Episode 6

1262 Words
Episode 6 Kira Tia’s POV. Hindi parin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay wala na akong trabaho at nagawa ‘yun sa akin ni Sir Rico. Hindi ko na din alam kung paano ako nakauwi sa apartment namin. Basta ang natandaan ko nalang ay pinasakay ako ni Trevor sa kotse ko at doon na ako nagsimulang umiyak at natulala. Para akong zombie na naglalakad ngayon papunta sa apartment ko habang si Trevor naman ay tahimik lang na nakasunod sa aking likuran ngayon. Nang makapasok kami ay agad akong pumunta sa may couch at umupo. Bumuntong hininga ako at muling napatulala. “Uminom ka muna ng tubig.” Napatigil ako sa aking pagkatulala at napatingin kay Trevor na nasa harapan ko ngayon habang may hawak na baso ng tubig. Kinuha ko naman ang baso sa kanya at uminom. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang mga pasa sa kamay niya ngayon, sigurado itong galing sa pag suntok niya kay Sir Rico. Nang matapos na akong uminom ng tubig ay tumayo na ako at pumuntang kwarto upang kunin ang medical kit at dalhin ulit sa labas upang gamutin si Trevor. “Umupo ka dito malapit sa akin.” Sabi nang makalabas ako sa aking kwarto habang may dala-dalang medical kit. “Okay lang ako.” Sabi niya at tinago ang kanyang kamay sa kanyang likod. Napairap ako at hinila siya paupo malapit sa akin. Kinuha ko ang kanyang kamay na nasa kanyang likuran at tinignan ito. Napangiwi naman ako nang makita kong dumugo ito ngayon. Grabe ba talaga ang pag suntok niya kay Sir Rico kanina? “Ito ba ang okay, huh?” masungit kong sabi at napatingin sa kanya. Hindi ko naman mapigilang matigilan nang nakita ko siyang nakatitig pala sa akin ngayon. Mabilis akong umiwas at binuksan na ang medical kit at sinimulang linisin ang kanyang sugat. “Aray!” daing niya nang simulant kong linisin ang sugat niya. “OA mo naman, para ka namang hindi lalaki.” Napasimangot siya. “Ang hapdi kaya! Bakit kasi alcohol ang nilagay mo?!” inis niyang sabi. Sinapok ko naman siya sa kanyang noo kaya natigil na siya at tinignan nalang ako nang masama. Tahimik kami ngayon habang ginagamot ko siya. Wala din akong masabi kasi nahihiya ako kay Trevor ngayon kasi nakita niya iyon. Ngayon lang ulit ako nahiya nang ganito sa isang tao. Nasanay na din naman ako na tawagin akong mataba kasi totoo naman, pero nang sabihin ‘yun sa akin ni Sir Rico, parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa sa kahihiyan. Bumuntong hininga ako bago kinausap si Trevor habang pautuloy parin siyang ginagamot. “Sana hindi mo nalang ginawa ‘yun kanina.” Mahina kong sabi at napakagat sa aking labi. “Ipagtatanggol mo pa talaga ang lalaking ‘yun?!” galit niyang sabi. “Hindi naman sa ganun!” Napatingin ako ulit sa kanya. Natigilan ako nang mapagtanto kong masyado na pala kaming malapit sa isa’t isa. Aatras na sana ako nang bigla nalang hawakan ni Trevor ang aking beywang at mas nilapit pa sa kanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib at napatitig sa kanyang mga mata. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko naman mapigilang pamulahan sa aking mukha. “Wala siyang karapatan na tawagin kang mataba.” Seryoso niyang sabi habang nakatingin parin sa akin ngayon. Napakurap ako sa aking mga mata habang pabilis ng pabilis ang t***k ng aking puso ngayon sa ginagawa niya sa akin. “M-Mataba naman talaga ako.” Mahina kong sabi habang nauutal parin sa kaba. “Mataba? Mataba ba ito?” mahina niyang sabi at bahagyang hinaplos ang aking beywang papunta sa aking likod. Napahawak ako sa kanyang balikat at napakagat sa aking mga labi. “You are one of the sexiest women I have ever seen.” Sabi niya habang nakatingin sa akin. Kikiligin na sana ako sa sinabi niya nang maalala ko na nawalan nga pala ito nang ala-ala. “Gago ka!” inis kong sabi at hinila ang buhok niya at marahas itong binitawan. Napahawak siya sa kanyang buhok at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. “Bakit mo ‘yun ginawa?! Ang sakit, ah!” naiiyak niyang sabi habang nakatingin sa akin. Napatayo naman ako habang gigil pa rin sa kanya. “Bibigay na sana ako sa sinabi mo kanina, eh! Tapos naalala ko nalang na wala ka nga palang ala-ala! Paano mo nasabing isa ako sa pinaka sexy na nakilala mo?! Bwesit ka talaga sa buhay ko!” inis kong sabi at hinagis sa kanya at tsinelas ko. Padabog na pumunta sa aking kwarto at sinirado ito. Bwesit talaga ang Trevor na iyon. ‘Di porket pogi at crush ko siya ng mga 20% ginaganun na niya ako. Natigilan ako nang bigla niyang kinatok ang aking pintuan sa kwarto. “Kira!” tawag niya sa aking pangalan sa labas. Napairap ako. “Ano?!” “Hindi mo pa tapos gamutin ang sugat ko!” Ay, hala! Hindi ko nga pa pala tapos. Ay nako, tanga mo talaga Kira. Binuksan ko ulit ang aking kwarto at nakita ko kaagad si Trevor sa aking harapan na nakanguso habang nakahawak sa kanyang ulo. “Hindi ka man lang mag so-sorry sa akin?” nakasimangot niyang sabi. “Bakit ako mag s-sorry sa’yo?” “Aba! Sinabunotan mo kaya akong babae ka! Ang sakit ng anit ko, parang matatanggal na.” “OA mo, halika na nga.” Sabi ko at hinila na siya pabalik doon sa sala at ginamot ang kanyang sugat. Hindi na ako masyadong malapit sa kanya kasi baka mangyari na naman ‘yung kanina at baka hindi ko makayanan ang sarili ko. Jusko. Kung hindi stress at sakit sa ulo ang dala ni Trevor sa buhay ko, temptasyon naman! Habang pinagpatuloy ko ang pag gagamot sa kamay ni Trevor ay hindi ko mapigilang mailang sa kanyang tingin sa akin. Iniiwasan ko nalang ito. “Totoo naman kasi ang sinabi ko kanina, Kira.” Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon. “Sa mga nakalipas na araw na nandito ako sa apartment mo, minsan ay napapalabas din ako para makipag halibulo sa ibang tao, at marami na akong nakitang mga babaeng mga sexy, pero ikaw ang pinaka sexy na nakita at nakilala ko.” Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at bahagyang napanguso. “Sinasabi mo lang ‘yan sa akin eh para tumaas ulit ang self-confidence ko.” Bahagya akong nagulat nang muli niya na namang hinawakan ang aking likuran at pinaharap sa kanya. Ayan na naman ang malakas na pag t***k ng aking puso! Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Hinawakan ko ang kanyang balikat at tinigilan siya. Napatingin siya sa akin. “A-Anong gagawin mo?” kinakabahan kong sabi. Ngumisi siya at bahagyang hinaplos ang aking pisngi. “Ipaparamdam sa’yo na nagkakamali ka.” Magsasalita na sana ako nang bigla niya nalang dinikit ang kanyang labi sa aking labi. Mahigpit akong napakapit sa kanyang balikat at napapikit sa kaba. Nataranta nalang ako bigla nang ginalaw niya nalang bigla ang kanyang labi. Naramdaman ko din na hinila ako papalapit kay Trevor at pinapatong sa kanyang kandungan. Pinabayaan ko nalang si Trevor sa kanyang ginagawa habang ako dito ay parang sasabog na sa nangyayari sa amin ngayon. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD