Di-inaasahang Pagtatagpo
“MAAAHAAL NA MAAAHAAL KITAAAA!!!!!” malakas na sigaw ni Ava na ngayo’y nakatayo sa Fate Bridge ng isa sa mga lungsod ng New York.
Trip-trip lang niya ang mga salitang yon para lang may maisigaw wala naman siyang kasintahan na minamahal. NBSB!
Maaga kasi siyang natapos sa kanyang conference kaya’t naisipan niyang maglakad- lakad at sumagap nang preskong hangin hanggang dinala ang kanyang mga paa sa Fate Bridge. Isa ito sa napakasikat ngayon na tulay na pinaniwalaang pampatanggal nang stress.
Gusto lang naman niyang huminga sa dami niyang proyekto ngayon. Gusto niyang umiwas muna sandali sa magulong limelights.
Dipa pwedeng magbakasyon dahil puro mahahalagang proyekto ang nkaatas sa kanya nitong mga huling araw.
Palinga-linga siya kung may nakatingin sa kanya pero mangilan-ngilan lamang ang mga tawo ngayon at nasa unahan ang iba. Sa tingin niya walang mkakakilala sa kanya rito.
Napakaganda nang view dito sa ibabaw nang tulay. Makikita ang kabuuan nang lungsod. Makikita din ang kabilang tulay na katapat nito na parehong-pareho ang disenyo.
Actually, kambal ang mgkaharap na tulay na ito, Fate Bridge at Love Bridge. Disenyo ito nang isang magaling na enhenyero para maging pasyalan nang mga tawo sa kumunidad bilang suporta sa programang Kontra-Depresyon.
Malaya kang sisigaw sa mahabang tulay ng Fate Bridge kapag ikaw ay stress at maglagay naman ang mga magkasintahan nang love locks sa Love Bridge simbolo nang paglock nang kanilang pagmamahalan na ang susi nito ay kusang itatapon sa ilog upang wala nang mkakapagbukas at makakatanggal nang bawat padlocks na ikinabit sa railings nang tulay.
Ito ang nakaugalian na nang mga tao dito. Inulit ni Ava ang pagsigaw hanggang siya ay mapagod.
WOW! SO EFFECTIVE! NAKAKAGAAN NANG LOOB DITO aniya.
Huminto siya sandali at inayos ang kanyang hoodie para di siya makilala nang mga tao para malaya siyang makapaglakad-lakad at mkagalaw.
Akmang tatalikod na siya nang biglang may narinig siyang sumagot
“MAHAAL DIN KITAAAAA TAA TAA!!! “ nag echo pa ito mula sa kabilang tulay.
“SA LOVE BRIDGE?” takang tanong niya sa sarili. Nagtataka siya dahil hindi naman gawain nang mga tao na sisigaw mula doon. Pinakinggan niyang muli pero hindi na inulit.
“BAKA NAMALI LANG AKO SA AKING NARINIG,” sabi niya sa sarili. Sinubukan ni Ava na tingnan kung sino ang may-ari nang sigaw na yon pero hindi niya masyadong makilala kasi medyo may kalayuan ang kabilang tulay at hindi lang iisa ang nandoon.
“PUNTAHAN KO KAYA?!” sabi niya sa isip.
Huminga siya nang malalim at umikot papuntang kabilang tulay. Ngselfie muna siya sa mga nadaanang magagandang tanawin habang naglalakad papuntang Love Bridge.
“SINO KAYA ‘YON?” kuryosong tanong ni Ava sa kanyang sarili pero medyo natawa siya.
Sinong mag-aakala na siya, si Ava Summer ay nandito at nakipagsigawan sa Fate Bridg?Kasalukuyang namayagpag ang kasikatan ng isang determinadong business woman at batikang mamahayag na si Ava Summer sa New York City.
Nilaro ni Ava ang kanyang keychain habang naglalakad sa gilid nang tulay nang biglang nabitiwan niya at natapon ito at sumabit sa ibabang bahagi nang railings nang tulay.
“NAKU! PAANO ‘TO?!” lumuhod siya para abutin ang susi pero kinapos ang kanyang kamay.
Namroblema tuloy siya ngayon kung paano niya ito makukuha, baka mahulog ito sa ilog susi pa naman nang kanyang sasakyan ito na nkapark lang sa di kalayuan. Inabot niyang muli ito pero hindi talaga maabot.
“
HAY NAKU! WALA PA NAMAN AKONG MAHINGAN NGAYON NANG TULONG KASI MAG-ISA LANG AKO DITO AT YONG MGA KAKILALA KO AY NASA TRABAHO PA”, napabuntong-hininga nalang siya.
Sinubukan niyang muli pero di talaga niya maabot kasi may nkaharang na malalaking wire at di niya mailosot ang kanyang ulo at katawan.
Isa lang ang paraan para maabot niya ito, aakyat siya sa railings at bababa saka niya abutin nang nkabitin. Medyo delikado ang kanyang gagawin pero desperado na talaga siya dahil halos kalahating oras na siyang sumubok para abutin ito. Malayo pa nman ang kanyang bahay. Lumingon siya sa magkabila kung may nakatingin sa kanya baka matawa pero medyo tahimik ang paligid kaya umakyat na siya sa railings nang maingat.
Ka kabilang banda, naisipan nang isang gwapo at matipunong business tycon at bilyonaryong playboy na si Alexander Knight na mglakad- lakad muna bago pumunta sa isang banquet. Maaga pa naman para sa kanyang party. Nagawi siya sa sikat na Love Bridge, naintriga siya dito. Bukambibig kasi ito nang mga may kasintahan niyang mga empleyado, ang magarang tulay na ito bilang pasyalan nang mga umiibig at nanunumpa sa kanilang pag-iibigan.
Napaismid si Alex sa ka werdohan nang mga taong ito dahil di siya naniniwala sa forever ika nga, pero naintriga pa rin siya.
Patingin-tingin lang siya sa mga nakabitin na mga kandado na napakarami na talaga. Kuryoso siyang napatitig sa mga ito nang biglang may sumigaw sa kabilang tulay, at napatingin siya doon. Pinakinggan niyang muli ito, naaliw siya sa narinig. Gumana tuloy ang kanyang kapilyuhan at nakatuwaan niyang sinagot ang sigaw na mula sa kabilang dako nang tulay. Nakahoodie rin naman siya at medyo tinakpan ang kanyang mukha para di siya makilala ng mga tao.
Wala namang masyadong nakakilalang mga ordinaryong tao sa kanya dahil minsan lang siyang nagpainterview sa medya. Low profile lang ang isang Alex Knights.
Sa elite group lang naman siya nakilala dahil sa kanyang pamamayagpag sa larangan nang negosyo pero konti lang ang nakakilala niya sa personal. Tinagurian si Alex bilang playboy dahil maraming mga babae ang umaaligid sa kanya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang minahal nito, wala siyang sineryoso na babae dahil para sa kanya, pampalipas oras lang ang mga ito.
“Totoo kaya? o wala pa talagang kupidong nakapana nang puso niya?.”
Umikot siya papuntang kabila gusto rin niyang sumigaw doon. Nasa paanan na siya nang tulay nang may babaeng biglang umakyat sa railings!
“NAKU! BAKA TATALON ‘TO!” nababahala siya.
“KAWAWA NAMAN, NAPAKA DESPERADO NA TALAGA NITO” cnaisip niya.
Lalo siyang natakot nang akmang tatalon na ang babae. Dali-dali siyang lumapit at hinablot ito para di matuloy sa pagkahulog sa napakataas na tulay. Siguradong mawasak ang katawan nito pagdating sa ibaba kahit may tubig meron ding mga malalaking bato sa ibaba.
Nalakasan niya sa pagkabig ang babae at natumba silang dalawa sa semento. Nakadagan ito sa dibdib niya.
“ANO BA MISS? MAGPAPAKAMATAY KA BA?” Bulong niyang tanong nito na nashock din.
Hahawakan sana niya ang braso ng babae para maitayo nang di naiwasang nasagi ang malaking boobs nang dumulas ang kanyang kamay sa paggalaw nito pabalikwas. Napakalambot nang katawan nito at napakaganda pa! Napalunok siya ng laway nang makita ang maputi at makinis nitong balat. Natuon ang kanyang mata sa mapula-pulang lips nito, parang ang sarap halikan! Uminit ang katawan niya at dinampian niya ang labi nito.
Biglang natauhan ang babae at sinampal siya nito nang malakas.
“BASTOS!” sigaw nang babae.
“OUCH! ANO BA?!” bumalikwas siya.
“IKAW PA NGA ITONG TINUTULUNGAN, IKAW PA ANG GALIT! BA’T KA BA TATALON?!” sumbat niya.
“BAKIT KA NAKIALAM? SINO KA BA?! “galit na tanong ni Ava.
Nairita siya dahil masakit ang beywang niya, at hinalikan pa siya nang estranghero, well, masarap naman pero bawal pa rin.
Malapit na sana niyang makuha ang susi nang bigla siyang hinablot nang pakialamerong ito!
“ALAM MO BA MISS, NA BAWAL MAGPAKAMATAY DITO?!” biglang sabi ni Alex sa babae.
“ANONG MAGPAPAKAMATAY?! SINONG MAY SABI NA MAGPAPAKAMATAY AKO?! HINDI AKO MAGPAPAKAMATAY! GAGO! “Nairita na talaga si Ava sa presensiya nito.
Hindi rin niya alam kung bakit, lalo na nang nakuryente siya sa pagdampi nang mga kamay nito sa lanyang balat lalo na ang kiss. First kiss pa naman niya, sa estranghero?
“NAKU! MISTER, MALI KA, MAY KUKUNIN LANG AKO KASO NAKIALAM KA!” pagalit na pahayag ni Ava sa kaharap.
Tumingin siya sa ibaba at nakita ni Alex ang nakabitin na susi.
“AH, ITO PALA ANG KUKUNIN MO, SANDALI”
inunat ni ALEX ang kanyang kamay at pilit na inabot ang susi. Nakuha niya ito dahil medyo mahaba ang kaniyang mga kamay kompara sa babae.
“GOTCHAA!” mahinang sigaw ni Alex nang nahawakan na niya ang susi.
Iwinagayway niya ito sa babae at saka ngumiti. Dali-daling lumapit si Ava para kunin ang susi nito sa kamay nang lalaki.
“OPPS!” biglang iniwas ni Alex ang susi sa dalaga.
“MAGSABI KA MUNA NANG PANGALAN MO BAGO KO TO IBIGAY SAYO!” pang-aasar ni Alex nito.
Iwan ba niya sa sarili niya ngayon parang gusto niyangpagkatuwaan ang babaeng ito. Hindi naman siya ganun sa mga estranghero. Siguro iba lang ang kanilang pgkatagpo ngayon dahil sa di inaasahang pangyayari.
Napaismid ito. Napansin tuloy niya ang maamong mukha nang babae dahil malapit ito sa kanya at medyo natanggal ang cap nang hoodie na suot. Napatulala si Alex. Wow! Ang ganda nang dimples! Wait, parang pamilyar ang babae sa kanya.
“SANDALI, PARANG PAMILYAR KA?” namukhaan ni Alex ang babae pero di niya alam kung saan at sino ito.
“ISA KA BANG CELEBRITY?” tanong niya sa babae.
Abangan sa susunod na episodes ng “Hot Billionaire’s Sexy Enemy" kung paano maglalandas muli ang mga daan nina Ava at Alex, kung paano niya ito makikilala, paano umusbong ang nakapagpapagabagabag na damdamin, pakikibaka sa mga kapangyarihan at mga kumukulong pag-iibigan.