SPECIAL CHAPTER: SISTERS' LOVE

1111 Words

"Sabel, mukhang hindi pa tayo makakaalis sa isla. Mataas ang alon sa dagat kung kaya't ipagpapabukas pa ang paghahatid ng tulong ng Gobernadorcillo," bungad ni Antonio habang papalapit sa dalagita. Nakaupo ito sa kawayang papag na pahingahan sa labas ng bahay. Naupo ang binatilyo sa tabi niya. "Ayos lang. Hindi ko alam pero hindi ako nangangamba sa patayang nagaganap. Siguro'y dahil wala naman akong ginagawang masama sa kapwa ko." Ngumiti si Sabel sa kababata. "Pero ako, naiinip nang makarating sa Ibayo. Iyong ipinangako kasi ni Lolo Tano na sasabihin niya ang lahat tungkol sa akin, nakasasabik na akong malaman ang lahat." Sinipa-sipa nito ang maliliit na mga bato na nasa paanan nito. "Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam ukol sa [agkatao ko. Basta ang naaalala ko lang noong bata pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD