New Guy
Wala akong ibang ginawa kun'di ang magbasa nang magbasa ng libro sa araw na 'yon.
Isang professor lang ang pumasok sa amin at halos hindi manlang ito nagtagal sa upuan niya, I don't even know if he really sat on his chair.
Parang dumaan lang dito sa amin at lumabas na kaagad.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari sa araw na 'yon at kung bakit parang tamad na tamad magturo ang mga professor namin. O baka naman may urgent meeting?
Pero parang hindi rin, dahil magsasabi o maga-announce naman siguro sila sa speaker kung mayroon ngang biglaang naganap na meeting.
Eh ni isang paalala nga wala kaming natanggap. Ano ba kasi ang nangyayari? Ghosted na kami gano'n?
Aish! Bahala na nga silang lahat d'yan. Hindi naman ako mabuburyong dito dahil may nababasa ako. Kahit buong school year pa na walang pumasok na teacher sa amin ay pabor sa akin.
Libro pa lang ay kuntento na ako.
I was about to turn the book that I'm reading on another page when something caught my attention.
Napaangat ang tingin ko sa harapan at napansin na nagsisilabasan ng room namin ang karamihan sa mga kaklase kong babae. Even our class president is outside.
Sinundan ko silang lahat ng tingin at napakunot ang noo ko nang mapansin na nakadungaw silang lahat sa may bintana.
They are screaming and jumping like there's a celebrity outside that's worthy of their attention.
"Ang gwapo niya talaga!" one of the girls said.
"I heard that he doesn't have a girlfriend!" another one of them exclaimed.
Napairap nalang ako at napailing-iling nang marinig ang mga 'yon. Lalaki nanaman ang pinaguusapan nila.
Hindi na ba sila nagsawa sa pagchi-chismisan tungkol sa mga lalaking dumadaan sa baba ng room namin? Hindi rin ba talaga sila nahihiya manlang?
Para silang mga fan girls.
"Oh my God, guys! Headed siya dito sa room natin!" sigaw ng isa sa mga babaeng nasa labas ng room dahilan para magtilian ang iba.
Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na isinara ang libro na binabasa ko.
Kahit na anong gawin ko pang pagbabasa dito ay wala na rin naman akong maiintindihan sa ingay na nanggagaling sa kanila.
All of them immediately ran back inside the room and sat on their chairs. Kunot-noo ko naman silang pinagmasdan lang dahil sa sobrang pagtataka ko.
Ano ba kasing mayroon? May k-pop star ba sa labas at gan'yan nalang sila kung maka-asta?
A few minutes have passed and I saw one of our professors, walking outside the room. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makapasok sa loob.
Isang malaking ngiti ang ibinungad niya sa amin at maging ang mga pisngi niya ay namumula sa hindi ko malaman na dahilan.
Wow Ma'am ha, kinikilig ka pa?
"Students, you'll have a new classmate," she said in a smile. Kasunod ng mga salitang sinabi niya na 'yon ay ang sunod-sunod na hagikhikan ng mga kaklase ko.
Nagtataka naman akong lumingon-lingon sa kanila.
Nang bumalik ang tingin ko sa harapan kung nasaan si Ma'am ay napansin ko ang isang pamilyar na lalaki na nasa tabi niya na.
Nahugot ko ang hininga ko at nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang itsura ng lalaking 'yon. My hands formed into fists when he smirked after our eyes met.
Tama ba ang nakikita ko, siya nga ba talaga ang nasa harapan ko ngayon? But why? Why is he here?
"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko at biglang tumayo. Naagaw ko ang atensyon ng mga tao sa paligid namin at nakita kong napatawa ang lalaking katabi ng prof namin nang dahil do'n.
Tinitigan ko siya at hindi manlang siya natinag sa matatalim na tingin na ipinukol ko.
"Uhm, Miss Young? Is there something wrong?" our professor asked. Halatang nagtataka ito sa naging reaction ko at nagawa pa nitong ipalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
Hindi nawala ang ngisi sa labi ng lalaking 'yon habang nakatingin sa akin. Nang mapagtanto ko ang nagawa ko ay mabilis na naginit ang aking mukha dahil sa kahihiyan.
Mas lalo ring humigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamay ko nang mga oras na 'yon.
"N-nothing, Miss..." nauutal na sagot ko sabay balik sa kinauupuan ko. Nakaangat pa rin ang kilay sa akin ng prof namin na 'yon dahilan para maiyuko ko nalang ang ulo ko.
Pumikit ako ng mariin at napakapit nalang sa laylayan ng blouse na suot-suot ko. I can still feel the stares from some of my classmates around me, including my teacher, and him, but I didn't bother to look at them.
Nakakahiya! Ano bang problema mo, Sierra?!
"As I was saying, you'll have a new classmate," she said after a minute of silence.
Kahit na alam kong mukha pa ring kamatis ang mukha ko nang mga oras na 'yon ay unti-unti kong inangat ang tingin ko sa harapan. Hindi na sa akin nakatingin ang lalaking 'yon at seryoso lang itong nakatingin nang diretso.
Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko na titigan ang mukha niya habang hindi siya nakatingin sa akin.
Mas matangkad na siya ngayon kumpara sa huling beses na nakita ko siya. Maging ang kutis niya ay mas lalong pumuti. He looked a lot more matured than before.
Mas lalo rin na nadepina ang bawat sulok ng mukha niya. Mas mukha siyang matino ngayon kaysa noong elementary kami.
Pero ang kaitiman ng budhi niya ay nagsusumigaw pa rin.
He opened a pack of gum and just shoved two pieces of it on his mouth. Tumalikod ito at ibinato ang mga balot no'n sa isang trash bin na nakalagay sa may bandang gilid ng board.
Nang makita ko ang likuran niya ay t'yaka ko lang napagtanto na siya rin ang lalaking nakita ko sa library kanina. Yung lalaking nginingitian ng masungit na librarian na 'yon.
Halos sabunutan ko ang sarili ko nang mga oras na 'yon dahil sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko.
Bakit ngayon ko lang siya mas nakilala? Halata naman na sana kanina sa library pero mas pinili kong hindi 'yon pansinin!
Sabagay, hindi ko rin naman inakala na makikita ko siya rito matapos ang ilang taon na hindi namin pagkikita.
Pero, bakit?! Bakit kailangan ko pa siyang maging classmate? Bakit sa lahat-lahat ng paaralan na pwede niyang paglipatan ay dito pa mismo sa school kung saan ako nagaaral?
Bakit ang malas-malas ko ngayon?!
"You can go to any seat you want to sit on to, Mr?" tanong ni Ma'am sa kaniya.
Napabaling ako ng tingin sa kaniya muli nang nang dahil do'n. He didn't even bothered to look at the teacher beside him and just continued on chewing the gum on his mouth.
Napakawalang modo niya kahit kailan.
"Ethan, Ethan Scott," he answered in an arrogant tone. Napaismid ako nang marinig 'yon sa kaniya dahilan para mapabaling siya ng tingin sa akin.
I saw how the the corner of his lips moved as he shift his gaze at me. Hindi ko na siya pinansin at umiwas nalang ako kaagad ng tingin.
Mas lalo lang akong mab-bwisit sa pagmumukha niya pag tinitigan ko pa siya nang matagal.
Isinubsob ko nalang ang mukha ko sa ibabaw ng lamesa ko at pumikit. Sa kaloob-looban ko ay kanina pa ako sumisigaw at tumitili sa sobrang inis.
Kung sana ay panaginip nalang ang lahat ng 'to. Sana hindi totoo na classmate ko siya, sana hindi totoong nandito siya sa harapan ng lahat ng mga classmate ko habang sinasabi ng teacher na magiging bagong kaklase namin siya.
Sana hindi 'yon totoo, sana panaginip lang. Sana imagination lang.
Kung panaginip lang ang lahat ng mga nangyayari na 'to ay gusto ko nang gumising. Isa itong malaking bangungot na hindi ko na gugustuhin pa na mapanaginipan.
"I want to sit here."
Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Unti-unti kong inangat ang ulo ko para makumpirma ang hinala ko at hindi nga ako nagkakamalim.
Ethan is standing in front of me with his annoying smirk. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Get up, this is my seat now," dagdag na sabi niya na halatang nangaasar.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang nakahawak siya sa likuran na parte ng upuan ko.
Nang dahil do'n ay bumalik ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay mukhang nagaabang ng isasagot ko.
"Ano ka, hilo?" I asked with one of my eyebrows raised. Kumurap-kurap siya at mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya sa akin.
Is he trying to piss me off? Because I am already pissed off!
"Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan ka?" napakuyom ako sa magkabilang kamay ko.
Mas lalo n'yang inilapit ang mukha niya sa akin na siyang ginantihan ko naman. Hindi ako nagpatinag at mas nanatili akong nakatitig lang sa mga mata niya.
I can hear the silent gasps from the people around us because of what they're witnessing. Gusto ko nalang mawala na parang bula nang mga oras na 'yon dahil sa dami ng mga nanonood sa amin.
"You'll get off the chair or I'll carry you off of it? You choose," seryosong sabi niya. Mas lalo ko siyang tinitigan.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa kaniya habang gano'n din naman ang ginagawa niya sa akin.
Maya-maya pa ay napakapit ako sa braso niya nang biglang umuga ang upuan na inuupuan ko.
"Get off, Miss," he said.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang sipain ang upuan ko dahilan para muntikan na talaga akong mawalan ng balanse.
"Mr. Ethan, that's enough. There are a lot of vacant seats around you, choose one that isn't occupied," dinig naming sabi ng prof.
Inilayo niya ang mukha niya sa akin at umayos ng tayo. He spit out his chewed gum on the floor of the room and glanced at our teacher.
"You said that I can sit in ANY seat I want to, right Miss?" he asked in a sarcastic way. Kusang napatikom naman sa bibig niya si Ma'am Sam nang marinig 'yon.
"Y-yes, I did, bu-"
"Dito ko gusto," matigas na sabi niya sabay baling ng tingin muli sa akin. Nang tignan ko si Ma'am Samantha ay kitang-kita ko ang pagkapahiya sa mukha niya.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga nang dahil do'n. I stood up and grabbed all of my things.
Binalingan ko ng tingin si Ethan na nakatayo lang sa gilid ko.
"Ayos lang po, kaniya na 'to," sagot ko na hindi binabalingan ng tingin ang prof namin. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa ang kung sino sa kanila at naglakad nalang ako palayo.
I chose the seat behind him. Inayos ko ang mga gamit ko roon at hindi na siya binalingan pa ng tingin.
I can still notice his stares. Binalingan ko ng tingin ang harapan at nakitang nakatingin lang sa akin si Ma'am Sam.
Pansin ko pa rin sa sulok ng mga mata ko ang tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase namin. Siguro kung ano-anong tanong nanaman ang tumatakbo sa utak nila.
At kung hindi ako nagkakamali ay ito na ang simula ng pagkasira ng buhay ko dito sa university, nang dahil sa lalaking 'yon.
Ilang minutong puro katahimikan lang ang namayani sa amin. Tanging ang pagtunog lang ng upuan ko- na ngayon ay upuan na ni Ethan, ang umalingawngaw sa buong paligid nang naupo na siya roon.
Nang mapansin ko na hindi pa rin nila iniiwas ang tingin nila sa akin ay dumampot nalang ako ng libro na nasa ibabaw ng lamesa ko. Ibinuklat ko 'yon at nagpanggap na may binabasa.
Mas lalo kong idinikit 'yon sa akin para hindi na nila masilayan pa ang nahihiya kong mukha.
Wala akong pake kung isipin nila na weird ako, sanay naman na ako do'n dahil hindi naman ako pala-approach sa mga kaklase ko.
Pero mas okay na 'yon, kaysa titigan hanggang sa mag-dismiss ang klase. Mas lalong nakakailang 'yon para sa akin.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko nang mga oras na 'yon.
Keep it together, Sierra.