Multi-talented

1321 Words
“Hey, Tickle!” My classmate Abby snapped me out of my daydream. Dumaan na ang weekend pero hindi pa rin ako nakakaget over sa pag-ampon nina Mommy at Daddy sa anak ni Rico! At tama ba na kakarating niya lang sa bahay namin ay nanood na kaagad siya ng pørn sa kwarto?! “So disgusting! Eww!” I horribly exclaimed! Nagkatinginan sina Abby at Mhariel. Kanina pa ako hindi nakikinig sa mga sinasabi at pinag uusapan nila. Siguradong nagtataka na sila dahil para akong may sariling mundo dito. I just can’t help it! Sino bang makaka get over agad sa nakita ko? Pabalik-balik sa isip ko ang mga nakita ko sa kwarto ni Ryle kaya sobra tuloy akong nacucurious kung anong nakukuha niya kapag nanonood siya ng pørn at kapag nag mamasturbate! “Just what the hell happened to you during the weekend, Tickle? Hindi ka rin nagparamdam sa group chat nating tatlo. What happened? Did your dad scold you again?” Tuloy-tuloy na usisa ni Abby. Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Mhariel. Wala na talaga akong choice kung hindi sabihin sa kanila ang mga nangyari sa akin. Pabor sa mga pinsan ko ang ginawang pag ampon ni Daddy sa anak ni Rico kaya feeling ko ay nawalan ako ng kakampi! “My parents adopted someone kasi!” Bulalas ko. Parehong kumunot ang noo nilang dalawa. “Would you believe that? I’m already sixteen and they still adopted someone!” “What’s wrong with that?” kunot noong tanong ni Abby. Umawang ang bibig ko at saka tumingin kay Mhariel para hintayin ang magiging reaksyon niya sa ginawang pag aampon ng parents ko. “Uh-huh. Abby is right. What is wrong with adopting someone, Tickle? I thought you wanted to have siblings?” sambit niya. “But they adopted someone who’s older than me! Buti sana kung mas matanda ako sa kanya!” bulalas ko. Ang alam ko ay mas matanda sa akin ng isang taon ang Ryle na yon kaya nga sinabihan agad ako ni Daddy na tawagin siyang kuya! “Whoa! That’s interesting. Boy or girl?” usisa ni Abby. “Boy!” Bulalas ko. Mas lalo pa silang naging interesado nang sabihin kong lalaki ang inampon nina Mommy at Daddy. It’s given na mahilig sila sa lalaki pero ‘wag naman sana na pati ang Ryle na yon ay pagkainteresan pa nila! I don’t want us to end our friendship because of that orphan! “Really? Anong itsura ng bago mong kuya, Tickle?” usisa ni Mhariel. I almost cursed because of how she addressed him! “Damn! He is not my brother! Pwede ba? Don’t address him that way! Kinakalibutan ako!” Mariing reklamo ko at hinaplos pa ang mga braso pero kinumpas niya lang ang kamay niya sa harapan ko. “It’s kinikilabutan, Tickle!” Agad na pagtatama ni Abby. “Whatever! Basta! I’m having goosebumps na oh! Look!” Bulalas ko at saka tinuro ang mga braso ko sa kanila. “I don’t want you to address him that way again, huh?! It’s super nakaka kibalot!” Lukot ang ilong na bulalas ko habang hinaplos ang mga braso. “Kilabot yon! Gosh, Tickle! Kaya bagsak ka palagi sa Filipino subject natin!” Agad na sermon ni Mhariel. Napangiwi ako habang nakatingin sa kanila. Sila itong pilit na nagpapakwento sa akin tungkol sa Ryle na yon tapos magsesermon lang pala! “Okay! Going back to your adopted brother. Anong itsura niya?” tanong ni Mhariel. Halatang-halata na interesado kaagad siya kaya naiinis na ako agad! If I tell them that Ryle is quite a sight, they will surely be more interested in him! “Of course, he is the most pangit that I’ve ever seen!” Bulalas ko. Sabay na kumunot ang noo nila at mukhang hindi pa naniwala sa sinabi ko! “We don’t believe you,” naiiling at puno ng pagdududa na sambit ni Mhariel. “Right! You are just mad at him so you obviously find him unattracted!” bulalas ni Abby. I rolled my eyes at them. “Bahala kayo! Basta for me, he is super duper pangit! As in you’re gonna scream if you see his ugly face! And he has a super long and disgusting birdy! Eww! That’s gross!” tuloy-tuloy na bulalas ko. Kahit na pumikit ako ay parang nakikita ko pa rin ang itsura ni Ryle habang naka hubo't hubad! Takang-taka ako nang biglang tumahimik sina Abby at Mhariel. Nang tingnan ko sila ay pareho silang nakatakip sa bibig nila habang nakatingin sa akin. “What?” tanong ko. “Did you already see him naked, Tickle?” Namimilog ang mga mata na tanong ni Mhariel. “Are you sharing a room with your adopted brother?” kunot noong tanong naman ni Abby. Agad na umiling ako at saka sinimangutan silang dalawa. “Of course not! Why the hell would I share a room with that pervy?!” Napapasimangot na bulalas ko. “Pero sabi mo, you saw his birdy!” bulalas ni Mhariel. “Oo nga, Tickle! How did you know it’s long if you didn’t see it?” tanong ni Abby. “I saw it!” Hindi ko na napigilang pag-amin. Their eyes widened with disbelief! Sino namang maniniwala sa akin na nahuli ko ang Ryle na yon na nag mamasturbate sa kwarto?! “I saw him touching his birdy while watching pørn!” Bulalas ko at saka sumimangot sa kanilang dalawa. “Disgusting, right? And he did that in our house! Nakakadiri!” bulalas ko. “Oh, my gosh!” “No way!” Kahit sina Mhariel at Abby ay mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Buong akala ko ay magkakaroon na ako ng kakampi dahil nasabi ko na sa kanila ang ginawa ni Ryle pero mukhang mas lalo lang silang naging interesado sa kanya! “What is his name?” tanong ni Mhariel. “Why do you still wanna know his name?” kunot noong tanong ko. “So that we can stalk him on social media,” nakangising sagot ni Abby. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanilang dalawa. “Are you sure you two are my best friends?” Hindi makapaniwala na tanong ko. Pareho silang bumungisngis at saka dumikit sa akin. Niyakap nila ang magkabilang braso ko at saka pinilit ako nang pinilit para sabihin ang pangalan ni Ryle! “It’s Ryle Velasco!” bulalas ko. I rolled my eyes at them. Sabay pa nilang inalis ang pagkakayakap sa braso ko at ilang sandali lang ay naging busy na sila sa pang i-stalk sa profile ni Ryle! “Oh, my gosh!” “What the heck? Is this true?” Nagsalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Mukhang gulat na gulat pa sila matapos i-stalk ang profile ng ampon na yon! “No way!” “Isa lang ang Ryle Velasco na kilala namin!” “What?” Litong-lito na tanong ko sa kanila. Sabay na pinakita nila sa akin ang picture ni Ryle. Muntik ko pa siyang hindi makilala dahil ibang-iba ang porma niya sa picture na pinapakita ng mga kaibigan ko sa akin. “Is this really your adopted brother, Tickle?” tanong ni Abby. Tinatamad na tumango ako. Sabay silang nagmura at saka ilang sandali lang ay may pinapakita na sila sa akin na video ng isang lalaki na kumakanta. “Shìt! You’re the luckiest!” bulalas ni Mhariel. “Ryle Velasco is quite popular, Tickle! He’s the vocalist of the band Iris! Ang gwapo ng mga member niyan pero pinaka gwapo si Ryle dahil bukod sa maganda ang boses, kaya niya ring tumugtog ng gitara, keyboard at drums! You’ve got a multi-talented brother! You are so lucky, Tickle!” Bulalas ni Abby pero ang atensyon ko ay nasa video na kasalukuyang nagpe-play. That guy… He’s singing my favourite song and his rendition is way, way better than the original! What the heck?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD