi ako nagkaroon ng sapat na tapang para mahalin ka,"hinigpitan ko 'yung yakap ko sa kanya ng sobra,nanghihina ako sa sakit na nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa batok ko.
"Shhh!look where we are Zuiji,you're brave knight I knew but it's too late for us"Pinakapakalma ko siya pero umiiyak pa rin kami pareho.
"Sorry Zuiji,kung hindi kita nahintay..."hinigpitan niya lalo ang yakap sa akin.
8:49 PM
Nakaupo kami sa lapag ni Zuiji, nakasandak siya sa balcony at ako naman ay nasa pagitan ng mga hita niya at nakasandal sa dibdib niya. Ang sweet ng position namin, nakapayakap siya sa akin. Nakatulala lang kami at dinadama ang bawat oras.
Yinakap niya ako gamit ang isa niyang braso, magkaholding hands ang kanang kamay ko ay kaliwang kamay niya. Nakatingin kami sa kamay namin habang naglalaro ang mga daliri namin.
Tumingala ako para makita ang mukha niya.Tumingin rin siya sa akin, kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Nakita kong lumunok siya ng laway niya.
"Paano kung naging tayo?"tanong niya.
Inalis ko ang pagkakatitig ko sa kanya. Paano nga ba? pwede pa kaya? Pero alam ko namang hindi na pwede dahil meron ako Vaed at meron siyang Vie.
Huminga ako ng malalim at...
"Pwede namang maging tayo e"sabi ko at yinakap ko siya pinilit ko ring ngumit.
"Secret Affairs? "tugon niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Zuiji naman e seryoso ko baliw! hahaha"sabi ko sabay kinurot yung matangos niyang ilong.
"Ano ba kasi plano mo Neijel? "natatawa niyang tugon. Medyo gumagaan na pakiramdam namin.
"Ano muna gusto mo itawag sakin? "tanong ko sa kanya.
"Ahmm ikaw muna ano favourite food mo? ulam dapat? "tanong niya pabalik napaisip naman ako ahmmm.... ano nga ba? Ah! alam ko na.....
"Siomai??? "nagtatakang tugon ko.
Lumaki bigla 'yung mga mata niya.
"Seryoso ka? favourite ko din 'yun e! "tugon niya na hindi makapaniwala at may malaking ngiti sa kanyang labi.
"So what? mas favourite ako 'yun hahahaha! share mo lang? "pangiinis ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso.
"Hindi mo ko maiinis Siomai "
tugon niya ng seryoso.
Tumingin ako sa kanya at nagtataka ako, ano meaning niya dun?
"Anong siomai???"takang tanong ko kay Zuiji. Ngumiti lang siya ng nakakainis.
"Hahahha ang slow mo Siomai"tawa lang siya ng tawa. Kinurot niya din ilong ko.
Inulit-ulit ko 'yung sinabi niya sa akin at booomm!! p*tek!ang slow ko nga. Tinakpan ko nalang mukha ko at yumuko.
"Hey! Siomai did you get it?? Ahhhiieee kilig naman pwet mo dyan ahhahah"pangaasar niya sa akin habang kinikiliti ako sa tagiliran ko.
"Ang galing naman pala kumendeng ng Siomai ko o'hahaha, kendeng-kendeng paborito ng siomai ko,kendeng-kendeng paborito ng siomai ko, hahahah"kinikiliti niya ako habang kumakanta at sobrang saya niya.
Ang sakit na ng tagiliran ko nahihirapan na din akong magpigil ng tawa.Hahaha I need to revenge my self.....
Tinanggal ko ang mga palad ko sa mukha ko at tumingin ako sa kanya ng seryoso.Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Kitang-kita ko na napalunok siya ng laway. Magkatitigan lang kaming dalawa. Pumatong ako sa dalawang hita niya at umupo, nakatitig lang siya at alam kong nanunuyut na ang lalamunan niya.
"I want to spice you up,Siomai ko"sabi ko sa kanya at inamoy ko ang leeg niya. Amoy alak pero keri lang hahaha.
Nanigas nalang si Zuiji sa ginagawa ko sa kanya at wala siyang imik-imik. Para siyang istatwa ngayon hahaha.
"Im look like a vampire because of my features but Im not, hindi ko lang maintindihan.....sa leeg mo lang ako naattract Siomai ko.... "
I tried not to laugh and be seductive hahahaha. Natatawa ko sa itsura niya, tumataas ang leeg niya habang inaamoy-amoy ko yung leeg niya hahahaha.Dahan-dahan ko namang itinungo ang labi ko papunta sa mukha niya. Idinikit ko ng bahagya ang labi ko sa tenga niya, idinaan ko sa pisnge niya hanggang sa magtama ang aming mga ilong. Target locked!
Pinatong ko ang magkabilang kamay ko sa balikat niya. Dahan-dahan ko dinh idinaan sa leeg niya at nagiinit na nga siya hahahha. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hahalikan ko na siya.....
Nakita kong tutugon siya kaya umalis na ako hahahaha.Ang sama ng tingin niya sa akin grabe para kong di makakauwi sa bahay namin dahil sa titig niya.
"Ughhh! nakakainis ka Siomai ko! "sigaw niya at nagmamaktol na parang bata.
Pumikit ako at para inisin siya lalo"Sabi ko naman sayo diba I'll spice you up nagin-"hindi pa ako tapos magsalita pero naramdaman ko na hinawakan niya ang batok ko.
Dumilat ako at magkadikit na pala ang mga labi naming dalawa. Ibang iba yung halik niya, he's kiss was pure love. Ang init at ang lambot ng labi niya. He's kissing me while he's eyes are closed, maybe I should embrace this moment too.
Time check: 9:58
"Is it our destiny? Hindi ba talaga tayo ang nakalaan para sa isa't isa? "he asked out of nowhere.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Imbis na sumagot yinakap ko nalang siya ng mas mahigpit. Nakaupo kami at nakayakap ako sa kanya mula sa likod niya. Narinig kong huminga siya ng malalim at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.
Nang makita niya ang mga tala sa langit ngumiti siya. Ang mga ngiti niya yung gustong-gusto kong makita sa tuwing mamasdan ko siya sa malayo.
"Hindi pa ba sapat sayo yung ganito Siomaiko? "tanong ko sa kanya.
Umayos siya ng kanyang pagkakaupo para titigan ako. Ngumiti na naman siya nagulat ako kasi bigla niya nalang aking hinalikan ng mabilis sa nga labi ko. Bwisitrt pilyo talaga siya hahaha.
"We just have until 12 midnight 'di ba? "tanong niya na parang may halong lungkot. Tumango nalang ako at hinawi ko yung buhok niya at mukha namang nagustuhan niya yung ginawa ko.
"Mahal na mahal kita"hindi ko alam kung bakit yun ang itinugon ko sa kanya pero nung mga oras na yun walang halong lungkot at panghihinayang ko yun sinabi.
Inilapit niya yung mukha niya sa akin at
"Alam ko hahahah!"pangaasar niya na naman hahaha. Natawa nalang din ako at pinisil ko yung ilong niya.
"Until 12 midnight is more than forever for me Siomaiko, Sobrang mahal na mahal din kita kung kaya ko lang pahintuin yung oras gagawin ko makasama lang kita nang mas matagal"seryoso niyang sabi sa akin. Natahimik na lang ako kasi sobrang sincere niyang sinabi yun sa akin. Sinaksak ako ng sobrang saya dahil sa mga katagang binitawan niya.
Yinakap ko siya ng mahigpit gusto kong maging masaya nalang kami ngayon kaya pinipigilan kong umiyak.
"If the universe is against us, I hope someday our heart will collide again"mas nararamdaman ko na mas mahal ako ni Zuiji.
"Halika dali!"sabi niya at nagmamadali pang tumayo.
"Wait lang naman ano na naman ba kasi trip mo pasaway ka! "tugon ko sa kanya.
Yumuko siya ng bahagya sa akin at inilapat niya ang kanyang nga kamay.
"Dance with me! utos yan hindi pakiusap, naiinis ako kasi hindi kita naisayaw nung third year tayo hmm! "parang batang nagmamaktol na sagot niya.
Lalo siyang naiinis kasi pinipigilan kong pagtawanan siya hahaha.Tinakpan ko nalang yung buo kong mukha hahhaa. Naramdaman ko nalang na hinila niya ako patayo.
"Grabe ka naman ang wild mo ha!"
"Patagal ka kasi e'en it's been 11:49 na kaya! "mukha nga siyang naiinis talaga. Kaya naman hinawakan ko yung magkabilang pisnge ng mukha niya at itinapat ko sa mukha ko.
I smile and I kissed his nose. Nagulat naman siya sa ginawa ko hahhaa nawala na yung magkasalubong niyang kilay kanina.
"Sorry na gusto ko lang naman na maisayaw ka e"he said.
Hinawakan niya ang magkabila kong mga kamay at ipinatong niya sa magkabilang balikat niya. Ginagawa niya yun habang hindi inaalis ang kanyang mga titig sa akin. Sobrang kaba yung nararamdaman ko pero kita kong pareho kaming naluluha ang mga mata. Dahan-dahan niya namang yinayakap ang bewang ko papalapit sa kanya.
"Yakapin mo din ako please, "he said at parang nahypnotize ako.Kaya naman yinakap ko na siya habang nakapatong ang braso ko sa magkabilang balikat niya. Magkatapat na ang aming mga mukha.
"If we have a chance to stay here, sasamahan mo ba ako? "tanong niya sa akin magkadikit na ang mga dulo ng aming ilong sa isa't isa.
"I wont leave you"sincere kong tugon. Mas lalo ng nagdikit ang aming mga katawan nang hinalikan niya ako ng mariin sa mga labi ko. Why pain doesn't left me? Gusto kong maging masaya pero bakit nalulungkot ako ngayon? Magkayakap kami ngayon habang sumasabay sa sayaw ng malamig na hangin umiihip sa paligid namin.
Bigla nalang siyang napalikwas sa pagyayakapan namin at...
"Oh! Look there's a shooting star, let's make a wish ako na mauuna ha! "sobrang saya niya his attitude is treasure.
Magkayap pa din kaming dalawa at nung nakita namin yung shooting star ay unti-unti na itong lumalayo ngunit maliwanag pa din ito. Parang sa mga movies lang ang ganda.
Huminga ng malalim si Zuiji at tumingin siya sa akin habang nakangiti.
"Sana tayo nalang..."he said happily.Para akong narindi sa sinabi niya masaya dapat ang nararamdaman ko pero bakit napupuno ng lungkot ang puso ko.
I took a deep breath and I try to smile.Nanginginig ang mga labi ko pero kailangan kong humiling.
"Sana hindi mo nalang ako nakilala"Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.Nakikita ko ang paglilingid ng mga luha sa mga mata niya. Sorry Zuiji, sorry....
Bumitaw siya sa pagyayakapan naming dalawa at tumingin siya sa direksyon ng shooting star na ngayon ay unti-unti ng nawawala.Ibinaling niya ulit yung tingin niya sa akin.
"Ha? b-bakit opposite 'yung wish mo sa wish ko? "wala sa sarili niyang tanong sa akin. Yumuko nalang ako kasi hindi ko kayang tignan na nadudurog siya kasi napipino ako sa nakikita ko.
"Hindi mo ba talaga ako mahal? "nanuot yung sakit sa puso ko matapos niyang itanong yun. Lumapit ako sa kanya para yakapin siya pero nagpumiglas siya at nang yakapin ko ulit siya nagpayakap na siya. Gusto kong magmura sa sobrang sakit ang hapdi.
"M-Mahal na mahal kita sobra hiniling ko 'yun para sayo Mahal na mahal kita kaya sana hindi mo nalang ako nakilala para hindi ka nadudurog ngayon, Sobrang mahal na mahal kita..."nauutal kong sagot sa kanya.
"I can't get it"
"I do believe in wishing star pero kailangan kong salungatin 'yung hiling mo, para sayo rin naman 'yun e"pagpapaliwanag ko sa kanya habang humahagulhol na ako sa dibdib niya.
"You want me to be happy right? Happy with her? "he said,inangat ko ang ulo ko para makita siya at humahagulhol na din siya ng konti.
I stare at his teary eyes, I saw stars and moon in to that....I see my universe on him but there's someone who treat him as a her world....
I hug him so tight...
"Promise me that please"
Hinigpitan ko lalo ang pagkakayap ko sa kanya. I checked my phone and it's already 11:58.
Sobrang nasasaktan ako kasi nakikita kong nasasaktan ko siya. Magkayakap nalang kami at umiiyak ng sobra. Hinalikan ko ang leeg niya at tumingin ako sa mga mata niya.
This guy was not mine at the first place...
Nanlalabo na din yung paningin ko dahil sa mga luha na umaagos sa aking mga mata.
"Please magpakabait ka lagi ha, wag ka magbabad sa online games, kumain ka lagi sa tamang oras, wag kang pasaway, magaral ka ng mabuti... Mahal na mahal kita Zuiji, Siomaiko... "humahagulhol kong paalala sa kanya. I kiss his forehead at nagzero vissibility na nang tuluyan ang mga mata ko.
11:59
"Come with me and you'll be
In a world of pure imagination"narinig kong bigla nalang siyang kumanta.
Humahagulhol kaming dalawa at sa huling minuto yinakap ko siya ng mahigpit.
12:00 Midnight
"Take a look and you'll see
Into your imagination"
Naririnig ko pa rin ang boses ni Zuiji pero naguguluhan ako dahil may naririnig akong tumutugtug ng gitara habang kumakanta siya.
"Huy! Neijel bakit ka umiiyak?"hindi pamilyar na boses na hindi ko alam kung saan nagmula.
Sobrang sakit ng nararandaman ko ngayon. Napansin ko na parang lumiliwanag ang paligid ko.Nasaan ba ako? Humahagulhol pa rin ako at nang unti-unti nang lumiliwanag ang mga mata ko nakita ko siya...
"Will begin with a spin
Travelling in the world of my creation
What we'll see will defy explanation...."Nakatingin sa akin si Zuiji habang kumakanta at nang matapos na siya ibinaba niya ang gitara at tumingin sa ibang direksyon.
Tumingin ako sa paligid at napahagulhol nalang ako dahil nasa birthday party pa rin pala ako. Tumingin ako sa tabi ko at si Lyssa pala.Nagaalala silang lahat, pinunsan ko ang mga luha ko at tumingin ako kay Zuiji nakatingin din siya sa akin. Huminga ako ng malalim...
"Buti nalang... "bulong ko sa sarili ko.
I almost forgot,five years ago I was diagnosed in delusional disorder called Erotomania isang uncommon na sakit. Kadalasang sintomas ng sakit kong ito ay ang pagiilusyon sa isang sitwasyon na nay nagmamahal sa akin.
Mabuti nalang hindi totoong sobrang nasasaktan si Zuiji....
Until 12 Midnight does not exist it was just my imagination.
AUTHOR'S NOTE
Hello po, thank you po sa pagbabasa I hope nagenjoy po kayo sa gawa-gawang kwento ni Niejel charot! Pasensya na din po kung madaming mali sa story na ito and please dont judge me Im just a beginner hahaha??THANK YOU AND MWAUH?PLEASE FOLLOW ME PO AND I'LL FOLLOW YOU BACK?STAY SAFE ALWAYS??