Matteo-2

1219 Words
"How old are you Aaliyah?" Tanong sa kanya ng lalake. "Bata pa po ako Sir. At wala sa kontrata ko dito sa bar ang magpa table o di kaya take out sa customer," matapang niyang sagot sa lalake. Gwapo ito, malakas ang dating. Pero wala siyang time sa mga lalake ngayon, lalo na ang mga lalaking nagtutungo sa bar para manood at maaliw sa mga babaing sumasayaw ng halos hubod't hubad na. Katulad ng ginagawa niya. May pangarap siya kaya siya narito sa ganitong klaseng trabaho. Pero sa oras na makaipon siya at makaya na niyang bumukod aalis na siya sa maruming trabahong ito. Hindi niya hahayaan na buong buhay niya ay magsasayaw at mang-aaliw siya sa mga lalaking nais lang maglibang. "I know, Ms. Aaliyah kaya nga ikaw ang napili ko sa dami ng nag pe-perform sa bar na ito," tugon sa kanya ng lalake habang nakatingin ito sa mga mata niya. Napakunot ang noo niya. Malalim tumingin ang lalaking kaharap, nanunuot ang tingin nito sa buong katawan niya. Sanay naman siyang titigan ng mga lalake, pero iba ang pakiramdam niya sa tingin ng lalaking kaharap niya ngayon. "Mister. Kung ano man po ang kailangan niyo sa akin. I am sorry hindi po ako interesado," lakas loob niyang sabi sa kaharap. Alam niyang mayayaman at ma pera ang mga nagiging customers sa bar nila. Alam din niyang handa ang mga lalake na gumastos ng malaki ma take out lang ang nagustuhan nitong dancer. Kaya tiyak na mag aalok ang lalaking kaharap niya ng malaking halaga para lang sumama siya rito. Aminado siyang gipit at kailangan niya ng pera, lalo na sa pag-aaral niya at para makaalis na mala impyernong bahay ng tiyahin niya. Pagod na pagod na siya sa araw-araw na pagpapahirap sa kanya ng tiyahin at dalawang pinsan. Pero wala siyang balak ibenta ang katawan niya. Alam niyang kung ibebenta niya ang katawan niya ay magkakapera na siya ng malaki. Pero hinding-hindi niya gagawin iyon. Pinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi siya tutulad sa Nanay niya na binebenta ang katawan sa kung sinu-sino kaya nang pagbuntis siya nito ay hindi nito matukoy kung sino ang kanyang ama. Magtatapos siya ng pag-aaral kahit anong mangyari. Pero never niyang ibebenta ang sariling katawan. "Why don't you listen to my offer first Ms. Aaliyah?" Polite na sabi ng lalake sa kanya. Ganyan naman lahat ng lalaking nais siyang mailabas. Mabait at parang napakataas kuno ng respeto sa babae, eh panigurado naman na bababuyin lang naman ng mga ito ang katawan ng babaing nagustuhan, dahil nga pera ang pinapairal ng mga ito. Babastusin at susulitin ng husto ang katawan ng babae para masulit ang bawat sentemo na binayad ng mga ito. Sa isang buwan palang niya sa bar naka ilang offer na ba siya. At lahat iyon tinanggian niya. Hindi siya nasisilaw sa pera, dahil wala siyang balak na sumunod sa yapak ng kanyang ina. "Hindi ko binebenta ang katawan ko Mister!" Mariin at puno ng dignidad niyang sabi sa lalake. Wala siyang pakialam kahit gwapo at bata pa ito. Sa tanya niya wala pa itong trenta, bata pa kasi ang gwapong mukha nito. Sa katunayan ito na ang pinakabata at pinakagwapong lalaking tumawag sa kanya sa VIP room. Madalas kase matanda na halos nalalagas na ang buhok ang nag a-alok sa kanya ng pera kapalit ang katawan niya. "Miss Aaliyah," tawag sa kanya ng lalake at tumayo mula sa kinauupuan. Humakbang ito palapit sa kanya. "This is not about your body, Aaliyah. Hindi ang serbisyo mo sa kama ko ang kailanga ko," the man said. Ngumisi siya at iniling ang ulo. Para namang hindi pa siya sanay sa mga ganitong klaseng lalake. Alam naman niyang katawan lang niya ang gusto ng mga ito. Nais lang siyang maikama kapalit ang pera ng mga ito. "Para sabihin ko sa iyo Mister. Marami na kong tinanggiang customers. At tatanggian pa rin kita kahit ikaw ang pinakabata sa kanila. Dahil wala akong planong ipa baboy ang katawan ko para lang sa pera," litanya niya sa lalake. Huminto ang lalake dalawang hakbang mula sa kinatatayuan niya. "Well, dahil diyan sa sinasabi mong iyan Miss Aaliyah, parang mas lalo akong nagnanais na mapa oo ka sa offer ko," the man said to her. "Mister-" "Matteo. Matteo Leonardo," putol ng lalake sa sasabihin pa sana niya. Inikot naman niya ang mga mata para ipakitang hindi siya interesado rito. Kahit pa pamilyar sa kanya ang apelido nito sa bayan ng San Rafael. "Nag-aaksaya ka lang ng oras mo. Marami pang ibang dancer diyan, na baka pumayag sa offer mo," she said. "No. I am not interested with anyone. Ikaw Aaliyah ang pumukaw ng atensyon ko. Ikaw ang nais kong alukin ng magandang kontrata," the man said. "Kontrata?" Kunot noong tanong niya. Ngayon lang kasi niyang narinig sa customer ang kontrata. Ang madalas kasi niyang marinig ay magkano ang isang gabing serbisyo niya sa kama. Salitang talaga namang nakakabasto sa pagkatao niya. Pero ang lalake itong kontrata ang sinasabi nito. "Yeah. Kung papayag ka, I will explain it to you," the man said. Humakbang pa ito palapit sa kanya. Napataas pa ang dibdib niya sa paghinga. Dahil halos kahibla na lang ang layo nila sa isat-isa. Kanina pa nga niya naamoy ang mamahaling pabango nito. Isama pa ang mainit at mabangong hininga nito na dumadampi na ngayon sa buong mukha niya. Pakiramdam nga niya hindi na siya makahinga pag ganito kalapit ang lalaking hindi naman niya kilala. "Hindi ako interesado Mister!" Mariin niyang sabi rito nang makabawi na sa pagkakatulala sa gwapong kaharap. Sanay naman siyang makakita ng gwapo. Marami na siyang nakitang gwapong mga celebrities at mga athletes sa bar pati sa eskwelaan nila, pero iba ang kagwapuhan ng lalaking kaharap niya ngayon. Malakas kasi ang appeal nito. Panigurado niyang walang dancer na tatanggi sa lalaking kaharap. Pero siya tatanggian niya ito. Hindi ito ang lalaking sisira sa pangako niya sa sarili niya. "Here," sabi nito at may kinuha sa bulsa nito. Mamahaling brand ng wallet ang nilabas nito at kumuha ito roon ng isang calling card. "Call me anytime, once na mag change of mind ka Miss Aaliyah," sabi nito at iniabot sa kanya ang calling card. Wala sa loob na kinuha niya iyon, habang nakatingin sa magaganda nitong mata. Napalunok pa siya dahil biglang nag iba ang pakiramdam niya. Napaatras pa siya nang akmang hahawakan ng lalake ang pisngi niya. Umiwas siya. "Huwag kang umasa na tatawagan kita Miste. This," she said sabay taas sa calling card na hawak. "Isasama ko ito sa mga calling card ng mga customer na tinanggian ko. Souvenir ba," taas kilay pa niyang sabi rito. Humugot ng malalim na paghinga ang lalake. Napalunok pa siya dahil ang ganda ng lapad ng dibdib nito. "It's up to you. Pero iba ang offer ko kesa sa kanila," sabi nito sa kanya at tumalikod na. Lumakad na ito patungo sa pintuan. Nagbuga siya ng hangin. Hindi mapakali na ewan ang pakiramdam niya. Curious siya kung ano ang nais nitong i offer sa kanya. Sinabi naman nito kanina na hindi ang katawan niya ang nais nito. "Wait," pigil niya sa lalake. Huminto naman ito at nilingon siya. "Ano ba ang gusto mo sa akin maliban sa katawan ko?" She asked. "I need a bride and I want you to marry me, Aaliyah," Matteo said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD