Episode 3

1292 Words
Episode 3   Maaga akong nagising noong umaga at nang lumabas ako sa aking kwarto ay nakita ko din si Trevor na gising na habang umiinom ng kape.   “Good morning!” bati niya sa akin.   “Good morning.” Sabi ko at dumiretso sa CR.   Maliligo na sana ako nang walang pumapatak na tubig sa gripo. Inis akong napapikit at napahawak sa aking ulo.   Agad kong kinuha ang dalawang balde ng tubig na walang laman at luamabas sa CR. Nakita kong napatingin sa akin si Trevor at napatayo.   “Saan ka pupunta?” tanong niya.   “Kukuha ng tubig sa first floor. Nawala na naman ang tubig dito kaya kailangan kong mag kuha.” Sabi ko.   “Tulungan na kita!” sabi niya at kinuha ang dalawang balde sa akin.   Binigay ko nalang ito sa kanya at hinayaan na siya na ang magdala.   Sinamahan ko siya palabas at sinamahan papunta sa flowing na nasa labas ng apartment. Doon kami kumukuha ng tubig lagi kapag walang tubig sa mga apartment namin.   Agad pumanget ang aking umaga nang makita ko ang dalawang impaktang naka linya sa mga kukuha ng tubig sa may flowing.   “Trina, si pogi!” sabi ni Margie at tinuro si trevor na nasa aking tabi.   Sinimangutan ako ni Trina.   “Bakit sila magkasama? Mag jowa ba sila, ah? Anong gayuma kaya ang ginamit ni Kira.”   “Oo nga! Ang pangit niya kaya at mas maganda pa tayo sa kanya.”   “Baka nilandi niya at sinuko ang bataan!”   Susugurin ko na sana ang mga ito nang mahawakan ni Trevor ang aking kamay kaya mabilis akong napatingin sa kanya.   “What?! Hindi ako papayag na gaganyanin lang nila ako!” galit kong sabi.   Seryoso niyang akong tinitigan ngayon.   “Ako ang bahala.” Sabi nito at naglakad papunta sa mga impakta.   Nakita kong kumislap ang mga mata ng dalawang impakta kaya mas lalo akong nairita.   “Hi pogi!” sabi ni Trina.   “Anong pangalan mo?” si Margie.   “Narinig ko ang usapan niyong dalawa tungkol kay Kira, at hindi ko nagustuhan iyon.” Malamig na sabi nit Trevor.   “W-Wala naman kaming sinasabi na masama.” Kinakabahan na sabi ni Trina.   “Kapag narinig ko ulit na pinag-usapan niyo ng kahit ano si Kira, ako ang makakalaban niyo. By the way I’m Kira’s boyfriend, Trevor.” Malamig at madilim na sabi ni Trevor at iniwan ang dalawang impakta na tulala.   Lumapit sa akin si Trevor at ngumisi, habang ako naman ay tulala sa kanyang sinabi.   Pagkatapos pagsabihan ni Trevor ang dalawang impakta na sila Trina at Margie ay hindi ko na sila naririnig pinag-uusapan ako kapag nakikita ko silang dalawa, agad din silang umiiwas kapag nakikita ako.   Buti nalang talaga at nagawan ng paraan ni Trevor na para tumigil ang mga impakta.   Nasa may 7/11 ako ngayon at bumibili ng soju at makakain. Gusto ko kasi mag kdrama marathon ngayon kasi maaga akong nakauwi galing trabaho. Nasa apartment ngayon si Trevor at naghuhugas ng pinggan. Pasalamat nalang talaga ako at hindi pabigat sa akin si Trevor. Hindi lang siya gwapo, marunong din siya sa mga trabaho sa bahay buti nalang at hindi   Nang makabili na ako nang mga midnight snacks at soju ay napatigil ako sa paglalakad nang tumunog ang aking cellphone.   Nagtaka ako nang makita ko na si Naime ang tumatawag.   Sinagot ko din ito agad.   “Hello, Naime?”   “Hi, girl! Miss ka na namin ni Isabelle. Palagi ka nalang kasing walang time at busy!” sabi ni Naime at rinig ko ang pagtatampo sa kanyang boses. Narinig ko rin ang pagsang-ayon ni Isabelle sa kabilang linya.   “Sorry talaga, girls, ah? Masyado lang talaga akong busy ngayon. Pero promise babawi ako sa inyo!”   “Wag na, girl!” si Isabelle ang sumagot.   Napakunot ang aking noo.   “Bakit?”   “Nandito na kami sa labas ng apartment mo! Mag sleep over kami jan sa inyo!” sabi ni Naime.   Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sa pagkataranta.   “W-What? Wait, nasaan na kayo? Nasa labas na kayo ng apartment ko o nasa labas pa ng building?” kinakabahan at natataranta kong sabi.   “Nasa labas pa ng building, girl. Why? Hindi ka nakapaglinis ‘no?” natatawang sabi ni Naime.   “H-Huwag muna kayo papasok! Jan lang kayo!” sigaw ko at pinatay ang tawag.   Mahina akong napamura atmabilis na tumakbo pabalik sa tinitirhan ko.   Nang makaratinga ko ay agad kong hinanap ang dalawa kong kaibigan sa labas pero hindi ko sila nakita.   Tangina naman, oh!   Hindi nila talaga sinusunod ang sinasabi ko kaya palagi silang nasasangkot sa ulo.   Nagmadali akong pumasok sa building at sumakay sa Elevator.   Mabilis ko din na tinawagan si Naime at agad niya din itong sinagot.   “Nasaan kayo? Bakit wala kayo sa labas?” hinihingal kong sabi.   “Nilalamok na kasi kami sa labas kaya pumasok na kami. Nasaan ka ba? Wala ka ba dito sa apartment mo? Nandito na kami sa labas.”   Oh no.   Baka makita nila si Trevor.   Nang tumunog ang elevator at bumukas ay agad akong tumakbo ng mabilis papunta sa room ko. Nakita ko kaagad doon sila Naime at Isabelle na nagtatawanan.   Napatingin naman sila sa akin at kumaway nang makita nila ako.   Tumigil ako sa harapan ng aking pintuhan habang humihingal.   “Pasok na tayo!”   “Sandali!” sigaw ko habang hinihingal pa rin.   Taka silang napatingin sa akin.   “Okay ka lang ba, Kira?” alalang tanong ni Naime at nilapitan ako.   “Bakit ka ba hinihingal? May humabol ba sa iyo na aso?” tanong din ni Isabelle.   Umiling ako at huminga ng malalim bago humarap sa kanila at nagsalita.   “Next time nalang kayo mag sleep over dito sa apartment ko.”   Napakunot ang kanilang noo.   “Bakit naman? Nahihiya ka parin ba? Hay nako, Kira! Ilang ulit ba naming sasabihin sa iyo na okay lang sa amin na maliit ang bahay mo, comfortable kaya mag tambay jan.” nakasimangot na sabi ni Naime.   “I know. Pero ‘wag na muna talaga ngayon. May importante akong gagawin.”   Nakita ko sa kanilang mga mukha na hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na napatango.   “Okay, girl. Baka tinatago mo ang boyfriend mo jan sa loob.” Nakangising sabi ni Isabelle.   “Hindi ko siya boyfriend! — I mean, wala akong boyfriend.” Sabi ko at napapunas sa aking pawis.   Pinanliitan ako ng mata ni Naime at ngumuso bago ngumiti.   “Okay! Enjoy ka!” nakangising sabi ni Naime at hinila na si Isabelle.   “Sandali, hindi pa tayo tapos!” sabi ni Isabelle.   “Alis na tayo! Pahingahin natin si Kira.” Sabi ni Naime habang hila hila si Isabelle paalis at kinindatan ako.   Nang makasakay sila sa elevator ay nakahinga na ako ng maluwag at pumasok na sa loob ng aking apartment.   Pagkatapos kong ma lock ang pintuan ay humarap na ako at papasok na sana sa aking kwarto nang bigla kong makita si Trevor na bago lang lumabas sa CR na bagong ligo. Nakatapis lang sa kanyang beywang ang tuwalya at wala siyang suot na damit. Kitang kita ang abs niya sa may tiyan at ang kanyang yummy biceps.   Napatigil siya sa pagpupunas ng kanyang buhok nang mapatingin siya sa akin.   “Kira, nandito ka na pala.”   Kumabog ng malakas ang aking puso nang bigla siyang ngumiti sa akin. Ang ganda ng mga ngiti niya, at kahit ‘yan lang ang kanyang gawin ay ssiguradong mahuhulog talaga ang mga babae sa kanya, at isa na ako doon.   Crush ko na ata itong lalaking nabangga ng kotse ko na may amnesia ngayon.   Ang hot niya talaga.   Paano ba maiwasan ang ganitong temptation?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD