CHAPTER 16 THE PREPARATION

1104 Words

"B-Bal, maaari ko bang sabihan ang pamilya ko na i-ikakasal na ako?" nauutal na tanong ni Sonia. "Huwag kang mag-alala. Dalawang kasalan ang magaganap sa atin. Isang kasal na gaganapin dito sa aking tahanan, at isa sa isla. Kung maaari sana, tayo lang muna ang nasa kasalang gaganapin bukas, at matapos ang seremonyas, pauuwiin kita upang maihanda ang iyong pamilya sa ating kasalan doon." Ginagap ni Bal ang mga kamay ni Sonia. "Pero ako ang magdadala ng magkakasal sa atin doon ha, at sa dalampasigan gaganapin ang kasalan." "B-Bukas na agad ang ating unang kasal?" manghang tanong ni Sonia. "T-tila napakabilis naman." "Sinabi ko na, Sonia. Ikaw ang nakatakdang magdala ng aking binhi. Ikaw ang itinadhana sa akin." May kakaibang kislap ang sumilip sa mga mata ni Bal habang nakatitig sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD