Baby Sister

1207 Words
“We’re attending a party later tonight, Tickle. Go straight home after your class.” Tinatamad na tumango lang ako sa bilin ni Daddy. Bukod sa nawawalan ako ng ganang kumain dahil kaharap ko ang ampon na si Ryle ay nakakainis pa dahil mukhang minamadali ni Daddy ang proseso sa pag ampon sa kanya! “You are coming with us, too, Ryle. Nasabihan ko na si Anton na samahan kang mamili ng mga damit. And you can also tell him the details you want for your room. Your dad once mentioned your interest in music. If you need a separate room for that, you can also tell him. Siya na ang bahala na magpaayos sa kwarto.” Tuloy-tuloy na sambit ni Daddy. Napatigil ako sa pagkain at hindi makapaniwala na napatingin kay Daddy. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang hiniling sa kanya na bigyan ako ng isang kwarto para maging makeup room. I love cosplaying! At sa dami ng mga gamit ko para doon ay hindi talaga kasya kung sa kwarto ko lahat ilalagay! I need a separate room for all my cosplaying stuff! Gusto ko ay may sarili na rin akong mini studio doon para kapag mag-aayos ako ay hindi ko na kailangan na umalis pa sa kwarto para lang makapag photoshoot dahil kayang-kaya ko namang gawing mag-isa dahil hilig ko rin ang photography! “Why are you giving him a separate room, dad? How about me? Diba po matagal ko nang sinasabi na kailangan ko ng kwarto para gawing studio whenever I’m doing cosplaying?” tuloy-tuloy na sambit ko. Kung papayagan niya ang ampon niya na magkaroon ng sariling kwarto para sa hobby nito ay hindi ako papayag na hindi niya ako pagbigyan sa gusto ko! Ako ang totoo niyang anak kaya dapat ako pa rin ang priority! Bumuntonghininga si Daddy at saka napatingin pa kay Ryle na tahimik lang na nakamasid sa amin! “Alright. You can also talk to Anton about that,” pagpayag niya. Namilog ang mga mata ko sa biglaang pagpayag niya! It’s been years that I kept on asking that! Ngayon niya lang ako pinagbigyan samantalang itong ampon niya ay hindi pa nga humihiling ay binibigay na niya ng kusa! Inis na tiningnan ko si Ryle. Sa sobrang diin ng titig ko sa kanya ay siguradong hindi na siya makakapag patuloy sa pagkain! Ano bang pinakain mo sa daddy ko at bakit masyado siyang mabait sayo?! Nakita kong tumigil si Ryle sa pagkain at nag-angat ng tingin sa akin. Sinalubong niya ang mariin at nakakamatay kong titig! Tinaasan ko siya ng kilay at sinubukang kausapin gamit ang mga mata. But to my disbelief, he just looked away and continued eating! My eyes widened. Hindi ako makapaniwala na balewala lang sa kanya ang galit ko! Kung sa tingin mo ay makukuha mo ang lahat ng gusto mo habang nandito ka sa bahay namin ay nagkakamali ka! How dare you ignore me! Halos hindi na ako nakapag patuloy sa pagkain dahil sa sobrang inis pero siya ay mukhang enjoy na enjoy pa ang pagkain at mukhang sarap na sarap sa kinakain! Nang muling nagtama ang paningin namin ay inikutan ko siya ng mga mata at saka inirapan! Hindi niya pa rin ako pinansin kaya mas lalo akong naiinis! Pagkatapos kumain ay sinadya kong mahuli sa pagtayo sa hapag dahil alam kong aalis kaagad si Daddy pagkatapos niyang kumain. Nang kami na lang dalawa ni Ryle ang naiwan dito sa dining area ay hindi na ako nakatiis na kausapin siya. Sa tingin ko ay hindi ako matatahimik buong maghapon kung hindi ko siya matatarayan! “Inampon ka na nga ng Daddy ko tapos you have the lakas ng loob pa na humiling ng another room para sa walang kwenta mong hobby?! You are so shameless! Do you know that?” tuloy-tuloy na sumbat ko. Mataas na mataas ang mga kilay ko at hindi mapigilan na mag make face habang nakatingin sa kanya na parang walang pakialam sa sentiments ko! “Shameless?” tanong niya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. “Yeah! That’s you! Your face is super duper kapal na siguro kaya wala ka ng hiya!” tuloy-tuloy na bulalas ko. Nagawa niya pang uminom ng tubig habang kausap ako kaya inis na inis talaga ako! I want to saboy him the water that he is drinking! Argh! “Hindi ka nga nahiya na pumasok na lang basta sa kwarto ko at tingnan ang katawan ko. Now, who is more shameless?” Tumaas ang kilay niya sa akin. My jaw literally dropped! “What the heck did you just say?! Are you insinuating that I purposely entered your room to make silip?!” Namimilog ang mga mata na bulalas ko. Hindi ako makapaniwala na iniisip niya na sinadya kong pumasok sa kwarto niya para silipan lang siya! “Ano pa bang itatawag ko sa ginawa mo? Klaro naman sa akin na gusto mo akong bosohan kaya ka pumasok sa kwarto ko na hindi man lang kumakatok,” katwiran niya. Mas lalo akong napamaang at halos manggalaiti na sa sobrang pagkapikon sa kanya! “I’m what?! Excuse me!?” Sa gigil ko ay hindi na ako nakapagpigil at napatayo na para mamewang sa harapan niya. “I didn’t go to your room to make boso! Pwede ba?! You are so shameless to think of the circumstances that way! Kapal mo! Your hairy birdy is not even worth seeing tapos pinagmamalaki mo pa? Duh!” Mariing bulalas ko. Mas lalong tumaas ang kilay niya at ilang sandaling tumitig sa akin bago tumayo. Nang humakbang siya palapit sa akin ay agad kong hinanda ang sarili ko para itulak ang dibdib niya! Now that he is close to me and I am already facing him, I can tell that he is really, really tall! About six feet tall! I’m already 5 feet and five inches tall and I still need to look up to him! Ngumisi siya ng nakakaloko at narinig ko ang mahinang tawa bago nagsalita. “Mukhang enjoy naman palang magkaroon ng kapatid na babae kahit na halatang spoiled brat,” sambit niya at saka umangat ang kamay para hawakan ang baba ko! I immediately flinched! Bago pa niya mahawakan ang baba ko ay iniwas ko na ang mukha ko at tiningnan siya ng masama pero ngumisi lang siya ng nakakaloko. He tilted his head while looking at me. Ngumisi ulit siya na para bang may iniisip na nakakatawa! “Mine is really hairy but I don’t think you saw it well,” sambit niya at saka kinagat ang ibabang labi habang nakatitig pa rin sa akin. “And it’s not a bird, hmm?” pagpapatuloy niya at mabilis na inilapit ang mukha sa tapat ng tenga ko! “It’s a snake, alright?” Bulong niya at saka bahagyang inilayo ang mukha sa akin. “At nanunuklaw ang ahas ko kaya bawal tingnan at hawakan. Got it, baby sister?” Sumubok pa siyang pisilin ang baba ko kaya inis na inis na tinulak ko ang dibdib niya at gigil na minura siya bago ako tumakbo palabas sa dining area! “Baby sister? Eww! His face is super duper makapal talaga to call me that! Arg!” Gigil na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD