
“Wait—ako! I want to marry Kenneth Velasco!” Halos mapatingin ang lahat ng mga sikat na artista, politicians, singers, businessmen and other invited guests sa akin nang makita nila akong tumayo sa aking pagkakaupo. Nakarinig ako ng mga bulong at iba’t-ibang mga salita patungkol sa desisyon ko ngunit taas lang aking tingin at nakangiti sa kanila dahil wala naman akong pakialam sa kanila.Nang mapalingon ako sa puwesto kung saan nakaupo si Kenneth Velasco ay itinaas ko ang isa kong kamay at kinawayan ito na may malaking ngiti. Inosente ako nitong tinignan na tila walang alam sa nangyayari.Napahagikhik ako ng mahinhin at nagsalita sa hangin habang nakatingin ng diretso sa kanya.“I’m going to marry you, dumbass!”
