Episode 7

1868 Words
Episode 7 Kira Tia’s POV. “T-Trevor…” tawag ko sa kanyang pangalan nang bigla nalang bumaba ang kanyang paghalik sa akin. Galing sa aking labi ay napunta na siya sa aking leeg at bahagya akong nagulat nang bigla niya nalang itong kagatin na parang bampira at parang sinipsip ito. Oh my God! Bigla ko namang naalala ‘yung hicky ni Isabelle sa may leeg noong mga nakaraang linggo. “AHHH!” napasigaw ako at sinapak bigla si Trevor sa mukha. Nahulog naman siya sa may couch nang mapalakas ko ang pagsapak sa kanyang mukha. “ARAY! f**k!” Sigaw ni Trevor habang nakabulagta sa may lapag habang nakahawak sa kanyang mukha. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa aking kwarto at mabilis na humarap sa aking salamin. Dali-dali ko namang tinignan ang aking leeg, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may mapula na part sa aking leeg na kagagawan ni Trevor. “AHHH!!!” sigaw ko at sinugod si Trevor sa labas. Nakita ko kaagad siya na nakaupo na pero nasa may sahig parin ito habang hawak-hawak ang kanyang mukha. Napasulyap naman siya sa akin at kita sa mukha niya ang gulat. May dala ako ngayong walis tambo at ready na akong ihampas sa kanya ito ngayon. “Walang hiya kang lalaki ka! Ang kapal nang mukha mong lagyan nang chikinini ang leeg ko! Bwesit ka!” inis kong sigaw at sinugod siya. Dali-dali namang napatayo si Trevor at tumakbo palayo sa akin. “S-Sandali lang! Let me explain muna! Bago mo lang ako nasapak sa mukha, hahampasin mo na ako nang walis ngayon?! Maawa ka naman sa akin!” Parang bata na sabi ni Trevor na takot na takot sa akin ngayon. Mas lalong nag-init ang aking ulo habang nakatingin sa kanya. “Maawa?! Ikaw, hindi ka ba naawa sa akin?! Paano kapag nakita ito ng mga kaibigan ko at ibang tao, huh?!” gigil ko parin na sabi. “Edi sabihin mo nalang na kinagat ka nang lamok sa may leeg.” Biglang nag-init ang ulo ko at namula ang aking mukha sa galit at inis. “PAPATAYIN KITA, TREVOR!” “MAMA!!!” “Diinin mo! Galingan mo!” inis kong sabi habang nakatingin sa kanya. Tinignan niya ako nang masama at mas diniin pa lalo ang ginagawa niya. Napapikit ako at bahagyang napaungol habang may ngisi sa labi. “Enjoy na enjoy ka sa hilot ko, ah?” sarkastikong sabi niya kaya napamulat ako sa aking mga mata at tinignan siya. “Nag re-reklamo ka?” Peke siyang ngumiti at bahagyang hinalikan ang aking paa na hinihilot niya ngayon. “Sinong may sabi na nag re-reklamo ako, Madam? Tuwang-tuwa ako ngayon! Favorite ko na ata itong paghihilot sa paa niyo kada araw.” Sabi niya at muling binalik ang pag focus sa paghihilot sa aking paa habang nakasimangot. Lihim akong napatawa at muling napapikit habang nakasandal sa aking couch. Pagkatapos ko kasing hampasin si Trevor nang walis ay nagmakaawa na itong itigil ko na kaya tumigil naman ako kasi nakakawa naman. Pero hindi pa ako tapos sa pagpaparusa sa kanya kaya pinahilot ko ang aking paa na matagal nang hindi namamasahe. Mamaya ay sa likuran ko naman para mawala ang stress ko sa katawan. Pagkatapos akong e masahe ni Trevor sa aking paa, likod at sa aking balikat ay dumiretso na agad ako sa aking kwarto upang makatulog. Masarap ang naging tulog ko kasi nasarapan ako sa pag masahe ni Trevor sa akin. Gawin ko na kaya siyang massager ko? Para naman hindi lang sakit sa ulo ang nabibigay niya sa akin, kundi sarap din sa katawan. Nang magising ako sa init nang nararamdaman ko sa paligid ay agad din akong napabangon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na hindi na pala umaga, kundi tanghali na! dali-dali akong napalabas sa aking kwarto at naligo at nag ayos sa aking sarili. Nang matapos na ako ay agad akong lumabas sa aking kwarto at hinanap si Trevor. Nasaan na kaya ang lalaking ‘yun? Bakit hindi ko siya nakikita ngayon dito sa apartment… hala! Don’t tell me lumayas na siya?! Nako, nako! No! wala na akong massager nito! Baka nagsisisi na siya na tumira dito sa apartment ko kasi nasapak ko siya kahapon, na hampas nang walis at ginawa kong alila. Napa away pa siya sa dati kong pinagta-trabahuan nang dahil sa akin. Napabuntong hininga ako at napaupo sa couch. Naninibago parin ako na wala na akong trabaho. Ano nalang ang sasabihin ko kay Baba?! Baka ma werla agad ‘yun pag nalaman niya na wala na akong trabaho at pauwiin nalang ako bigla sa amin. Hindi naman sa ayaw kong umuwi doon, miss ko na din naman ang tatay ko. Pero mas gusto ko dito sa syudad, gusto ko maging independent, ‘yung hindi nalang ako palagi naka depende sa aking Baba. Saan kaya ako makakahanap nang trabaho? G na ako kahit anong trabaho basta marangal lang na trabaho at hindi makakasira sa reputasyon ko. Nasaan na ba ang Trevor na ‘yun? Buti nalang may niluto siya na pagkain sa akin at nakalagay ito ngayon sa lamesa habang nakatakip para hindi langawin. Kumain na ako at pagkatapos kong kumain ay nag hugas na ako nang pinggan. Nang ma bored ako sa loob nang aking apartment ay napagpasyahan ko nalang na mamalengke ako. Wala na din naman akong stocks ng mga gulay at mga lulutuin ko sa kusina kaya bibili nalang ako ngayon. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako nang aking apartment. Nakasalubong ko sa labas ang dalawang bruhilda na sila Trina at Margie. Hindi na nila ako pinagsalitaan ng mga masasamang salita at iniwasan nalang ako, buti nalang kasi kung makakarinig pa ako ng mga tsismis galing sa kanila baka patulan ko na ang mga ito. Malapit lang ang palengke sa building ng aking tinutuluyan na apartment kaya naglakad nalang ako. Extra exercise ko na din ito sa akin katawan para naman mabawasan lang kahit kunti ang aking timbang. Naglakad nalang din ako para hindi na ako maka gastos nang barya para sumakay nang tricycle papuntang palengke. Nang makarating ako sa palengke dito sa barangay namin ay agad akong pumunta sa suki ko sa mga gulayan na si Manang Rai. “Magandang tanghali, Manang Rai!” bati ko dito nang makita ko siyang nag a-arrange ng mga gulay sa stall. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Napangiti siya nang makita niya ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “Kira! Ang aking pinakamagandang suki!” Napahagikhik naman ako sa sinabi ni Manang Rai. “Kumusta na po ang gulayan, Manang Rai? Buti nalang nakapunta ulit ako dito, na miss ko bumili sa mga fresh ninyo na mga gulay!” masaya kong sabi. “Okay naman, hija. Ito, mabenta parin ang mga gulay ko. Pili kalang kung ano nag bibilhin mo, bibigyan kita nang discount!” Sumaya naman ako sinabi ni Manang Rai. “Talaga po? Nako, mukhang mapapadami ang bili ko nito.” Nakangiti kong sabi at nagsimula nang pumili ng mga gulay na aking bibilhin. Nang makapili na ako ay binigay ko na itong lahat kay Manang Rai at pina compute ito kung magkano ang aking mababayad sa mga gulay na aking napili. Habang naghihintay ako na ma compute lahat ni Manang Rai ang mga presyo at ang aking babayaran ay nakarinig ako nang usapan sa aking likuran na nakaagaw talaga sa aking atensyon. “Ang pogi ng bagong kargador sa tindahan ni Pektong! Parang gusto ko tuloy magpabalik-balik na bumili doon kahit wala naman talaga akong bibilhin.” Sabi nang isang babae na parang kinikiliti na sa kilig. “Ay, nako, super! Ang pogi niya talaga. Sabi pa nila Trevor daw ang pangalan no’n eh. Bago lang daw dito kaya ngayon lang natin siya nakita.” Nanliit ang aking mga mata at napaisip sa sinabi nang dalawang magkaibigan na nasa aking likuran. Trevor? Bago lang dito? Ang Trevor ko ba ang tinutukoy nila, o ibang Trevor?” “350 lahat, Kira.” Sabi ni Manang Rai. Binigay ko na sa kanya ang bayad at kinuha ang aking mga pinamili na nakalagay na sa eco bag. Nagpaalam na ako kay Manang Rai at naisipan ko nalang bigla na dumiretso sa tindahan ni Pektong. Si Pektong ay isang negosyanteng walang jowa. Nagmamay-ari siya nang isang grocery store dito malapit lang sa palengke at may school supplies store din siya. Manliligaw ko ito noon pero hindi ko siya sinagot kasi hindi ko siya bet at isa pa ayoko pang magkajowa. Nang makarating ako sa tindahan ni Pektong ay agad ko siyang nakita na nakasuot nang shades habang may dala-dalang mapaypay. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Hinubad niya ang kanyang suot na shades at napangisi habang nakatingin sa akin. “Kira, my love of my life!” sabi ni Pektong. Aakmang yayakapin niya ako nang mahawakan ko ang kanyang leeg at aakmang sasakalin na siya nang bigla siyang lumayo sa akin habang takot na nakatingin sa akin. “A-Ano palang ginagawa mo dito, Kira?” tanong niya habang nag-aalinlangan pang ngumiti. Napatingin naman ako sa paligid at hinahanap si Trevor. Saan kaya ‘yun? Baka ibang Trevor ang tinutukoy nang dalawang chismosa kanina. “Pektong, ito lang na ba lahat?” Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Mabilis akong napatingin dito at nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Trevor na nakahubad ang pang itaas na bahagi ng katawan habang pinagpapawisan. Kitang-kita ko ang yummy abs at ang kanyang yummy biceps niya ngayon na napuno na ng kanyang sariling pawis. “T-Trevor?” hindi makapaniwalang banggit ko sa kanyang pangalan habang nakatingin parin sa kanya. Napatingin din siya sa akin at kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Magsasalita na sana siya nang magsalita bigla si Pektong at inakbayan si Trevor. “Kilala mo pala itong bestfriend ko, Kira babes?” nakangisi nitong sabi. Napakunot ang noo ko. “Best friend?” Kailan pa naging magka close ang dalawang ito. “Yes! Best friend ko na ito si Trevor my friend. Kasi nang dahil sa kanya marami na ang pumunta dito sa tindahan ko upang bumili! Lucky charm ko ito, grabe!” Naningkit ang mga mata ko at tinitigan si Trevor. Nakita ko siyang napaiwas nang tingin sa akin. “Anong trabaho niya dito?” tanong ko. “Kargador at suma-sideline din na tindero dito sa tindahan at taga entertain ng mga chikababes!” nakangising sabi ni Pektong. Mas lalong naningkit ang aking mga mata at masamang tinignan si Trevor. “Kira, Let me explain…” mahinahon nitong sabi. Bumuntong hininga ako at pinakalma ang aking sarili. Tinignan ko si Pektong at nginitian. “Pektong, pwede ko bang hiramin ang best friend mo?” Hindi pa nakakasagot si Pektong sa aking tanong ay hinila ko na si Trevor sa may tenga at nilayo doon. “Aray, Kira!” “Manahimik ka!” Taga entertain pala nang chikababes, huh?! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD