Simula noong dumating si Ryle sa bahay namin ay hindi na ako excited umuwi! Whenever our class ended early, I would ask my friends to go to the library and spend a lot of time there. Pero hindi palaging nakakasama sa akin sina Abby at Mhariel dahil mas gusto nila na umuwi sa bahay at doon mag-aral! Ngayon ay Friday kaya tuwang-tuwa na naman ako dahil sa afternoon mass! Huling misa na ito ngayong taon at pagkatapos ay holiday na para sa magaganap na Christmas at New Year! Usually ay excited ako kapag parating na ang holidays! But now? Nope! Wala na akong gana dahil nakakawalang gana sa bahay dahil may ibang tao na kaming kasama!
“Tickle!”
“Girl! We’re excited for you!”
Kakabalik ko lang sa classroom galing sa powder room ay sinalubong na ako nina Abby at Mhariel. I thought they were just excited for the upcoming year end party but nope! They were excited because Alexis wants to see me!
Namimilog ang mga mata ko habang hindi makapaniwala na nakatingin kina Abby at Mhariel na halatang kinikilig at masaya para sa akin! Ilang taon na akong may crush kay Alexis at alam kong alam niya yon pero never siyang lumapit sa akin!
“Like oh, my gosh! Is this for real?!” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko. “Is this really happening?”
Sabay na tumawa sina Abby at Mhariel dahil sa naging reaksyon ko. “It’s super nakakabigla naman kasi! Ano ‘to? Is he going to confess to me na ba? I’m kilig!”
Tumawa si Abby. “I guess he doesn’t want to end this year without telling you how he feels!”
Mas lalo akong napangiti. “Basta see you after the mass daw, Tickle! Sa likod ng chapel. Sa may fountain!” Mhariel happily exclaimed. Ngiting-ngiti na tumango ako.
“Yey! Magkakaroon na ng boyfriend si Tickle! Hindi na magiging malamig ang pasko!” They were both teasing me!
Hanggang sa nakarating na kami sa classroom ay tuloy-tuloy ang pangangantyaw nila sa akin! I swear I can’t concentrate on our last subject because of the excitement!
Hindi pa tuluyang nakakalabas sa classroom ang teacher namin ay tinabihan na kaagad ako nina Abby at Mhariel. Sabay-sabay kaming mag aattend ng mass at syempre ay excited din sila sa mangyayaring pag-uusap namin ni Alexis mamaya!
“What if Alexis asks you if he can court you, Tickle?” Usisa ni Abby habang naglalakad kami papunta sa chapel. Hindi ko pa nagagawang sumagot ay nagsalita na rin si Mhariel.
“Oo nga, Tickle. What if mag confess nga siya sayo ngayon tapos tatanungin niya kung pwede siyang manligaw sayo? Hindi ba at ayaw ka pang payagan ng Daddy mong mag boyfriend hangga’t hindi ka nakakatungtong ng college?” kunot noong usisa niya.
Nagkibit balikat ako. Totoo naman ang mga sinabi nila. Ayaw pa nga akong payagan ni Daddy na magkaroon ng boyfriend o kaya ay magpaligaw dahil masyado pa raw akong bata!
“I’m going to accept his proposal syempre!” Bulalas ko. “And he can make ligaw naman but he can’t go to our house pa muna. I will ask him if he's willing to make ligaw secretly!”
Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin sa akin. “Why? Did I say something wrong ba? Is it bawal to make paligaw secretly?” Nagtatakang tanong ko.
“I don’t think Alexis would agree to that kind of setup, Tickle,” alanganing sambit ni Abby. Tumango at sumang ayon naman si Mhariel.
“That’s right, Tickle. Lahat ng naging girlfriend ni Alexis ay alam ng lahat. Tsaka alam mo naman na kapag may nililigawan siya ay palagi niyang kasama sa school,” seryosong sambit ni Mhariel. Ngumuso ako at saka sinabihan sila na pumasok na kami sa chapel.
“Let’s talk about that later na lang,” sambit ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang gagawin ko. Besides, if Alexis really likes me, he will agree to any of my terms!
Bago magsimula ang misa ay nakita na namin si Alexis na kasama ang mga members ng choir. I cannot help but stare at his handsome and angelic face. Sa sobrang ganda ng boses niya ay feeling ko ay nauubos ang kasalanan ko kapag nakikinig ako sa mga kanta niya.
He is a musician. His family background is unknown to the public. Hindi ko alam kung bakit masyado siyang private pagdating sa personal life pero bukod sa family niya ay naka public na ang lahat ng tungkol sa kanya.
I almost lost my sanity when Alexis met my gaze while he was singing a worship song. Sa sobrang ganda ng boses niya ay hindi ko na halos namalayan na patapos na siyang kumanta kaya kahit tapos na ay naiwan pa akong nakatayo!
“Tickle! Take your seat!”
Kung hindi pa ako hinila ni Abby ay hindi pa ako uupo. When I look at Alexis’ side again, he gently smiles at me. I feel like my heart is going to explode!
Oh, my gosh! If he’s gonna make ligaw, I swear I’m not gonna give him a hard time! He will be my boyfriend before this year ends! I swear!
Pagkatapos ng misa ay sobrang excited na sina Mhariel at Abby. They are hesitant to leave me!
“Oh, my gosh! I’m excited for you! I don’t wanna go home yet! Should we wait for you in the library, Tickle?” tanong ni Mhariel.
“Ano ka ba, Mhariel? Baka yayain pa siya ni Alexis na mag dinner pagkatapos nilang mag-usap! Let’s just wait for the good news later! Don’t forget to chat with us before you go to bed, huh?” Paalala ni Abby.
“Of course! I promise, I won’t make kalimot! Magchachat ako before going to bed!”
Sabay silang tumango at saka humiwalay na sa akin nang nasa labas na kami ng chapel. Halos paubos na rin ang mga estudyante na nag attend sa mass kaya excited na naglakad na ako papunta sa likuran para makipagkita kay Alexis.
Habang papunta ako doon ay iniisip ko na kung ano ang mga sasabihin ko kapag sinabi niyang gusto niya ako. I cupped my own cheeks!
“No, Tickle. Don’t make it obvious that you are kinikilig! Kunwari hindi mo alam that he likes you!”
Ngiting-ngiti ako habang patuloy na naglalakad papunta sa likod ng chapel. Nang narinig ko ang pag agos ng tubig na galing sa fountain ay mas lalo akong naexcite! Hindi ko inexpect na dito pa siya makikipag usap sa akin.
He is quite romantic din, huh?
Pagdating ko malapit sa fountain ay wala pa si Alexis. Nagkibit balikat ako dahil hindi pa naman tuluyang nauubos ang mga tao sa loob ng chapel. Siguro ay tumutulong pa siya sa pag-aayos sa loob kaya wala pa siya dito.
May maliit na bench sa gilid ng fountain kaya umupo muna ako habang naghihintay kay Alexis. Kakaupo ko lang nang tumawag ang isa sa mga bodyguards! Umirap ako at hindi pinansin ang tawag niya. Sumilip ako sa gawi ng chapel pero wala na akong makita na mga tao sa loob. Umayos ako ng upo at saka naghintay na lang kay Alexis.
But it took almost half an hour already and Alexis hasn’t arrived yet! Kanina pa paulit-ulit na tumatawag ang bodyguard na susundo sa akin! Dumidilim na rin ang paligid dahil malapit ng mag alas sais ng gabi.
Kumunot ang noo ko at saka muling sumilip sa loob ng chapel. Tahimik na at mukhang wala ng tao pero para makasiguro ako ay umikot pa ulit ako sa harapan para tingnan kung bukas pa. Kumunot ang noo ko nang makita na sarado na ang chapel. Umikot ulit ako sa likod para tingnan naman ang pinto sa likod pero sarado na rin!
“What the heck? Where the hell is Alexis?”
Takang-taka na ako nang lumapit sa bench para i-chat sina Mhariel at Abby.
Tickle:
Did Alexis really tell you that he is meeting me here at the back of the chapel? He is not yet here pa rin kasi until now!
“What the heck?!” Bulalas ko nang na-drain ng todo ang battery ng phone ko at hindi ko pa sigurado kung na-send ang chat ko sa group chat namin!
Nakasimangot na tumingin ako sa paligid. Medyo madilim na kaya inis na kinuha ko ang bag ko para umuwi na.
Pagdating sa labas ng gate ay sumalubong agad sa akin ang bodyguard.
“Bakit hindi ka sumasagot sa tawag, Tickle? Saan ka ba nanggaling?” Sunod-sunod na usisa niya pero wala ako sa mood dahil hindi ako sinipot ni Alexis. I waited there for half an hour but he never came! It’s obvious that he stood me up!
“Don’t talk to me!” Agad na pagtataray ko at hindi na siya pinansin. Tuloy-tuloy na pumasok ako sa sasakyan para lang matigilan dahil nasa loob at prenteng nakaupo sa pwesto ko si Ryle!
“What the hell are you doing here?” Mariing sita ko. Tumingin siya sa akin at saka ilang sandaling tumitig bago sumagot.
“Don’t waste your time waiting for Alexis. You will never see him again.” Dire-diretsong sambit niya kaya namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala na sinalubong ng mariin ang tingin niya. “Alexis is my stepbrother.” Dagdag niya pa kaya mas lalong namilog ang mga mata ko!