CHAPTER 1: FIRST ENCOUNTER

1602 Words
THELIA'S POV   Napangiti ako ng masilayan muli ang bahay. Buti nalang at buo pa ito at hindi talaga sya gano'n kaganda. Kababalik ko lang mula sa mahaba-habang b'yahe. Napahawak ako sa magkabilang bewang ko habang tinitignan ang naiwang bahay namin ni nanay. Hindi ko aakalin na matapos ang ilang taon ay babalik ako dito.   Tumingin ako sa paligid at wala namang gaanong tao. Pero kilangan kong makasigurado kaya naman gumawa ako ng barrier sa sarili ko para magawa ko ng maayos ang gagawin ko. Nang magawa ko na ang barrier ay saka ko kinumpas ang kamay ko at sa isang iglap ay naging isa itong magandang bahay. Nilagyan ko ng mga halaman sa paligid para naman tuwing umaga ay sariwa ang hangin na papasok sa bahay. Buti nalang talaga at hindi ito tuluyang nasira no'n sa bagyo.   Nang matapos kong gawin iyon ay pumasok na ako sa loob at medyo nandiri sa nakita ko dahil nakakalat pa ro'n ang mga putik. Kaya naman sinara ko ang pinto at saka naglabas ng water ball sa palad ko at nilinis nito ang mga putik sa buong bahay. Saka ko ito pinatuyo ng hangin at sa sandaling oras ay natuyo na ito. Nilapag ko ang gamit ko at napa-isip kung anong gagawin sa mga gamit na naiwan na halos masira na rin dahil sa hagupit noon ng bagyo. Itinapat ko ang palad ko do'n at mula sa palad ko ay lumabas ang mga makikinang na bagay at dumaan iyon sa bawat sulok ng bahay at mas lalong pinaganda pa.   “Keri na siguro ang isang ref, mesa, upuan, sofa, tv, tapos konting disenyo lang at viola! Parang bagong gawa na.” Nakangiting sambit ko.   Wala rin namang ibang tao bukod sa sarili ko kaya ok na ang tig-iisang gamit sa 'kin. Matapos kong malagyan ng gamit ang bahay ay inayos ko naman ang isang k'warto at saka gumawa ng kama na gawa sa ugat ng mga puno mula sa ilalim ng lupa. Saka ako nag-magic ng pom sa kama at least wala akong problema. Pero sa ngayon bigla akong nalungkot. Bawat parte ng bahay ay ala-ala nila nanay at tatay.   “Kung kaya ko lang mahanap ang lagusan papunta ng Astravria. Malamang ay nakauwi na ako.” Nakangusong sabi ko sa sarili ko.   Hindi bago ang meron akong kapangyarihan katulad nito. Dahil rin naman hindi tinago nila nanay at tatay ang kakayahan ko. Kaso lang gusto nilang hanapin ko ang lagusan para makauwi na raw ako ng Astravria. Ano bang mundo 'yon? Humilata ako sa kama ko at napaisip kung anong gagawin ko matapos makabalik dito sa manila. Siguro tapusin ko nalang rin ang pag-aaral ko para naman may mapagkalibangan ako habang tinutuklas ang totoong pagkatao ko. Nag-asikaso na ako at niligpit ng mga gamit ko. Gumawa ako ng side table with lamp shades at saka nag-magic ng laptop at saka cellphone na rin. Kinuha ko ang phone saka ako nag-online to know kung sa'n ako p'wedeng pumasok iyong malapit lang dito. Hindi rin kasi ako sanay na walang gagawin.   Habang naghahanap ako ng school ay napagod ako kaka-scroll. Sakit din pala sa daliri ano? Napabuntong hininga ako kaya naman naisipan ko munang lumabas para naman matanggal ang bagot ko. Sinara ko ng pinto saka naisipan ko na maghanap narin ng school habang naglalakad ako. Buti nalang talaga ay naging handa rin ako sa mga papers ko. Habang naglalakad ay naisipan ko rin ang bumili ng pagkain. Ang daming tao ngayon ah? Daming namamasyal. Napatingin ako isang pamilya na kumpleto. Nanay, tatay at syempre ang anak nila. Sana ako rin. Gusto magkaroon din ng pamilyang gaya ng kanila. Kumpleto at masaya.   Napatayo ako ng biglang nagkagulo sila at bigla akong kinabahan. May lalaking may hawak ng patalim at nakatutok iyon sa leeg ng bata. Naro'n ang kanyang ina at hindi alam ang gagawin. Nakikita ko ang panginignig ng kamay nito.   “P-please h'wag mong sasaktan ang anak ko.” Nakikiusap na sabi nito.   Ngunit tila hindi sya naririnig ng lalaki at pakiwari ko ay may sakit ito sa pag-iisip. Kaya naman unti-unti kong lumapit sa kanya ng nakaupo. Tumingin ito sa akin at nagulat ako ng bigla nitong tinutok ng patalim nya sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya at nakikita ko na tila nababalisa sya.   “Gusto mo maglaro?” tanong ko.   “Hoy miss! Baliw ka ba? Kita mo ng hawak nya ang anak ko aayain mo ng laro!” sabi ng babaeng ina ng bata.   Hindi ko sya pinansin at itinuon ang pansin ko sa lalaking may hawak sa bata. “L-laro?” tanong nito at saka tumango ako.   “Oo, do you want me to show some magic tricks,” I asked.   Nakita ko ang kinang sa mga mata nya. Tila na-excite sya at saka ito unti-unting lapit sa 'kin. Tinaas ko ang parehong kamay ko at saka tina tinapat sa patalim na hawak nya. Saka ko ito ginawang patpat na syang ikinamangha naman nya pati narin ang nasa paligid namin. Palihim kong sinenyasan ang ina ng bata na lumapit sa 'kin at ginawa naman nya kahit pa tingin ko'y takot na takot ito. Tinapat kong uli ang kamay ko sa patpat na hawak nya at naging rosas ito na ikinatuwa lalo nya.   “Isa pa! Isa pa! Ang danda-danda magic!” Nakikita ko kung panong kuminang ang mga mata nya.   Ngumiti ako at saka unti-unting binabawi ang bata mula sa kanya na syang binitawan naman nya at pinakawalan. Mula sa likuran ng tenga nya, nag-magic ako ng pera at pumalakpak sya sa tuwa. Hindi ko alam kung ilang minuto tumagal ng paglilibang ko sa kanya hanggang sa dumating ang mga pulis at mga doctor. Tumingin ako sa bata at saka ngumiti at pumantay sa kanya.   “Ang galing mo po!!!” bati nya sa 'kin.   “Natutuwa ako't nagustuhan mo. Sa susunod h'wag kang lalayo sa mommy mo para hindi ka napapahamak ok ba?” Tumango sya sa 'kin bilang sagot.   “Salamat sa tulong mo.” Yumuko ang nanay ng bata sa harapan ko na syang ikinatuwa ko naman.   “Wala pong ano man.” Nakangiting sabi ko naman sa kanya.   Hindi naman masama ang tumulong. Kaso minsan kasi inaabuso. Umalis ako sa lugar para less issue. Baka mamaya kung ano-ano ang itanong nila sa 'kin hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya naman habang naglalakad ako paalis ng park saktong nakakita ako ng school na maaring mapasukan. Sakto din pala na hapon na kaya naisipan kong tanungin ang guard kung naro'n ang dean or may-ari ng school.   “Sakto ma'am. Nand'yan po ang may-ari. Buti po naabutan nyo sya. Pasok na po kayo.” Tumango ako sa kanya at saka ngumiti.   Nang makapasok sa loob ng school ay napangiti ako sa laki nito. Habang tumitingin sa paligid ay hindi ko namalayan na meron akong nabanga at sa hindi inaasahan ay muntik pa akong mapaupo sa sahig. Agad ako nitong sinalo at napatingin ako sa kanya. Ang ganda ng hugis ng mukha nya at ang haba ng pilik mata nya. Ang ganda ng kulay ng mata nya at parang nakakalunod dahil sa asul nitong kulay. Pero wala akong makitang ano ang emotion mula sa mga mata nya. Hindi ko alam kung talagang bumagal ang oras o sadyang parang huminto ang oras.   Agad akong napa ayos ng tayo at tarantang inayos ang sarili ko. Muntik pa ako ulit matumba buti nalang ay hinawakan nya ang kamay ko at nanghingi ako ng paumanhin sa kanya.   “Nako, pasensya na medyo tanga.” Napapahiyang sabi ko.   “Bago ka lang dito. Papasok ka dito, 'te?” maarteng tanong ng bakla sa may likuran nya na syang nakapukaw ng atensyon ko.   “Yeap. Sana. Sige mauuna na ako.” Yumuko ako ulit sa harapan nila saka umalis.   Nang makarating sa hallway ng office ng may-ari at huminga ako ng malalim saka pumasok sa loob. Nang makapasok ako ay nakita ko itong nakaupo sa chair nya. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong itsura nito. Hindi sinabi ng guard na bata pa ang may-ari? Nakangiti itong tumingin sa 'kin pero dahil mabait ako ay nagbigay galang naman ako sa kanya. Umupo ako sa harapan nya at saka ngumiti.   “Good afternoon sir. Kasi naghahanap ako ng school na suitable for me.” Pinatong nya ang parehong siko sa lamesa saka nito pinagdikit ang parehong mga darili.   “Yes, of course.” Nakangiting sagot nya.   Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa ko dapat akong mailang dahil ang g'wapo nya at hindi naalis ng tingin nya sa 'kin at hindi ko alam kung tatayo na ba ako at aalis o manatili nalang dito at pakinggan sya.   “Ah. Ano sir---"   “Zapanta.”   “P-po?”   “I'm Zapanta.” Inilahad nito ang kamay nya at akmng makikipag kamay sa 'kin.   “Thelia Roswell,” pagpapakilala ko naman sa sarili ko.   “Nice to meet you and welcome to our university,” he said with a sweet smile.   Napangiti ako dahil hindi naman gano'n kahirap ang pumasok sa isang university. Gano'n pa man hindi nya agad binitawan ang kamay ko kaya naman marahas kong binawi ito sa kanya saka ako ngumiti ng plastic at saka nagpa-instruction kung nasa'n ang deans office or sa'n ako magre-register. Tinuro naman nya sa 'kin kaso lang may kasamang t'sansing na hindi ko ikinatuwa kaya agad akong umalis ro'n upang hanapin ang registrar. Nakakainis naman ang may-ari ng school na 'to. Masyadong maharot at medyo maladi ah? Hindi na inintindi pa ang nangyare kaya naman pumunta na ako ng registrar para makapag-enroll na at makapasok na.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD