bc

Matteo Leonardo

book_age18+
4.2K
FOLLOW
26.9K
READ
billionaire
contract marriage
HE
powerful
blue collar
drama
bxg
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung isang lalaking mayaman, gwapo ang mag alok sa iyo ng kasal sa unang gabi palang ng pakikita niyo? Tatanggapin mo ba kapalit ang malaking halaga?

Matteo Leonardo and Aaliyah love story.

chap-preview
Free preview
Matteo-1
"Aaliyah, sandali aalis ka na ba?" Tanong sa kanya ni Lily nang puntahan siya nito sa dressing room ng bar. "Bakit po Ate Lily?" Balik tanong niya sa babaing nag a-handle sa kanya sa bar. "May gustong kumausap sa iyo," nakangiting sabi nito sa kanya, sabay hawak pa sa braso niya. Kumunot ang noo niya. Hindi kasi mabait at lalong hindi malambing sa kanya Lily. Masungit ito at istrikto pagdating sa trabaho kaya naman nakakapanibago ang ganitong kinikilos nito ngayon. "Sino po?" Kunot noong tanong niya. "Basta, halika at sumama ka sa akin," tugon nito. "Pero Ate Lily, sinabi ko naman po na hindi po ako pwedeng ilabas ng customer," sabi niya rito. May kutob kasi siyang may customer na naman na nag request na ma table siya at maisama pauwi. Halos gabi-gabi naman meron, pero alam na ni Lily ang gagawin nito, dahil nga hanggang sa pagsayaw lang sa bar ang kaya niyang gawin at wala siyang balak na pati ang kaluluwa niya ay isama niya sa trabaho. Isa siyang dancer sa sikat at mamahaling bar na madalas pumasok para mag party ay mga celebrities, model, athlete, businessman at kung sinu-sino pang mayayaman na kayang bumili ng mamahaling alak at makipagsabayan sa mga mamayamang naroon. Trabaho niyang mag sayaw sa entablado at akitin ang mga mayayamang lalaking umiinom at nais maaliw habang nag re-relax sa bar. Isang buwan na siya sa ganitong uri ng trabaho at kahit papano nasisikmura naman niya, dahil na rin sa matinding pangangailangan. Malaki kasi ang kinikita niya sa bawat gabing pag sayaw niya ng maalindog sa harap ng mga customer. Sa edad niyang eighteen ang pagsasayaw sa bar lang ang kaya niyang pagkakitaan sa ngayon para naman patuloy siyang mabuhay at makapag patuloy sa pag-aaral. Maganda kasi siya at may magandang katawan, isama pa ang maputi at makinis niyang balat na masasabi niyang tanging puhunan niya kung gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral. Wala siyang magulang dahil iniwan siya ng Nanay niya noong pagkapanganak pa lamang niya sa tiyahin niya na siyang kumukupkop sa kanya ngayon. Ang balita niya sa Nanay niya at nasa Japan ito at nakapag asawa na ng hapon at may sarili ng pamilya at wala na itong pakialam pa sa kanya. Wala naman siyang balita sa kanyang ama, dahil ayun sa tiyahin niya mismong Nanay daw niya ay hindi nito matukoy kung sino ang ama niya, dahil na rin sa kung kani-kanino daw ito sumama noon bago siya ipagbuntis ng Nanay niya. Sa ngayon sa tiyahin niya siya nakatira at nahihirapan siya, dahil kung wala siyang maibigay na pera rito at kung anu-ano ang masasakit na salitang sinasabi nito, na para namang ito ang bumubuhay sa kanya at nagpapa-aral. Tamang may tinutulugan lang naman siya sa bahay ng tiyahin niya na may dalawang malditang anak na kung ituring siya at hindi pinsan, kundi kasambahay o katulong ng mga ito na pwedeng utus-utusan, dahil nga nakikitira siya sa bahay ng mga ito. Kung may sapat nga lang siyang pera at lakas ng loob at aalis na siya sa bahay ng Tiyahin niya at maninirahan na lang mag isa, para wala na siyang iisipin pa. Iyun nga lang may takot pa rin siyang mamuhay mag isa. Kaya naman tinitiis na lang niya ang lahat ng hirap, para na rin sa pag-aaral niya. Gamit ang kinikita sa pagtatrabaho ng kung anu-ano ay naitataguyod niya ang pag-aaral niya sa kilalang paaralan sa bayan ng San Rafael ang University of San Rafael Nakakuha kasi siya ng scholarship sa University kaya nakapasok siya roon, at kaunti na lang ang binabayaran niya. Nasa 2nd year college na siya sa kursong Business Management. Pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo, iyun wala siyang amo. Pagod na kasi siyang mamasukan at magkaroon ng masungit na amo. Bata palang kasi siya at nagtatrabaho na siya, at lahat yata ng napasukan niya at masungit ang nagiging amo niyang babae, at manyak naman ang nagiging among babae. Kaya mas nanaisin niyang magkaroon na lang ng sariling negosyo kesa sa mamasukan pa. "Hindi ka i te-table Aaliyah. Basta halika na at sumama ka," pamimilit sa kanya ni Lily. "Sige na nga ho, basta Ate Lily ah," paninigurado pa niya. Malaswa man minsan ang nagiging pag sayaw niya at hindi pa rin niya balak gawin ang ginagawa ng marami niyang katrabaho. Iyon ay ang sumama sa guest sa labas at magpagamit para kumita ng malaki. Wala siyang balak na umabot siya sa ganoong bagay. Tama na sa kanya ang magsayaw at magbigay aliw. Pero hinding-hindi niya ipapagamit ang katawan niya kapalit ang pera, gaano man kalaki ang pangangailangan niya. Wala na rin naman siyang nagawa kaya sumunod siya kay Lily. Nagtungo sila sa VIP room ng bar. Halos mayayaman nga ang pumapasok sa bar, pero ang mga nagpupunta sa VIP room ay masasabing mas mayaman at mapera dahil doble ang halaga ng alak kung sa VIP room ka iinom. Isama na rin na mas malapit ang entablado kung saan sila sumasayaw ng mga kapwa niya dancer kung sa VIP room ka naka pwesto, although may one sided mirror iyon, hindi mo makikita mula sa labas kung sino ang nanonood sa iyo. "Mr. Leonardo, andito na po siya," narinig niyang sabi ni Lily nang sumilip ito sa loob ng VIP room. Inis niyang inikot ang mga mata. Dahil lumalagpas na naman si Lily sa napag usapang trabaho lang niya. Pero ganoon pa man pagbibigyan niya ito ngayon. Ayaw pa kasi niyang umuwi sa bahay, dahil birthday ng pinsan niyang si Carmen ngayon at tiyak may mga bisita pa at marami pang hugasin sa bahay, at baka siya pa ang maglinis, eh pagod na pagod na nga siya sa kakasayaw kanina. "Tara na daw sa loob," anyaya sa kanya ni Lily sabay hila pa sa kamay niya at tinulak siya na siya nito papasok ng VIP room at sinara ang pintuan. Nagulat pa siya sa ginawa nito at napatili. "Ate Lily!" Tawag niya rito at sinubukang buksan ang pintuan, pero hindi niya mabuksan. Nag panic siya at nakaramdam ng takot. Baka kasi kung anong gawin ng lalaking kasama niya sa loob. "Ate Lily!" Sigaw niya at kinalabog ng malakas ang pintuan. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa iyo. Gusto ko lang makilala ka at makapagpakilala ako sa iyo," sabi ng lalaking naroon. Humugot siya ng malalim na paghinga at pabulong na napamura. "T*ng ina, kabwisit," bulong niya at mariing pinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Saka siya nagbuga ng hangin nang magmulat ng mga mata at hinarap na ang lalaking naroon. "Hi, I'm Matteo Leonardo," pakilala sa kanya ng lalake ng tumayo ito mula kinauupuan at iniaabot ang kamay para makipagkamay sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook