Birdy (SPG)

1412 Words
“You’re surely gonna love it having someone who’s older than you, Tickle. You will feel protected.” Umirap ako nang maalala ang sinabi ni Kuya Rowan sa akin kanina. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko kailangan ng isang tao na magpoprotekta sa akin. Mas gusto ko yung mas bata sa akin para ako ang mag protect sa kanya! “They just don’t get it! Hindi nila ako maintindihan dahil wala naman sila sa posisyon ko!” Inis na inis ako at hindi ako makatulog dahil sa inis. My parents didn’t even try coming here and convince me to go home! Masaya na sila na kasama ang ampon nila kaya hindi na nila ako naaalala! Mas lalo akong nainis nang maisip ko na simula ngayon ay aagawan na niya ako sa atensyon nina Mommy at Daddy. Iritadong bumangon ako at hindi na nagdalawang isip na bumaba sa kama at saka kinuha ang bag ko. Babalik na ako sa bahay. I don’t want that adopted guy to live comfortably in our house! “If you think living in our house is fun, well… you are hardly mistaken! Tingnan ko lang kung gustuhin mo pang tumira sa bahay namin pagkatapos ng mga gagawin ko sayo!” Tuloy-tuloy na lumabas ako sa guestroom kung saan ako pinatulog ni Tito Dave. Mukhang ako rin ang talo kung lalayas ako sa bahay namin. I’m the real daughter here! Bakit ako ang lalayas? Dapat siya ang lumayas dahil bahay namin yon at ako ang totoong anak nina Daddy at Mommy! “Sampid ka lang sa bahay na yan!” Inis na inis na bulalas ko habang pababa sa hagdan. “So, the runaway child is really here in our house, huh?” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ng pinsan kong si Damon. Lumingon ako sa likuran at nakita siya. He came out from his own room and was almost naked! Disgusting shìt! Feeling niya talaga ay siya lang ang nakatira dito sa bahay nila! Ang dami daming helpers na pwedeng makakita sa kanya na boxers lang ang suot! “Eww, Dame! You are coming out of your room wearing only your boxers? Don’t you have a hiya ba? Or your mukha is sobrang kapal na kaya hindi ka nahihiya?!” Lukot-lukot ang mukha na bulalas ko. Sa halip na ma-offend ay tinaasan niya lang ako ng kilay ay saka hinawi pa pataas ang buhok na parang natural lang sa kanya ang lumabas sa kwarto na ganito ang itsura! “For your information, Miss Runaway child…” sarkastikong sambit niya at saka ngumisi ng nakakaloko sa akin! “Tulog na halos lahat ng taong nakatira dito sa bahay kaya kahit maghubad pa ako dito ay walang makakakita,” tuloy-tuloy na depensa niya. “What do you think of me? Hindi ba ako tao?!” Bulalas ko. “Do you live here? You’re not. Umuwi ka na sa bahay ninyo. Kanina pa naghihintay sayo yung kuya mo…” nakangising sambit niya at pinagdiinan pa talaga ang salitang kuya! “Eww! I’m an only child! Wala akong kuya!” Inis na inis at pikon na pikon na sigaw ko sa kanya at hindi na nagdalawang isip na tumakbo pababa sa hagdan. Mabilis na mabilis ang lakad ko pauwi sa bahay namin. “Open the gate!” Mariing utos ko sa guard na mukhang hindi pa ako napansin na dumating! Umikot ang mga mata ko nang nakita ko siyang humikab habang pinagbubuksan ako ng gate! Inirapan ko siya bago nilampasan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Alam ko naman na siguradong tulog na sina Mommy at Daddy kapag ganitong oras pero siguradong alam naman nila na wala ako sa bahay kaya paano silang nakatulog ng mahimbing?! “Is it because I am not the only child anymore? May iba na silang anak kaya wala na silang pakialam kahit hindi ako umuwi dito sa bahay, huh?!” Habang paakyat ako sa itaas ay hindi matapos tapos ang reklamo ko. Sina Tito Dave at Tita Valeen ay mukhang excited pa na makilala ang ampon na yon! Kahit ang mga pinsan ko ay gusto siyang makilala! Seriously? I-wewelcome lang nila basta-basta ang ampon na yon sa pamilya namin? No way! There is no way he is going to be part of the Yu family! Disgusting! Hindi siya bagay dito kaya dapat ay lumugar siya! Habang papasok ako sa kwarto ko ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa niyang pagpukol ng masamang tingin sa akin kanina. He is obviously not pleased to see me! Ano bang ginawa ko sa kanya at bakit mukhang ang laki ng ginawa kong kasalanan sa kanya?! Pabalibag na hinagis ko sa ibabaw ng kama ang bag na dala ko. Padabog na umupo ako sa gilid ng kama at inisip kung bakit galit sa akin ang anak ni Rico! “Masaya ka ba, huh?” Kunot noong napalingon ako sa lalaking lumapit sa akin. Bukas na ang libing ni Rico, ang assistant ni Daddy na kakamatay lang noong nakaraang linggo. And we went to his place for his funeral wake. Napatitig ako sa lalaking nasa harapan ko. My dad introduced us earlier. Ang sabi ni Daddy ay anak siya ang nag-iisang anak ni Rico. “What?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya tinatanong kung masaya ako sa mismong lugar kung nasaan ang kabaong ng tatay niya. “Masaya ka dahil buhay ang tatay mo,” sambit niya. Muling napatitig ako sa kanya. He looks mad. At hindi ko maintindihan kung bakit parang sa akin siya galit. “Of course I’m happy that my dad is alive. But that doesn’t mean I want to see Rico dead–” “‘Wag na ‘wag mong mababanggit ulit ang pangalan ni Papa!” Mariing pigil niya sa akin. Humakbang pa siya palapit sa akin pero hindi ako nagtangka na umatras. Hinayaan ko lang siyang lumapit. Yumuko siya para pantayan ang mukha ko. It’s a shame that I still find him handsome even if he obviously looks terrifying because he is mad! “‘Wag kang masyadong magsaya. Sa susunod ay tatay mo naman ang mawawala dahil wala nang magbubuwis ng buhay para sa kanya…” Mariin na mariin na bulong niya bago umayos ng tayo at saka tinalikuran ako. Agad na napatayo ako nang maalala ang sinabi niya sa akin noong dinalaw namin ang puntod ni Rico. It was obvious that he’s mad because his dad died protecting my dad! Then why did he agree to live here and be part of our family? Anong plano niyang gawin dito?! “Don’t tell me… He came here to see my dad dìe?!” Namilog ang mga mata ko at hindi na nag-isip. Kung ano man ang pinaplano niya kaya siya pumayag na ampunin ng mga magulang ko ay hindi ako papayag na magawa niya ang gusto niya! Tuloy-tuloy na lumabas ako sa kwarto at mabilis na hinanap kung saan ang kwarto ng anak ni Rico. Halos lahat ng guestroom dito sa itaas ay binuksan ko para lang mahanap siya! Napatigil ako sa pagpihit sa doorknob ng isang pinto. Kumunot ang noo ko dahil may kung ano akong naririnig mula sa loob. Alam kong gabi na at hindi naman masyadong maririnig ang ingay ng nasa kwarto lalo na kung nasa loob ka ng ibang kwarto. “What the hell was that?” kunot noong tanong ko. It sounds like someone is moaning! Pero bakit naman merong uungol sa kwarto ng anak ni Rico?! Hindi na ako nagdalawang isip na pihitin ang doorknob para mabuksan ang pinto. “Hey–” Napatigil ako sa gagawing pagpasok sa loob ng kwarto dahil sa eksenang nadatnan ko! “W-what the hell are you doing?!” Mariin at namimilog ang mga mata na tanong ko. Rico’s son is naked in front of me! Nakaupo siya sa kama habang hawak-hawak ang… ang birdy at nakatingin sa TV! Nang tingnan ko kung anong pinapanood niya ay mas lalong namilog ang mga mata ko dahil may babae at lalaking magkapatong doon at gumagawa ng milagro! “Are you watching pørn?!” Bulalas ko. “Damn it! Get out of here!” Mariing saway niya sa akin at muntik pang mahulog sa kama dahil sa mabilis na bumangon siya para takpan ang sarili! But it’s just too late! I saw it already! Kitang-kita ko at tandang tanda ko kung anong itsura ng birdy niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD