CHAPTER 10 THE DEVIL

1126 Words

"Bal..." Lalong namula na parang makopa ang magkabilang pisngi ni Sonia. Nahihiya ito sa tinuran ng binata subalit may kudlit ng saya sa puso niya. An matatamis nitong pananalita ay naghahatid sa kanya ng kakaibang saya. Tila napakahalaga niiya bilang isang babae. "Tapat ako sa tinuran ko, Sonia." Hinawakan nito ang dalawang kamay ng dalaga. "Subalit may kasintahan na ako, hindi na maaari..." Tinangka ni Sonia na bawiin ang kamay sa binata subalit hindi nito binitiwan ang kamay ng dalaga. Humigpit nang bahagya ang pagkakahawak nito. "Hindi mo pa pala alam? Nakatakda nang ikasal ang kasintahan mo." "A-ano ika mo? P-pakiulit ang iyong tinuran." Napaatras ang dalaga dahil sa pagkalito. "Ang kasintahan mo ay ikakasal na sa babaeng nagngangalang Mameng," ulit ni Bal. "Hinid... paanong..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD