TICKLE’S POV
“No way! Ayoko talaga!”
Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang lumayo pansamantala sa bahay namin. Hindi ko matanggap ang biglaang desisyon nina Mommy at Daddy. Oo nga at alam kong anak lang nila ako pero hindi ko akalain na hindi man lang nila ako tatanungin kung okay lang ba sa akin na mag-ampon sila!
“There’s no way I would agree to that!” Mariin at umiiling na bulalas ko at saka mabilis ang kilos na lumapit sa walk in closet para mag impake ng mga gamit. Balak ko na doon muna mag-stay sa bahay nila Tito Dave, ang isa sa mga kambal na kapatid ni Daddy. Magkatabi lang naman ang mga bahay namin at alam kong sobrang nonsense ng gagawin kong paglalayas pero ayaw ko talagang mag stay muna dito sa bahay dahil gusto kong iparamdam kina Mommy at Daddy na hindi tama ang ginawa nila!
Mabilis akong nakapag impake ng mga gamit. I only packed some of my favorite clothes! Hindi ko naman kailangan ng maraming damit. I have two gorgeous cousins who can lend me some clothes when I need them!
Bago ako tuluyang umalis ay sumilip muna ako sa ibaba. Mom, Dad and that orphan guy aren’t there anymore! Siguro, they are in one of the rooms here! Baka sinamahan yung anak ni Rico sa isa sa mga guestrooms dito sa bahay!
Umirap ako at saka nagmadali sa pagbaba nang wala na akong makitang tao doon bukod sa mga maids na padaan-daan lang.
“Saan ka pupunta, Tickle? Hinahanda na ang hapunan…”
I crinkled my nose at the maid who approached me. Sa tingin niya ba ay gaganahan akong kumain na kaharap yung ampon nila Daddy?!
“I’m not eating my dinner here! And please don’t talk to me ‘coz I am not in the mood to talk to anyone right now!” Mariing paalala ko at saka inirapan siya.
Ayaw na ayaw ko talaga ang kinakausap ako kapag naiinis ako. Feeling ko talaga ay nadodoble o triple ang pagiging maldita ko kapag kinakausap ako habang wala ako sa mood. I’d rather talk to myself than talk to anyone else when I am pissed!
Tuloy-tuloy na lumabas ako sa bahay pero bago pa ako makarating sa gate at makalabas ay may humarang na sa akin na bodyguard!
“Saan ka pupunta? Walang sinabi ang Daddy mo lalabas ka ngayon,” agad na pigil niya sa akin. Uminit agad ang ulo ko at tiningnan siya ng masama.
“Get out of my way! Don’t be so pakialamero ‘coz I am not in the mood right now!” Mariing sigaw ko at saka tinulak siya pero humarang pa rin sa daan kaya kulang na lang ay magmura na ako sa sobrang inis!
“Saan ka nga pupunta?” Muling tanong niya. Simula noong namatay ang assistant ni Daddy na si Rico ay naging sobrang higpit na ang pagbabantay sa akin ng mga bodyguard. I can’t even go to my cousin’s place without them knowing!
“Why do you need to ask pa ba?! Isn’t it obvious that I’m going to Tito Dave’s house?! Tabi nga dyan! Your annoying face disgust me!” Iritado kong singhal at saka hindi na nagdalawang isip na takasan siya. Madalas ay ganito ang ginagawa ko sa mga bodyguards at madalas akong pagalitan ni Daddy kapag nagsusumbong sila. Pero wala akong pakialam kung magalit siya sa akin ngayon.
Dapat ako yung magalit dahil nag ampon sila na hindi man lang sinasabi sa akin!
Kilala na ako ng guard sa bahay nila Tito Dave kaya nang nakita niya ako ay hindi na siya nagdalawang isip na buksan ang gate.
Tuloy-tuloy na naglakad ako papasok sa loob ng bahay at nakita ko na pababa ng hagdan si Tito Dave kasabay ang isang anak niya na si Kuya Rowan. Saglit na tumigil ako sa paglalakad papasok sa bahay. Sinadya kong kusutin ang mga mata ko hanggang sa bahagyang mamula.
Now I look like I cried before coming here!
Ilang beses ko pang pinilit na humikab para magkaroon ng konting luha ang mga mata ko. Hindi magiging convincing ang drama ko kung hindi ako mukhang kakagaling lang sa pag-iyak!
“Tito Dave! Kuya Ro!” I emotionally called them as if I was about to shed tears!
Sabay silang napalingon sa akin. I pouted while heading in their direction. Halatang nagtataka sila habang nakatingin sa akin kaya nagsimula na akong humikbi nang tuluyang nakalapit sa gawi nila.
“Tickle? What are you doing here? Did you cry?” sunod-sunod ang pag-uusisa ni Tito Dave kaya mas lalo akong nag-pout sa harapan niya at saka nagpaawa.
“Tito Dave!” Bulalas ko at saka yumakap sa kanya.
“What happened, Tickle? Did your dad scold you again?” Narinig kong usisa ni Kuya Rowan. Tuluyan na akong nagdrama at nag iyak-iyakan sa harapan nila.
“Have you guys heard about my parents adopting someone?” Madrama kong tanong habang kunwari ay kinukusot kusot ang mga mata. Hirap na hirap akong mag ipon ng luha ngayon dahil sa halip na lungkot ang nararamdaman ko ay nangingibabaw sa akin ang galit!
Mas gusto kong makipag away ngayon kesa ang umiyak pero kailangan kong ipakita na malungkot ako dahil sa ginawang pag aampon nina Mommy at Daddy!
“Oh! So, pumayag na ba yung anak ng namatay na assistant ni Travis na ampunin siya ng daddy mo?” Narinig kong usisa ni Tito Dave. Natigil ako sa pagdadrama at hindi makapaniwala na tiningala siya.
“You already knew na ba, Tito?” Hindi makapaniwala na tanong ko. Tumango siya.
“Of course, Tickle. Ako ang nag suggest sa daddy mo na ampunin na lang yung anak ng assistant niya. His assistant died instead of him. Ano na lang yung ampunin niya yung bata para makabawi siya.”
I gasped as I heard what Tito Dave said. Hindi ko talaga inaasahan na ganon ang plano nilang gawin para makabawi sa anak ni Rico!
“Why, Tickle? Have you met your new brother?” Usisa ni Kuya Rowan. Nalukot ang mukha ko.
Brother? Oh, please! Hindi ko gustong magkaroon ng kuya dahil nandyan naman si Kuya Rowan at iba pang mga pinsan ko!
“Don’t tell me you were crying because of that, Tickle?” usisa pa ni Kuya Rowan kaya mas lalong nalukot ang mukha ko.
“Mom and dad didn’t even ask for my consent before adopting someone! Hindi man lang nila ako tinanong if I want to have a brother or not! I feel so betrayed, Tito Dave! I hate my parents! Hindi ako uuwi sa bahay hangga’t nandoon yung ampon nila!” Tuloy-tuloy na bulalas ko at saka hindi na nagdalawang isip na nilampasan sila at saka umakyat sa itaas!