C H A P T E R. 2

2093 Words
Nahihiyang tinanggal ko ito at saka sinabing " okay na, sorry" Hindi na niya ako sinagot pa pagkatapos ay naupo na siya at may kung anong inayos sa kanyang bag. " Dy, dito tayo " habang hatak ako ni Maica papunta sa isang table na malapit sa entrance ng canteen. Recess na namin at labag talaga sa loob ko na pumunta dito sa canteen dahil una sa lahat madaming tao pangalawa ay maingay, tama na yung ingay ng bunganga ng mga kaibigan ko. Pinilit lng ako ng tatlo na pumunta dito at wala na rin akong magawa since masakit din ang ulo ko siguro ay dahil sa gutom. Kadalasan pag recess nasa room lng ako, library or nasa field nakatambay, bakit? nag titipid kase ako. May gusto akong bilin pero di ko naman magawang manghingi kila mama kase nahihiya ako may kamahalan din kase yung gusto kong bilin. Ako lng ba yung ganon? Yung kahit magulang ko naman sila pero nahihiya padin ako padating sa paghingi ng perang pambili ng luho ko. Saka isa rin sa mga factor na ayoko pumupunta ng canteen ay ayokong bumibili, i mean nahihiya ganon? Ang hirap ipaliwanag sobrang komplikado kase ng personality ko minsan introvert minsan extrovert. " Maics, pabili naman oh, palabok aken " pakiusap ko kay Maica " please " dagdag ko pa. " Huh? Yan lng eh tumayo ka na kasama mo naman kame eh tara na " Wala akong nagawa kundi ang sundin niya, ayaw ako ibili eh. Tama naman siya sobrang lapit ko lng sa counter hindi ko pa magawang bilin pero hindi naman ako nag uutos dahil sa tinatamad ako nag uutos ako dahil nahihiya ako. Sabihin niyo saken na hindi lng ako yung ganto grr. " Ahm.. ano po palabok saken " mahinang sabi ko sa babaeng kaharap ko. " Ano? " Malakas na tanong niya " Palabok po saka po delight " " Ahh sa susunod kase lalakas mo boses mo " sarkastikong sabi ng mataray na babaeng staff ng canteen. Pagkatapos ay humilera na ako sa pila ng mga mag babayad sa cashier. " Bakla ang tagal mo naman " bungad sa akin ni Franz habang ngininguya pa ang kanyang biniling burger ng makarating ako sa aming table. " Eh king ikaw kaya pumila dun tas sabihan mo na din yung cashier na bilisan sa pagpipindot " asar na sabi ko. " Look at Mica, guys nakakawa naman siya lng mag isa tawagin tapos sabihin natin na dito na lng siya kumain sa table natin? " Tanong ni Maica. " Sino si Mica? " Takang tanong ko naman. " Gurl ano ka ba yung seatmate mo di mo kilala? Ayos ka lng " maarteng ani ni Franz. " Baka distracted sa ganda nung seatmate niya kaya hindi alam yung pangalan " pangaasar ni Carl natawa sila. D ko talaga magets mga kaibigan ko kung bakit palagi nila akong sinusura o kaya nama'y itinatambal sa kapwa ko babae eh babae kaya ako. " Gago kaba anong sinasabi mong distracted? You mean gusto ko siya? Ulul babae ako tangek! " Sunod-sunod kong sabi. " Okay kunware maniniwala kami " ngumunguyang sabi ni Maica. " Gurl nasa indenial stage ka din pala katulad ni Carla " banat ni Franz saka sila nag tawanan maliban saming dalawa ni Carl " Corny ng joke mo, si Dy lng yung indenial " maaangas na pananalita ni Carl. Iniisip ba nila tibo ako or something dahil sa kung paanonako umasta at kumilos? ' stupid ngayon lng ba sila nakakita ng babaeng hindi girly kung kumilos? Kung hindi ko to mga kaibigan baka kanina ko pa sila pinagsasampal eh'. Hindi ako tibo or something ganito lng talaga akong kumilos siguro dahil sa lumaki akong puro lalaki kasama ko, may dalawa kase akong kapatid na lalaki at saka nagkacrush na kaya ako sa lalaki hmmp. " Nako Carla indenial ka den " dagdag pa ni Franz " Guys tatawagin ko na si Mica ah " pipigilan ko sana si Maica pero huli na dahil nandito na sa table namain si Mica. Okay let me make myself clear, hindi kase maganda ang pakiramdam ko jan sa Mica na yan para kaseng may itinatagong kaartehan tch. " okay lng ba talagang sumabay ako sa inyo? " Mahinang tanong ni Mica. " Oo naman noh, besides mukang wala kapang ka-close sa mga kaklase natin na pwedeng mag-entertain sayo so habang wala kapang, you know nagiging kaclose pwedeng pwede kang sumabay sa amin. Diba, Dy? " Dinig kong sabi ni Carl " Ah oo hehe" uncomfortable kong sagot at saka nag patuloy sa pagkain ng aking palabok. Hindi parain ako sanay sa presence ni transfer kaya medyo ilang padin ako sa ankomp 'English time " So in the end Mr. Behrman found laying out in the street drench and half-frozen while his hand were stained with paint. Mr. Behrman was brought to the hospital but didn't make it " pag kukwento ni Sir.Jerome tungkol sa short story ni O' Henry na pinamagatang 'The last leaf'. " Sue looked again at the last Ivy leaf and realized that it wasn't moving in the wind. She began to cry quietly, mourning for Mr. Behrman and his sacrifice." Dagdag pa ni Sir Jerome. " And that's the end of the story, now i have a question... Why do you think Mr. Behrman sacrificed himself to Johnsy even though they're not related to each other? " " Because he thinks that he's old enough now but Jonhsy's still young and has a long way to go, so he painted an ivy leaf in hopes that Johnsy will gain strength from it " mahinang sagot ko sa tanong ni Sir Jerome kahit naman ako ang tinawag niya. Hindi ko akalaing narinig pala ni transferee ang sinabi ko kahit na sobrang hina lng ng pag kakasabi ko to the point parang ako nga lng ata ang nakarinig nito. " Wrong " she said. " Mr. Behrman died because that's what the author wrote about his character. Katulad natin may iba't ibang purpose tayo sa buhay natin kung bakit tayo nandito" mahinang sabi niya saka huminto sandali pagkatapos ay ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi medyo na intriga ako sa sinasabi niya kaya lowkey pinakinggan ko kung ano ang opinyon niya. " And that's why the author created Mr Behrman's character to give hope to Johnsy but at least author gave justice in Mr Behrman's death because at his last breath he able to produce a beautiful masterpiece " mahinahong tugon niya. Hindi ko alam kung relavant ba yung sagot niya sa tanong sir pero isa lang ang masasabi ko ' sinong nanakit sa babaeng to? Bakit parang ang bitter? ' sabi ko sa isip ko. Uwian na namin at nagpaalam na ako sa tatlong kaibigan ko na mauuna na akong umuwi at hindi ko na sila maiintay pa may gagawin pa sila sa room at inaaya nila ako pero tumanggi ako. Naglalakad ako ngayon pauwi sa aming bahay, hanggang ngayon ay bothered pa rin ako sa sinabi ni transferee sa akin, para bang may hidden meaning iyon. ' purpose? Don't tell me isa siyang immortal, isang anghel na bumaba sa lupa para maging guardian angle ng mga estudyante sa St. Luis' natawa ako sa sarili kong naisip. Naputol ang aking pag iisip ng..." WAHHHH " " Ahhhh " napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Mula sa aking likod ay kung sinong anak ng diablo nangulat sa akin, marahas akong lumingon upang tignan ang diablo at tama nga ang hinala ko ang diablo ay walang kundi ang aking kuya Joaquin. " HAHAAHAHAHAHAAHAHHAAHHA " humahagalpak na tawa ni kuya habang hawak ang kanyang tiyan habang ako naman ay nakatingin sa kanya ng walang emosyon sa mukha dahil sa magkahalong inis at galit na nararamdaman ko ngayon. ' kung mas matanda lng ako sayo kanina pa kita tinabla ' asar na sabi ko sa aking sarili. *Coughs* *Coughs* dahil sa walang lubay niyang pagtawa ngayon ay inubo siya ng inubo. " Karma" mabilis na sabi ko. " Sungit mo naman sis, biro lng eh " nangaasar pang ani niya sa ako inakbayan. Tatlo kaming mag kakapatid aa aming pamilya ako ang bunso at ang kuya Joaquin ko ang pinaka matanda sa amin pero siya rin ang pinaka isip bata sa amin. Puro pang aasar lng ang alam niyang gawin. Sobrang hype at outgoing na tao niya to the point na hindi na talaga nakakatuwa. Medicine student si kuya Joaquin kagaya niya medicine din ang kukunin ko sa college.Yung sumunod ko namang kuya ay si Kuya Clyde, sa aming tatlo siya yung pinaka seryoso sa pag aaral walang ginawa kundi mag aral kaya hanggang no girlfriend siya since birth.He's in his first year of being archi student.Medyo may similarities kami ni kuya Clyde pag dating sa personality sobrang introvert sa ibang tao pero sobrang extrovert pag kasama niya yung mga tao niyang kaclose kagaya na lng nang pag nag sama si kuya Joaquin at kuya Clyde matik nag paplano na yan kung paano ako aasarin. Naabutan naming nasa sala si kuya Clyde habang tutok na tutok sa panonood ng basketball nang makauwi kami ni kuya. Agad akong dumiretso sa aking kwarto para mag palit ng damit pambahay. " Dy palit ka ulit " utos ni kuya Joaquin " Huh, baliw ka ba kuya ayos naman tong suot ko ah" sabi ko sabay tingin sa damit na aking suot. Oversized t-shirt na kulay black na may print design ng muka ni Mona Lisa at saka plaid panjama na pang-ibaba. " Baliw ka din! " Asik niya " ang ibig kong sabihin kase yung maayos ayos punta tayong Mall may bibilin lng ako sa national bookstore" " Sino naman nag sabi sayong sasama ako?" Mataray na tanong ko." Ayoko, napapagod ako" matamlay na saad ko. Bigla namang nagpapadyak ang kuya kong bano ng sabihin kong hindi ako sasama." Sige na Dylan, sumama ka na libre kita krispy kreme " pamimilit niya habang niyuyugyog pa ang braso ko. " Baka scam yan?" paghihinala ko. " Edi wag sige kung ayaw mo! " Saka binitawan ang braso ko. " Sige na nga sasama nako" pagsuko ko. " Mag papalit lng ako". Yung panjamang suot ko lng ang pinalitan ko at saka nag suot ng puting rubber shoes. " Yung Krispy Kreme ko ah " pag papaalala ko pa sa kanya nang papalabas kami ng bahay. " Sis bilisan mo namang maglakad gagabihin tayo nito e " iritang utos ni kuya. Nandito na kami sa mall at mas nauuna siyang maglakad sa akin, nasa likuran niya akong naglalakad habang nagcecellphone. " Ahh " ngiwi ko nang mapatid ako sa nakausling bahagi ng tiles. " Tatanga tanga kase, mamamaya ka na mag-cellphone" saka hinitak ako papasok ni kuya sa national bookstore. Habang naghahanap ng libro si kuya tungkol sa kanyang pinag aaralan ay nag libot libot rin ako din sa loob ng national book. Nahagip na mata ko ang isang librong may pamagat na ' sixty in the city ' nakalagay dito na isinulat ito ni Lualhati Bautista. Na-curious ako kung tungkol saan ang libro ito kaya naman kinuha ko ito at saka binasa ang mga salita sa likurang bahagi ng libro ' prologo ba ang tawag dito?' tanong ko sa aking sarili at saka nag patuloy sa pag babasa . Nasa ikatlong kabanata na ako sa aking binabasa ng putulin ni kuya Joaquin ang aking pagbabasa. Nahanap na daw niya yung libro kailangan niya, puro tungkol sa medisina at human anatomy ang tatlong makakapal na librong hawak niya ngayon. Kinuha ko rin ang librong kanina'y binabasa ko at sinabi kay kuyang bibilin ko ito, na-hook na ako sa kwento kaya naman gusto kong tapusin ito. Nasa counter ako ngayon ng Krispy Kreme para umoder ng isang box ng original glazed doughnut. Nagtalo pa kami ni kuya kung sino ang bibili ng doughnut, hindi ko alam kung may ' shop counter fear ' ako o ewan pero ayoko talagang umoorder nahihiya ako na ewan. Pero in the end siya ang nanalo ang alibi niya 'kanya na nga daw ang perang ipapambili siya pa daw ang bibili' kaya no choice ako ngayon. Nasa pangalawang pila ako ngayon at habang nandito ako parang tangang minememorize ko ang sasabihin ko sa cashier. ' original glazed isang box ' paulit ulit na sabi ko sa aking isip at saka mahinang pinapadyak padyak ang paa. Nakaraos na ko sa pag order sa Krispy kreme palabas na kami ngayon ng store ng makita ko sa aking peripheral vision ang isang pamilyar na muka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD