Library
"Hi, Manang! Good to see you again here, po!" I excitedly greeted the librarian as I entered the library.
As usual, naging mapanuri ang tingin na ipinukol nito sa akin nang marinig niya ang boses ko.
Hindi ko ininda ang matatalim na tingin niya sa 'kin sa kabila ng suot-suot niyang salamin.
Iniwas nito ang tingin niya matapos ang ilang minuto at binalingan nalang muli ang ilang mga libro na nasa harapan niya. Nang dahil sa naging kilos niya ay napadapo rin sa gawing 'yon ang mga mata ko.
There are some books placed in front of her. Kung ta-tyansahin ko 'yon ay masasabi kong mga pito rin ang bilang ng mga libro na naroroon.
The books are obviously educational books based on the texts written on the hard cover of each of them. There are literature books, chemistry books, and even something about anatomy.
Wow, kanino kaya ang mga librong ito? Ang rami din ah, mukhang academic freak ang manghihiram ng mga 'yon.
Dahil sa naisip ko ay hindi ko naiwasan ang sarili kong mapatingin-tingin sa paligid, nagbabakasakaling malalaman ko kung para kanino ang mga 'yon.
Pero wala akong ibang napansin na nerdy-like person na malapit sa akin. Isang couple lang ang nakita ko na naghaharutan pa sa isang sulok ng library.
Seriously? Kailan pa ito naging dating place? Gan'yan na ba talaga ang mga kabataan ngayon?
My lips formed into a disgust look as I lay my eyes on them.
"Ano bang kailangan mo? Hindi ka VIP rito para tumambay nang matagal sa pila." napabalik ang tingin ko sa librarian sa harap nang marinig ko ang boses niya.
Both of her eyebrows are now raised while she's staring at me. Dumapong bigla ang mga mata niya sa likuran ko dahilan para mapatingin ako do'n.
Nakaramdam ako ng hiya nang mapansin na may iilan na ring mga estudyante na naghihintay sa likuran ko.
Gosh, kanina pa ako nakatayo lang dito! Nakakahiya!
"A-ah, itatanong ko lang ho sana kung available ba 'tong libro na ito?" nagaalangang sabi ko sabay abot sa isang piraso ng papel sa librarian na 'yon.
If I remember it right, her name is Belinda. Matagal ko na siyang nakikita rito. Simula pa lang ata nung una akong mapunta sa paaralan na 'to ay siya na ang librarian dito.
Although, there are actually a lot of libraries here in the campus, this one I'm standing on was actually the biggest.
And Belinda? She's more like the Head among all of the librarians.
Cool, right? And ironic at the same time, since siya rin ang pinakamasungit sa kanilang lahat.
Tinanggap niya naman ang piraso ng papel na binigay ko at tinignan 'yon. She fixed her glasses while she's trying to look at the texts written on the paper before turning again to me.
"Oo, available. Section 5," pairap na sagot nito. I awkwardly smiled at her.
"A-ah, ganoon ba, salamat manang!" pilit kong pinapasigla ang boses ko kahit na gustong-gusto ko na talagang umalis doon.
I can feel the stares from the students around us and I am starting to get uncomfortable
I hate attention more than anything!
Akmang kukuhanin ko na sana ang papel muli sa kaniya para makaalis na doon nang bigla niya 'yong lukutin at itapon sa pink na trash bin na nasa may gilid niya.
Hindi niya ako binalingan ng tingin habang ako ay nakaawang ang bibig na nakatitig lang sa kaniya.
"May kailangan ka pa ba? Ano pa ang hinihintay mo? Madaming nasa likuran mo, hindi ka VIP," she said in a rude tone.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad paalis doon. Pumikit ako nang mariin habang nakayukong naglalakad.
That was embarassing!
Yes, I know I said that I'm used to how rude she is whenever I talk to her here in the library pero ewan ko ba.
Bakit mas nakakahiya ngayong araw na 'to?
Nang medyo makalayo na ako doon ay muli kong nilingon ang librarian. She's now talking to a guy.
A guy that is somehow familiar to me.
Nakatalikod ito sa may gawi ko kaya hindi ko lubos maaninag ang mukha niya. Tanging ang likuran niya lang ang nakikita ko.
He's wearing the same uniform as me so I think he's my schoolmate. Pero hindi ko alam kung bakit kahit pamilyar siya sa akin, ay ngayon ko lang siya napansin dito sa campus.
Mahilig akong mag-familiarize ng tao o kahit na anong bagay. My observing skills are what excels in me, imposibleng hindi ko siya makilala kung pamilyar siya sa akin.
And what surprised me most was seeing Belinda the librarian, talking to him with a genuine smile on her face.
Niloloko ba ako ng mundo? Bakit mukhang natutuwa pa siyang kausapin yung lalaking 'yon kaysa sa akin?
Sa buong stay ko dito sa school na 'to, never niya pa akong nangitian kahit na ang sigla-sigla ko pa makipagusap sa kaniya!
What's with that guy? How come he made Belinda smile while talking to him?
Don't tell me, humaharot pa 'to si Belinda?
Napadapo ang mga mata ko sa mga librong iniabot sa kaniya ng matanda at umangat ang magkabilang kilay ko nang makita kung ano ang mga 'yon.
Those are the educational books I saw on her desk. Sa kaniya ang mga 'yon?
But it doesn't look like him. I mean, mukha siyang gangster na basagulero sa campus!
Paano ko nasabi? Based on his movements. Kanina ko pa napapansin ang mga kamay niya na nakapasok sa mga bulsa ng pants na suot-suot niya.
Maging ang tindig ng katawan niya ay nagsusumigaw ng kayabangan at kahanginan. I know that I sound so judgy right now but I'm just expressing what my eyes observes.
At kung ano ang mga sinasabi ko ngayon ay 'yun ang nakikita ko talaga sa kaniya.
What bothers me the most is the earring on one of his ears. Iisa lang 'yon at wala na sa kabila.
Ang baduy naman nitong lalaki na 'to. Kulay itim pa yung hikaw niya, walang kabuhay-buhay.
Gano'n na ba ang mga uso ngayon? Isang hikaw lang ang ginagamit at ang kabilang tainga ang wala? Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nagiging hilig ng mga kapwa ko kabataan ngayon.
I don't understand them. Or I just chose to not to?
Bago pa man siya lumingon sa direksyon na kinatatayuan ko ay agad na akong tumalikod at naglakad palayo doon.
Naiinis ako, akala ko magiging maganda na ang araw ko na 'to pero hindi pala. Napatunayan ko lang na may favoritism talaga sa school na 'to pagdating sa way nila ng pakikipagusap sa mga estudyante!
Kung tutuusin ay mas mukha pa nga akong disente at maayos kaysa sa lalaking 'yon, tapos ako pa yung hindi makatanggap ng proper treatment?
Maputi lang siya!
Or baka naman related silang dalawa kaya gano'n nalang sila makipagusap sa isa'-isa?
I shook my head to clear my mind with those thoughts. Bahala na nga, wala naman na akong magagawa kung gano'n ang nangyari.
Wala rin naman magiging mabuting dulot sa akin ang pagr-rant nang ganito. Hindi ko rin naman kayang i-vocalize ang mga 'yon dahil bukod sa mahiyain akong tao, hindi naman ako sanay na nakikipagusap kung kani-kanino.
I continued to roam around the library until I saw a sign that says that I already reach the section that I was looking for.
Nang makarating doon ay mahinhin kong inilapag ang mga gamit ko maging ang bag ko sa ibabaw ng lamesa na nakapwesto doon.
There are a lot of bookshelves around that section, that fits the books that I was looking for.
Unti-unti akong naglakad palapit sa isa sa mga shelves na nandoon at pinasadahan ng tingin ang mga libro.
Using my hand, I ran my fingers through all the books that are properly arranged on their shelves. Marahan kong hinawakan ang mga 'yon hanggang sa unti-unti nalang akong napangiti.
Kahit siguro mapuno ang future na bahay na pinapangarap ko ng libro ay hindi pa rin ako makukuntento. Sadyang malakas talaga ang tama sa akin ng kumpol ng mahihiwagang papel na 'yon.
Gaya ng binabalak kong gawin at ang pinakadahilan kung bakit ako pumunta dito, ay kumuha na ako ng mga libro.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko at kinuha 'yon doon. Kusang bumagsak ang mga balikat ko nang makita ang oras.
I only have ten minutes left to go to my class. Masyado akong natagalan sa lobby kanina nitong library kaya hindi ko na nagawa pang makapagbasa dito sa loob.
"Ang malas naman oh..." mahinang bulong ko sa sarili ko.
Bago pa man ako maglumpasay sa sahig ng library ay agad ko nang kinuha ang mga gamit ko. Itinabi ko nalang rin sa isang sulok na banda ng shelves doon ang mga libro na napili ko kanina.
Babalikan ko nalang sila pag may vacant ako. Hindi ko rin naman kasi kayang bitbitin lahat ng 'yon at baka punahin nanaman ako ng mga professor namin.
I quickly got out of the library while holding my things. Naramdaman ko pa ang paninitig na ginawa sa akin ng librarian nang dumaan ako sa harapan niya pero hindi ko na siya nilingon.
Wala na rin doon yung lalaking kausap niya kanina. Mukhang lumabas na habang bitbit yung mga libro niya.
Good grief, ayoko siyang makita.
Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang nararamdaman ko sa lalaking 'yon pero bahala na. Baka dahil lang sa nangyari kanina.
Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at agad na naglakad-takbo papunta sa building namin.
May mangilan-ngilan din akong estudyante na nakasalubong na kung hindi ako nagkakamali ay papunta na rin sa mga classroom nila.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa tapat ng classroom namin at napansin ko ang ilan sa mga classmates ko na nakatambay sa labas.
I couldn't help but to overhear their conversation as I walk pass them. Agad na nangunot ang noo ko nang marinig ang pinaguusapan nila.
"Do you know his name na ba? I heard that he decided to transfer here because of his family," one of the girls' said.
"Yeah, same. Ganoon din ang narinig ko. Sayang at hindi natin siya naging classmate," sagot naman ng isa.
Sino ba ang pinaguusapan nila? Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi ma-curious nang dahil do'n. But as much as I want to ask them about that, I can't.
I'm like an outcast here in the campus. No one ever dared to talk to me as if I'm not existing at all.
Well, hindi na rin masama. Ayoko rin naman na makipagkaibigan sa kanila. Pare-parehas lang sila ng ugali at halatang walang maidudulot na maganda sa buhay ko.
Mas gugustuhin ko pa na magbasa nalang ng libro kaysa kausapin pa sila.
Hindi ko nalang sila pinansin at dire-diretso nalang ako na pumasok sa loob ng classroom.
Nakayuko akong naglakad palapit sa upuan ko sa may bandang likuran at maayos na isinalansan ang mga gamit ko doon.
I sat on my chair and took my phone out of my pocket. Kinuha ko na rin ang puting earphone ko at isinuksok 'yon sa magkabilang tainga ko.
I played my playlist in a shuffle and browse on my f*******: account while waiting for the professor na late nanaman, as usual.
Ilang minuto ang nakalipas at abalang-abala ako sa mahinang paggalaw ng ulo ko habang nakikinig sa isang kanta sa phone ko nang may madaanan akong post.
"Another campus heartthrob? At ka-batch pa talaga natin? Ahhh! Mine ko na agad!"
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang post na 'yon galing sa isa sa mga ka-batchmates ko.
New 'Campus Heartthrob'? Ano ba talagang nangyayari? May bagong student? Transferee?
Kapansin-pansin ang marami-raming comments at reacts sa post na 'yon at karamihan sa mga nababasa ko ay gustong maging classmate ang bagong estudyante dito sa campus.
Magbabasa pa sana ako ng ibang mga comments nang makita ko sa sulok ng mga mata ko ang pagpasok ng prof namin.
Para iwas sermon, agad kong inilagay sa bag yung cellphone ko kasama yung earphone ko at itinuon nalang ang pansin sa harapan.
Campus Heartthrob daw, huh? So, lalaki yung bago?
Tignan nalang natin kung pasado nga 'yon sa category na sinasabi nila. I'll be the judge.