Pag katapos kung maligo agad akong nag bihis dahil balak kung tulungan si Ate Lyn, mag luto ng haponan, ang alam ko kasi si Ate Lyn, ang taga pag luto ni Master, dahil siya ang lagi kong nakikita sa kusina siguro naman hindi magagalit si Hunter, kung lumabas ako ng silid, hindi naman ako lalabas ng gate nandito lang rin lang naman ako sa loob ng bahay. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago ako Binuksan ang pinto natuwa ako dahil hindi ini lock ni Hunter, ang pinto agad akong lumabas ng silid at masaya akong bumaba ng hagdanan pagkababa ko sa hagdan hinanap ko agad si Ate Lyn ngunit hindi ko ito nakita sa kusina, kaya nag tanong ako sa ibang kasambahay kung saan si Ate Lyn. "Ate nakita niyo po si Ate Lyn?" Tanong ko rito. "Miss, ang alam ko may inutos si Master kay Lyn, siguro mamaya p

