Episode 8

1642 Words
Episode 8 “Kira, aray! Hinay-hinay naman.” Sabi ni Trevor at inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanyang tenga. Nang makalayo-layo na kami sa tindahan ni Pektong ay hinarap ko na siya habang nakapameywang. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ito, huh?” Napakamot siya sa kanyang ulo. “Baka kasi hindi ka pumayag kapag sinabi ko na may trabaho na ako kina Pektong.” “Kailan pa kayo naging mag best friend ng payatot na ‘yun?!” Nako, nako! Masama talaga ang na fe-feel ko na nagiging malapit na ito si Trevor kay Pektong. Playboy nag isang ‘yun, akala mo naman kung sinong gwapo! Baka magulat nalang ako sa isang araw marami nang umaaligid na mga babae kay Trevor! Hindi talaga ako makakapayag! “No’n kasing nag ta-trabaho ka pa, na bo-bored ako doon sa loob ng apartment mo, kaya namasyal ako sa labas at bigla kong nakita si Pektong. Nilapitan niya ako kasi akala niya isa akong kano na nawala at hindi alam kung saan pupunta. Kaya ayun, nag-usap kami tapos naging magkaibigan na.” pagku-kwento ni Trevor. Bumuntong hininga naman ako. “Pero bakit ka nag ta-trabaho sa tindahan niya? Hindi naman kita ginugutom, ah!” “Alam ko. Gusto ko lang naman bumawi sa’yo, sa pagpapatira sa akin sa apartment mo, sa pagpapakain sa akin, at sa lahat lahat. Tapos ngayon wala ka nang trabaho gusto ko makatulong man lang sa’yo nang kunti.” Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako nang tingin. Napatingin ako sa tindahan ni Pektong at biglang naningkit ang aking mata nang may makita akong dalawang babae na kinakausap si Pektong ngayon. Nakinig naman ako. “Pektong, nanjan ba si Trevor?” sabi ng isang babae. “May kinakausap lang, bakit, Nicole?” “Gusto lang sana magpabuhat nang gamit kay Trevor papunta sa bahay ko.” Sabi nito at nagkagat labi pa. “Ako din, Pektong! Bayad lang kami nang extra fee.” Sabi ng kanyang kasama na babae. Nag init naman bigla ang aking ulo at napailing. “GRABE!” inis kong sigaw at muling napaharap kay Trevor na nakatingin pala sa akin ngayon. “Kaya ba gustong-gusto mo mag trabaho dito kay Pektong kasi maraming mga sexy na babae?!” inis kong sabi. Mabilis siyang napailing. “Hindi ‘no! Marangal akong nag ta-trabaho, Kira!” “Eh bakit ka hinahanap nang mga iyon!” sabi ko at tinuro ang dalawang babae na nasa tindahan ngayon ni Pektong na mukhang hinihintay si Trevor na makabalik. Nakita ko ang pag kunot sa noo ni Trevor at napatingin din sa mga babae. Muli siyang humarap sa akin habang may seryosong tingin. “Hindi ko sila kilala. Baka mga costumers?” Tinignan ko siya nang masama. “May gusto sila sa’yo! Ikaw ang hinihintay nila na bumalik.” Nakita ko ang kanang pag ngisi. Bahagya siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. “Don’t tell me, nagseselos ka?! Crush mo ako ‘no?!” Bahagya ko naman siyang tinulak at umiwas ng tingin sa kanya. “Assuming ka naman! H-hindi kita crush.” Sabi ko at napakagat sa aking labi. Jusko, Kira. Tigil-tigilan mo iyang kalandian mo! “Sayang naman. Akala ko pa naman crush mo na ako, crush kasi kita.” Mabilis akong napatingin sa kanya na may pagkagulat sa mukha. “A-Anong sabi mo?” hindi parin makapaniwala sa kanyang sinabi. Baka namali lang ako nang dinig. Medyo assuming pa naman ako nang kunti. Ngumisi siya sa akin. “Sabi ko, crush kita.” Seryoso nyang sabi sa akin at maliit na ngumiti. Naramdaman ko naman ang malakas na pagtibok nang aking puso. Mabilis akong napatalikod sa kanya at napahawak sa aking dibdib. Ano ba itong nararamdaman ko?! Nababaliw na ba ako?! Napahawak ako sa aking ulo at napailing. Bahagya akong nagulat nang hawakan nalang bigla ni Trevor ang aking balikat. “Okay ka lang, Kira?” “B-Bumalik ka na sa trabaho mo!” nauutal kong sabi. Napanguso naman siya. Natigilan ako nang bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa may tenga ko at bumulong sa akin. “Hindi ako lalandi sa iba, baka kasi magalit ang crush ko. Ayaw ko pa naman nakikitang nagseselos nag crush ko.” Sabi niya at umalis na, at bumalik sa kanyang trabaho. Napatulala ako at napahawak sa aking pisngi. Naramdaman ko ang pamumula nito. Mabilis akong napailing at napakurap. No, hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya, Kira Tia! Hindi mo siya kilala at baka isa pala siyang serial killer pag bumalik na ang ala-ala niya. “Kira my loves! Halika dito.” Tawag sa akin ni Pektong. Bumuntong hininga ako bago pumunta doon sa tindahan ni Pektong. Pagkalapit ko ay narinig ko kaagad ang sinabi ni Trevor sa dalawang babae. “Sorry sa inyo, ah? Baka kasi magalit ang crush ko kapag gagawin ko ‘yan.” Rinig kong sabi ni Trevor sa mga babae. Kita ko ang lungkot sa kanilang mukha. “Ang swerte naman ng babaeng crush mo.” “Swerte talaga,” sabi ni Trevor at sumulyap sa akin. Dali-dali naman akong umiwas nang tingin sa kanya. Nagpatuloy si Trevor sa kanyang trabaho ngayon dito sa tindahan ni Pektong. Wala naman akong gagawin kaya mas pinili ko nalang na mag stay muna dito sa tindahan ni Pektong at pinagbigyan niya naman ako. Nagbubuhat ngayon si Trevor ng mga case ng coke na nasa may truck ngayon. Kitang-kita ko na ang mga pawis sa kanyang mukha at kitang-kita na din ito sa kanyang suot na damit. “Trevor,” tawag ko sa kanyang pangalan. Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Lumapit siya at nagpunas ng kanyang pawis sa mukha gamit ang kanyang kamay. Tumayo ako nang mapalapit siya sa akin at kinuha ang aking panyo sa may bulsa. Mas lumapit pa ako sa kanya at pinunasan ang kanyang pawis sa mukha. Nakita kong natigilan siya sa aking ginawa at bahagyang nagulat. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy lang ang aking ginagawa. “Tumalikod ka,” sabi ko. Agad din siyang tumalikod. Itinaas ko nang bahagya ang kanyang damit at pinunasan ang kanyang likod. Nakita kong bahagya siyang napaliyad at naninigas siya ngayon. “Wow! Ang sweet niyo naman. Parang mag asawa lang ang peg, sana all may nagpupunas sa pawis!” Natigil ako sa pagpupunas sa likod ni Trevor nang biglang magsalita si Pektong. “B-Balik na ako sa trabaho…” sabi ni Trevor na hindi makatingin ng diritso sa akin ngayon. “O-Okay,” sagot ko. Nang makalayo na si Trevor ay tinignan ko nang masama si Pektong na nakangisi na sa akin ngayon. Lumapit siya. “Jowa mo si Trevor, ‘no? balita ko kina Margie sa apartment mo daw nakatira ‘yan!” Mabilis ko naman na kinurot ang kanyang tagiliran kaya natigil siya sa pagsasalita at napahawak sa kanyang beywang. “Aray!” “Manahimik ka! Ayokong kumalat ang balitang iyan.” Baka malaman nila Naime at Isabelle, baka umabot pa ito kay Baba! Baka kapag nalaman niya na may kasama akong lalaki sa apartment ko ay bigla nalang siyang susugod dito at iuuwi ako sa probinsya namin. Nako talaga! “Oo na, secret lang natin ‘to na may ka live in ka na sa apartment mo!” Sinapak ko sa mukha si Pektong kaya natigilan na siya at hindi na nagsalita ulit. Hinintay ko nalang si Trevor na matapos ang kanyang trabaho hanggang sa natapos na ito at nagpaalam na siya kay Pektong. Sabay kaming naglalakad ngayon ni Trevor pauwi sa apartment ko. Siya na din ang may dala nang eco bag na may dalang mga gulay na binili ko kina Manang Rai. Natigilan naman ako sa aking paglalakad nang tumigil si Trevor sa mga nag titinda nang street foods. Bigla akong nagutom. “Kira, gusto mo?” tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling pero hindi ako natuloy nang tumunog nang malakas ang aking tiyan at narinig iyon ni Trevor. Tumawa siya nang malakas kaya napapikit ako sa aking mga mata sa hiya. “Sabi ng tiyan mo, hindi daw! Kain tayo dito.” Sabi niya at hinila na ako papalapit sa mga nagtitinda ng street foods. Pinapili niya ako kung ano ang gusto kong kainin kaya agad din akong pumili. Kumuha ako ng madaming isaw at fishball. Nilagay ko ito sa may paper plate at umupo sa may table sa harapan ng kanilang maliit na kainan. Agad ko naman itong kinain kahit mainit pa. Natigilan ako nang makita kong nakatitig sa akin ngayon si Trevor habang nakangiti. Bigla naman akong na conscious. “A-Anong tini-tingin mo jan?” Ngumiti siya at umiling. “Ang saya mo palang tignan kapag kumakain.” Sabi niya habang nakangiti parin na nakatingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at naramdaman ang pagpula nang aking pisngi. “Ang sabihin mo, para akong baboy kumain.” Nakanguso kong sabi at tinignan siya. Mabilis siyang umiling at tinignan ako nang seryoso. “Hindi ka baboy, hindi ka mataba, malaman ka lang talaga at masarap ang kain mo lagi. Ano naman kung ganyan ang katawan mo? Maganda ka pa rin naman at sexy ka na sa katawan mo ngayon.” Seryoso niyang sabi. Muli ko na namang naalala ang paghawak niya sa aking beywang at bahagyang paghaplos nito noong nasa may couch kami. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso ngayon. Jusko, Kira! Tumigil ka! “Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko, Kira.” Sabi ni Trevor. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanyang sinabi at maging emosyonal. Kinagat ko ang aking labi. “S-Salamat…” Final na. Nahuhulog na ako kay Trevor. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD