CHAPTER 18
KINAUMAGAHAN, nagising si Tasya na masakit ang ulo. Dahan dahan siyang bumangon para hindi magising si Maverick na mahimbing pang natutulog.
Saka lang niya napansing wala siyang ni isang saplot kaya agad niyang tinakpan ng unan ang kanyang katawan.
Napasulyap naman siya sa natutulog na si Maverick. Nakadapa ito at wala ding kahit na anong nakatakip kaya nailapat niya ang mga labi nang makita ang pwet nito.
Dali dali siyang pumasok sa banyo at naligo.
Habang nasa loob ay inaalala niya ang nangyari kagabi. Kahit nakainom siya ay malinaw sa isipan niya ang mga nangyari.
Nang matapos maligo at makapagbihis ay kinuha niya ang mattress na may dugo at sinubukang labhan. Nang hindi niya matanggal ang mantsa ay ibinabad nalang niya iyon at lumabas na ng kwarto.
Upang maibsan ang sakit ng ulo ay nagtimpla siya ng kape at nagluto ng noodles para sa kanilang dalawa.
Maya maya ay nakatanggap siya ng text mula kay Liza. Pinapamadali na silang pumunta sa venue ng photoshoot nila.
Nang makapag-ayos ay agad na siyang umalis at hindi na ginising pa si Maverick. Alam niyang mas marami itong nainom kaya siguradong may hang-over ito paggising.
Nang makarating siya sa kanilang tagpuan na malapit lang din sa kanilang pwesto ng inuman kagabi ay agad niyang nakita at napansin ang tensiyon doon.
Doon lang niya nakita ang photoshoot director nila. Ngayon lang niya ito nakita dahil wala pa ito kahapon. At mukhang galit ito sa kanila. Napansin niyang wala ang ilan sa mga staff at modelo.
“May I remind you that you didn’t come here for relaxation and vacation. Nandito kayo para sa trabaho!” sigaw nito na ang kaharap ay si Liza, ito kasi ang team leader kaya dito nabunton ang galit. “Alam niyo namang may pictorial kinabukasan pero naisip niyo paring maglasing?”
Napayuko lang si Liza. “Sorry, Sir Vince.”
Napalingon naman sa kanya ang direktor kaya kinabahan siya.
“Ano pang ginagawa mo diyan, Natasia? Go get dress!”
Agad naman siyang nagmadaling kumilos at nagtungo sa cubicle nilang mga babaeng modelo. Doon ay nakita niya ang mga kasamahang modelo.
“Ang sakit parin ng ulo ko, girl.” nakangiwing saad ni Lian habang nakahawak sa noo nito.
“Ako rin,” segunda ni Cheska. “Pero kailangan parin nating magphotoshoot, kundi lagot tayo kay Bakla.”
Napatingin naman siya kay Joan. Nanibago siya dahil ang tahimik nito. O baka dahil may hang-over lang din ito.
Ang una nilang suot ay manipis at maikling spaghetti lace dress. Ang kanya ay kulay pula habang kina Cheska, Lian at Joan naman ay puti, pink at blue. Sinadyang see-through ang suot nila upang makita ang iniindorso nilang bikini.
Ang suot niyang bikini two piece na kulay itim, kay Joan at Cheska naman ay one piece na kulay pula at asul, habang ang kay Lian ay two piece na puti.
Nang makalabas sila ay nakita nilang handa narin ang mga lalaking modelo. Lahat ng mga ito ay naka-beach shorts. Alam niyang mamaya ay boxers o brief na lang ang suot ng mga ito dahil iyon nga ang product na kanilang iniindorso.
Pero napansin niyang may kulang.
“Asan si Ryle?” tanong niya kay Lian.
“Tulog parin hanggang ngayon, at ayaw magpabangon. Knock out kagabi.” natatawang sabi nito.
“Sino nang partner ko, Sir Vince?” nag-aalalang aniya.
“Ay ewan ko!” singhal nito na hinilot pa ang sintido kaya napanguso siya. Si Ryle kasi ang partner niya sa shoot na iyon. “Kasalanan niyo to, kung hindi sana kayo uminom kagabi!” bumaling ito sa photographer at sumimangot. “Siguraduhin mo lang Jerry na maayos ang kuha mo. Baka mamaya may hilo ka pa.”
Ngumisi lang ang photographer. “Hindi naman ako nalasing, sir Vince, ano ka ba.”
“Ako nalang ang partner mo, Ann.” napalingon siya kay Oscar.
Agad siyang napailing. “Ano ka ba, Oscar. Si Joan ang partner mo, di ba?”
Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay ding nag-iwas ng tingin sa isa’t isa.
“Pwede bang ako nalang?”
Kunot noo siyang napalingon. Si Maverick, naka-sandong puti ito at kaki shorts. Lumapit ito sa kanya.
“Excuse me, who are you?” masungit na tanong ng direktor.
Ngumiti lang si Maverick at iniyakap ang isang braso sa kanyang beywang bago bumaling sa direktor. “I’m Maverick, Anastacia’s boyfriend.”
Agad niya itong pinanlakihan ng mata. Pero ngumiti lang ito sa kanya at pinisil ang tagiliran niya kaya nakagat niya ang ilalim ng pisngi niya.
Nakita niyang tumaas ang kilay ng direktor. “Then, show me your body. I’ll see if you are fit to be a model just this once.”
Humiwalay muna saglit si Maverick sa kanya at walang ano-ano ay naghubad ng sando sa harapan ng lahat.
Halos lahat sa kanila ay namilog ang mga labi pagkakita sa katawan ni Maverick.
“I told you, he’s so hot!” tumitiling bulong ni Cheska.
“Ann is so lucky.” ani Lian.
Kahit ang director ay natulala saglit sa ganda ng view kaya natawa siyang nilingon si Maverick. Napatingin ito sa kanya at kinidatan siya kaya nakagat niya ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi.
“Okay, fine. Ikaw muna ang pumalit kay Ryle.” ani Director Vince. “Loise, ibigay mo sa kanya ang isusuot niya.” utos nito na agad naman sinunod nito.
Tinulak niya ang lalaki papasok sa cubicle ng mga lalaki para makapagbihis ito.
Inutusan na silang mga babae na pumunta malapit sa tubig para sa solo pictorial. Isa isa silang kinunan ng litrato ng photographer habang ang kanilang direktor ay nagbibigay instructions sa kanilang pose.
“That’s good, Joan. Bent your body! That’s enough. Natasia, you’re next.” Natasia ang tawag sa kanya nito dahil hindi nito gusto ang pangalan niya.
Agad siyang pumwesto sa buhanginan at gumawa ng sariling pose.
“Relax your arms! Don’t over-cross your legs!”
Ngayon lang siya napagalitan ng husto ng direktor dahil hindi siya makapag-concentrate sa kanyang pose. Siguro dahil iyon sa presensya ni Maverick na nasa di kalayuan at nakatingin sa kanya. Naka-trunks lang ito at walang suot na pang-itaas.
Huminga siya ng malalim bago umiwas ng tingin sa lalaki. Nagfocus siya sa kanyang pose at ginawa ang sinasabi ng direktor. Hanggang sa bikini nalang ang kanyang suot ay mas lalo siyang hindi tumingin kay Maverick. Ayaw niyang makita kung anong reaksyon nito sa itsura niya.
Mabuti na lang at nagawa niya iyon at hindi na sinisinghalan ng direktor.
“Okay, that’s good. Next, Lian!”
Nakahinga siya ng maluwag nang matapos.
Nang matapos ang mga babae ay sumunod ang mga lalaki.
Humanga siya nang si Maverick na ang sumalang. Hindi niya makitaang kinakabahan ito. Para ngang matagal na itong modelo.
Mas lalo itong gumugwapo kapag sinusuklay nito ang buhok papunta sa likod.
“Okay, that’s it for solos. Partners naman.” sabi ng direktor.
Unang sumabak sina Joan at Oscar. Napansin niyang hindi tumitingin si Joan sa kapareha. Pero hindi niyon nasira ang chemistry ng dalawa sa bawat litratong nakukuha ng photographer. Kumpara kasi sa kanya, mas matagal nang modelo sina Joan at Oscar. Kaya naman sila ang may pinakamagagandang kuha.
Sumunod sina Cheska at Warren. Sinundan nina Lian at Don.
Huli naman sina Tasya at Maverick.
Sa una ay kinakabahan siya at may kaunting ilang sa paghawak at yakap sa kanya ng lalaki. Pero naisip niyang may nangyari na lahat lahat sa kanila kaya hindi na dapat siyang mailang.
Ilang sandali lang ay magaan na ang kanyang pakiramdam habang kasama si Maverick sa pictorial. May scene na nakaupo sila sa buhangin at nakasandal si Maverick sa malaking bato habang siya naman ay nakakandong kay Maverick. Dahil doon ay naghuhurumintado ang puso niya nang hindi sinasadyang masagi niya ang ano nito kaya naramdaman niyang humigpit ang yakap nito sa kanya.
Maya maya ay naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga.
“Are you teasing me, Baby?” bulong nito.
“H-hindi ah.” bulong ko rin na hindi pinahalata ang kaba dahil baka mapansin iyon ng direktor.
“Mamaya ka sakin...”
Kinagat niya ang labi at masamang tumingin dito. Pero nakangisi lang ito at pinasadahan ang katawan niya.
“Okay, that’s a wrap!” sigaw ng direktor. “I-enjoy niyo na ang stay niyo rito dahil bukas ay uuwi na tayo.”
“Yahoo!!” tuwang sigawan ng mga kasamahan nila nang makaalis ang direktor.
Agad siyang pumasok sa cubicle at nagpalit ng damit.
Nang makalabas ay nagulat siyang nakaabang doon si Maverick. Nakangiti itong naglahad ng kamay.
Nahihiya man ay nakangiti niya iyong tinanggap. Pinagsalikop pa nito ang kanilang mga daliri kaya mas lalo siyang kinilig.
“Are you hungry?” tanong nito.
Tumango siya. Hinila na siya nito papunta sa gawi ng mga restaurant doon.