PROLOGUE

384 Words
Malapit nang masira ang Astravria. Hindi na namin alam kung paano pang mananalo sa laban na 'to. 'Ni walang nakakaalam kung sino ang maaring magiging susi ng lahat para lang maibalik muli ito sa dati. Sa loob ng ilang libong taon, ngayon lang kami naging ganito. Ang unti-unting pagsira ng mga Astro sa Avria at pagsakop dito ay ang magiging sanhi upang hindi na muli pang mabigyang kapayapaan ang lahat ng elementalist na nabubuhay.   Habang pinagmamasdan ang buong kaharian na unti-unting nasisira biglang lumitaw sa kawalan ang isang babae. Nakaputi itong bestida at may patong na korona mula sa kanyang ulunan. Napakaganda nitong pagmasdan at hindi nakakasawang titigan. Mula ro'n ay bumaba ito sa aking kinatatayuan.   “Sino ka? Ngayon lang kita nakita dito sa Avria.” Nakanunot noong sabi ko.   “Ako si Melina ang dyosa ng mga propesiya. Narito ako upang ihayag sa inyo ang nalalapit na muling pagbabalik ng kaayusan ng Avria.”   “Hindi kita naiintindihan. Malapit ng masira at sakupin ng mga Astro ang Astravria.” Ngumiti sya sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko.   “Hanapin nyo ang itinakdang propesiya. Ang babaeng nakatakdang ialay ang sarili para sa buong Astravria,” hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya.   “Ano ba ang ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ko.   “Bilang isang itinakdang hari ng Avria. Tungkulin mong pangalagaan ang mundo mo. Ikaw mismo ang maghahanap sa babaeng itinakda. Ikaw mismo ang syang maghahanap sa babaeng isinilang sa pagsikat ng araw. Kinakailangan sya ng mundong ito. Kaya naman hanapin mo ng babaeng itinakda upang maibalik muli sa kaayusan ang buong Astravria.” Unti-unting nawala sya sa aking paningin.   Mula dito sa taas ng kaharian. Pinilit kong intindihin ang sinabi ni Melina. Ngunit sa'n ko hahanapin ang babaeng susi upang maibalik ang kaharian. Sino ang babaeng ito at anong uri sya ng elementalist. Pinatawag ko ang aking mga kaibigan at ang ipinaalam ko sa hari ang sinabi ng goddess na si Melina. Totoo ngang dyosa sya. Agad na sinabak kami sa aming misyon upang hanapin ang babaeng itinakda.   Ngayon, kailangan naming linasin ang kaharian para sa paglalakbay namin. Pinapangako ko, na sa muling pagbabalik ko'y dala ko na ang propesiya. Ibabalik kong muli sa kaayusan ang Astravria. Para sa ikabubuti ng lahat. Mula sa malayo ay tinanaw ko ang kaharian.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD