C H A P T E R. 3

2069 Words
"Mica?" Takang tanong ko habang nanliliit pa ang mga mata para tignang mabuti kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko o kung gawa gawa lng ba si Mica ng mga elemento o hindi. Natawa ako sa sarili kong naisip " Si Mica nga " pag kukumpirma ko ng lumapit ako sa store kung saan naroon si Mica. Naka tuck-in ang kanyang suot na white polo shirt sa suot nyang black slacks tapos ay naka rubber. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa kainan na iyon pero base sa suot niya mukang service crew siya ng kainan na iyon. ' Pero baka ganon lng talaga yung pormahan niya no? Don't judge the book by it's cover, Dylan, saka kung nag tatrabaho man siya don hindi naman masama iyon marangal na trabaho iyon. ' saka ako sumunod sa kuya kong ngayon ay malayo nang naglalakad, hindi niya siguro namalayang hindi niya ako kasama. ' Mica's POV " Miss " tawag ng isang matabang customer sa akin, agad naman akong pumunta kung saan ito naroon at tinanong kung anong kailangan niya. " Nasan ang manager niyo? " Maangas na tanong nito. " Bakit po sir may problema po ba? " Mahinahon kong sabi. " Meron at kailangan kong makausap ang restaurant manager, nasan siya? " " Pwede niyo pong sakin sabihin at saka ko po irrelay ang gusto niyong sabihin sa kanya " sagot ko. " Miss, mahirap bang sabihin kung nasaan yung manager kung aya- " naputol ang sinasabi ng customer na naghahanap sa Manager ng biglang sumingit sa usapan ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng dark blue hoodie,black jogger pants at white Adidas Yeezy shoes. Nakasuot rin siya ng cap at facemask. ' ano namang ganap ng isang to? ' saka ko siya pinasadahan ng tingin. Ibinaba niya ang kanyang facemask at saka nag salita " eh pano kung ayaw niyang sabihin kung nasan yung manager? Mag wawala ka? Ang daming taong kumakain oh, naabala " saka nilingon ang mga taong kumakain sa restaurant na ngayon ay nakatingin na sa amin 'nakakahiya' " Luma na yang modus na yan sir " dagdag niya at tinignan ako " wanna bet? Sasabihin niyang may something sa pag kain niya atsaka magrereklamo wala siyang dapat bayadan " pagkatapos ay ngumisi siya saakin na para bang close kami. Binigyan ko siya ng 'hindi tayo close look' " Sir kumalma muna po tayo, marami pong ibang taong nakakakita nakakahiya po dahil nakaka- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong tinabig saka pagdakang umalis ng restaurant. Habulin ko pa sana siya upang sabihin na hindi pa siya bayad ng hawakan ako sa kamay ng lalaking naka-hoodie agad dumapo ang tingin ko sa kamay niyang naka hawak sa wrist ko, napansin niya atang nakatingin ako dun kaya bigla niya akong binitawan. " A-ako na magbabayad " saad niya at saka umupo sa isang bakanteng table. " Ano bang tinda niyo? " Tanong nito at saka lumingon lingon sa kanyang paligid. " You mean best seller namin? " paninigurado ko. " Ah, oo yun hehe. " Habang kinakamot niya ang kanyang batok. Mukang na-awkwardan siya sa nangyari kanina dahil hindi siya makatingin sakin at kanina pa palingon lingon. " Best seller po namin sir Yung teriyaki flavor, garlic parmesan flavor at garlic mayo flavor. Mayroon po kaming tinatawag na Basic Meal, Super Meal, Super Duper Meal at Drumsticks bucket " Saka ko inabot yung menu, more on chicken, burger, hotdog buns and Pasta ang pagkaing sineserve ng restaurant. " I'll have the super meal number 4 and garlic parmesan for the flavor " saka inabot sa akin ang menu card. " Okay sir, repeat ko lng po yung order nyo for clarification Super Meal number 4 Garlic parmesan flavor for the drumstick chicken." Pag uulit ko. " Yes, thank you " tapos ay pumuta na ako sa kitchen para ibigay ang order. 'Dylan's POV Naglalakad ako ngayon papuntang rooml, as usual late na naman ako pero hindi pa naman siguro nag bbell dahil marami pa ring estudyante ang nasa labas ng kanilang room kay medyo binigalan ko pa ang paglalakad ko. Nasa pang apat na palapag ang classroom namin kaya pag dating mo talaga sa room pawisan ka na lalo na't nasa Pilipinas ka pa sobrang init. Malapit na ako sa pintuan ng aming room ng maulinigan ko ang boses ng aming adviser. ' s**t ba't ang aga ata nito pumasok, nag bell na ba? ' mabuti na lng at nakasara ang pinto kaya hindi alam ng teacher ko na may tao sa labas, dahan dahan kong ibinukas ang pintuan ng classroom upang sumilip. Nahagip ng mata ko ang aking mga kaibigan na mahinang tumatawa dahil nakita nila akong sumisilip. " Rivera, Reyes, Lee, anong nakakatawa ha? Ba't kayo nagtatawanan jan? May nakakatawa ba? " Dinig kong sabi ni ma'am, napaayos ako ng tayo. 'Mukang wala na naman siya sa mood pano na to?' Mabuti na lng may isa pang pintuan ang classroom namin, back door ba ang tawag dun?- Ay basta. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa tapat ng pintuang iyon, nang makita kong nakatalikod si Ma'am Reyes ay agad kong kinuha ang pagkakataong iyon upang pumasok ng room. Dahan-dahan kong inikot ang door knob atsaka lakad asong pumunta sa aking desk. Nanatili muna ako sa ganoong posisyon atsaka tinamingan ko ang pag pagharap ni ma'am, nanghaharap na siya ay saka ako umupo ng maayos. 'successful! Special thanks sa gumawa ng building namen sobrang talino mo para lagyan ng isa pang pintuan yung classroom namin lagi ka rin sigurong late anyways sana masarap ulam mo sa buong buhay mo' " May activity akong ipapagawa " panimula ni Ma'am. " Humanap kayo ng partner nyo, at gawin ninyo itong nasa whiteboard " dagdag pa niya saka umupo. " Maics partner tayo" pag aaya ko kay Maica. " Sorry Dy, partner na kami ni Franz kayo nalng ni carl" tumangon ako bilang sagot. " Carl-" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko pero tinapos na agad niya. " Sorry Dy, partner na kami ni Riza eh kayo nalng ni Mica" nakangiting sabi niya. 'kelan pa sila naging close ni Riza?' No choice ako need ng partner yung activity na to. ' hindi ba pwedeng may mag-individual, may magpapartner?' Itataas ko na dapat ang kamay ko para kunin ang atensiyon ni ma'am para sabihing mag iindividual ako ng... " Partner tayo " malumanay na tinig ni Mica. Medyo nagulat ako dun, 'hindi siya nag tatanong kase wala namang rising sa intonation niya so... that means sinasabi na niyang partner kami ganon ba?' No choice na nga ako mag iinarte pa ba ako? " Sige" tipid na sagot ko. Actually simple lng naman ang gagawin namin, pipilj lng kami ng topic na gusto namin sa nakasulat sa whiteboard saka namin sasagutin ang tanong tungkol sa topic na iyon tapos ay mag tatawag si maam ng tatlong partners na ippresent ang kanilang sagot sa harapan. Ang napili naming topic ay ' The importance of Nature ' ang tanong ay ' What is the negative impact of continuously cutting down the oxygen-source to human, animal and to our environment. " Ganito na lng gawin natin " panimula ko. " Sulat natin sa papel lahat ng naiisip natin na magiging effect ng deforestation, tapos saka natin pag samasamahin yung sagot natin pag tapos na tayo sa pag susulat" dagdag ko saka siya tumango. Nag simula na akong mag isip kung ano ba ang magiging epekto ng penomenang ito sa atin. Nang matapos siya ay pinagsama na namin ang aming sagot ayon sa napag usapan. " Kapag natawag tayo...ikaw mag sabi ng effects, ako naman ang magsasabi about sa conclusion " sambit niya. Wala naman akong ibang choice kaya tumango na lng ako. 'Bakit ba parang ang maldita niya' sabi ko sa isip ko. ' pero wag muna mag jump into conclusion baka wala lang siya sa mood ano?' " Tapos na ba ang lahat?" Pag tatanong ni ma'am at saka tumayo para mag hanap ng estudyanteng sasagot sa harapan. " Wait lng po ma'am 5 minutes more" sagot ng iba kong mga kaklase. ' 5 minutes later... "Okay tumigil na kayo sa pag susulat" anang ni ma'am, at saka humanap ng sasagot sa harapan. At kung minamalas ka nga naman kami pa ang kauna unahang natawag, pero dahil dagdag recitation naman to kaya tumayo na agad kami. " The topic that we choose is about 'The importance of nature' the question is What is the negative impact of continuously cutting down the oxygen-source to human, animal and to our environment, here's our answer " i paused. " Plants and trees became our pal throughout our existence in this vague Earth. Trees give us the most cheap yet important things for all humans and animals in order to be alive. And yet we take for granted this precious living things." " Continuously cutting down trees can bring catastrophe to all of us, like..." Dagdag ko pa at saka inisa isa ang mga epekto ng pagpuputol ng mga puno. " To sum it up, a lot of awful things can happen if we won't stop cutting down trees without replacing them. Oxygen depletion, increase of carbon dioxide which will lead into arise of temperature, extreme starvation and hunger, loss of animal habitats and etc. However if we, people unite and consider that deforestation is huge loss to us, perhaps we will able to stop these from happening." Pag tatapos ni Mica sa aming sagot. Nag palakpakan naman ang aming mga kaklase, tawa-tawa naman ang mga kaibigan kong ugok sa dulo habang nanunura pa. Sinamaan ko sila ng tingin. ' Maica's POV "Bakit tuwing umaga lng ako clear skin?" Nakaharap ako ngayon sa salamin at kakagising ko lng. Maaga akong gumising dahil may pupuntahan ako ngayon. Naisip kong gumala kila Dylan ngayon since sabado naman at wala din akong gagawin para sa araw nato, mas maganda siguro kung i-drag ko palabas ng bahay nila si Dylan para maarawan siya. " Hi Kuya Joaquin " bati ko kay kuya Joaquin ng maabutan ko siya sa labas ng bahay nila na nag lilinis ng sasakyan. " Si Dylan po? " Masiglang tanong ko. " Naku Jamaica natutulog pa, pumasok ka na lng jan puntahan mo sa kwarto niya " nakangiting sagot nito saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Nang makapasok ako sa kanilang bahay ay sinalubong akon ng mabangong amoy ng ulam, 'tanghalian na pala, hindi ko namalayan' agad akong nakaramdam ng gutom kaya naman imbes na dumiretso sa kwarto ni Dylan ay dumiretso ako sa kusina nila. Kilala naman na ako dito sa bahay nila Dylan, ilang bese narin akong napunta dito. " Hi lola Flor " naabutan ko ang lola ni Dylan na nag luluto ng pumunta ako sa kusina. " Ano pong niluluto nyo?" Usiyoso ko. " Maica, nanjan ka pala. Menudo ito iha, aba'y kumain ka na ba? " Mahinang tanong nito. " Hindi pa nga po eh" kamot batok kong sagot. " Ayy sumabay ka na saming kumain maluluto na rin naman ito. Si Dylan ay natutulog pa, pwede bang pakigising mo at tanghali na ay natutulog pa din" pakisuyo ni lola Flor sa akin, tumango ako saka pumunta sa kwarto ni Dylan. Parehas OFW ang magulang ni Dylan, noong 5 years old siya umalis ang papa niya para magpunta sa dubai at doon mag trabaho sa isang pagawaan ng tela. Noong tumungtong naman siya ng first year highschool sumunod naman ang mama niyang mag abroad sa Kuwait para doon mag trabaho bilang nurse mababa daw kasi ang sahod dito sa Pinas kaya kinailangang mag abroad lalo na't may pinag aaral din silang med student. Si lola Flor sa side ng papa niya ang nag alaga sa kanilang mag kakapatid habang nasa abroad ang kanyang parents. Naalala kong sinabi yan ni Dylan, nung minsang nag open forum kami nung 2nd year kami. Yun din ang pinaka unang beses kong nakitang umiyak si Dylan. Pero close si Dylan sa kanyang parents even though hindi sila mag kakasama, sabi niya always daw silang nag uusap thru video call. Kumatok muna ako bago pumasok." Dylan " mukang tulog pa din siya. Kaya binuksan ko na ang pinto saka pumasok, simple lng ang kwarto ni Dylan, halos kulay krema ang lahat mapa-bed sheet, pintura ng pader, kulay ng cabinet pati kurtina. " Dylan gising na " saka ko siya niyuyugyog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD