Episode 4

1528 Words
Episode 4 Kira’s Point of View. Kailangan kong gumawa nang rules dito sa apartment. Hindi pwedeng magiging illegal nalang bigla si Trevor sa harapan ko. Hindi porket may abs siya, Malaki ang katawan niya, at pogi siya ay pwede na niya akong ganituhin! Walang hiya. Hindi pa rin ako makapaniwala na muntik akong mabuking nila Isabelle at Naime, at makita si Trevor sa loob ng apartment ko. Buti nalang at parang na gets ni Naime ang gusto ko kaya hinila niya si Isabelle paalis sa apartment. “Umupo ka.” Masungit kong sabi kay Trevor Nakabihis na siya nang kanyang damit pero hindi parin mawala sa utak ko ang kanyang yummy six pack abs at ang kanyang yummy biceps. What the horse?! Bakit ba ‘yun ang iniisip ko! Nagiging bastos na talaga ang utak ko sa lalaking ito. Parang need ko na talaga pumuntang simbahan ngayong linggo at magpalagay nang holy water sa aking ulo. “Kira, okay ka lang?” “Ay! Yummy abs!” Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatakip sa aking bibig nang napagtanto ko kung ano ang sinabi ko kani-kanina lang. Nakita ko ang pag ngisi ni Trevor na mukhang enjoy na enjoy sa sinabi ko kanina. “Gusto mo makita ang abs ko?” Aakmang ipapakita na niya ang abs niya nang bigla akong sumigaw. “Utang na loob! Demonyo ka! Lubayan mo ako!” natataranta kong sabi at napapikit sa aking mata. Narinig ko ang malakas na tawa ni Trevor kaya muli akong napamulat sa aking mata. Sa inis ko ay hinagis ko ang hawak hawak kong notebook sa kanya. Natigilan naman siya at nasalo ang notebook ko. “Joke lang naman.” Nakanguso niyang sabi. “Baka gusto mong mapaalis kita dito!” “Joke nga lang sabi eh! Ikaw naman kasi, bakit abs ‘yang nasa utak—” “Tumahimik ka! Isa nalang talaga, sasakalin na talaga kita!” sigaw ko habang asar na nakatingin sa kanya. Jusko. Ma hi-highblood siguro ako neto araw araw sa lalaking ito. Baka tatanda ako nang mabilis! Huminga ako nang malalim at tinignan siya ulit. Nakita kong nakanguso lang siya ngayon habang nakatingin sa may kisame. Shems. Bakit ang pogi niya? Mabilis akong napailing at napabuntong hininga. “Huwag mong pinapasakit ang ulo ko. Baka palayasin kita dito sa apartment ko.” Masungit kong sabi. Nakita kong mabilis siyang napatingin sa akin habang nakanguso pa din. “Bakit mo naman ako papaalisin, ah?! Wala akong maalala at baka ma rape ako sa labas!” “At bakit naman mangyayari ‘yun, ah?” “Kasi pogi ako! Delikado na ang ganitong mukha sa panahong ito, baka may mangyari pang masama sa akin.” Nakasimangot niyang sabi. Muli akong bumuntong hininga. “Kaya nga dapat magpakabait ka sa akin.” “Mabait naman ako sa’yo!” “Bakit ka sumisigaw!” inis kong sabi. “Hindi ako sumisigaw!” “Trevor, isa!” “Dalawa?” Napasapo ako sa aking noo at tahimik na napatili. Kailangan ko na talaga mag imply nang rules sa apartment na ito! Kasi kung hindi, mababaliw ako! Huminga ako nang malalim at seryoso siyang tinignan. “May gagawin akong rules ngayon at lahat nang isusulat ko na rules ngayon ay susundin mo.” Seryoso kong sabi at kinuha ang notebook ko na tinapon ko kay Trevor kanina. “Bakit ka naman magpapatupad nang rules?” taka niyang tanong. Inis kong siyang tinignan. “First rule! Bawal mag tanong.” “Huh? Hindi naman pwede ‘yun!” Napatigil ako sa pagsusulat ko at napatingin kay Trevor. Bakit kapag nagsasalita si Trevor umiinit nalang bigla ang ulo ko?! ‘yung parang asar na asar talaga ako sa kanya kahit sa mga simpleng mga galaw niya lang. “Makinig ka kasi sa akin, at ‘wag ka muna mag react!” Umarte naman siya na zi-nipper niya ang kanyang bibig ngayon kaya hindi na siya makapagsalita. Bumuntong hininga muna ako bago magsimulang sabihin sa kanya ang rules. “Gagawa ako nang rules para magkaintindihan tayo sa isa’t isa habang dito ka nakatira sa akin. Gusto ko na lahat nang gagawin kong rules ay susundin mo, okay? Pwede ka pa naman mag object—” “I object! Ayoko na may rules!” sabi niya habang nakataas ang kamay. Hindi pa nga ako tapos magsalita. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa kanyang ginawa ngayon lang. Seryoso ba talaga sya sa ginagawa niya ngayon? Ganito ba talaga siya kahit hindi pa siya nawalan nang memorya? Hindi ko nalang pinatulan si Trevor at pinagpatuloy ang aking sinabi kanina. “Okay, first rule natin ay bawal ka maghubad.” Seryoso kong sabi habang sinusulat ito sa aking notebook. “Huh, bawal ako mag hubad? Kahit sa pagligo ko sa CR, naka damit lang ako?” parang engot niyang tanong. “Common sense naman! Syempre pwede ka mag hubad sa CR kasi walang nakatingin sa’yo at ikaw lang! pero pag nandito ako, bawal ka mag hubad nang damit kahit paglabas mo sa CR na bago kang ligo! Maliwanag ba ‘yun?!” Napasimangot siya at labag sa kaluoban na tumango. “Good! Okay, next rule na tayo. Bawal maingay dito sa apartment.” “Ano ‘to? A quiet place?” inis niyang sabi. “Bakit alam mo ‘yan?! Diba wala kang ala-ala!” Inirapan niya ako. “Duh, nanood kaya ako nang palabas dito kanina at ‘yan ang pinanood ko. Ang judger mo talaga kahit kailangan.” Napailing ako at pinilit na hindi na siya awayin. “Ah, basta! Bawal maingay, okay?” “May magagawa pa ba ako, wala naman.” Masungit na sabi. Sinulat ko na ang second rule sa aking notebook. Nang matapos ko na masulat ito ay napangiti ako. Ang ganda talaga nang hand writing ko. “Ang panget naman nang sulat kamay mo!” Mabilis akong napatingin kay Trevor na nakasilip na pala sa sinusulat ko ngayon. “How dare you insulted my beautiful hand writing!” inis kong sabi at legit na nasaktan sa sinabi niya. Hindi niya ako sinagot at kinuha nalang bigla ang notebook at ang ball pen ko sa aking kamay. “Ako na ang magsusulat. Maawa ka naman sa magbabasa nito, hindi maintindihan.” Sabi niya at sinulat ulit ang dalawang rules. Hindi nalang ako nakapalag sa kanya at hinayaan nalang siya na siya ang magsulat. Tinignan ko ang sulat niya at hindi ko mapigilang mamangha nang makitang maganda ito, parang font nang Microsoft words! ‘yung Times New Roman, parang ganun ang kanyang hand writing. Ibang klase. “Ano na ang third rule?” sabi niya nang matapos na niyang isulat ang dalawa. Napalunok ako sa aking laway at nag isip. “Uhm… dapat ka mag linis dito sa bahay palagi.” Sabi ko. Nakita ko naman ang masama niyang tingin sa akin kaya napataas ang kilay ko. “Anong problema mo?” tanong ko. “Bakit parang pabor sa’yo lahat itong mga rules, ah? Parang kinakawawa mo ako dito eh!” “Anong kinakawawa ka jan? hindi kaya.” Inirapan niya ako. “Pasalamat ka pogi ako.” “Anong connect sa pagiging pogi mo?” Ngumisi siya at binalik ang tingin sa notebook at nagsulat. “Wala lang, gusto ko lang sabihin na pogi ako.” Nakangisi niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at hindi na siya pinatulan. Pinagpatuloy namin ang aming pag gawa sa mga rules. Hindi pa rin namin naiwasan na mag away habnag gumagawa nang rules hanggang sa nakagawa na kami nang rules and agreements. KIRA AND TREVOR APARTMENT RULES AND AGREEMENT 1. Bawal mag hubad si Trevor kapag nasa loob ng bahay si Kira. 2. A quiet place: Kira’s apartment version 3. Maglinis dapat nang bahay si Trevor 4. Bawal kiss, hug, lahat ng body touch 5. Bawal malaman ng mga kaibigan ni Kira na sa apartment nakatira si Trevor “Ano ba ‘tong number four! Hindi naman kita hahalikan, unless sabihin mo sa akin na halikan kita.” “Neknek mo! Hindi ako manghihingi nang halik sa’yo! Nilagay ko lang ‘yan para sure lang.” sabi ko at umiwas nang tingin. Hindi na siya pumalag at pinirmahan niya nalang ang papel. Pagkatapos niyang pirmahan ay binigay na niya sa akin ang papel at ako naman ang nag pirma. Nang matapos na ang agreement namin ni Trevor ay napatayo kaming dalawa at para mag shake hands. Pero bago pa ako makapag shake hands sa kanya at bigla nalang akong natapilok at bumagsak sa kanyang harapan. Napapikit ako hanggang sa naramdaman ko nalang na parang malambot ang nabagsakan ko ngayon at parang may malambot na bagay na nakadikit sa aking labi. Hinay-hinay naman akong napamulat at laking gulat ko nang makita kong saan ako nabagsak ngayon. “AHHHH!!!” tili ko at dali daling umalis sa kanyang ibabaw. Habang siya naman ay tulala parin hanggang ngayon habang nakahiga sa lapag. Napahawak ako sa aking labi habang nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko naman mapigilang mapaiyak nang mapagtanto ko kung anong nangyari kanina. NAGKAHALIKAN KAMI NI TREVOR! FIRST KISS KO ‘YUN! WALA NA ANG FIRST KISS KOOOO. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD