"Master pwede bang dito ka lang muna at ako po ang kukuha ng dahon ng sili at akin na pa yung puno itatanim ko po ulit baka sakaling mabuhay pa. Saad ko kay Hunter, Sabay kinuha ko sa kanya ang puno ng sili. "Pero Babae." Reklamo nito ngunit hindi ko ito pinansin at basta na lang akong umalis sa harapan nito, agad akong lumabas at pumunta ako sa likod bahay hinanap ko agad kung saan binunot ng lalaki ang puno ng sili. "Ate Aiza, nakita mo ba kung saan binunot ni Master, ang puno ng siling ito?" Tanong ko sa babae ng makasalubong ko ito. "Opo Miss maglakad ka lang Dyan sa tabi ng mga halaman makikita mo may mababaw na ungkab ng lupa na pinag bunutan ni Master." Sagot ng babae. "Salamat po." Humakbang ako at hinanap ko ang tinuro ni Ate Aiza, at nakita ko naman agad ito, hindi ko na

